BRYLE'S POV
"Magready na kayo! Aalis na tayo!" Si ni papa. Dahil malapit na nag pasukan namin ay napagdesisyunan ng lahat na magmamasyal muna. So, hindi kami sa resort magbabakasyon. Sa Baguio, para naman daw maiba ang ambiance namin. Gusto sana ni papa ay sa resort nalang pero syempre di naman pumayag ang iba kaya Baguio nalang daw. At wala kaming dalang sariling sasakyan! Hay! Nakakainis man pero ayaw ni papa na magkakahiwalay kami. Kaya ang family van ang gamit namin. Pero sa tingin ko ay enjoy naman. Ayoko lang sa ambiance kasi nga, nandito ang mga syota nga mga kapatid ko. Si kuya Luiz kasama si ma'am Michelle, si Lloyd si Lalaine, si Bryle si Bench na kasamang dumating nina Ma'am Michelle at Lalaine kahapon at si Kyle naman ay si Red. Hay! Sobrang kawawa ko dito! Si Timmy lang ang kasama kong single. Wala rin syang kwentang kasama dahil napakatahimik at puro libro lang ang hawak.
"Sakay na!" Utos ni kuya Luiz kaya nagsisakay na kaming lahat. Assual magkakatabi ang nga magsyosyota. Inoccupy nila Blythe, Bench, Red and Kyle. Ang magkasunod namang upuan ay sinakop na ng apat na magsyosyota. And worst, may bakante pang upuan for two kaya makakatabi ko si Timmy na nakaupo na doon. Pumasok na ako para makaupo na.
"Ayan sakto, may partner na tayon lahat!" Masayang wika ni kuya Lloyd. Pero si Timmy ay wala man lang narinig dahil nakasalpak na sa kanya ang earphones sa kanyang tenga at buding busy sa kanyang libro. Hay! Bakit ko ba sya prinuprolbema. Agad namang tinanggal ni kuya Lloyd ang earphones ni Timmy.
"Hoy Timmy! Give me your books and ban ang cellphone ngayon. We are going to vacation kaya wag puro libro hawak. Enjoy every moment!" Sabi ni kuya Lloyd kay Timmy.
"Kaya nga naman Timmy. Masyado ka naman kasi seryoso dyan! Wag ka ng mahiya sa amin dahil kami kami rin naman ang magiging pamilya mo lalo na sa Manila" sabi naman ni kuya Luiz.
"Sorry po. Nahihiya lang po kasi ako sa inyo. Di ko alam kung papaano makikihalubilo sa inyo" sagot naman ni Timmy.
"Edi sanayin mo! Gosh naman Timmy. Kung di mo sasanayin, mananatili ka dyan sa sitwasyon mo. Wag kang matakot sa amin, mababait kami!" Sabi naman ni Kyle.
"Sige po" sagot lang ni Timmy.
"Ayan very good!" Sabi naman ni Kuya Luiz.
"Guys! Aalis na tayo!" Singit naman ni papa na driver namin.
"Let's go!" Sigaw naman ni kuya Lloyd. At tuluyan na kaming umalis.
Sa kalagitnaan ng byahe ay napapansin ko si Timmy na parang inaantok. Panay ang ikot ng kanyang ulo at napapahawak sa kanyang leeg.
"Are you sleepy?" Tanong ko sa kanya. Pero tinanguan lang nya ako. Hayyyy! Ano to?! Ako lang magsasalita?! Grabe sya?! Ang boring kasama!
"Lean on my shoulder" utos ko sa kanya.
"Ops! May dumadamoves dito guys!" Sigaw naman ni Blythe.
"Sino, sino?!" Tanong naman ni kuya Lloyd.
"Yung isa dito. Yung walang jowa!" Sagot ni Red habang tumatawa.
"Ma, pa oh, si Bryle, pinupormahan ata si Timmy" sumbong naman ni Kyle.
"Will you please shut up! Inalok ko lang ang balikat ko! Inaantok kasi sya!" Inis kong paliwanag sa kanila.
"Ummm! Galit na galit?!" Sabi naman ni kuya Lloyd.
"Kuya! Tama na! Nahihiya na si Timmy oh!" Saway ko kay kuya Lloyd dahil nakayuko na si Timmy at parang namumula na ang mukha nya.
"Oooyyy concern!" Sabi naman ni kuya Luiz.
"Kuya naman! Isa ka rin!" Inis kong sigaw sa kanya.
