"Good morning po." Bati ko sa mga katulong nang madatnan ko silang naghahanda ng almusal sa dining area nang magliwanag. Agad na inilibot ko ang aking paningin para hanapin ang taong madalas kong kasama sa bahay. "Si Marco po?" Tanong ko nang hindi sya makita. I promised to cook for him kaso nakatulog ako kanina. "Maaga po syang pumasok, Ma'am." Sagot ng isang katulong. Agad na tumango ako at saka naupo. Maybe he's busy. Nang makahain ay minadali ko ang pagkain at nang matapos ay nakangiti kong hinanap ang lunchbox na pwedeng paglagyan ng babaunin ko para kay Marco. Masyado syang maagang umalis ngayon kaya paniguradong hindi pa sya nag-aalmusal. "Is it okay if I bring this for Marco po?" Tanong ko na nakaturo sa pancake na nasa lamesa. Nakangiti namang tumango si Ate Nessi sa akin ka

