Day 3

2237 Words
NANG MAGLIWANAG ay agad kaming bumalik sa kanya-kanya naming silid. Pareho naming kailangan na maagang pumasok ngayon dahil sa announcement na gagawin para sa nalalapit na foundation day. “Heather?” Rinig kong pagtawag ni Marco mula sa labas ng aking silid. Mabilis akong tumayo. Isang beses ko pang tinignan ang aking sarili sa salamin bago tuluyang lumabas ng silid. “Let’s go?” Tanong nya. Nakangiting tumango ako. Hindi ko maiwasang hindi kiligin dahil ito yata ang unang beses na magkakasabay kaming pumasok mula nang umamin ako tungkol sa nararamdaman ko. “Will you stop looking at me?” Salita nya nang magsimula syang magmaneho. Paano’y mula pag-alis pa lang sa bahay ay hindi ko na nagawa pang tanggalin ang aking paningin sa kanya.’ “What’s your secret?” Nakangiting tanong ko. Isinandal ko ang aking isang braso sa pinto ng kotse saka ipinatong doon ang aking palad. Nang manatili akong tahimik ay nilingon nya ako nang may nagtatanong na tingin. Tila ba sinasabi kung ano ang nais kong sabihin. “You always look this hot. Maski hapon ay hindi nagbabago ang itsura mo, so what’s the secret?” “What am I supposed to say? Being Marco Montenegro?” Mayabang na sagot nya. Kitang-kita ko ang pangisi nya nang marinig ang matunog kong pagngiwi. Ipinatong nya ang kanyang braso sa bintana saka ipinatong ang baba sa kanyang hintuturo. “Yabang.” Salita ko saka iniwas ang paningin. Rinig ko ang mahinang pagtawa nya nang ibaling ko ang paningin sa labas ng bintana. Nanatili akong tahimik sa buong byahe. Nang marating namin ang university ay hindi manlang nagulat ang mga blockmates namin na magkasabay kami. Nang lingunin ko si Marco ay naroon nanaman ang pagiging seryoso sa kanyang mukha. Diretso ang tingin nyang naglakad papunta sa bakanteng silya kung nasaan ang mga kaibigan. “How are you, my sweet little bun?” Gulat na tinignan ko si Liz nang isukbit nito ang kanyang kamay sa aking braso. Pauulit-ulit nyang ipinikit ang kanyang mga mata, nagpapacute saka malaki ang ngiting tumitig sa akin. “Muka kang tuta.“ nakangiwing saad ko at tinanggal ang kamay nya. Nagsimula muli akong maglakad patungo sa pinakadulong bahagi ng silid – ang pinakabaporitong pwetso naming dalawa. “What is it that you need?” Kunwaring iritable na tanong ko. “Nothing. I just – “ “Oh please Liz! We’ve been friends first year.” Pigil ko sa kanyang pagsasalita at tamad na tamad ang mga matang tinignan sya. “Can I set you up on a blind date?” “Ha?” “Blind date. This coming Saturday.” Her eyes is shining. Hindi ko alam dahil sa pakiusap o dahil dumiretso ang mga mata ko sa kanyang likuran at nakitang blanko ang mukha ni Marco habang nakatitig sa amin. “A-ah. K-kailangan ko munang magpaalam kay Marco. Alam mo na. Sa kanila ako nauwi.” Tugon ko na naroon kay Marco ang paningin. Agad itong nag-iwas sa akin ng tingin. Inaasahan ko pa naman na iiling sya para ipabatid ang pagtutol sa plano ng kaibigan namin. “I already did that.” Nakatalumbabang saad nya. “What did he say?” I was hopeful na hindi sya papayag at maghehestirikal. Besides, I know for a fact that slowly, he is starting to fall in love with me. “He said yes. Wala naman daw problema sa kanya. Sabi ko ihahatid ka naman ng blind date mo.” My world crashed. Awtomatikong hinanap ng paningin ko si Marco pero nakita ko itong nakikipagtawanan sa isang babae doon sa may pinto ng aming room. Hindi ko alam kung paanong hindi itatago ang selos. Napakaganda ng kanyang mga ngiti – bagay na hindi nya ginagawa sa mga simpleng taong nakakasalamuha lang araw-araw. Ramdam ko ang paglaylay ng aking mga balikat. Agad kong itiningala ang aking ulo nang mapansin na naroon nanaman ang mga magbabadyang luha sa aking mga mata. Bakit nga ba ako umasa? Nang muli kong ibaba ang aking tingin ay muling tumama ang mga mata ko sa dalawang taong nagtatawanan sa labas. “Heather are you okay?” Rinig kong tanong ni Liz. Kitang-kita ang pag-aalala sa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Saka ko lamang naintindihan ang pag-aalala na iyon nang punasan nya ang aking pisngi. Doon ay napagtanto kong pumatak na pala ang luhang kanina ko pang pinipigilan. Mabilis akong nag-iwas ng tingin, “Yes. I just… can you give me time to think about it?” Papahinang tanong ko. Tumango sya bilang tugon. Ramdam ko pa ang pagtapik nya sa balikat ko bago dumating ang aming propesor. Nanatili akong tahimik sa buong klase. Nawawalan ng gana’t tamad na tamad. Nagsimulang maglakbay ang isip ko sa mga katanungan nang sumapit ang tanghali. Hindi ko alam kung paano pang bibigyan ng mga kasagutan ang mga tanong na pilit akong binabagabag. Bumalik ako sa reyalidad nang maramdaman ang paulit-ulit na pagkalabit sa akin. “H-eather, tawag ka ni Ma’am.” Alanganing saad ni Liz. Palihim nyang inginuso ang aming propesor na ngayon ay tila ba galit na galit na. Mabilis akong napatayo. “This is unusual of you, Heather! Where’s your mind?!” Mataas ang tonong salita nya. “I’m sorry, Ma’am. I’m not feeling well.” Mahinang tugon ko. Yumuko ako. Hindi ko kayang salubungin ang tingin ng mga tao. Hindi maganda ang pakiramdam ko, iyon ang totoo pero hindi lang dahil sa lagnat o kung anong sakit ng katawan. Kung iyon lang ang nararamdaman ko’y ipagpapasalamat ko pa pero hindi eh. Kasi yung pinanggagalingan ng sakit ay puso ko. Puso kong umasa na may nagbago na sa nararamdaman nya, na kahit paano’y may iba na syang pagtingin sa akin. “Go to the clinic and rest!” Sigaw nyang muli pero ramdam na ang pag-aalala sa kanyang pananalita. Isang beses pa muna akong tumungo saka kinuha ang mga gamit ko’t tahimuk na lumabas. Rinig ko ang mahinang pagtawag sa akin ni Marco pero nanatiling diretso ang aking mga tingin. Ilang ulit akong bumuntong hininga at ganoon na lang ang gulat ko nang may kamay na humawak sa aking pulsuhan at hinila ako papunta sa pinakadulo ng hallway, kung saan hindi masyadong dinadaanan dahil pinapagawa. “Are you ignoring me?” Tanong nya. Binitawan nya ang kamay ko saka humarap sa akin. Gusto kong paniwalaan ang inis sa mga mata nya pero hindi ko magawa. “Why are you ignoring me, Heather?” Mas malumanay na tanong nya. Nanatili akong tahimik na nakatitig sa kanyang mukha. Nang makuntento ang sarili ko ay inayos ko ang aking bag saka sya nilampasan. “You’re not going anywhere.” Saad ni Marco saka ako hinila. He pinned me to the wall. Iniharang nya ang parehong kamay sa magkabilang gilid ko para hindi ako makaalis. “Why are – “ “I need to go.” Mabilis kong inalis ang kamay nya pero dahil mas malakas sya sa akin ay hindi ako nagtagumpay sa aking plano. “You’re jealous.” Nakangising saad nya. Bago pa man ako makapagsalita ay agad nyang sinakop ang pang-ibabang labi ko. Hindi ko gusto kung gaano ako karupok ngayon. Hindi ko nagugustuhan ang pagpilig ng aking ulo para mas lalo syang bigyan ng magandang anggulo at mas lalong hindi ko nagugustuhan na sa pamamagitan lang noon ay naging patanag na ang kalooban ko, nawala na ang mga tanong at sakit na nararamdaman ko. “She’s a friend.” Aniya. Ipinatong nya ang kanyang noo sa akin saka ako tinignan ng diretso sa mga mata. “Then why are you okay with the blind date thing?” May pagtatampong tanong ko. Isinandal ko ang aking sarili sa pader nang tuluyan syang umalis sa harapan ko. “Dahil alam kong hindi mawawala ang nararamdaman mo sa akin. You love me enough, right?” Natigilan ako sa narinig. Mabilis akong nag-angat ng tingin sa kanya para lamang makita na nakangiti na sya sa akin. “That’s why I do not worry. Ayoko lang maghinala si Liz sa’yo. I know she knows nothing about your feelings.” Dagdag nya. Totoong walang alam si Liz pero hindi sa nararamdaman ko o sa kung ano ang nangyayari sa pagitan namin ni Marco kundi kung sino ang lalaking nagugustuhan ko. Iyon lang ang hindi nya alam dahil hindi pa ako handang sabihin sa kanya. “I need to go. Pumunta ka na sa clinic at magpahinga.” Paalam nya. Nakangiting tumango ako. “Let’s continue this later.” Bulong nya saka ako ginawaran ng halik sa pisngi. Nauna syang lumabas sa akin doon. Matapos ang ilang minuto ay sumunod ako. Pero hindi pa man ako nakakalayo sa lugar na iyon ay agad nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa bag at awtomatiko akong napangiti nang makita ang pangalan ni Marco. From: Marco I won’t let you leave my room unfvck, Heather. Trust me. - End of text – Mahina akong napatawa saka tumingin sa paligid. Nang makitang walang tao ay nagtipa ako. To: Marco Naughty boy. I have a job. I’ll be late. Don’t wait for me. - End of text - Tulad ng sinabi nya ay nagpahinga ako sa clinic. Nang dumating ang hapon ay rinig na rinig ko ang humahangos na boses ni Liz. Tinatanong nito kung saang bed ako nakahiga kaya naman agad kong tinabig ang kurtina. “Are you okay?” Puno ng pag-aalala na tanong nya. Nakangiting tumango ako bilang tugon. Ilang ulit pa nyang sinigurado na maayos na ang lagay ko bago ako tuluyang hinila palabas ng clinic. Wala daw kaming klase ng hapon kaya ang gusto nya’y lumabas kaming dalawa. Napagdesisyunan namin pareho na sa mall magpunta. Syempre kotse nya ang ginamit. Tinext ko na rin si Marco’t nagpaalam tungkol sa biglaang lakad pero hindi pa rin nagrereply. Mukhang busy yata. “You seem happy, Harper.” Nakangiting puna sa akin ni Liz nang makitang hindi mawala ang ngiti ko sa labi. Paano’y hindi mawala ang mga ngiti ko habang inaalala ang mga sinabi sa akin ni Marco kanina. Pumasok kami sa isang café at naupo sa pinakasulok ng establisyemento. Pareho kasi naming ayaw na nakakaagaw ng pansin. “Did you find a job?” Tanong nyang muli nang hindi ko sinagot ang nauna na nyang tanong. I nod in response. Ang mga nangungwestiyon nyang tingin ang nagbigay sa akin ng ideya na gusto nyang malaman kung ano man ang trabahong pinapasok ko ngayon. “You’ll find out soon.” Nakangiting saad ko saka muling sinilip ang cellphone pero wala pa ring text. Ano kayang ginagawa non? Am I being clingy? Nangunot ang noo ko. Muli kong naalala ang ginoogle ko kagabi. Don’t be clingy. Shoot! Mabilis kong isinilid ang aking cellphone sa bag saka itinuon ang buong atensyon sa aking kasama. “You’re not doing something crazy naman no?” Nakataas ang isang kilay na tanong nya. Kagat pa nito ang dulo ng kutsa habang nakatingin sa akin. “Like what?” Nagtatakang tanong ko. Nang makita ko ang seryoso nyang mukha ay agad akong umiling. “Seriously, Liz?” Maaring isang ganoong lugar ang pagtatrabahuhan ko pero isa lang akong kitchen staff. Agad naman na nakahinga ng maluwag ang aking kaibigan. Nagtuloy kami sa pagkain. Panay ang pagkukwento nya tungkol doon sa lalaking ipapakilala nya kuno sa akin pero hindi tulad kanina ay hindi ko na maramdaman ang lungkot. “I really miss this. We’ve been very busy since we’re graduating na.” Isinabit ni Liz ang braso nya sa akin at saka patalon-talon na lumakad. “Yeah. It’s been…” I paused for a moment to recall the last time we shopped together. “God knows how long we’ve been busy!” Bulalas ko nang hindi maalala kung kailan nga ba ang huling labas namin. Hindi tulad noon ay mas pinili kong bilhin lang ang mga kakailanganin ko. I need to save money para sa apartment na lilipatan ko. Nagsabi na ako kila Tito na aalis ako once na nagkapera ako. I can’t just go home with tons of shopping bags tapos biglang iaannounce ko sa bahay nila na hindi muna ako makakalis doon dahil naparami ang pagshoshopping ko. “By the way, did Tito called you na?” “Nope. He won’t answer it anyway.” Malungkot akong ngumiti. “I’m sorry.” Saad nya at saka hinaplos ang likod ko. “It’s okay. Didn’t I tell you na he’s filing a case to remove me from our family?” I forced a smile. Agad na naramdaman ko ang pagsikip ng aking dibdib. Tuwing sasabihin ko iyon ay parang may isang daang karayom na tumutusok sa puso ko. “What?!” She exclaimed. Agad na tinignan nya ako nang may pag-aalala. “Can’t you just go home?” Tanong nya at saka ako inalalayan paupo sa isang bench. “Liz you know I can’t.” Saad ko, pilit na ipinapa-intindi sa kanya ang bagay na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD