HINDI pa nagsasalita si Yvo simula nang umalis kami sa school ni Savio. Tahimik din ang buong byahe namin dahil nakatulog si Savio. Nang makarating kami sa bahay, tinangka kong buhatin si Savio dahil nasanay naman talaga ako na ginagawa ito, subalit pinigilan ako ni Yvo. “Ako na,” sabi niya sa akin. Napaatras ako sa kinaroroonan ko nang lumapit si Yvo kay Savio. Marahan niya itong binuhat at dinala sa loob ng bahay. Hindi ko mapigilang mapatitig sa kanilang dalawa, to the point na hindi ko na nga sila napagbuksan ng pinto. Mabuti na lang at naririyan si Ate Lilibeth para gawin iyon. Bakit ba kasi bigla akong nawala sa sarili? Ang makita ang pagyakap ni Savio kay Yvo at ang pagtawag nitong papa rito ay hindi ko inakalang makakapagbigay ng kakaibang init sa aking puso. Alam mo iyong tip

