BRYLE'S POV
So, nandito kami ngayon sa SM BAGUIO para mamasyal. Manda ang view dahil nandito kami ngayon sa open area ng SM. Malamig na sya dahil pagabi na pero dahil kaya ko namang tiisin ang lamig ay okay. Kitang-kita nag syudad ng Baguio; ang Burnham Park, oval at ang Cordillera University. Nandito kaming lahat na mga binata at dalaga dahil sila papa and mama ay busy sa kakatingin ng mga bilihin sa loob ng SM. Wala naman kaming mga trip sa mga pinaggagagawa nila kaya dito nalang kami nakatambay habng kumakain ng pizza na aming binili.
Syempre dahil sa mga millenial feels ang mga kasama ko lalo na ang mga babae at mga binabae ay puro pictorial ang kanilang inatupag. Syempre, mga boyfriend nila mga photographer nila! SANA ALL!
Si Timmy? Heto katabi kong nakaupo sa tabi habang pinapapak ang pizza at milktea na binili namin kanina. Di naman kami nag uusap kaya boring! Boring syang kasama! Pati rin pala ako. Hahaha!
Pero try nating kausapin...
"pssst!" Sitsit ko sa kanya. Hay naku! Ano namang moves yun Bryle? Galawang tanga?!
"Uumm" ayun sinagot naman ako pero ganun naman. What kind of conversation is this?! Hay!
"Bakit ayaw mong magpicture?" Tanong ko sa kanya. Ayun! Umayos din sa wakas.
"Wala naman akong pangpicture" sagot nya sa akin. Busing-busy sya sa kanyang milktea. Mukhang nasasaraapn sya.
"Umm diba may phone ka naman? Bakit di mo gamitin? Gusto mo ako magpicture sayo?" Tanong ko sa kanya?. Really? Nagpresinta ako? Bryle? Ikaw ba yan?!
"Um! Di naman maganda quality ng camera ng cellphone ko, china phone lang to kaya di pwedeng magamit" sagot nya sa akin. Grabe naman tong Timmy na to! Nagsusweldo naman si nanay Bebet ng husto pero wala man lang magandang gadget?!
"Bakit di ka bumili ng mas maganda ryan?" Tanong kong muli sa kanya.
"No need. Di pa naman sira itong phone ko kaya okay lang. Saka di ako masyadong maluho sa sarili ko. Naaawa rin kasi ako kay nanay" sagot nya sa akin.
"Gusto mo bigyan kita ng phone?" Tanong kong muli sa kanya. Wala eh, naaawa ako sa kanya. Masyado nyang kinakawawa ang sarili nya.
"Wag na! Nakakahiya. Saka di ko naman kailangan" sagot nya sa akin.
"Eh, may 3 cellphones pa kasi ako sa bahay. Di ko rin naman ginagamit yung iba kaya ibigay ko nalang sayo para naman di masayang na nakatambak lang dun" sabi ko sa kanya. Bakit ba ang kulit ko? Basta! Gusto ko syang tulungan.and it's just a small thing for me.
"Umm, wag nalang kaya. Nakakahiya. Pag-aaralin nyo na nga ako. Saka papatirahin nyo pa ako sa bahay nyo sa Manila. Okay na yun" sagot nito sa akin.
"Basta, ibibigay ko na sayo yung isa kong phone. Walang tatanggi! Ayoko ng maarte!" Madiin kong sabi sa kanya.
"Pero-" di ko na sya pinatapos pang magsalita dahil tumayo ako at hinatak sya para makatayo. Pero amin nalang ikinagulat ng andami na palang nakatutok sa aming mga cellphone at kinukuhanan kami ng litrato!
"What are you doing guys?!" Tanong ko sa kanila.
"Taking some pictures of you and Timmy! Cute nyo kaya! Para nga kayong magboyfriend sa pwesto nyo eh!" Sagot namab sa akin ni Kyle.
"Whatever! Itigil nyo na yan!" Saway ko sa kanila. Tuluyan ko nang hinila si Timmy para ipwesto sya sa magabdang view.
"Magposing ka" utos ko kay Timmy.
"Paano?" Tanong nito sa akin.
"Kahit ano! Basta magposing ka!" Sagot ko sa kanya. Kaya nagposing nga sya! Di ko mapigilang mapangisi dahil ang cute nyang magposing. Nakangiti sya ng sagad at nakapeace sign ang dalawa nyang kamay! Hay! Timmy?! Anong meron sayo?! At napapangiti mo ko ng ganito. Nag iba-iba sya ng pose at lahat ng iyon ay pacute lang. Kaya todo capture ako ng kanyang mga pictures. Pero lumapit sya sa akin, kinuha ang phone ko at ipwinesto ako sa pwesto nya kanina.
