Dumating ang araw ng panganganak ni Camilla. Hindi naman siya masyadong nahirapan manganak dahil palagi naman siyang naglalakad- lakad. At sinusunod niya lahat ang payo sa kaniya ni Avannah para hindi siya mahirapan sa panganganak. Dalawang malusog na sanggol ang kaniyang iniluwal. Hindi niya napigilang maiyak nang makita at mayakap ito sa unang beses. Sa wakas, nakaraos na rin siya. Hindi maipaliwanag na saya ang kaniyang nararamdaman. Ang pinaghirapan niyang dalhin sa loob ng siyam ba buwan ay nasisilayan na niya... "Mahal... napakaguwapo ng mga anak natin..." bulong niya sa kaniyang sarili habang pinagmamasadan ang kaniyang kambal. Maingat na kinuha ng mga nurse kay Camilla ang kambal upang madamitan na ito. Pagkatapos, sabik na sabik na nilapitan ng mag- asawang Raider at Avannah a

