Gray's P. O. V. Pangalawang araw ko ng walang ganang kumilos at nagsimula ito noong sumakay kami sa rides. Hinang- hina talaga ako pero ngayon ay pipilitin ko ng bumangon dahil gusto ko ng makita si Camilla. Tinatawagan ko na nga lang siya thru video call dahil miss na miss ko na siya. "Ano? Okay ka na ba? Rides pa! Iyan kasi hindi mo kaagad inamin kay Camilla na takot sa mga ganiyan. Ayan tuloy, nakahiga ka lang diyan at nanghihina. Paano 'yan? Eh 'di hindi mo na naman siya makikita ngayon? Kawawa ka tuloy. Nakahiga ka lang tuloy dito," natatawang sabi sa akin ni Cyrus. "Eh loko ka pala! Gusto ko lang naman kasing magpasikat kay Camilla kaya pumayag ako na sumakay doon kahit na ayoko talaga at takot na takot ako noong araw iyon. Ang mahalaga ay napasaya ko siya. Iyon naman talaga ang

