"Sira ulo ka talaga kahit kailan! Hindi ka talaga nag- iisip ng tama! Gising ka na pala no'n at nagkukulang tulog, ha! Eh 'di nagmukha lang pala akong engot habang nagkukuwento sa iyo!" gigil na sambit ni Camilla sabay hampas sa braso ni Gray. Humagalpak naman ng tawa ang maloko niyang asawa. "Sorry na.. gusto ko lang kasing pakinggan ang mga ikinukuwento mo sa akin eh. Kaya ayon... naisipan kong magpanggap na tulog. At ang masasabi ko lang, ang sarap pakinggan ng mga kuwento mo. Dahil talagang detalyado at pakiramdam ko nga.. kasama talaga ako sa mga araw na iyon. Sa bawat kuwento mo..." Tila lumambot naman ang puso ni Camilla dahil sa sinabing iyon ni Gray. Kaya naman inirapan niya ito kasabay ng paghaba ng kaniyang nguso. Na- miss niya rin talaga ang kaniyang asawa at hindi niya lang