"Tama na. Hayaan mo na sila. Di nalang ako uunan sa balikat mo" mahinang awat naman sa akin ni Timmy.
"Bahala ka. Pero okay ka lang?" Sabi ko nmn sa kanya.
"Oo, okay lang ako" sagot naman ni Timmy.
Grug! Grug!
Shit! Ano yun?! Tiyan ni Timmy?! Gutom na ba sya?!
"Timmy, kumain ka ba ng umagahan?!" Tanong ko sa kanya.
"Hindi eh" sagot naman ni Timmy.
"Bakit hindi ka kumain?! Malayo pupuntahan natin!" Sermon ko sa kanya. Wait, bakit ba concern na concern ako sa kanya?!
"Sorry" sagot lang nya sa akin.
"Girl, here i have sandwish here. Kainin mo yan" alok ni Jessica kay Timmy.
"Halla, wag na po nakakahiya" tanggi naman ni Timmy.
"Sige na, kunin mo na! Tumutunog na yang tiyan mo! Wag ka nang mag-inarte dyan!" Sabi ko naman sa kanya.
"Eh, kwan kasi, am, kaya nga di ako kumain ng umagahan kasi di ako sanay sa malayong byahe. Nagsusuka kasi ako kaya di ko nilagyan ng pagkain ang tiyan ko" nahihiyang paliwanag naman ni Timmy.
"Hah?! Di ka sanay sa byahe?! Pathetic!" Sabi ko naman sa kanya.
"Sorry hah. Di naman kasi ako nagbabyahe ng malalayo. Hindi naman kasi ako naexposed sa mga ganitong sasakyan" paliwanag naman ni Timmy na parang may meaning para sa akin ang sinabi nya. The way kasi syang magsalita ay parang may gusto syang ipahiwatig sa akin.
"Bryle! Wag mo na pagalitan yang katabi mo!" Saway naman ni mama sa akin.
"Timmy, sige na kumain ka muna kahit konti lang and here, inumin mo yang gamot na yan para di ka mahilo sa byahe" sabi ni mama kay Timmy.
"Salamat po ma'am" sagot naman ni Mama.
"Timmy, don't call me ma'am okay. Call me tita" sabi naman ni mama.
"Sige po ma, tita" si Timmy na mas lalong humihina ang kanyang boses.
"I'm sorry Timmy. Sige na kainin mo na yan. Mamaya pahinga ka muna" sinserong sabi ko sa kanya. Ngumiti lang sya sa akin at tinanguhan. s**t! Bakit naapektuhan ako sa ngiti nya?! Erase! Erase!
Kinuha na ni Timmy ang sandwish ni Jessica at kinain na nya ito. Kinuha ko naman ang tubig ko para may mainom sya.
"Are you done?" Tanong ko sa kanya.
"Tapos na" sagot naman ni Timmy.
"Okay, here, my water. Uminom ka na. Inumin mo na rin yang gamot mo" sabi ko sa kanya.
"Wow! Sweet naman ni kuya kay Timmy. While watching you guys! Di maikakailang para kayong magsyota. Bagay kayong dalawa infairness!" Nakangiting wika naman ni Kyle kaya pinalo ko ang noo nya.
"Ikaw talaga kung anu-ano sinasabi mo! Kay Red mo ituon ang atensyon mo!" Pagalit ko naman sa kanya.
"Aray naman! Nagsasabi lang naman ako ng totoo ah!" Pagsusungit naman nya sa akin.
"Heh! Tumigil ka!" Saway ko sa kanya.
"Kuya Bryle, totoo, bagay kayo ni Timmy!" Sabi naman ni Bench sa akin.
"Isa ka pa Bench!" Sabi ko naman sa kanya. Pasalamat sya malayo sya sa pwesto ko, kundi napalo ko rin sya.
"Here's your water. Thank you" sabi sa akin ni Timmy sabay abot ng aking tubig.
"Here, ikaw na muna gumamit" sabi ko sabay abot ng travel pillow ko.
"Sure ka?!" Pag-aalinlangan nya.
"Oo, ibinibigay ko na nga sayo eh" sagot ko naman.
"Thank you! Ang bait mo pala. Pero wag mo nang uulitin yung ginawa mo sa matanda ha" nakangiting sabi sa akin ni Timmy na nagpatulala sa akin. Yung puso ko parang sumigla bigla. Naapektuhan ako sa mga sinasabi nya! Grabe sya! Anong kapangyarin meron si Timmy bakit ako nagkakaganito?!
