"Gray... mahal ko... gumising ka na please..." lumuluhang sambit ni Camilla. Comatose sa ospital si Gray habang si Jam naman ay patay. Halos madurog ang sasakyan ni Jam dahil masyadong malaki ang sasakyan na bumangga sa kaniya. Mabuti na lang at sa poste bumangga ang sasakyan na minamaneho ni Gray kaya nakaligtas pa ito ngunit comatose naman. At hindi pa alam kung kailan ito magigising. "Camilla...." "Alisha..." "Kumain ka na ba? May dala kaming pagkain para sa iyo..." sambit ni Sunshine sabay lapag ng pagkain nilang dala sa mesa malapit sa tabi ni Camilla. Pinahid ni Camilla ang luha sa kaniyang mga mata at bumaling sa dalawang babaeng nasa harapan niya ngayon. Nag- iinit na ang loob ng mata ni Camilla dahil sa walang tigil na pag - iyak. "Camilla... pilitin mong kumain. Pilitin mon

