Chapter 2

2024 Words
ZAVANA KALSEY SANDOVAL __ Naglilintanya pa rin si Helix habang abala sa pagmamaneho. He really didn't shup up mula nang sunduin niya ako sa bahay. "You really didn't tell me, huh?" I chuckled habang nakatingin sa daan. "Come on. I know you would react like that. My kuyas didn't know either." "Psh, bakit ayaw mo akong isama?" Bumaling ako rito. Hindi pa rin maipinta ang mukha nito. "Baka ma-miss ka ng mga babae mo." "I don't give a damn. Why do you want to go alone sa lugar na hindi mo naman kabisado? Ang gullible mo pa naman." "I always hate it whenever you tell me that. I feel like I'm stupid or sorts." "You are not. What I mean is you are too kind. You always believe in people because you always think that all of them have a good heart." "I don't believe all people," mahinang sambit ko. "Let's just go somewhere. Sasamahan kita even for months." "Nothing won't change my mind now." Marahas itong hunugot ng malalim na hininga. "Ang tigas talaga ng ulo," mahinang bulong nito. Hindi ko alam kung tama bang tinawagan ko siya para ihatid ako. I just thought of spending even a few hours with him bago ako umalis because I knew I would miss him. Even though we have many drivers, siya ang sumusundo sa akin after work at sumasama sa akin to different places without complaining. I would totally miss that. I really feel so lucky that he's my best friend. Hindi ko rin sinabi agad sa kanya ang tungkol sa plano ko because I knew just like my dad and my brothers ay pipigilan din ako nito. "Bakit ang dami mong dalang gamit? Doon ka na ba titira?" "Of course not." "May dala ka bang first aid kit?" "Of course." "What about a survival kit?" "Yes, sir." "What about coats? Blanket? Baka malamig sa pupuntahan mo." "Yeah, I have them in my bag." "What about your napkin?" "Oh... I forgot. Can you buy it for me, please? I don't wanna go out. I'm sleepy." "Psh..." He stopped the car sa isang convenience store. Hinintay ko na lang siya sa loob because I was reserving my energy. May katagalan din ito roon bago makabalik sa loob. "Here..." Napangiti ako nang iabot nito sa akin ang mga binili. "Thanks, Heli." Mas naalala niya iyon kaysa sa akin dahil siya ang madalas kong tawagan whenever I would forget to bring extra with me. "I bought some bread too. Put those in your bag." I chuckled. "Ano ako magpi-field trip? "Just in case wala ka nang makain at na-trap ka isang lugar." Muli akong napatawa nang mahina. "You really think na mapupunta ako sa ganoong place? I'm not in a movie." "No, your life is like a movie. You're a billionaire. A lot can happen to you." "So... pang-leading man ka rin? You're tito Jade's son. You're the heir of a billionaire too." "Wala pa akong napatunayan, hindi pa ako pang main role." I again chuckled. "The Womanizer would be your movie title." Nakatulog na rin ako sa buong byahe. Nagising lang ako na nasa abangan na kami ng bus. Helix didn't even wake me up kahit halos mag-iisang oras na raw kaming naka-park sa tabi ng waiting shed. "Hindi pa ba nagbabago isip mo?" Inaantok na tinanggal ko ang seatbelt ko. "You can ask that to the nth times and still get the same answer." Bumaba ako ng sasakyan to get my things sa trunk. Tinulungan naman niya akong buhatin ang bag ko habang nagsa-suggest ng iba't-ibang lugar na pwede naming puntahan. He was always talkative. We both stood up sa harap ng waiting shed. Hinintay kong may dumaang bus papunta sa barrio Mesa. He offered na ihahatid niya na ako sa pupuntahan ko but I told him I would be fine. Gusto ko rin ma-experience ang public transpo papunta sa lugar. "Don't forget to call lalo na kapag may emergency." Bahagya ko itong tiningala sa tabi ko. He obviously still looked upset kahit alam niyang hindi niya naman talaga ako mapipigilan. "'Yung mga bread na