Magkasalubong ang kilay na inilabas ko ang lahat ng damit na posibleng maisusuot ko ngayong araw. I don't know what's happening. Hindi namn noon problema sa akin ang pananamit pero heto ngayo't para akong sira na nagkakalkal sa closet ko.
"This?" I pulled out my ripped pants and a croptop saka humarap sa salamin, "Nah. This is too sexy." I shook my head and throw my clothes.
I bit my pointy finger saka tinitigan ang mga damit na nagkalat sa aking kama.
Damn it, Heather! All you have to do is choose! Bakit parang napakahirap non sa'yo?
"How about this?" Kinuha ko ang isang pares ng skirt at tshirt saka sinukat iyon. Nang maisuot ay mabilis akong nagtungo sa harap ng salamin pero agad na nangunot ang noo ko, "Too short." Saad ko saka mabilis na hinubad ang mga iyon.
Kulang na lang ay sabunutan ko ang sarili ko sa sobrang inis. I became conscious because of Marco! Parati nya kasing pinupuna na maiksi ang suot ko kaya heto ngayo't malalagutan na ako ng hininga kakasukat ng mga damit ko!
"Heather, malelate ka na."
Agad kong nilingon ang pinto nang marinig ang boses na iyon. Madiin akong napapikit saka kinuha ang isang fitted na pantalon at simpleng t-shirt saka nagbihis.
"Simplicity is beauty." I said to console myself. This isn’t fit on my taste because it’s too simple and plain pero whatever. “Bagay naman pala sa akin ang ganitong porma.”
Matapos kong makuntento sa aking itsura ay agad kong kinuha ang backpack na napili ko. Itinali ko ang aking buhok saka nagmamadaling lumabas.
Panay ang pagyuko ko para maiayos ang converse na napagdesisyunan kong isuot. Kulay puti iyon kaya naman extra ingat ako na hindi maapakan ang sintas para hindi madumihan.
"You'll tripped on this." Gulat na pinanuod kong maupo si Marco sa aking harapan saka itali ang sintas ko. This isn't the first time that he's doing this pero it still made my heart flutter.
I automatically smile. I was worried kagabi na iiwasan nya ako pero heto ngayo't sya pa mismo ang nalapit sa akin. I knew he liked me all along. This isn't one sided after all ha?
“Thank you.” I said and gave him the sweetest smile I could possible give pero agad na nawala ang mga paru-parong nararamdaman ko kanina nang blanko ang mukhang tanguan nya ako saka naglakad paalis.
Nagtataka ko syang pinanuod na lumabas nang pinto. Nang maalala kong wala akong sasakyan papunta sa university at sya lang ang pag-asa kong makarating agad doon ay mabilis akong kumilos.
“Marco!” I shouted pero hindi man lang ako nito nilingon.
Inis na hinila ko pababa ang aking bag nang makita ang kotse nyang lumabas ng gate, “Damn!” I was ready to cry out of frustration nang makarinig ako ng boses mula sa aking likuran.
“Hija, are you okay?”
Mabilis kong hinarap si Tita nang may hiya sa mukha. Kalalabas lang nito sa kanilang silid at mukhang naistorbo ko pa dahil nakasuot pa sya ng roba. This isn’t your home, Heather. Stop shouting na akala mo pag-aari moa ng bahay na ‘to!
“I-I’m fine, Tita. I’m sorry po kung naabala ko pa kayo.”
“No. No. It’s okay. Aren’t you going to university?”
“Yes po.”
“Hindi ka pa ba sasabay kay Marco? Where is he?” Tanong nya saka nagpalinga-linga. Nang hindi makita ang anak ay agad syang nagtungo sa silid nito. Damn Marco! Anong idadahilan ko sa mommy mo? Bakit ba kasi hindi man lang sya nagpaalam?!
Pilit na nginitian ko si Tita nang bumalik ito sa aking harapan.
“Where is Marco, hija?” Muling tanong nya.
“He – “ I pointed at the door. Hindi ko alam kung paanong sasabihin kay Tita na umalis na ang anak nya. Pabagsak kong inilaglag ang aking kamay saka binigyan sya ng pekeng ngiti.
“Where?” Tanong nya saka sinilip ang tinuturo ko. Damn Marco!
“He – uhm.”
“He left?”
“Y-yes po.” “H-he has something to do pa raw po!” Pagpapalusot ko. Alam kong hindi gusto ni Titan a umaalis si Marco ng walang paalam. Binata na ito pero dahil iisang anak lang ay parating nakabantay si Tita sa kanya lalo’t may sakit ito.
“And he left you kahit nakaayos ka na?” Tita’s eyebrow arched. “Let me call that brat.” Mabilis nya akong tinalikuran. Nang mahawakan nya ang seradura ng kanilang pinto ay agad kong inabot ang braso nya.
“No, Tita!” Sigaw ko. Agad akong umayos ng tayo nang makita ang nagtataka nyang tingin. Siguro’y naninibago sa inakto ko. “I-it’s okay po. He insisted na sumabay na ako sa kanya pero sabi ko may dadaanan pa ako.” I lied. He was stone cold when I saw him. Wala syang balak na isabay ako at mas lalong wala syang balak na kausapin ako. I felt a stab on my chest.
“And where are you going?” Tanong nya. Hindi ko malaman kung paanong iiwasan ang kaba lalo na nang makita ko ang pagtingin nya sa kamay kong hindi na mapakali.
Mabilis akong yumuko nang makita ang pigurang nasa kanyang likuran. “Good morning ho, Tito.” Ipinagpapasalamat ko ang biglaang paglabas ni Tito mula sa kanilang silid. Hindi ko na kailangan pang dagdagan ang kasinungalingan na sinabi ko dahil naging agad na lumapit si Tita sa asawa saka ito binigyan ng mabilis na halik sa pisngi.
“Good morning. Are you busy?” Seryosong tanong ni Tito. Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa na akala mo hindi nya alam kung saan ang punta ko gayong may suot akong ID.
“H-hindi naman ho.” Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng kaba dahil sa tono ng pananalita nya. What is it now?
“Can we talk?”
“O-okay po – “
“Let’s talk to her later, Philipee.” Biglang awat ni Tita sa asawa. Nagtataka ko silang tinignan. May ideya naman na ako sa kung ano ang gustong pag-usapan ni Tito pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ganoon na lang kabilis si Tita sa paghila at pagbulong sa asawa. “Heather is going to be late. Go now, hun.” Baling nya sa akin saka sinenyasan ako na umalis.
Nagtataka man ay sinunod ko ang ipinararating ni Tita. “O-okay po.” Isang beses pa muna akong nagbow para magbigay galang saka naglakad paalis.
“Take care!”
“Thank you po.” Malakas ding saad ko. Kitang-kita ko pa ang paulit-ulit na pagkawag ni Tita sa akin bago ako tuluyang lumabas ng bahay.
Paulit-ulit na pumilig ang ulo ko pakaliwa’t-kanan. I swear dad, kung may kinalaman ka sa magigingmakalabas ay muli kong naalala na late na ako. Wala tuloy akong ibang choice kundi ang tumakbo palabas ng village. Buti na lang at may taxi na roon nang makalabas ako sa kalsada.
“Why are you late girl?” Iyon agad ang bungad na tanong sa akin ni Liz.
Sinenyasan ko syang sumunod sa akin. “Traffic. I rode a taxi para makarating kaagad.” I said while taking deep breaths. Kung alam ko lang na ganito kahirap magcommute, sana tinakas ko na ang kotse ko sa bahay nang umalis ako.
I am covered with sweat and I didn’t bring any extra shirt!
“Kaagad? Duh? Our first subject is done na! Buti nakahabol ka pa. We have an important quiz pa naman kay Mrs. Dionisio. Alam mo naman yon. She won’t allow na – “
“Can you just….” Initaas ko ang aking kamay para pigilan sya sa pagsasalita. “Let me catch my breath first, please.” Saad ko saka hinawakan ang aking dibdib.
Nakangiwing inabutan nya naman ako ng tubig. Bukas na iyon kaya naman hindi ko nakailangan pang abalahin ang nagpapahinga kong mga kamay sa pagbukas ng bote.
Nang mabawi ko ang aking hininga ay agad na hinanap ng mata ko ang lalaking iyon. I stormed at his chair saka pabagsak na inilapag ang kamay ko sa arm chair nya.
“Marco!” Malakas na sigaw ko.
Maski ang mga naroon sa palibot namin ay nagulat dahil sa aking ginawa.
“What?”
“Why did you left me?” Tanong ko. Sasabihin ko pa lang sana kung paano ko syang pinagtakpan kay Tita nang muli itong magsalita.
“Am I your driver or what? Why do I need to wait for you and drive you here?”
Natigilan ako dahil sa tanong na iyon. Walang kasing lamig ang tono ng kanyang pananalita. Maski ang mga tingin nya sa akin ay tila ba nagsasabi na wala syang pakialam kung malate ako sa klase o ano dahil hindi naman nya ako responsibilidad.
“Marco.” Puno ng gulat na pagtawag ko. Hindi ko alam kung may tama pa nga bang salita para mas lalo akong hindi maging katawa-tawa sa mga taong nasa paligid naming pareho.
“I’m busy, Heather.” Saad nya saka tumayo’t lumabas.
Matinding pagpipigil ang ginawa ko para lamang hindi tuluyang maiyak habang pinanunuod ang likod nyang mawala sa aking paningin.
“Hey, nag-away ba kayo?” Rinig kong tanong ni Liz.
“I-I don’t know.”
“What do you mean you don’t know?”
“We we’re fine. Pero hindi ko alam kung anong nangyari.” Is this because of my sudden confession? He kissed me! Umiling ako. Kahapon ay maayos kaming naghiwalay matapos ang naging pag-amin ko. Nginitian nya pa ako.
“I… Excuse me.” Saad ko saka mabilis na isinukbit ang aking likod bago pa man ako maiyak.
“You’re going to ditch class?!” Liz is holding my bag to prevent me from walking. Malungkot na ngiti ang ibinigay ko sa kanya.
She knows how close Marco and I kaya naman nang maintindihan nya na baka mayroon ngang hindi maayos sa pagitan namin ay binitawan nya ako sa pag-aakalang susundan ko sya.
Panay ang pagbuga ko ng malalim na hininga. Hindi ko maisip kung ano nga bang mali ngayon para ganoon ang maging pagtrato nya. Nang makita ko syang nakaupo sa isang bench ay mas pinili kong maging bulag at lampasan sya.
“Aren’t you attending class?”
“No.” Mabilis na sagot ko. Nagtuloy ako sa paglalakad.
Saka lamang ako huminto nang maramdaman ko ang paghawak nya sa aking pulsuhan. “Heather, look, I’m sorry. I am still shocked.”
“I know pero hindi mo naman ako kailangang – “
“Can’t we go back to the way we were before?”
Para akong binuhusan ng yelo dahil sa sinabi nyang iyon. Nangungusap ang mga mata nya pero hindi ko kayang paniwalaan.
“Are you – “ hindi ko magawang ituloy ang sasabihin. He wants to take it back.
“Look, this is hard for me okay?”
“Pero pumayag ka kanina. You – “ Hindi makapaniwalang nag-iwas ako ng tingin. Sinapo ako ang aking noo saka tumingala. Pinipigilan ko ang mga luha ko sa pagpatak. “You even kissed me!” Malakas na sigaw ko.
Tuluyan ko nang hindi napigilan ang pag-iyak. Masyadong masama ang loob ko. Kasalanan mo rin naman! Nagpumilit ako. Mali. Nagmakaawa ako.
“Okay. I’m sorry.” Saad nya saka ako mahigpit na niyakap. Gusto kong maniwala sa kasinungalingang pinararamdaman ng mga yakap nya pero lumalaban ang isip ko’t sinasabi na puros awa lang ang dahilan ng lahat.
Awa. Iyon lang ang naramdaman nya nang pumayag sya.
“Where are you headed? Bakit hindi ka papasok?” Tanong nya nang bitawan ako.
Agad kong pinunasan ang aking mukha saka pilit ang ngiting tiningala sya. Nakangiting pinunasan nya ang aking pisngi nang may isang luha pang pumatak.
“I’ll look for a job.” Saad ko. Ang gulat ay bumalandra sa kanyang mukha.
“Heather.”
“I’m fine.” Pilit na ngiti ko. I’m not fine. Hinihiling ko na sana mabasa nya ang lungkot sa pananalita ko.
“Pero hindi ka sanay magtrabaho.”
“I can always learn, Marco. I’m not that stupid.” Except pagdating sa’yo. I wanted to say those words pero baka mas lalo lang akong masaktan. Handa akong maging tanga para sa’yo Marco.
Kitang-kita ko ang pag-aalala nya nang dahan-dahan kong tanggalin ang kamay nyang nakakapit sa aking braso.
“I need to go. Bye!” Pilit kong pinasigla ang aking pananalita. Hindi ko na hinintay pa na sumagot sya, nginitian ko sya ng pilit saka nagmamadaling lumabas ng campus. Nang tuluyan akong nakarating sa gilid ng kalsada ay agad kong naramdaman ang panghihina ng aking mga mata.
Akala ko pareho tayo ng nararamdaman, Marco. Pero siguro nga tama sila na ang lahat ng akala ay hindi totoo dahil ngayon, ipinapamukha mo sa akin na napilitin ka lang sa pakiusap ko.