02

1088 Words
Chapter 02 3rd Person's POV Tumawa ang babae na nasa likuran ni Fider. Nakaitim itong nighties at wala itong suot na kahit anong panloob kaya nararamdaman ni Fider ang dibdib ng babae. "How cute. Look Fider namumula ka," ani ni Lucky matapos lumapit kay Fider at nilapit ang bibig sa pisngi ni Fider. "Aga ng pangha-harass niyo. Hindi ba kayo nilalamig na dalawa sa suot niyo?" Napatigil si Fider at napatingin sa veranda. Nandoon si Paris Rivas Ortega isa sa ina nina Lucky at Destiny. Naka-night dress din ito— nakahawak sa railing at umiinom ng kape. "Masyado kang istorbo mom," ani ni Lucky at lumayo. Ngumisi ang ginang matapos siya samaan ng tingin ng dalawang anak na babae. "Kung ha-harass-in niyo si Fider huwag sa makikita kayo. Kitang-kita kayo diyan sa garden at 100% sure ako magagalit ang daddy niyo," ani ni Paris na nakangisi. Imbis pagalitan ay binigyan pa ni Paris ng idea ang dalawang anak na babae. "Then mom pwede namin hiramin si Fider?" tanong ni Lucky sinabing sa kwarto nila iyon itutuloy. Namutla si Fider. "No," mabilis na sagot ni Paris. Ngumisi si Paris at sinabing siguradong hahanapin ni Jasper at Jackson si Fider. "Pumasok kayo ngayon sa room niyo at magbihis. Ang sakit niyong dalawa sa mata," ani ni Paris at uminom sa hawak na mug. Nagpapadyak ang dalawa na pumasok sa mansion matapos sumigaw ng i hate you mom. Tiningnan ni Paris si Fider na parang binabad sa tomato sauce at hindi makatingin sa ginang. "Ayos lang iyan Fider. Lalaki ka at mga babae iyon. Nasa legal age na kayo. No pressure okay? Kapag may ayaw kang gawin at nagpupumilit ang dalawa na iyon isumbong mo kay Jackson. Ayusin mo ang sarili mo at mag-prepare ka an ng breakfast," ani ni Paris at natatawang pumasok sa kwarto matapos mahagip ng mata niya ang malaking tent sa pagitan ng mga hita ni Fider. Napaupo si Fider sa lupa at tinakpan ang mukha. Sunod-sunod ito bumulong ng nakakahiya. Hindi naman iyon ang unang pagkakataon na may nakakahuli sa pangha-harassed ng dalawa na feeling niya sinasadya naman nina Lucky. Kahit kasi nandiyan ang mga kapatid na babae nito at ang mga ina ng mga ito ay patuloy ang mga ito. Nahihiya pa din siya at hindi pa din siya masanay sa dalawa. Matapos ni Fider magdilig ng halaman, magluto ng breakfast nila ay naligo na din siya at nagbihis ng uniform niya. 4th year na siya highschool student. Scholar siya ng university, matalino din naman kasi siya at talagang nagsisikap dahil wala na siyang maasahan sa buhay kung hindi ang sarili niya. Ayaw niya din sayangin ang maraming chance na binibigay sa kaniya ng mga Ortega at kailangan niya iyon ibalik sa mga ito. Matapos niya magbihis ng uniform at isuot ang salamin niya ay kinuha niya na ang mga gamit niya at bumaba. Nakita niya si Jasper. Nasa living room na ito nakapatong sa sofa at nanonood ng t.v. Katabi nito si ang kakambal na nakabihis na din. "Fider," natutuwa na sambit ni Jasper at tumayo. Gwapo si Jasper kahit kamukha ito ng ama na si Jackson, maputi kasi ito tapos matangos ang ilong. Medyo kahawig din ito ng ina na si Dahlia. Sikat ito sa mga girls sa university niya kahit may pagka-clumsy ito ay matalino ito at sobrang bait. Lagi itong nangunguna sa klase at siyempre pati na din sa buong university. Hindi niya lang talaga maiwasan ikumpara ang sarili sa lalaki dahil lagi niya itong kasama at madalas naikukumpara siya. Moreno kasi siya, may pagka-nerd at trying hard masyado. Hindi siya katulad ni Jasper pero kahit ganoon hindi siya galit kay Jasper. Unang-una walang dahilan at wala siyang karapatan, pangalawa napakabuti nitong tao at pangatlo— lagi itong kampi sa kaniya. Kapatid ang turing nito sa kaniya. "Nag-breakfast ka na?" tanong bi Fider at tumungo sa kusina. Sinundan siya ni Jasper at sinabing toasted bread lang ang kinain niya. "Wait timplahan kita ng gatas," ani ni Fider. Kinuha niya na ang lalagyan at baso. Tinawag niya ang kakambal ni Jasper si Desiree na nasa sofa at tinanong kung anong gusto nitong inumin. "Don't mind me Fider. Nagtimpla na ako kanina ng milo at nag-breakfast na," sagot ni Desiree na hindi inalis ang tingin sa T.V. Kumuha na lang si Fider ng dalawang baso para iyon sa kaniya at kay Jasper na pinapapak ang bacon. "Nahihirapan ka pa din ba Fider sa physic subject natin? Need mo ulit ng tulong?" tanong ni Jasper at parang batang inaabot ang chicken na nasa kabilang side ng table. "Hehe, ayos na Jasper salamat," ani ni Fider at nilapag na ang tinimpla niyang gatas sa lamesa at inilapit ang plato kay Jasper. Umupo na din ang lalaki sa upuan hawak ang tinimpla niyang kape para sa kaniya. "Salamat pala ah. Okay na iyong sa exam ko," ani ni Fider. Ngumiti si Jasper at sinabing mabuti naman. "Kapag may hindi ka ulit maintindihan huwag ka mahiya na lumapit sa akin," ani ni Jasper. Ngumiti si Fider at tumango. Bespare niya talaga si Jasper sa lahat. "Oo nga pala may P.E tayo mamaya basketball. Gusto mo i-excuse kita sa professor natin? Baka umuwi ka na naman may sugat pagalitan ka ulit nina ma'am Paris," ani ni Fider. Napangiwi si Jasper at sinabing hindi niya na pwede takasan ang P. E nila. "Kota na ako sa teacher natin na iyon at walang grade," ani ni Jasper. Katulad ng sinabi ni Fider may pagka-clumsy si Jasper at literal na clumsy. Hindi ito pwede sa mga sports dahil nga madalas ito nadadapa, natatalisod at talagang mahina ang katawan nito sa pisikalan. "Hayaan mo lagi akong nasa likod mo. Sana nga magka-team tayong dalawa at sabay tayong ipasok sa gymn," sagot ni Fider. Kumakain ang dalawa habang nagkukwentuhan nang bumaba na si Lucky at Destiny. Napaubo si Fider matapos kumindat si Lucky sa kaniya at dilaan ni Destiny ang paligid ng labi habang naglalakad padaan sa pintuan ng kusina. "Anong nangyari sa iyo Fider?" tanong ni Jasper. Lumingon— nasa living room ang mga kapatid niya. "Nasamid lang ako," ani ni Fider matapos inumin ang kape niya na pinagsasalamat na lang ni Fider na medyo malamig na. "Mga bata kumain na kayo. Mala-late na kayo." Narinig ni Fider ang boses ni Jackson. Pumasok ito sa kusina. Bumati si Fider ng goodmorning kasunod si Jasper. Ngumiti si Jackson at ginulo ang buhok ng dalawang lalaki. "Mag-prepare na kayo. Baka ma-late na kayo," ani ni Jackson at dumiretso sa ref at kumuha ng maiinom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD