Napagdesisyunan kong maupo muna sa sofa habang hinihintay si Marco sa pag-uwi. Hindi ko kasi nagawang pumasok kanina at ang sabi ni Liz ay may assignment daw kami.
"Hindi ka pa ba matutulog, Heather?"
Nakangiting nilingon ko si Ate Nessi nang marinig ang boses nya, "hindi pa po ate. Nakatulog po kasi ako kanina." Pagsisinungaling ko.
Gusto kong pagalitan ang sarili kung paano akong nagiging komportable na sa pagsisinungaling. Mula nang lisanin ko ang bahay namin ay naging hobby ko na nga yata ang bagay na iyon.
Nang magpaalam syang mauuna na sa kanyang silid ay agad akong tumango.
"Saan kaya sya nagpunta?" Tanong ko sa sarili saka sinilip ang labas ngunit wala akong ilaw ng sasakyan na nakikita.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Na-offend kaya sya sa sinabi ko? Pero ano naman ang masama kung sabihin kong mahal ko sya? Yon ang nararamdaman ko eh?
Halos isang oras na akong nakaupo sa salas ngunit maski ang mga pagbukas ng gate ay hindi ko pa rin naririnig. Nakasimangot na inabot ko ang remote at binuhay ang TV. Nang wala akong mahanap na magandang panuorin ay muli ko iyong pinatay.
"Nasaan ka na ba, Marco?" Tanong ko sa sarili. Naupo ako at isinandal ang aking ulo sa sofa. Paulit-ulit kong maingat na hinaplos ang aking leeg habang ginagawaran ng tingin ang ceiling ng bahay. Bored na bored na ako. Ano pa bang pwede kong gawin?
"Aha!" Nang makaisip ay agad akong umayos ng upo saka kinuha ang aking cellphone.
How to make a man fall in love with you?
Iyon ang mga salitang tinipa ko. Maraming sagot ang lumabas pero mas pinili ko iyong site na nasa pinakaunahan.
"Easy steps to make a man fall for you." Basa ko saka nakangiting pinindot ang link. Mas lalo kong iniayos ang pagkakaupo nang magbukas ang site na iyon.
Kagat ko ang kuko ng aking hintuturo habang nakangiting iniisa-isa ang mga nakasaad doon.
Be nice to him. Pakiramdam ko naman ay nagagawa ko ito sa kanya. Pwera na lang nitong nagdaang araw dahil sobrang napaka-drama ko talaga.
Don't be clingy. Nag-angat ako ng tingin. Medyo clingy ba ako? Parang hindi rin naman. Umiling ako saka muling itinuon ang paningin sa aking cellphone.
Surprise him. What kind of surprise should I do? Buy him a play station? Or wear a lingerie and flaunt my body? Tingin ko mas magugustuhan nya yung ikalawa. Sobrang manyak eh.
Always laugh whenever you're around him.
Don't be overly accommodating. Hmm. Npaisip ako. Parati kong ginagawang available ang sarili ko para sa kanya pero hindi pala maganda ang bagay na iyon?
Compliment him. I think I am complimenting him enough nitong mga nagdaang panahon.
Do not force him to change or have feeling for you. Medyo nakaramdaman ako ng hiya matapos mabasa ito.
Pakiramdam ko kasi kaya umalis si Marco ay dahil talaga sa sinabi ko. Baka napressure sya o baka iniisip nya na pinipilit ko syang mahalin ako. Yon naman talaga ang nangyayari, Heather.
Be patient.
Love yourself. I do love myself enough para gawin ang bagay na makakapagpasaya sa akin and that is being with Marco so I think this last advice is going to be the easiest one.
I took a screenshot and lay down. Those advices will be a big help para sa akin. Besides, I only asked for fourteen days. Kung alam ko lang na papayag sya, sana pala ginawa ko nang isang buwan. I don't kno if fourteen days is enough for him to fall in love with me but I'll make it work.
"Marco?" Mabilis akong napatayo nang marinig ang pagbukas at sara ng pinto. "Where have you been?" Agad akong tumakbo palapit sa kanya pero tanging pag-angat lang ng kanyang mga kamay sa ere ang naging tugon nya sa akin saka nakayukong naglakad pataas.
He's not drunk. I think he just...... wants to ignore me.
Pilit ang ngiting pinanuod ko syang pumasok sa kanyang silid at nang tuluyan nya iyong isara ay nagsimula akong humakbang. I-I need to sleep. Pero nang makarating sa kwarto ay nanatili lang naman akong nakaupo sa kama. Nakabuhay ang TV pero nasa kawalan ang paningin ko. Rinig ko ang mga salitang binibitawan ng mga aktor at aktres sa palabas pero wala akong naintindihan maski isa mang salita.
