"Pero, Mr. Smith!" angal ni Jerome. "My decision was final. Aikaterina will be your tandem from now on," sambit ni Mr. Smith. Hindi na nakaangal pa si Jerome at tuluyan nang umalis si Mr. Smith. Narinig ko ang pagsinghal ni Jerome sa inis sabay lakad papaalis pero pinigilan siya ni Xavier. "Jerome, sandali. Saan ka pupunta?" tanong nito. "Sa misyon. Nang mag-isa," sagot naman ni Jerome at pinagdiinan talaga niya 'yong 'mag-isa.' "Alam mo ang rules, Jerome," seryosong sambit naman ni Gunner. Natigilan naman siya nang marinig niya ang sinabi ni Gunner. "Gusto mo ba ng two weeks suspension at samsamin ang divine artillery mo?" sambit pa ni Gunner. Napakunot ang noo ko nang marinig ko 'yong divine artillery. Pero nawala 'yon agad sa isip ko nang nilingon kami ni Jerome nang may seryos

