Naramdaman ko ang pagtama ng sinag ng araw sa mukha ko kaya't dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Pagkatapos ay inilibot ko ang paningin ko sa silid kung nasaan ako ngayon. Mukhang hindi nga panaginip ang lahat. Nandito pa rin ako. Nasa Section X dormitory ako at ito ay nasa bandang likuran ng greenhouse dome. Ang dorm room ko rito ay nasa second floor. At nag-iisang kuwarto rito sa kanan. Sa kaliwang side kasi nito ay room nina Gunner at Klein. Tapos sa first floor ay kina Jerome, Xavier, at Ryker. May malaki at malambot akong kama rito. Mas magara pa ang kama ko rito kaysa sa kama ko noon sa bahay namin. Gawa ito sa isang matibay na kahoy na pininturahan ng puti. Mas malaki rin ang kuwarto ko rito. Siguro mga dalawang beses ang laki nito mula sa kuwarto ko noon. Panay puti at