"Ikaw naman! Posing ka dali!" Masayang utos nito sa akin kaya. Nagposing nalang ako ng kung anong kaya ko.
"Enough!" Sabi ko sa kanya. Kaya lumapit sya sa akin.
"Let's take a selfie!" Nakangiting wika nya sa akin. Di pa ako nakakasagot ay inakbayan na nya ako at nagselfie na sya kasama ko. Di ko tuloy mapigilang pagmasdan sya. Nakakaattrack ang kanyang mga ngiti. Di ko alam pero ganun talaga!
"Oy! Tumingin ka naman sa camera!" Aya sa akin ni Timmy kaya kaya sinunod ko nalang sya.
"Ayan! Pogi mo dito oh!" Sabi ni Timmy na aking nagustuhan. Maraming nagsasabing pogi ako pero di ko inaasahan ang pagtibok puso ko na mabilis at pagngiti ko ng kakaiba dahil lang sa sinabi ni Timmy.
"Kuya! Matunaw naman si Timmy sa tingin mo!" Sigaw sa akin ni Kyle kaya napabalingkwas ako.
"Whatever! Tumigil ka nga dyan!" Inis kong sigaw sa kanya.
---
"Ma, pa, kayo nalang magvan. Maganda kasing magwalking dito sa may daanan dito. Apra syang new york city" sabi ni kuya Luiz sa parents namin.
"Ganun ba? Eh, di sige. Uuwi na kami ng mami nyo. Magtaxi nalang kayo pauwi" sagot naman ni papa.
"Sige po" sagot naman ni kuya.
"Timmy, okay na ba yang 2k na panggastos mo for tonight?" Tanong ni mama kay Timmy.
"Naku! Opo ma'am este tita. Sobra-sobra pa nga to eh. Saka binilhan nyo pa po ako ng mga damit kanina kaya sobra-sobra na po yun" sagot naman ni Timmy.
"Okay lang yun Timmy. Para naman sa pagpasok mo sa College yan eh. Oh sige na! Enjoy your night! Uwi din after nyong magnight market!" Sabi ni mama kaya nagpaalam na kaming sampo. Assual, may instant partner ako at si Timmy yun. Dahil kanya kanya naman kasi ang mga kapatid ko sa mga kanilang mga syotang partner! Grabe sila! Ang unfair! Kailangan talaga nila magdala ng partner?!
At yun na nga nagsimula na kaming maglakad. Masaya dito, ang enjoy dahil ang daming mga taong abala sa paglalakad. Iba't-ibang uri ng mga tao. May mga foreigners, estudyante, mga trabahador, torista at mga oangkaraniwang mga tao. Ang saya! Syudad na syudad sya kasi andaming mga malalaking monitor sa mga buildings. Daming tindahan at marami pang iba! Ang cool!
"Timmy, wag mo naman akong iwan" malambing na wika ko sa kanya. Seriously? Malambing talaga?! How come?
"Bakit naman?" Tanong nito sa akin at sinabayan ako sa paglalakad.
"Di mo ba napapansing tayon lang ang walang partner? Kaya wala tayong magagawa kundi tayong dalawa ang magsama" sagot ko sa kanya.
"Eh, wala namang problema sa akin. Sige na, partner na tayo" nakangiting wika sa akin ni Timmy. Nanlaki ang mga mata ko nang ikinawit nya ang kanyang braso aking braso.
"Kailangan talagang humawak?" Tanong ko sa kanya.
"Eh, ayaw mo ba? Okay. Pero humabol ka sa paglalakad ko ha" sagot nito sa akin. Nag-umpisa na naman syang maglakad kaya hinabol ko sya dahil tama sya, mabilis nga syang maglakad.
Kinuha ko ang braso nya at ikinawit ko ito sa aking braso. Bakit ko ba ito ginagawa? Kaya ko namang maglakad mag-isa pero pinapaawa ko ang sarili ko? At kailangan ko pang ikawit ang braso ni Timmy sa akin para lang makasama ko sya?! s**t!?! I need Doctor! Yung puso ko kasi palagian nang inaatake! Ang paghinga ko rin ay sumisikip na rin! Halla! Grabe talaga! But i like what we're doing with Timmy. Gusto ng utak at puso ko. Ang mga katawan ko rin ang nagkukusa sa mga kakaibang galawan ko!
"Wow! Ganda nun oh!" Manghang wika ni Timmy nang makakita ng nakakapagpamangha sa kanya.
"Halika Bryle! Panoorin natin to!" Masayang aya sa akin ni Timmy nang makita nya ang nagpeperform na matanda ng isang instrument. Bulag siguro si tatay.
"Wow! Ang galing nya!" Wikang muli ni Timmy. Di ko mapigilang pagmasdan sya. Yung genuine smile nya! s**t! It makes my heart beats fast!
"Wait! May barya ata ako dito!" Dumukot sya sa kanyang bulsa at nilagyan ang latang nasa harap ng matanda.
"Oy! Bigyan mo naman si tatay!" Sabi sa akin ni Timmy kaya kinuha ko ang wallet ko at binigyan ko si tatay ng perang papel.
"Wow naman! Laki ng binigay mo ha! Tara na!" Sabi ni Timmy at nagpatuloy kami sa paglalakad. Iniwan na kami ng mga kasama namin. Pero wala lang sa akin iyon dahil nag-eenjoy akong kasama si Timmy. Napakainosente nya. Napakabait at masayahing tao sa kabila ng kanyang katahimikan habang hawak-hawak ang kanyang mga libro.
"Sarap naman nun!" Sabi ni Timmy ng makakita ng ice cream.
"You want that?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi na. Malamig kasi saka nakareserve tong tiyan ko sa night market mamaya. Sabi kasi ng bestfriend ko kanina, marami daw makakakain sa night market" paliwanag sa akin ni Timmy.
"Seriously? Pupunta tayo dun? Diba maraming tao dun?" Iritang tanong ko sa kanya.
"Ayaw mo ba? Sayang naman?" Malungkot na sabi sa akin ni Timmy kaya nakunsensya ako dahil hindi ko nakita ang kanyang ngiti. Di ko alam pero bakit ayokong sumisimangot sya.
"No, sige. Pupunta tayo. Sasamahan kita kahit saan mo gusto" sabi ko sa kanya.
"Really! Yehey! Thank you Timmy!" Masayang wika ni Timmy na parang batang nabigyan ng candy. Ang cute nya! Wait?! Anong sinabi ko? Ang cute nya?! Pero totoo, he's very cute especially when he is smiling.
Mahaba-haba na rin ang nalalakad namin. Dahil sa nag-eenjoy kaming dalawa ay di namin namamalayan na naabutan na namin ang walo naming kasama at naungusan pa namin. Wala na akong pakialam sa kanila dahil nag-eenjoy akong naglalakad kasama si Timmy. Yung pagod ko sana dahil sa sobrang layo ng nilalakad namin ay wala! Di ko maramdaman! Ang saya nya kasama!
Sa napakalayo naming nilakad ay isang pagkadismaya ang aming naramdaman ni Timmy dahil ang sinasabi nilang Night market ay wala pa. Nagsisidatingan palang ang mga nagtitinda at ang iba naman ay nag aasemble palang.
"Ay! Sobrang aga ata natin!" Malungkot na wika ni Timmy.
"Miss, pwede magtanong?" Naglakas ako ng loob para magtanong para lang mapagaan ko ang nararamdaman ni Timmy! Ano?! Gagawin ko talaga yun?!
"Yes po" sabi ng babae.
"Anong oras mag uumpisa ang night market?" Tanong ko sa babae.
"Ah, mga 9:30 or 10" sagot ng babae.
"San ba pwedeng pumunta muna para naman mag enjoy kami ng kasama ko?" Tanong kong muli sa babae.
"Punta kayo ng burnham park. May mga marerentahang mga bike dun at mga mabibiling kung anu-ano" sagot ng babae.
"Thank you miss" sabi ko nalang at umalis na ang babae. Sa di ko inaasahan sa aking sarili ay hinawakan ko ang kamay ni Timmy at hinila sya.
"May pupuntahan tayo" nakangiting wika ko sa kanya. Mabilis kaming naglakad. Dire-diretso lang at sakto nakita namin ang burnham park. Tumawid kami sa may kalsa at pumasok na kami sa may burnham park. Medyo madilim sya pero maganda naman. Madaming namamasyal at mga nakaupo sa mga bench. Meron pa nga mga nagdedate. Naglalakad lang kami ni Timmy habang pinapanood ang mga namamangka sa lake. Gusto ko sana pero parang hindi naman enjoy kung gabi ka magboboating. Kaya patuloy lang kami hanggang sa nakarating na kami sa may nagbabike. Maingay sa parteng iyon. Mga nagsisigawan na mga tao dahil sa galak. Ingay ng mga bike. Basta mukhang masaya dun.
"Do you want to try?" Tanong ko kay Timmy.
"Gusto ko sana pero mukhang mahal renta" nag-aalangang sagot ni Timmy
"Come on Timmy. May kasama kang maraming pera kaya wag ka nang mag-alala" sabi ko sa kanya at hinila ko na naman sya papunta sa rentahan ng bike.
"Kuya, rent po kami ng bike yung pang dalawahan po" sabi ko sa lalaki at binigyan kami ng kambal na bike. Ang cute! I'm excited to try it. Inabot ko na ang bayad at nagsimula na kaming magbike ni Timmy.
Nung una ay di pa namin kabisado ni Timmy ang paggamit ng bike na kambal. Kaya panay ang tawa naming dalawa. Tawa lang kami ng tawa! Pero hanggang sa natutunan na namin. Masayang masaya si Timmy ngayon. Ang mga ngiti nya ay sobrang totoong totoo. Kaya hindi ako nagsising gawin ito kahit na wala sa bokabolaryo ko ang ganitong activity.
Sobrang saya dahil nabubungo pa namin ang mga nakakasalubong, kasunod naming mga nagbabike. Pati na rin ang mga gulong na nagsisilbing pader ay nabubungo namin. Ang hirap magbike kapag malamig pero enjoy. Nakakaenjoy!
At nakalipas nga ang 30 minutes naming pagbabike ay huminto na kami. Pumunta kami sa isang gilid at nagpahinga. Dahil hilig ko ang pagdadala ng thumbler ay sakto may iinumin kami ni Timmy. Uminom muna ako bago ko ibinigay ang thumbler ko sa kanya.
"Ang cute nung bata oh. May headband syang umiilaw" manghang wika ni Timmy.
"Halika" aya ko na naman sa kanya at hinila ko na naman sya. Pumunta kami nagtitinda ng ilaw-ilaw para bilhan sya ng ganun.
"Here, isuot mo to" utos ko sa kanya.
"Ohhh. Syempre ikaw rin! Isuot mo to" sabi sa akin at sinuotan din ako. "Halla! Ang cute mo Bryle!" Masayang puri sa akin ni Timmy kaya heto na naman ang puso ko, nagdidiwang.
"Kuya, bibilhin ko to" sabi ko kay kuya. Binayaran ko si kuya at naglakad na kaming muli ni Timmy. Habang naglalakad kaming dalawa ay saktong makakasalubong namin ang walo naming mga kasama.
"Oyyyyy! Bryle! Ano yan?! Mukhang nag-eenjoy kang kasama si Timmy ha!" Biro sa akin ni kuya Lloyd.
"Syempre, boring nyo kasing kasama eh. Sige, maiwan na namin kayo. May pupuntahan pa kami. Di kagaya nyo, boring!" Sagot ko kay kuya Lloyd. Tangka na sana kaming aalis ni Timmy pero pinigilan kami ni Kyle.
"Wait! Wait! Picturan ko lang kayong dalawa" sabi ni Kyle. Kaya pinaayos kami ni Timmy at pinicturan kaming dalawa. "Ang cute. Naalala ko tuloy ang paheadband ni Red dati!" Natutuwang wika ni Kyle.
"Same here!" Sabi naman ni Bench.
"Wag nyo naman ng ipaalala!" Saway ni Red.
"Kaya nga!" Dugtong naman ni Blythe. Dahil naiirita ako sa kanila ay umalis na kami ni Timmy sa harap nila para makalayo sa kanila.
"Bryle san tayo ngayon?" Tanong sa akin ni Timmy. Hindi ko nalang sya pinansin. Nang may makita akong bakanteng bench ay doon ako nagtungo habang hila-hila ko si Timmy. Umupo kaming dalawa habang pinagmamasdan ang mga nagbabangka sa Lawa.
"Can i lean on your shoulder?" Tanong sa akin ni Timmy. Sasagot palang sana ako pero ginawa na nya iyon.
"Ang ganda dito ano?" Wika ni Timmy.
"Yeah" tanging sagot ko lang.
"Malamig ang simoy ng hangin. Next time kapag mqy pera na ako, idadala ko dito si nanay" sabi ni Timmy na seryoso na ngayon.
"You really love your mother no" sabi ko sa kanya.
"Syempre naman. Sya nalang ang pamilya ko. Simula nung iniwan kami ni tatay. Maraming sakripisyo si nanay sa akin para lang maibigay ang pangangailangan ko. Kaya kapag nakakaluwag-luwag ako ay ipapasyal ko sya kahit saan" sagot sa akin ni Timmy.
"Nasan ang tatay mo?" Tanong ko sa kanya.
"Kinuha na ni Lord si tatay. Kaya dalawa nalang kami ni nanay. Mag-isa na nga lang ako sa bahay eh. Kaya sa libro ko nalang tinutuon ang lungkot ko. Kaya heto ako, nasanay na ako na libro nalang ang palagi kong kasama. May bestfriend naman akong nakakasama minsan sa bahay pero syempre may family rin syang dapat puntahan" sagot nya sa akin.
"Kaya pala. Sige, dahil palagi na tayong magkasama sa iisang bahay. I'll promise na sasamahan kita palagi. Makakakwentuhan mo palagi" sabi ko sa kanya.
"Why you're so kind to me lately Bryle? Diba magkagalit lang tayo this past 3 days?" Tanong sa akin ni Timmy.
"Hindi naman talaga ako gago gaya ng inaakala mo. Sadyang nabadtrip lang ako sayo nun. Pero dahil masaya ako kasama ka. Nag-eenjoy ako kasama ka ay hindi mahirap sa akin na makasama ka" sagot ko sa kanya. Wait! Wait! Wait! Totoo bang ako nagsabi nun?! Bakit may words akong ganun?! Bakit parang nagiging iba ako ngayon?! Iba na ang mga wordings ko ngayon ha?!
"Thank you Bryle ha. Dahil sayo di ako naoawkward na makasam ang mga bagong tao sa buhay ko. Sa totoo lang, hiyang-hiya akong makihalubilo sa inyo kasi di ko alam kung papaano makikitungo sa mga mayayaman. Iba kasi culture nyo sa culture naming mahihirap. Lalo na sa mga likes and dislikes natin. Pero dahil sayo, nag eenjoy ako ngayon" sabi sa akin ni Timmy. I felt the sincerity of his heart, his words. Talagang totoong totoo sya magsalita.
"Thank you also dahil you're making my day exciting and happy. Hindi ko ito, gawain dati. Sunod-sunod lang din ako sa mga kapatid ko at walang masyadong imik pero ngayong nandito ka ay nagagawa ko lahat ng ito ng wala sila at malaya" wika ko sa kanya.
Sa tagal naming nakatambay sa bench na yun ay di namin namalayang 10 na pala. Kaya agad kaming nagpunta ng night market para maenjoy ang pamamasyal naming dalawa. Nalula ako sa aking nakita dahil siksikan talaga ang mga tao. Pero dahil gusto ko itong maexperience ay sinuong namin ni Timmy ang kahabaan ng night market. Dito muna kami ngayon sa may bilihan ng mga damit at kung anu-ano pa. Napakaraming mga mabibili pero hanggang tingin lang kami ni Timmy. Palagian din kaming humihinto ni Timmy dahil nagtititingin sya ng kung anu-ano. Minsan nagsususkat sya pero hindi rin naman bibilhin.
"Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Timmy.
"Yeah, i'm okay" sagot ko sa kanya. Kanina pa rin kami magkaholding hands para di kami magkahiwalay sa siksikan ng mga tao. Mahigpit ang hawakan naming dalawa. Na parang ayaw naming malayo sa isa't-isa. Pero habang kami ay nagtitingin-tingin ay may pumukaw sa akin ng pansin, at yun ay isang bracelet. Maganda sya.
"Timmy wait!" Sabi ko kay Timmy at pumwesto ako sa may nagtitinda.
"Bracelet oh" sabi ko sa kanya.
"Ang gaganda!" Sabi naman ni Timmy.
"Choose what you want. At pipili rin ako ng gusto ko" sabi ko sa kanya. Kaya pumili kami ng bracelet naming dalawa. Pinili ko ang pendant na B. At si Timmy naman ay ginaya ako. Bumili rin sya ng pendant na T.
"Ate, bibilhin ko po ito" sabi ko sa babae at binayaran ko na ang dalawang bracelet.
"Give me your bracelet" utos ko kay Timmy at walang alinlangan ay ibinigay nya ito.
"Pakilahad ang kamay mo" utos kong muli at sinunod ako. Isinuot ko sa kanya ang bracelet sa kanyang kanang kamay. Nang maisuot ko ang sa kanya ay sinuot ko rin ang akin.
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Dahil gusto raw bilhan ni Timmy si nanay Bebet ay bumili sya ng mga T-shirt, pajama at short para kay nanay Bebet. Nang makaabot kami sa finish line ay sa labas na kami ng bilihan dumaan. Ang next destination naming dalawa ay sa kainan.
Nakakalula ang dami ng mga tindang pagkain. Mga street foods at marami pang iba.
"Wow balot!" Sigaw ni Timmy at hinila nya ako papunta don.
"Kuya, pabili ako ng tatlo!" Sabi nya at binigyan nan sya ng tatlong balot.
"Here" wila ni Timmy sabay abot nya ng balot sa akin.
"Anong gagawin ko dito?" Tanong ko. Kasi naman i never eat balot. At sa mga nakikita kong picture ng balot ay parang hindi ko sya kayang kainin. Nakakadiri kasi itsura nya.
"Kakainin malamang! Wag mong sabihin na di mo alam kumain nyan?" Sabi sa akin ni Timmy.
"No, and Never. It's ewy you know?" Maarte kong sabi sa kanya kaya nagtinginan sa akin ang mga kumakain ng balot nakasama naming nakapalibot sa nagtitinda pati si manong magbabalot ay napatingin sa akin.
"Hay naku! Kayo talagang mayayaman ang aarte nyo sa pagkain! Alam mo bang masarap to! You know, you just try it para masabi mong masarap ang balot" sabi sa akin ni Timmy.
"But i don't know how to eat this food" sagot ko sa kanya.
"Okay tuturuan nalang kita" sabi ni Timmy. Kaya dinemonstrate nya ang pagbubukas nun at kung papaano kainin iyon. Nung una qy nag-aalinlangan akong kainin iyon pero s**t! Masarap nga! Mabilis kong naubos ang balot!.
"Yummy! May i have one more please!" Sabi ko sa tindero. Kaya binigyan ako ng isa pa ni manong. Mainit pa ang balot pero kaya namang tiisin.
"Sabi sayo masarap eh!" Nakangiting sabi sa akin ni Timmy.
"You're right" sabi mo naman. Kaya sa huling pagkakataon ay inubos na namin ang balot na binili namin ni Timmy. Dahil ako ang lalaki at mapera ay ako na ang nagbayad.
"Ang sarap pala!" Sabi kong muli.
"Syempre! Next nating kakainin ay isaw and day-old" sabi ni Timmy kaya nagpunta kami sa isang stole. Kumuha sya ng dalawang cup at nilagyan nya iyon ng orange little bird at isang isaw, ganun din sa isa. Nilagyan nya ng suka at ibinigay sa akin ang isa.
Sa una ay nag aalangan akong kainin ang binigay nya sa akin pero dahil may trust naman ako sa kanya ay kinain ko nalang iyon.
KRRRRRRIIIIIIIINNNNNGGGGGGG!
"Hello kuya" bungad na bati ko kay kuya Luiz.
"Let's go home" aya ni kuya.
"Mauna na kayo. Mamaya na kami uuwi" sagot ko kay kuya at agad kong pinatay ang phone ko. Istorbo eh! Nag-eenjoy kaya akong kumain.
Sa paglilibot namin ni Timmy sa mga stole ay andami naming nakaing dalawa. Grabe! Gusto ko ulit ito masubukan bukas. Nakakaamaze lang dahil it's my first to do this. Marami akong first time lalo na ang pagkain ng kakaibang foods. Grabe! Heaven! Nakakatuwa! Nakakaenjoy!
Pasado 12:30am na ay naapgdesisyunan na naming umuwi na ni Timmy. Pero dumaan muna kami sa 7/11 para bumili muna ng drinks ko sa hotel. Mga dalawang beer lang naman. At syempre dahil hindi naman umiin itong si Timmy ay gatas nalang ang binili ko sa kanya, ayun narin sa kagustuhan nya. At yun na nga, tuluyan na kaming bumalikcsa hotel na pinagtuluyan naming pamilya. Bago kami natulog ni Timmy ay inubos muna namin angp inamili namin bago kami nagshower/nabihis. At tuluyan na ngang bagsak ang aming katawan at mga mata.
I ENJOYED THIS NIGHT WITH TIMMY!