Day 1 Part 2

2107 Words
Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan nang makalabas sa building. Ikalimang kompanya na yata itong napuntahan ko pero lagi hindi pa rin ako nakakapasok dahil kulang pa raw ang experience ko, ang ibang kompanya naman ay hindi tumatanggap ng wala pang hawak na diploma.   “Hay!” Nanghihinayang na nilingon ko ang building nang may ngiti sa labi. “Akala ko ganoon lang kadali maghanap ng trabaho.”   I never experience to work. Mula pagkabata ay may yaya na ako na laging gumagawa ng mga gawain para sa akin, bukod sa pagbibihis at pagliligo sa sarili ko. Akala ko ganoon lang kadali, na kapag nag-apply ka at maganda ang background mo ay matatanggap ka na.   Mabibigat na hakbang ang naging paglayo ko doon. Layla yang balikat na kinuha ko ang aking wallet sa bag. Magkano na lang ang pera ko. Hindi ko alam kung aabot pa ‘to hanggang next month. I need to find a job as soon as possible.   Gulat na kinuha ko ang aking cellphone nang maramdaman ang paulit-ulit na pagvibrate nito. Nang makita ang pangalan ni Marco ay muli ko iyong sinilid sa aking bulsa.   Mas lalo ko tuloy naramdaman ang lungkot. Alam ko naman kasing wala akong karapatan na magtampo matapos nang naging pagtrato nya sa akin pero kasi umasa ako. Akala ko kasi gusto nya rin ako, akala ko may meaning yung naging paghalik nya sa akin. Turns out everything is just pure deal – na kailangan na i-seal ang pakiusap ko.   Ikaw ang nag-assume, Heather. Now look at you. Stupid.   “Why am I so broken hearted?” Pekeng tumawa ako. Inayos ko ang aking tayo saka muling kinuha ang cellphone nang maramdaman ang muling pagvibrate non.   From: Marco Dad told me to go home with you. Where are you? I’ll come to pick you up. - end of text –   Kung noon ay natutuwa ako sa mga text nyang ganon, ngayon ay parang hindi ko maramdaman ang kahit na anong inaakala kong mararamdaman ko – walang paru-paro sa tyan ko, hindi ko maramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko, ang awtomatiko kong pagngiti ay wala rin.   Nang muling magvibrate ang aking cellphone ay pinatay ko iyon. Pumara ako ng taxi saka sinabi ang village nila Marco.   “Here,” saad ko. Iniabot ko ang bayad. Nang tangkang bubuksan ko na ang pinto ay kusa akong natigilan nang magsalita ang driver.   “Miss, kung nag-away kayo ng nobyo mo’y makipag-ayos ka na.” Kung talagang may relasyon lang kami ni Marco, hindi ko hahayaan na magkaroon kami ng tampuhan na ganito.   “I don’t have a boyfriend.”   “Oh eh anong nangyari at panay ang pagbuntong-hininga mo?”   Ramdam ko ang mga tingin nya mula sa rearview mirror pero nanatiling nakatuon ang paningin ko sa aking mga binti.   I signed. “I confessed and I think – wait. Why would I tell you?” Nagtatakang tanong ko. For a moment nawala rin ako sa sarili. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay doon ko lang napansin na ilang taon lang ang tanda nya sa akin.   “Hehe. Sorry. Sige baba ka na.” Aniya saka isinenyas na buksan ko na ang pinto.   Naniningkit ang mga mata kong nakatutok habang pababa ng taxi. Sya naman ay panay ang pag-iling at tango sa akin habang paulit-ulit na ibinubugaw ako gamit kaliwang kamay nya.   Panay ang pagpilig ko nga aking ulo pa-kanan at kaliwa, iniisip kung kilala ko nga ba ang taong iyon pero hindi ko talaga maalala na nakita ko na sya maski isang beses sa tanang buhay ko.   “Why aren’t you answering my messages and calls?”   Agad akong napatigil nang marinig ang boses ni Marco. Salubong na ang kilay nya habang naglalakad palapit sa akin. Ang maangas nyang paglalakad, ang magulo nyang buhok, ang kulay brown nyang mata at ang matangkad at payat nyang pangangatawan – iyon ang isang bagay na nagustuhan ko sa kanya. Pero ngayon ay hindi ko alam kung paanong iaappreciate ang nakamamatay nyang kagwapuhan.   “Hay!” Bumuntong-hininga ako saka blanko ang mukhang sinalubong ang kanyang tingin. “I’m tired.” Hindi ko talaga alam kung bakit ang drama ko ngayon. Sabi ko naman sa sarili ko tanggap ko kahit hindi nya pa ako gusto pero heto ngayo’t naglulungkut-lungkutan ako sa harap nya. Pabebe.   Nilampasan ko sya pero agad ding nahinto nang maramdaman ang paghawak nya sa aking braso. “Heather.”   “I’ll go ahead. I promise Tito na mag-uusap kami ngayon.” Pilit ang ngiting saad ko.   Hindi ko na hinintay pa na magsalita sya. Madiin ang pagkakahawak sa bag na pumasok ako sa loob ng bahay. Hanggang kailan mo balak magdrama, Heather?   “Good afternoon ho.” Bati ko nang maabutan ang parents ni Marco sa salas. Ganoon pa rin ang itsura ni Tito nang tignan ako’t senyasan na maupo sa kaharap nyang sofa. Nagtatakang nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa. Napaka-engrande kasi ng mga suot nila.   “Where’s Marco?” Tanong ni Tito nang mapansin na hindi ko kasama ang anak nya. Gusto ko sana syang pilosopohin at sabihin na wag nya sa akin hanapin ang anak nya pero natatakot ako na baka bigla nya na lang akong palayasin. Wala pa akong pera sa ngayon para umupa ng bahay.   “I’m here, dad.” Hindi ko nilingon si Marco. Maski nang naupo sya sa tabi ko ay nagpatay malisya ako’t itinuon lang ang paningin sa mag-asawa.   ““Don’t you want to go home?” Panimula nya.   Napatigil ako ng tanungin iyon ni Tito. The thought of moving back home has crossed my mind lately, but the possibility of being in another arrange marriage has prevented me from going home. I don’t want to tie a knot with someone na hindi ko naman mahal. Kung normal para sa kanila ‘yon, para sa akin ay hindi.   “Philipee.” Tita called him. Pansin ko pa ang bahagyang pag-iling nya na tila ba pinipigilan ang asawa sa muling pagtatanong.   “What? I’m just asking her. You don’t mind naman di ba, hija?”   “Yes po Tito.” Nakangiting sagot ko. Wala namang masama sa naging tanong nya dahil kahit sino naman yata ay tatanungin ako ng ganon lalo pa’t napakatagal ko nang hindi umuuwi sa bahay namin.   “I’m sorry Iha.” Pagpapaumanhin ni Tita na akala mo isang kasalanan ang naging tanong sa akin. Bumaling ako kay Tito, “Can you give me sometime po? I promise to move out kapag nakahanap na ako ng trabaho.” Saad ko. I am really eager to find a job. I don’t want to be a burden on this family anymore. I’ve been staying here for quite some time.   “Bakit kailangan mo pang tiisin ang ama mo, Heather? Hindi naman sa pinanghihimasukan ko ang buhay nyo pero alam mo naman na ito lang ang tanging makakasalba sa business nyo.” Saad nya. Agad na nahagip nang mata ko ang madiin na paghawak ni Tita sa binti ng asawa.   I heard Marco murmuring at nang lingunin ko sya’t bigyan ng nagtatanong na tingin ay agad syang nagkibit-balikat.   “Heather.” Rinig kong pagtawag ni Tito.   “I – “ Hindi ako makahanap ng tamang salita. Kung sasabihin ko na may gusto akong iba kaya hindi ako pumayad na magpakasal ay paniguradong tatanungin ni Tito kung sino yon at sa puntong yon ay kailangan ko nanamang dagdagan ang kasalanan ko kapag nagkataon.   “I’ll let you stay but please, contact your mom. She’s worried about you.” Saad nya. Ramdam ko ang pag-aalala sa tono ng kanyang pananalita.   “Yes, Tito.”   “By the way, we’ll be out of the country for a month. I expect you two to get along like brother and sisters, okay?” Salita ni Tito. Hindi ko alam kung paanong magrereact. Maganda at perpekto ang timing na iyon para makagawa ako ng paraa’t magustuhan ako ni Marco pero hindi kayang magdiwang ng puso ko dahil sa dalawang dahilan.   Una, ang isipin na maiiwan kaming dalawa ni Marco ay tila ba nagpapasikip ng dibdib ko. Ikalawa, nagdadrama pa nag puso ko ngayon!   “Yes, dad.”   “Heather?”   Gulat na nilingon ko ang matatanda, nang ngitian nya ako ay agad na bumaling ang aking paningin kay Marco na ngayon ay ngingisi-ngisi na.   “Dad’s asking you Heather.” Aniya. Hindi ko alam kung ako lang ba o talagang ginamit nya ang pinakamalanding paraan nya ng pagsasalita nang banggitin ang pangalan ko.   Nang marinig ko ang pagtikhim ni Tito ay mabilis ko syang binalingan, “Yes, Tito.”   “Good. I’ll go ahead for now.” Saad nito saka inayos ang kanyang suit nang tumayo.   Mabilis din akong tumayo saka nagbow bilang pagrespeto pero tulad ng dati ay nanatiling nakaupo lang doon si Marco habang tinitignan ang kanyang ama’t ina.   “May lakad ka, dad?” Tanong nya na akala mo hindi pa obvious iyon. Duh? His mom is wearing an evening gown and tito’s wearing a suit. Anong akala nya? Matutulog lang ang dalawa?   “We need to go to a party.”   “Okay. Take care.” Saad nya. Mabilis syang tumayo para bigyan ng halik ang kanyang ina.   Nang tuluyan nang nawala si tito at tita sa aking paningin ay mabilis kong kinuha ang bag ko pero ganoon kabilis ang naging pagkilos ni Marco nang magtangka akong humakbang.   “Heather.” Aniya. Mahinang tinabig ko ang kamay nya.   “I’m tired. I’ll just be at my room.” Naroon nanaman ang nagtatampo kong tinig pero kahit anong gawin ay hindi pa rin nya iyon mabasa.   Alam kong kalabisan sa akin na hilinging habulin at pigilan nya ulit ako dahil ako mismo ang umiiwas pero kung gagawin nya ay ako pa mismo ang yayakap sa kanya ngayon.   Nang marating ang kwarto ay agad akong nahiga. Hindi ko na kailangan pang magpaantok dahil nang maramdaman ko ang malambot na kama ay awtomatiko akong napapikit dahil sa sobrang pagod.   “Hmm.” Napadaing ako nang may maramdaman sa aking leeg. Basa iyon at hindi ko maitatangging gustung-gusto iyon ng katawan ko.   Mas lalo ko pang itiningala ang aking ulo upang mas maramdaman ang sensasyon doon pero agad akong napadilat nang marinig ang boses ng isang lalaki sa aking tabi.   “Marco?!” Malakas na sigaw ko. Agad ko syang itinulak palayo saka itinakip ang kumot sa aking katawan. “What are you doing here?” Puno ng kaba na tanong ko. Hindi ko malaman kung kaba nga ba o hiya ang dapat kong maramdaman. Kaba dahil pinasok nya ako sa kwarto o hiya dahil nagustuhan ko ang ginagawa nya kanina.   Namumungay ang mga mata nyang tinignan ako, “You’re not okay.” Aniya. Sa unang pagkakataon ay gusto kong umiyak dahil napansin nya iyon. “You’ve been avoiding me mula pa kanina.”   “Are you drunk?” Tanong ko. Nang umiling sya ay hindi ko nagawang maniwala dahil sa amoy ng alak na nalalanghap ko sa kanya.   “I know you purposely turned off your phone dahil ayaw mong makausap ako but please, send me a message kahit tuldok lang dahil hindi ko maiwasang mag-alala sa’yo.” Saad nya. Agad kong naramdaman na may humaplos sa puso ko. Puno ng sinseridad ang kanyang mga mata. Emosyonal na nginitian ko sya pero ganoon na lang mas nawasak ang puso ko nang muli syang magsalita. “You’re like a baby sister to me, I don’t want you sad dahil lang sa akin.” Dagdag nya saka hinawakan ang pisngi ko.   Hindi ko napigilan ang pagkawala ng ilang butyl ng luha dahil sa narinig. Kung kanina ay wasak na ang puso ngayon, nayo’y wasak na wasak na talaga ito. Pinakalma ko muna ang sarili saka sya inalalayan tumayo.   “You’re drunk. Rest Marco. Let’s just talk tomorrow.” Saad ko. Akay-akay ko sya palabas ng aking silid.   “Hindi mo na ba ako iiwasan?” Tanong nya.   “No.” Malungkot man ay umiling ako. Ako ang may gusto nito. Ako ang nagpumilit kaya kailangan kong kayanin ang sakit.   Gagawin ko ang lahat, Marco. Kahit sobrang sakit na. Dahil alam ko na sa huli ay ako naman ang mamahalin mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD