HINDI ako makatulog. It’s been a week since Yvo tortured the one who tried to bomb our son at hinding-hindi ko makalimutan kung anong ginawa ni Yvo. Katabi ko si Savio dahil hindi siya makatulog. Naandito pa rin kami sa bahay ni Yvo. Hindi pa siya umuuwi at ang sabi niya sa akin ay may aasikasuhin lang siya. Naiwan si Raffaele at Nero para bantayan kami. Bukod sa dalawa ay marami pang nakakalat na guards sa paligid ng bahay. Kung tutuusin ay safe naman talaga. Napapaligiran din ng alarms at iba pang high-tech na security ang bawat sulok ng estate niya. Kung may taong walang permiso ang nagtangkang umakyat sa pader ng bahay, paniguradong makukuryente sila sa gate pa lamang. Yvo is making sure that Savio and I are safe. Hindi lang ako pinapatahimik sa maaaring ginagawa niya ngayon. He’s