NANG MAKARAMDAMAN ng pagkauhaw ay napagdesisyunan kong bumaba. Sinipat ko ang side table upang tignan ang oras. 3:00 am and my thoughts are killing me.
"Maingat na hakbang." Paulit-ulit kong pagkausap sa aking sarili. Ayokong gumawa ng katangahan at mabulabog ang mga taong mahimbing ang pagkakatulog.
Nang marating ko ang kusina ay agad na nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita. A six foot tall man is leaning on the refrigerator. His handsome face is seen through the light from the open window.
Parang may mga anghel na kumanta nang unti-unting ibuhos ni Marco ang laman ng bottled water na hawak nya - mula ulo hanggang sa kanyang leeg. He did that full of passion na tila ba nasa isang shoot para sa commercial ng iniendorse na inumin. Nagsimulang mabasa ang damit na suot nya dahilan para bumakat ang six pack abs na itinatago nya. Nanatili akong nakanganga habang pinanunuod syang gawin ang bagay na iyon.
"Heather..." walang kasing lambing nyang tinawag ang pangalan ko.
Malamlam ang mga mata, bahagyang nakaawang ang nakangiti kong labi at magkadaop ang mga palad na bahagya kong iniliyad paharap ang aking katawan nang humakbang sya palapit sa akin.
"Heather...." muling pagtawag nya.
Agad kong ipinikit ang aking mga mata saka ngumuso nang unti-unti nyang ilapit ang kanyang mukha.
"Heather!"
Mabilis akong nagdilat ng mata nang marinig ang malakas na pagtawag nya. Nasa ganoong posisyon pa rin ako nang mag-angat ako sa kanya ng tingin.
"W-why -" tuyo sya. Bukod pa ron ay nasa kalahati pa rin ang laman ng tubig na hawak nya. Wala ang abs at mas lalong wala ang malambing na pananalita.
Anong nangyari?
"Are you dreaming of me?"
Mabilis akong umayos ng tindig. Agad na iniiwas ko ang aking paningin saka umiling, "Ganoon ka ba kagwapo na para mapanaginipan kita kahit gising ako?" Pilit kong inilalabas ang taray ko pero sa loob-loob ko'y paulit-ulit kong kinakastigo ang sarili ko.
Ano bang nangyari? Bakit nakita ko sya sa ganoong posisyon?
"You're drooling." Pang-aasar nya. Nang akma nitong pupunasan ang labi ko ay mabilis kong tinabig ang kamay nya saka masama ang tingin na tinitigan sya.
This is so embarrassing!
"I've been calling you for a hundred times pero para ka lang penguin na nakangiti sa akin. I actually got scared. Dapat nga sana'y hahampasin na kita kasi baka sinasapian ka but you leaned forwand and -" inginuso nya ang kanyang mga labi tulad ng ginawa ko kanina saka nakangising tumingin sa akin, "Are you dreaming of kissing me?"
"Ako?!" Malakas na sigaw kong nakaturo pa sa aking sarili. Nang maalalang alas-tres pa lang nang madaling araw ay agad kong tinakpan ang aking bibig saka luminga sa paligid. Nakakahiya naman kung magigising ko sila Ate Nessi dahil sa lakas ng bunganga ko. "Bakit ko naman gagawin yon?" Nag-iwas ako ng tingin. Ipinagkrus ko ang aking mga braso saka madiin na pinaglapat ang mga labi ko.
"Because you like me."
Hindi ko naiwasang agad na mapatingin sa kanya. Ito lang ang unang beses na pakiramdam ko ay tanggap nya ang nararamdaman ko. Sapat na ang kakaunting liwanag na mula sa liwanag ng buwan para makita ko ang seryoso nyang mukha.
"Y-yes, I like you pero hindi pa ako nababaliw para pati sa panaginip ay makita ka!" Malakas na sigaw ko saka nag-iwas muli ng tingin. Agad ko syang nilampasan at ginawa ang pakay sa kusina - uminom ng tubig.
Rinig ko ang mga yabag na nakasunod sa akin hanggang marating ko ang refrigerator. Ipinagkrus nya ang mga braso't sumandal sa kabilang pinto ng ref. Hindi ko am kung bakit ba kailangan naming mag-usap nang madilim.
"Really? Ilang beses mo ngang tinawag ang pangalan ko and you're begging me to kiss you." Now this is more embarrassing. Parang gusto ko na lang hilingin na bumuka ang lupa at tuluyan akong kainin.
