HANGGANG ngayon ay pinoproseso ng utak ko ang sinabi ni Yvo. I was between sleepiness and consciousness, kaya hindi ko malaman kung tama ba ang narinig ko o nagha-hallucinate na lang ako. “Anong sinabi mo?” tanong ko kay Yvo. “P-Puwede bang makikiulit?” Gusto kong marinig. Gusto kong masigurado na sinabi niya nga iyon at hindi lamang guni-guni ko Hinaplos ni Yvo ang pisngi ko at hinalikan ang labi ko. It was a soft kiss, contrast to him rugged aura and look. “I said, I am in love you, Chiara.” Nanlalaki pa rin ang aking mga mata, hindi makapaniwala. “Deeply, madly, and crazily in love.” Napahawak ako sa aking dibdib sa sinabi niya. Magkahalong paninikip ito at saya. Hindi ko maintindihan. Pwede mo pa lang maramdaman ang magkahalong saya at lungkot. “It wasn’t easy to say those words,

