Nakasakay ako sa itim na karwahe kasama ang isa pang hindi ko kilalang babae, bilugan ang mata niya may maliit ngunit matangos na ilong at manipis na mapulang labi at tuwing nahuhuli niya akong nakatingin sa kanya ay agad niya akong iniirapan. Sarap mandukot ng mata, ay.
pinasuot nila ako ng red velvet gown na mas lalong nagpatingkad sa pagkamorena ko. Hindi naman ako kulay chocolate brown sakto lang sa pagiging isang dalagang pilipina and we are all beautiful whatever color we have.
Bet ko din yung design, off shoulder na may dalawang ribbon in both sides and na enhance yung clavicle bone ko tapos exposed din nang konti ang cleavage sa damit na'to, pwede na pang kasal. hihi

Kanina pa ako tingin nang tingin sa bintana pero wala akong makitang nagdadaanang mga sasakyan tulad ng jeep or tricycle man lang. Puro kabayo at karwahe ang nakakalat sa sementadong kalsada. Kahit yung mga taong nakikita ko ay naka kurbata at naghahabaang mga bistida, galanteng-galante tignan. Halatang yayamanin amp.
Napapanis na ang laway ko, halos mahigit tatlong oras na rin kaming bumabyahe. Sobrang layo naman yata nang pupuntahan namin. Nagiinit na rin ang pwet ko kakaupo, malapit na ngang magliyab eh.
Wala man lang bang pa drive thru? Kahit sa jobillee? Or sa McDollar? C'mon, nakakagutom kaya mag monologue tapos wala ka man lang ka exchange nang dialogues ugh! May kasama ka nga kaso mukhang malala pa sa taong pinaglihi sa sama ng loob.
Insecure pa nga siguro sa beauty ko
Muntik pa akong masubsob dahil sa biglaang paghinto nang karwahe, kaya napahawak ako kurtinang dapat sana'y nakatakip sa bintana nito buti na lang at hindi nasira. Wala pa naman akong perang pambayad.
"We're here." Sabi ng babaeng pinaglihi sa sama ng loob.
"Kita ko, obvious nga eh." inirapan niya lang ako bago nauna nang bumaba. Sumunod ako sa kanya at agad na namagha sa laki nang lugar, mala-hacienda. Bumungad sa amin ang isang malaking gate na may dalawang sundalong nakatoka para magbantay. Kaakit-akit din ang animo'y magical fountain sa gitna ng lugar at kapansin-pansin parin talaga ang palasyo mula sa kinaroroonan namin.
To be honest wala akong kaalam-alam kung bakit ako dinala sa lugar na'to pero parang blessings in disguise ang pangingidnap sakin nang sindikato!
Thank you G!!
"Wala ka bang cellphone? Sayang yung moment. Ganda sanang mag-selfie pang IG lang. " Bulalas ko sa kasama kong kanina ko pa sinusundan.
"You are talking nonsense again. Don't fool around, we're not here to have fun. We have a mission to accomplish." Sabi niya ng hindi man lang ako tinapunan nang pansin.
"Are we attending some wedding ceremony or...something?" Tanong ko na ikinakunot nang noo niya 'saka ako tinapunan nang masamang tingin.
"You are participating in Queens Selection, Act like a noble. You Brat" I Heard her cursed telling me that I'm stupid to do this complicated task.
Kung hindi lang ako nakapagpigil baka sinabunutan ko na siya ora mismo! Pinagtitinginan kami nang iba pang mga bisita dahil siguro ngayon lang sila nakakita ng magandang nilalang.
Kidding Aside, wala naman kasi talaga akong alam sa lugar na'to. Like hello? I was just accidentally drag into this world noh?
Parang kahapon lang todo babad pa Ang mata ko sa screen ng cellphone ko kahit 'di naman iphone max pro. Tapos in a blink of an eye-poof, here I am in lost century.
At first akala ko talaga ginagago lang ako ng mga tao sa casa de Alisha, yup that's the name of her place. Alisha is a noble lady from south, and she's collecting women in different places for a revolution. At hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na may ganitong mundo. They've practice teleportation, pero konti lang ang nakakagawa n'on.
Then after 3 days of staying at Casa de Alisha, she said "It's time for you to make a move. I know I've put so much weight on your shoulder but please help me to change this world, Euphie. All of us are counting on you."
Yun ang huling narinig ko mula sa kanya bago kami bumiyahe papunta dito.
And to be honest gutom na ako. Huhu.
Sa sobrang laki nang lugar siguradong mawawala ka talaga hayst.
"Hey, stay focus." Pagalit niyang saad.
"Hindi naman ako laging lutang noh." Binelatan ko pa siya. Attitude siya masyado.
Crowded ang hallway pagkapasok namin sa loob nang palasyo, kanya-kanyang ayos nang buhok at lagay ng kolorete sa mukha. Nagsasayang lang sila ng effort kasi mas wala ng mas gaganda pa sakin.
Nabaling ang atensiyon ng lahat.. Hindi sakin, kundi sa babaeng natapunan ng inumin. Her white long gown is now ruined at nagpupuyos ang itsura nito sa galit.
"I'm sorry my lady, It was an accident. Spare me my lady." Todo hingi nang tawad at pasensya ang tagapagsilbi na nakatapon nang inumin sa babae. Sa halip na maawa tinaasan niya ito ng kilay.
Parang yung napapanood ko sa mga telenovela, mga mean girls.
"Spare you? After what you've done? Do you think that his highness will still glance at my beauty?" She said with pure arrogance.
Aba't ano na namang kabalbalan pinagsasabi ng babaeng 'to? 'Di man lang muna pagandahin ang ugali kasi paniguradong wala naman na talagang gaganda sa kanya. Ugh.
Hindi naman kasi sa nagfe-face shaming ako. ang akin lang, maids have their own equal rights dapat. Worker's rights kasi! Ambobo naman ng hari para hindi 'yon ipatupad!
Akala ko hanggang ganoon lang ang mangyayare pero mas nagulat ako noong biglang sinipa ng babae ang tagapagsilbi. Hindi pa nga siya nakontento at inapakan niya pa ito, literally.
Wtf! Intense! Ang wild!
Nilingon ko ang paligid at parang wala lang silang naririnig at nakikita sa mga nangyayare. May mga patuloy parin sa ginagawa nila, yung iba naman ay napapaiwas na lang ng tingin sa sobrang brutal na ginagawa sa tagapagsilbi.
Waw. Just waw.
Lalapit na sana ako kaso may pumigil sa braso ko.
"As of now, we can't do something. So focus on your mission and don't make another scene." She said. Gusto ko siyang sigawan para sabihin na may ibang nahihirapan pero yung iba walang ginagawa at nagbubulag-bulagan, nagbibingi-bingihan.
They're all voiceless.
Pagkatapos magsawa ng babae sa pagbugbog sa duguan na ngayong tagapagsilbi ay agad niya itong iniwan. Inagaw ko naman ulit ang braso ko bago ko ito nilapitan. Wala namang pinagkaiba ang mundong 'to sa dati kong mundo eh.
I think there is no such thing as equality. Partially equal lang naman talaga meron, dahil may equal rights, pero nasa tao na talaga kung paano niya tignan ang bawat isa, could it be equally or not.
Kumuha ako ng panyo sa pula kong purse 'saka marahang pinahid sa duguan niyang mukha, napuruhan 'yata dahil matulis ang sandalyas noong babae kanina. Haysst. Putok pa nga ang gilid ng labi at pasa pa ang mukha, duguan din ang ilong. At mabuti na lang at wala siyang malay, ayaw ko naman na magkaroon siya ng utang na loob sa akin. Utang na pera baka pwede pa.
"What is she doing?"
"Ew. What a filthy woman."
" She's disgusting."
I've heard enough, I've seen enough. Nakakasuka sila. Ngayon naintindihan ko na si Alisha kung bakit gusto niyang baguhin ang mundo nila. She's also disgusted with their perception about social statuses.
Nabaling ang lahat nang atensiyon sa pagbukas ng malaking pinto ng main Hall.
" All Hail, king Cristoff Aphelion of lost century!"