Nanatili akong tahimik. Hindi ko alam kung ano pa nga ba ang dapat kong sabihin dahil wala na akong maisip na ipangkontra sa mga sinasabi nya. I was really dreaming and I never thought that it's really impossible with open eyes. Siguro ay ganoon ako kabaliw kay Marco para mangyari ang bagay na iyon.
Agad syang humarang sa pinto nang makitang papalabas na ako. "Can you cook for me?"
"No." Mabilis na sagot ko. Lumihis ako saka muling itinuloy ang paglabas pero hinawakan nito ang pulsuhan ko.
Wala namang ibang meaning ang mga hawak na iyon pero hindi ko malaman kung paanong napapabilis non ang t***k ng puso ko.
"Heather."
"Ayoko. You're teasing me." Muling pagtanggi ko. Nang tangka kong babawiin muli ang aking kamay ay agad nya akong hila. Isinara nya ang pinto saka ako isinandal sa pader.
"Okay. Don't cook. I can have you as my breakfast." Ayon nanaman ang kakaibang paraan ng kanyang pagsasalita. Yumuko sya't hinawakan ang pisngi ko.
Ang kaninang maingat na paghawak nya sa akin ay naging marahas nang unti-unting maramdaman ko ang init ng katawan nya sa aking balat. Hindi ko itatangging gustung-gusto ko ang lambot ng labi nya sa labi ko kaya naman nang mas lalo nya pang ilapit ang kanyang mukha ay kusa akong tumingala. Sinalubong ko ang kanyang mga halik pero agad ding bumitaw nang maramdaman ko ang aking pag-angat sa ere.
"Marco." Sapo nya ang ibabang bahagi ng likuran ko.
"What?"
"Put me down. Magluluto na ako." Salita ko. Nanatiling nakapulupot ang mga braso ko sa kanyang leeg.
"Yon. Mabilis naman pala kausap."
Nang tuluyan nya akong ibaba ay agad akong kumilos. Ayokong may sino man ang makakita sa amin sa ganoong posisyon at magsumbong sa magulang nya. I am betraying them enough. Ayoko nang malaman pa nila na may ganitong nangyayari sa pagitan naming dalawa.
Magkahawak ang kamay na nagtungo kami sa kusina saka lamang sya bumitaw nang maupo sa bar counter.
"Yes?" Salita nya nang maramdaman ang paningin ko.
Nakangiting umiling ako saka yumuko't ibinalik ang tingin sa harap. We look like a married couple.
"Anong gusto mo?" Tanong ko. Inihilig ko ang isang kamay sa lababo at nilingon sya.
"Ikaw na ang bahala." Tugon nya at muling ibinalik ang kanyang paningin sa cellphone.
Tumango ako bagaman hindi nya nakita saka nagsimulang ayusin ang mga gagamitin. Kunot ang noong hinanap ko ang mustard. Kinailangan ko pang akyatin ang kitchen counter para lamang makita iyon sa dulo ng shelf.
"A-ah!" Nanlaki ang mga mata ko. Saisng sglit ay tila ba bumagal ang paggalaw ng mundo ko. Madiin akong napapikit saka hinintay na humalik ang katawan ko sa sahig pero ilang segundo na ang nararaan ay hindi ko man lang naramdaman malamig na tiles.
"Careful baby." Ani Marco. Nang magdilat ako ng tingin ay doon ko lang napansin na buhat nya na ako. "You should've called me kung may hindi ka abot." Malambing na salita nya saka kinuha ang mustard na nabitawan ko kanina sa loob ng shelf bago madulas. Nangiti sya't binuhat ako pababa. Nanatiling nasa kanya ang paningin ko. May kung ano sa mga salitang binitawan nya ang naging dahilan para saglit na tumigil sa pagtibok ang puso ko.
Baby. Parang sirang plaka na nagpaulit-ulot ang katagang iyon sa aking pandinig. Alam kong wala lang iyon sa kanya pero napakalaki ng impact para sa akin.
"Are you okay? Halika na, ihahatid na kita s kwarto mo." Saad nya nang manatili akong nakatitig sa kanya.
Agad na bumaba ang tingin ko sa magkahawak naming kamay, "a-ayos lang ako." saad ko. Hindi na normal ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Parang kaunting oras na lang ay sasabog na ito.
"Are you sure?" Tumango ako bilang tugon saka tuminga at binigyan sya ng ngiti.
"Sige. Kapag may kailangan pa sa taas, tawagin mo na lang ako. Baka mamaya madulas ka nanaman at tuluyan nang mahulog."
Hulog na hulog na ako, Marco. At hindi ko alam kung makakaya ko pa nga bang umahon.