“Will you stop looking at me, Heather?” Natatawang tanong ni Marco. Paano’y kanina ko pa hindi magawang ialis ang paningin sa kanya matapos naming kausapin si Marisa. Mas lumawak ang pagkakangiti ko nang lingunin nya ako saka mahinang pinisil ang pisngi ko, “Buy what you need, baby.” “You like me that much?” Tanong ko, tinutukoy ang naging usapan kanina sa café. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. “I like you, okay? Now go. Bilihin mo na ang mga kailangan mo so we can watch movies.” Saad nya saka bahagya akong tinulak. Isang beses ko pa syang nilingon bago tuluyang pumasok sa loob ng appliances shop. Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko habang inaalala at tinatandaan ang mga salitang sinabi ni Marisa. He knew my job at lagi syang nakabantay sa akin tuwing papasok ako. “

