Sunshine's P. O. V. Gabi na at katatapos ko lang kumain. Naisipan kong manuod ng palabas para magpaantok nang biglang pumasok sa isipan ko si Cyrus. Hindi na siya natanggal pa sa isipan ko simula nang may mangyari sa aming dalawa. Kasabay no'n ang tila ba.. pagtanggal ng pangyayaring iyon sa sakit na nararamdaman ko kay Gray. Hindi pa ako sigurado pero isa lang ang masasabi ko. Parang nagkaroon ako ng umuusbong na damdamin para kay Cyrus. Pero hindi naman ako umaasa na magkakagusto siya sa akin. Lalo na't naging kami ng pinsan niya. Parang magiging masagwa ito. Ngunit may parte sa akin na gustong umasa na sana ay magawa niya akong magustuhan. Kahit na naging kami ng pinsan niyang si Gray. Kaya lang, naiisip ko na baka masaktan na naman ako. Lalo pa't maloko rin siya. Mas maloko siya kay