"Hoy! Natulala ka na!" Sabi sa akin ni Timmy habang tinatapik ang pisngi.
"Ah eh! You're welcome" sagot ko sa kanya.
"Ma! Boto ka ba kay Timmy bilang manugang mo?! Mukhang naiinlove na itong anak mo kay Timmy eh!" Natatawang sabi ni kuya Lloyd kay mama.
"Why not! Basta kung saan masaya ang mga anak ko" sagot naman ni mama. "How about you dad?" Tanong naman ni mama kay Papa.
"Yeah. Naalala ko tuloy si Lloyd. Nainlove din ako kaagad kay Lloyd nun dati nung first time ko sya mameet. He almost like Timmy at ako si Bryle". Sagot naman ni papa.
"Dad! Pinaalala mo na naman si Lloyd! Namiss ko tuloy sya" malungkot na sabi ni mama.
"Mom, di ka pa ba sanay?! Always mo kayang naririnig ang pangalang Lloyd. Sa anak mo palang maaalala mo na sya" tumatawang sabi naman ni papa.
"Hmm, di ko maalala ang bestfriend kong si Lloyd kay Lloyd na anak natin. Malayong malayo sya kay Lloyd natin dati. Si Luiz at si Lloyd na anak natin ang halos magkaugali. Kaya namali tayo ng naipangalan. Dapat ang pangalang Lloyd ay kay Kyle! At ang Luiz ay kay Lloyd" sagot naman ni mama.
"Hah?! Naguluhan ako sa sinabi mo ma!" Reklamo ni Blythe.
"Hay! Hina mo namang pumick-up Blythe!" Sabi naman ni Bench kay Blythe.
"Pero tita, si Blythe sino naman sya noon?" Tanong pa ni Bench kay mama.
"Um, wait! Sino ba?! I think yung tito nya sa Pangasinan. Masyadong makulit!" Sagot naman ni mama kaya nagtawanan kaming lahat.
"Ma naman! Atleast sweet ako!" Sabi naman ni Blythe. Sa kalagitnaan ng kwentuhan sa loob ng van ay napaigtad nalang ako sa aking kinauupuan dahil bigla nalang ipinatong ni Timmy ang ulo nya sa aking balikat. s**t! Para akong nakuryente! Ang lakas! At ang kuryentwng iyon ay dumaloy sa aking puso na nagpatibok nito ng napakabilis.
"May i lean on your shoulder?" Mahinahong pakiusap ni Timmy sa akin. Halla! ?! Anong nangyayari sa akin?!
"Ah, eh,-" di ko na naituloy ang sinabi ko nang magsalita kaagad si Timmy.
"Sige. Wag nalang. Parang ayaw mo kasi" sabi nya sa akin. Di ko alam kung bakit pero nagkusa ang aking kamay na hawakan ang kanyang ulo at inalalayan ko ito para maipatong ito sa aking balikat. Bakit ko ba ito ginagawa?!
"Thank you Bryle!" Isang mahina pero nakakagimbal na tinig ang aking narinig kay Timmy. Napatingin ako sa kanya at hindi ko alam ang nararamdaman ko!
"PUTCHA!!!!!!!!" Nagulat ang lahat ng biglang sumigaw si Timmy at napaupo ng maayos sa kanyang pwesto. Napatingin naman lahat ng mga tao sa loob ng van.
"What's the problem!?" Agad na tanong ni mama na mukhang nag-aalala.
"Kasi po, ang tanga ko" nahihiyang sagot ni Timmy.
"Bakit?!" Tanong muli ni mama.
"Di po ba, Baguio tayo pupunta? Kasi po ngayon ko lang narealize na puro t-shirt at Jersey po pala ang dala ko" sagot ni Timmy. Kqya nagtawanan ang lahat except me. Di ko alam pero hindi naman sya nakakatawa for me.
"Guys! Stop laughing! Nahihiya na nga ang tao eh!" Saway ko sa kanila.
"Don't worry Timmy. Nandyan naman ang boyfriend mong si Bryle na magpapahiram ng huddy sayo" nakangiting sabi naman ni kuya Luiz.
"Kaya nga!" Sagot naman ni Jessica.
"Tumigil nga kayo! Di nya ako boyfriend no!" Sabi ko naman sa kanya.
"Hayaan mo na sila Timmy. You can barrow mine" sabi ko naman Timmy.
"Nakakahiya naman" mahinang sabi sa akin ni Timmy.
"Ayan na naman ang hiya mo!" Inis kong sabi sa kanya.