binili ko sa'yo 'wag mong ipamimigay, ha? Baka mamaya nakakita ka lang ng pulubi..." "I'll be fine. You have to trust me." Marahas itong bumuntong hininga at may kinuhang kung ano sa bulsa ng coat niya. He positioned himself behind my back at marahang hinawi ang buhok ko. "'Wag mo 'tong iwawala, ha," sambit nito habang isinusuot sa akin ang kwintas. "Always wear this necklace." Napangiti ako habang tinitingnan ang maliit na pendant noon. It looked so simple yet classy. I liked it because it was my birth stone and aside from it, of course dahil galing sa kanya. "Sure... it looks good." Inaayos nito ang buhok ko at sakto namang may natanaw na akong bus. Agad kong inangat ang kamay ko para parahin iyon. "Psh, 'yan 'yon?" Hindi makapaniwalang tanong nito. "Mukhang matanda pa 'yan sa lolo ko eh." "I have to go now." "Are you seriously going to ride on that bus? I gave him a look. "Helix" "Psh, fine." Tinulungan niya akong ilagay ang gamit ko sa gilid ng bus. He was still complaining dahil halos hindi na iyon magkasya doon. Huminto ako sa hagdan ng bus and looked at him. Bakas pa rin ang disappointment at lungkot sa mukha nito, but I knew just like my parents, he would support me. "Take care of yourself, okay?" malumanay na sambit nito. I smiled at him and nodded. "Thank you so much, Heli." He caressed my hair and kissed my forehead. "I'll miss you." "Have to go," I whispered at tuluyan na akong umakyat ng bus. Humanap ako ng vacant seat at nagkataon namang may bakante pa sa tabi ng bintana. Nakatayo pa rin ito sa harap ng waiting shed looking at me. Ngumiti ako nang malapad rito and waved my hand habang nagsimula nang umandar ang sasakyan. He tried to smile at inangat ang kanang kamay niya. Sumandal ako nang tuluyang makalayo ang bus. Simple akong nagpakawala ng hininga with a wide smile on my lips. It would be a long ride, and I was very excited. Gusto kong makita and daan and feel the air na pumapasok sa loob ng bus mula sa bukas na mga bintana, but after a couple of hours, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising lang ako sa tinig malapit sa akin. "Miss, miss..." Unti-unti akong nagmulat ng mga mata and saw manong driver. "Miss, nandito na tayo." Agad naman akong tumingin sa paligid and saw na ako na lang ang tao sa loob ng bus. "S-salamat, Manong..." Tinulungan niyang ibaba ang mga gamit ko and answered my questions kung paano ako makararating sa barrio Mesa. Ang sabi niya kailangan kong pang sumakay ng jeep at sumakay ng tricycle. I expected that going there would be so much hassle, but I didn't complain kahit pa halos mapiga na ang katawan ko sa dami ng sakay sa loob ng jeep. Tirik a ang araw nang makarating ako sa malaking arc ng barrio Mesa. Very welcoming ang mga tao roon because they were offering different tourist spots sa lugar nila. I didn't waste time and did not hesitate to ask kung paano ako makakarating sa barrio La Mera. "May kakilala ho ba kayo do'n, ma'am?" I gulped something down my throat. I remember kung anong sinabi sa akin ng kausap ko online. She said I should lie. Pakiramdam ko ay hindi pa ako nagsisinungaling sa buong buhay ko and it was hard for me to intentionally lie. Ganoon pa man, marahan akong tumango. "Y-Yeah..." Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa pati na rin ng dalawa niya pang kasama. "Sigurado po kayo, ma'am?" Muli akong lumunok before slowly nodding my head. "I just can't-- uhm, hindi ko lang po siya matawagan, wala po kasing signal doon." "Dapat ho nagpasundo kayo sa kanya." "Opo, ma'am. Kasi sa La Mera mahigpit ho sila doon. Hindi sila basta-basta nagpapapasok maliban na lang kung may kakilala ka roon. Isa pa, wala hong may sakop sa kanila. Hindi naman sila totoong barrio rito." "Ano hong... ibig niyong sabihin?" "Kung baga eh hindi po nila pagmamay-ari ang sinasakupan nila pero hindi sila pinapaalis ng gobyerno dahil nakakatulong sila sa pag-aalaga ng kagubatan." "P'wede niyo ho ba akong ihatid doon?" "Naku, ma'am, delikado ho ang daan doon. Dito na lang po kayo sa barrio namin, siguradong ligtas kayo rito." "I... really need to go there." Hindi ko alam, pero sa mga narinig ko sa kanila mas lao akong na-curious sa lugar. I wanted to trust my guts na walang mangyayaring masama sa akin doon. "Pasensya na po, ma'am. Hindi po talaga namin kayo pwedeng ihatid. Masyadong matarik ang daan." Humugot ako ng malalim na hininga. I didn't want to do it pero naglabas ko ng pera mula sa bag ko. I handed them money na sila nilang tinitigan. "Please... pwede niyo po ba akong ihatid?" A man in front of me cleared his throat at marahang inabot ang pera mula sa akin. "Basta sa daan lang ho na kakayanin ng sasakyan, ma'am." "Salamat ho." Tiningnan ko ang daan habang nakasakay sa likod ng truck. Baku-bako ang daan, maputik, mabato, at sa gilid may matataas na lupang maaring bumagsak ano mang oras. It took us almost three hours bago kami makarating sa destinasyon. Huminto kami sa harap ng isang mahabang hanging bridge. Hanggang doon na lang daw ang sasakyan. "Ma'am, sigurado ho ba kayo na tutuloy kayo? Baka ho abutin kayo ng dilim." "Oo nga, ma'am, delikado ho ang magiging daan ninyo." "I guess... I'll meet her there...." Turo ko sa dulo ng bridge. "Ah, ganoon ho ba? Mabuti naman po at may kasama kayo lalo na at mahaba pa ho ang lalakarin niyo." "Mga... ilang minuto ho bago ako makarating sa barrio nila?" "Dalawang oras po." Halos nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Manong but I kept my reaction lowkey. Muli akong napalunok. "Uhm... pwede niyo po bang ituro sa akin ang daan. Kung sakali lang ho na kailangan kong hintayin ang kaibigan ko." I really wanted to curse myself for lying three times already. "Ah sandali lang, ma'am. Ang alam ko naitabi ko 'yon sa loob ng sasakyan eh." Hinintay ko si Manong na muling bumalik sa harapan ko. Binigyan niya ako ng isang papel. Nakaguhit doon ang daan na kailangan kong tahakin para makarating sa barrio La Mera. Looking at it pakiramdam ko ay napapagod na ako. Totoo palang malayo pa iyon. "Sige ho, ma'am. Iwan na po namin kayo dito baka ho kasi abutan pa kami ng dilim sa daan." "Maraming salamat po..." "Mag-ingat ho kayo at marami po kayong kailangang daanang ilog at sapa." I tried to smile at them. Hinintay kong mawala sa paningin ko ang sasakyan ng mga ito bago ako nagpakawala ng marahas na hininga sa ere. You wanted it, Kalsey. Wala nang atrasan. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob na dumaan sa bridge bitbit ang mga gamit ko. I got a bit nervous nang makita kong hindi talaga biro ang daan. Ilang minuto pa lang akong naglalakad pero nakakaramdam na ako ng pagod. I still did not hesitate na tumuloy. I just regretted na nagdala ako ng maraming gamit. Hinahabol ko na ang hininga ko nang makarating ako sa ilog. Mas lalo kong gustong magmadali dahil nagsisimula nang lumubog ang araw. I was afraid na abutin ako ng gabi lalo pa at hindi ko alam ang daan. Sinundan ko ng tingin ang mga batong maari kong tapakan para makatawid sa kabila. Magkakadikit lang naman ang mga iyon so I thought of not removing my shoes. Maingat kong sinimulan ang hakbang ko, slowly putting my bag sa mga katabing batong p'wede kong babaan. I let out a deep breath para sa susunod na hakbang dahil may kalayuan ang susunod na bato. It wasn't my first time experiencing that, so I believe I could do it. Ngunit sa pagtalon ko sa kabilang bato, dumulas ang paa ko and unexpectedly... I fell down. Naramdaman ko ang pagtama ng ulo ko sa isang malaking bato and everything turned black.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD