CHAPTER 14 KEIRA POV Masaya ako ngayon habang magkasama kami ni Joy. Sobrang bihira namin magawa ito dahil pareho kaming abala sa kani-kaniyang buhay. Si Joy, palaging on-the-go sa career niya, at ako naman, abala rin sa mga pangarap ko. Kaya kapag nagkakaroon kami ng oras para magkita, lagi itong espesyal para sa akin. Habang naghahanda ako ng snacks para sa aming dalawa, naririnig ko ang tawa ni Joy mula sa sala. “Keira, ang tagal naman ng chips na ’yan! Gusto mo na akong gutumin?” biro niya. “Sandali lang, Joy! Ang dami mo naman kasing gusto!” sagot ko habang natatawa. “Huy, kunwari ka pa. Alam kong gusto mo rin akong ispoil!” balik niya na may halakhak. Natatawa akong bumalik sa sala, dala ang malaking mangkok ng chips at dalawang baso ng juice. “O, ayan na! Satisfied na ba ang p

