Camilla's P. O. V. Parang naging mabigat bigla ang dibdib ko. Parang may kung anong tinik na bigla na lang lumitaw sa dibdib ko. Anong ibig sabihin nito? Akala ko ba hindi pa siya nagmamahal? Akala ko ba, hindi niya nararanasang umibig pero bakit may ex siya? Anong ibig sabihin nito? Niloloko ba ako ni ninong? Sinasabi niya lang na wala pa siyang minamahal para makuha niya ako at maisip na ako ang magiging unang pag- ibig niya? Tumingala ako upang hindi ako maiyak ng tuluyan at pagkatapos ay mabilis akong naglakad pabalik sa puwesto ko kanina. Naiinis ako kay ninong Gray. Sinungaling talaga. Akala ko pa naman nagsasabi ng totoo pero hindi pala. Muntik na akong mauto. Hindi na talaga ako maniniwala sa sasabihin niya. Sasakyan ko na lang kung ano ang mga sasabihin niya pero hindi ako manin

