"So, one on one discussion muna tayo today." Panimula ni Gunner. Kaming dalawa lang dito sa Section X study area. Nakaupo ako sa couch na kaharap siya. Tapos ay may ilang books na nasa table namin. "Ano namang idi-discuss mo sa'kin?" tanong ko. "Well, tungkol ito sa history ng Unholy spirits. Para may idea ka tungkol sa mga kalaban natin at kung gaano na namin sila katagal na pinupuksa." Bumuntonghininga siya, "Si Jerome dapat ang gumagawa nito dahil siya ang tandem mo. Pero sa huli, sa'kin pa rin ang bagsak. Hay nako." Natawa ako nang kaunti, "Okay lang 'yan, Gunner. Isa pa..." Umiwas ako ng tingin, "Tingin ko, hindi siya capable para mag-discuss. You know? 'Yong personality niya." Tapos tumawa ako nang pilit. Napakamot siya sa batok, "Sa bagay, may point ka. Parang ikamamatay ni J

