Nabuhayan si Camilla nang makitang gumagalaw ang daliri sa kamay ni Gray. Ngunit hindi pa rin ito gising. Ang sabi ni Avannah, marahil gising na ang diwa ni Gray pero ang katawan nito ay ayaw pa ring gumising. Kaya naman patuloy pa rin sa pagkukuwento si Camilla sa kaniyang asawa sa nagaganap sa bawat araw niya. At hindi niya nga namalayan na ilang buwan na pa lang nasa ospital si Gray. "Grabe... ang bilis ng panahon 'no? Bilis ng buwan na lumilipas. Hindi natin napansin na malapit na pala tayong manganak. Mauuna ka sa akin ng ilang linggo, 'di ba?" sabi ni Sunshine habang hinahaplos ang malaki niyang tiyan. Tumango naman si Camilla. "Oo mauuna ako sa iyo. Sa tingin ko nga manganganak na lang ako lahat- lahat, hindi pa rin nagigising si Gray. Pero wala naman akong magagawa. Iniisip ko na