"Sorry girl! Pero nakikita mo naman ang size natin. Papahiraman sana kita pero di naman tayo magkasize!" Sabi naman ni Kyle.
"Me too!" Sabi naman ni Bench.
"Sige i will my one huddy" sabi naman ni Red. Dahil malaking tao si Red ay kasya iyon ni Timmy. Pero,
"No need bro. Madami akong dala, ako na magpaaphiram" sabi ko sa kanya.
"Kasi naman Red, makikipagkumpetensya ka pa! May Kyle ka na nga! Ipaubaya mo na yan kay Bryle!" Biro naman ni Blythe.
"Gago! Kay Kyle lang ako no! Nagmamagandang loob lang!" Sabi naman ni Red.
"Wag na kayong mag-away! Ako na nga diba?!" Irita kong sabi sa kanila.
"Salamat ulit Bryle ha" sabi naman ni Timmy sa akin.
"Okay na. Sige na, tulog ka na ulit" sabi ko naman sa kanya. Kaya bumalik sya sa pagkakalean sa aking balikat. Sana maging komportable sya sa akin.
---
"Timmy, Timmy, gising na. We're na. Timmy!" Ginigising ko na ngayon si Timmy dahil nakarating na kami dito sa Baguio at sa hotel na pinagbookan nila mama at papa.
"Ummmm!" Yun lang ang tinig na lumabas sa kanya at mas lalo nyang hinigpitan ang yakap nya sa akin. Actually, kanina pa ako hindi mapakali dahil sa pagyakap nya sa akin, simula pa nong nasa La Union kami ay hiyakap na nya ako habang sya ay natutulog. Di ko alam pero parang di ako kumportable pero wala naman akong magawa dahil mahimbing ang tulog nya. Yung puso ko kasi bumubilis ang t***k! Para akong di makahinga sa posisyon naming dalawa. Tapos itong mga kasama ko ay panay ang picture samin ni Timmy. Nakakahiya tuloy!
"Timmy, oyyy! Gising na!" Sigaw ko na sa Van kasi kami nalang ang natitira dito.
"Uuuummmm" halinghing muli nya at ngayon ay pagising na sya. Ibinuklat nya ang mga mata nya at bigla nalang syang umayos ng upo dahil baka sa pagkagulat ng kanyang posisyon.
"Kanina pa kita ginigising" pagalit ko sa kanya.
"Kanina pa ba ako nakayakap sayo?!" Gulat na tanong nya sa akin.
"Yes! Kanina pa" sagot ko sa kanya.
"Sorry!" Sabi nya.
"Okay lang. Tara na" aya ko sa kanya.kaya lumabas na kami ng Van.
"Grrr. Ang lamig! Grabe ang ganda dito sa baguio!" Manghang wika ni Timmy habang yakap yakap ang kanyang sariling katawan. Kaya binaba ko na muna ang bag ko para hubarin ang aking jacket.
"Wear it" sabi ko sa kanya sabay abot ng jacket ko.
"Sure ka? Di ka ba nilalamig?" Nanginginig na tanong sa akin ni Timmy.
"Sakto lang. Sanay ako sa aircon kaya di ako masyadong nilalamig. Kaya wear it now para di la lamigin. Kanina pa siguro tayo hinihintay ng mga kasama natin" sabi ko sa kanya. Kaya sinuot na nya ang jacket ko na bigay ko sa kanya.
Naglakad na kaming dalawa papunta sa hotel. Pero dahil okay na ang naging deal nila papa ay may babaeng sumalubong sa amin at sinabihan kaming sundan namin sya. Nagpatuloy kami sa paglalakad at huminto kami sa room 17. Siguro dito ako.
"Sir, here is your room. According kay Mr. And Mrs. Santillan ay magkaroom daw po kayong dalawa" sabi ng babae. Sisigaw sana ako pero hindi na baka mahiya na naman itong kasama ko.
"Okay, thank you" sabi ko naman.
"Here's your room key sir. Enjoy your staying here" sabi ng babae at umalis na sya. Kami nalang ang natira ni Timmy. Pumasok kami sa kwarto at laking gulat ko nang makita ko ang bed na iisa lang at pangdalawang tao pa! So ibig sahibin ay magkatabi kami ni Timmy sa iisang kama!? Ma! Pa! Anong pakulo to!
"Hay! Hay napagtripan na naman ako!" Irita kong wika.
"Ah, eh, kung di ka komportableng katabi mo ko sa kama, sa sofa nalang ako. Kasya naman ako dun" nakayukong wika ni Timmy.
