“HAPPY BIRTHDAY, Savio!” It’s Savio’s birthday party. Hindi ako makapaniwala na 6 years old na ang anak ko. Masaya siya lalo na nang makita ang malaking cake na inihanda ni Yvo para sa kanya sa araw na ito. Nagniningning din ang mga mata niya nang makita ang maraming bata at mga gifts na dala nito. “Make a wish,” sabi ni Yvo. Ipinikit ni Savio ang kanyang mga mata para humiling bago niya hipan ang apoy sa kandila sa cake niya. Nagpalakpakan ang lahat. Marami nga ang imbitado sa party na ito. Both The Outfit and Cosa Nostra, together with the Benavidez family, they are all present here. Ginawa na rin kasi ni Yvo ang announcement tungkol sa anak naming dalawa. Matapos mag-blow ng candle, tumingin sa akin si Savio. “Mama, can I open my gifts na?” Marahan akong humalakhak kay Savio ba

