Camilla's P. O. V. Tatlong araw na ang lumilipas simula nang hindi kami magkita ni ninong Gray dahil gusto kong ma- miss niya ako ng sobra. Gusto kong mabaliw siya sa akin kaiisip. Ang balak ko sana ay huwag ko ng ipagpatuloy pa ang nararamdaman ko para kay ninong. Kasi alam ko naman na wala na itong patutunguhan pa. Kaya lang naisip ko na sayang naman dahil ngayon lang naman ako sumubok na magmahal. At isa pa, ramdam ko naman ang galit niya habang kausap niya ang babaeng 'yon sa cellphone. Ibig sabihin, iyong babae lang naman ang naghahabol. Hindi na niya ito mahal kaya naisip ko na, wala pala akong dapat na ikapangamba. "Camilla... Camilla..." Kumunot ang noo ko nang marinig kong may tumatawag sa akin mula sa labas ng bakeshop. Nandito kasi ako sa pantry naghihiwa ng cakes na lumamig