"No need. Tabi na tayo" sagot ko sa kanya.
"Pero" di ko na sya pinatapos.
"Okay lang sa akin. Okay? Wag ka nang mag-alala. Di ako malikot matulog" sabi ko sa kanya.
"Eh, ang problema ako ang malikot sa pagtulog" sabi nito sa akin.
"Really? Sa itsura mong yan malikot kang matulog?! Wag mo sabihing baghihilik karin?!" Tanong ko sa kanya.
"Nakita mo naman akong matulog kanina. Di naman ako naghihilik" depensa nya sa kanyang sarili.
"Okay fine!" Sabi ko.
"Isa pa palang problema" sabi nya sa akin.
"Ano na naman?!" Tanong ko.
"Nang-aakap ako ng katabi" sagot nya sa akin.
"That's okay. Ginawa mo na nga kanina diba" sagot ko sa kanya pero nginisian nya lang ako. s**t! Timmy! Wag mo kong pakitaan ng ganyang expression mo! Nakakaiba ka ng emosyon!
Krrriiinnnggg!
"Hello ma" bati ko.
"Nandito na kami sa may baba. Halika na, hanap tayo ng pwedeng pagkainan" sabi ni mama sa akin.
"Sige po ma. Ayusin lang po namin gamit namin" sabi ko naman.
"Sige. We'll wait" sabi ni mama bago binaba ang tawag nya.
"Ayusin mo na yang gamit mo. May pupuntahan daw tayo" sabi kay Timmy.
"Okay na, nailapag ko naman na tong bag ko.
"Let's go" aya ko sa kanya. Pero nagulat na naman ako nang humwak si Timmy sa aking kamay at braso na parang syota ko. Yung gawain ni Kyle sa boyfriend nya ay ganun din ang ginawa ni Timmy! Hay! Timmy!
"Bakit?!" Tanong sa akin ni Timmy. Halatang walang alam.
"Why are you holding my hand and arm?" Tanong ko sa kanya.
"Anong meron? Masaya lang naman ako at excited. Masama bang humawak sayo?" Tanong nya sa akin.
"Kasi, pa-pa, para kasi tayong---" di ko na nasabi ang sasabihin ko nang,
"Dami mong sinasabi, tara na nga!" Sabi nya sa akin sabay hatak sa akin papalabas ng kwarto. Naglakad kaming hila-hila ako kaya lagot na naman ako sa mga kasamahan ko sa mga biro nila!
Lord! Help me! 4 days ko palang nakakasama si Timmy pero binibigyan mo na ako ng sakit sa puso! Kailangan ko na bang magpacheck up? Hay! Wala lang to. Di lang siguro ako sanay na kasama sya.
"Oyyy! Ano yang holding hands na yan?!" Biro sa amin ng mga kasamahan namin ni Timmy.
"Anong meron sa holding hands?" Tanong ni Timmy sa mga kasama namin.
"Holding hands para kasi kayong magdyota eh" sagot naman ni Blythe.
"Ah, ganun ba? Hindi, nasanay lang kasi akong makipagholding hands sa mga kaibigan ko kapag naeexcite or masaya. Wala to" sagot naman ni Timmy.
"Eh, bakit si Bryle ang napili mong iholding hands? Di naman kayo friends?" Tanong naman ni Kyle.
"He's my friend since nagcare sya sa akin kanina. Hehehe. Saka sya lang kasi ang tao kanina sa kwarto kaya sya ang napagdiskitahan ng mga kamay ko" paliwanag naman ni Timmy. s**t Timmy, ikaw wala lang tong ginagawa mo pero sa akin, ang lakas ng epekto! Yung puso ko konti nalang sasabog na tapos wala lang sayo to!? Come on Timmy.
"Kuya, bat parang nagbablush ka?!" Tanong naman ni Kyle sa akin.
"Hah?! Hindi no! Baka sa lamig lang to!" Paliwanag ko sa kanila.
"Akala ko ba di ka nilalamig? Binigay mo pa itong jacket mo sa akin?" Tanong naman ni Timmy. Hay Timmy! Wala ka talagang alam!
"Tara na nga! Nagugutom na ako!" Aya ko nalang dahil hotseat na naman ako! Pero wait! Di ko pa rin binibitawan si Timmy? At ako na ang humihila sa kanya?! Grabe?! Bakit ayaw kong bitawan?! Grabe na to?! Need ko na ng doctor!