5 |Balancing the Unbalanced

2862 Words
'Why do I have to balance this world?' yan ang laging tanong sa utak ko. 'Dahil ba sa paki-usap ni Alisha?' Impossible, I just met her a few days ago. 'O baka dahil gwapo ang hari?' Hmm pwede, it make sense. Chos. Deep inside gusto ko talagang pag-aralan ang mundong 'to. Kung kagaya din ba ito ng dati kong mundo, kung ganoon din ba ang political perspective ng mga tao dito. At sa una kong pagtapak sa kaharian, I feel like I'm home. Nawala yung pangungulila sa puso ko, instead na mangulila ako sa dati kong buhay, kay nanay, sa bakla kong kaibigan, sa chismosa naming kapit-bahay ay parang mas gusto kong hanapin ang kasagutan sa mga nangyayare sa buhay ko ngayon. "Euphie, Promise me. Promise me that you'll never leave me." Masyadong mahina ang pagkakasabi ng batang lalaki at tanging paggalaw lang ng manipis niyang labi ang nakita ko. " Hmm! Promise, kuya!" Maligalig na sabi ng batang nasa limang taong gulang pa yata. Blurred ang mga mukha nito dahil malayo ang pwesto ko sa kinaroroonan nila. Nakita ko pang nagsasalita ang batang lalaki this time sobrang lapit ko na sa kanya pero hindi ko parin maaninag ang mukha nito at tanging pag galaw lang talaga ng mga labi niya ang nakikita ko. "Get up your lazy ass!" Napabalikwas agad ako ng biglang may naghampas ng malambot na bagay sa katawan ko. Pagtingin ko si Nao lang pala, yung babaeng pinaglihi sa sama ng loob na kasama ko papunta dito sa palasyo. May designated rooms din para sa mga participants, dahil ayon sa chismis na nasagap ko, sasabak pa daw kami sa madugong labanan upang masungkit ang puso ng Mahal na hari, pwe. Hindi nga ako nakaranas maligawan sa dati kong mundo tas dito ako manliligaw? Wala kasing ni isa sa amin ang nakahanap sa anak ng hari, Malay ba namin kung anong itsura n'on, walang binigay na clue kahit man lang pangalan, wala. Pero bonus round lang naman daw 'yon. May ibang round pa naman. Ugh! Nao is my personal tagapagsilbi daw, kasi ganoon dapat ang mga noble lady. Sa bagay pa lang na yon makikita mo na ang unbalanced society between social status. Pag pinanganak kang mahirap, it's either mananayaw ka sa bahay aliwan o 'di kaya'y isang tagapagsilbi. Mas may privilege ang mga kalalakihan sa mundong 'to kesa sa mga kababaihan. Dahil kung lalaki ka at pinanganak ka mang mahirap o mayaman ay pwede kang maging sundalo, inhenyero, gobernador o advisor ng hari. "What happened to your neck?" Puna niya sa leeg ko. Napalingon naman ako sa tukador at kapansin-pansin ang pantal na kasing laki ng piso. Chikinini amp. Halos mag usok ang ilong ko sa inis. Paano ko lalandiin ang hari niyan kung may hickey ako! Ang malignong yun talaga! Sinisira ang mga plano ko! "Mosquito bites. Malamok dito sa palasyo." Labas sa ilong kong tugon. " May concealer ka ba?" Tanong ko baka sakaling may naka imbento na ng cosmetic products sa mundong'to. Napakunot naman ang noo nito. "Concealer?" Tanong niya na ikinabuntong hininga ko na lang. "Nevermind. Anong atin for today?" Pagiiba ko ng usapan habang hinahanda ang isusuot ko ngayong araw. Isa din iyon sa mga napansin ko, wala man lang silang kuryente. Ito yata ang panahon na hindi pa nadidiscover ni Benjamin Franklin ang electricity. Tanging lampara at sulo ang gamit nilang tanglaw sa dilim. At ang worst ay wala silang selpon! N'ong una ay halos mabaliw ako kakaisip kung papaano kumontak. Hindi nagtagal nasanay na rin naman ako, nakakapanghinayang lang kasi tanging sa alaala ko na lang babalikan ang mga magagandang tanawin na makikita sa lugar na'to, ni hindi man lang ako makakapagflex sa sss,IG at Twitter. "You should focus on your mission and not minding some nonsense things again. Now, get ready, we have a lot of things to do." Usal niya na may kasamang irap pa imbes na sagutin ang tanong ko. Nilapag niya lang ang damit na susuotin ko pati na rin ang pagkaing hindi ko napansing dala niya pala bago siya lumabas ng walang pasabi. I can feel that she doesn't like me, me as well hmp! Pagkatapos kong nagbreakfast in bed ay agad akong naligo at naghanda para sa madugong labanan para sa puso ng hari. Nakakapanliit man ng pride, wala na rin naman akong magagawa. Napapabuntong hininga ako sa pagtingin sa salamin dahil sa hickey na nasa gilid ng leeg ko, kung titingnan ng mabuti meron din sa may collar bone ko na mas lalong nakakapang-init ng ulo. "Pag talaga nakilala ko ang malignong gumawa nito, makakatikim talaga siya saakin!" Nanggigigil kong saad, bago naglagay ng pulbo at pabango, meron din namang papel na ginagawang lipstick. Isang simpleng peach sleeveless dress ang suot ko, sinadya kong hindi talian ang buhok ko at siniguradong natatakpan nito ang hickey na nasa leeg ko. Sa huling pagkakataon sinulyapan ko muna ang sarili sa salamin bago lumabas. "Grabe ang ganda ko." Saad ko sa sarili at napahagikik sa sariling joke. Pagkalabas ko ng kwarto bumungad sa akin ang mga nagmamadaling tagapagsilbi ng palasyo. Muntik pa ngang matumba sa harap ko ang isa buti na lang at nahawakan ko ang bitbit niyang mga babasaging plato kung hindi ay baka nagkalat na ang mga bubog nito sa mamahalin at porselanang sahig ng palasyo. Napagtanto kong siya yung tagapagsilbing minaltrato noong unang araw ng Queens Selection. Agad itong yumuko sa harap ko at akmang hahakbang na paalis pero agad ko siyang pinigilan. "Teka- Tulungan na kita." Saad ko na ikinalaki ng bilugan niyang mata. "No my lady, you shouldn't help someone like us. It's against the law." Nakayuko niyang tugon at tila iniiwasan ang mga tingin ko. "Law law mukha nila, gimme some of that." Hindi ko na hinintay pang magreklamo siya at agad na inagaw ang kalahati ng dala-dala niya. "You're too clumsy to be a servant." Pagjojoke ko pero mukhang nahiya siya sa sinabi ko. "It was a half meant joke, don't take it seriously. You should be living your life to the fullest, not serving others and be dictated by their rules." I whispered na sapat lang para marinig niya. Tahimik lang naming tinahak ang daan papuntang kusina, mabuti na rin palang tinulungan ko siya at least nakakabisa ko na ang daan in case magutom ako hwehwe ( ╹▽╹ ) "Jenna! Ikaw talagang bata ka, nawawala ba 'yang utak mo." Pagdating namin sa dirty kitchen ng ay sabay kaming napalingon sa may edad ng babae at base sa uniporme nito ay isa rin siya sa servant ng palasyo. "Naku, we're sorry Madame,--" baling niya sa akin na agad ko namang pinutol. "No need to say sorry, I am the one who insisted naman." Ngumiti pa ako sa ginang para ipakitang okay lang talaga, nagdadalawang isip pa ang itsura nito "Kahit na po baka madumihan po kayo dito, atsaka magsisimula na ang kompetisyon." Yumuko pa ito at gaya ng iba hindi niya ako tinitignan sa mata. May muta ba ako? Sa pagkakaalala ko malinis akong lumabas ng kwarto. " You don't have to worry about me. Kaya ko po ang kompetisyon chuchu na yan!" Pinakita ko pa sa kanila ang pinagmamalaki kong muscles na kasing laki lang naman ng kamao ko. Kinakabahan ako para sa round na'to. Marunong din naman akong makipag sabunutan, tapos sampalan, naninipa din ako kaya baka pwede na yun. "Pfft--" napatingin ako kay Jenna dahil sa pagtawa nito sa gestures na ginawa ko. Agad naman siyang sinaway ng ginang. "Ilang taon kana pala Jenna?" Tanong ko dito. " Labing lima pa po, my lady." Sabi niya saka ito yumukod. Required din ba ang pagyukod? Ugh, para hindi unfair ay yumukod din ako sa kanya. " I'm Euphie nga pala, Ang bata mo pa pala para magtrabaho. Pwede makasuhan ang hari ng ng child labor laws lalo pa't mukhang Hindi kayo nakakapag-aral. Tsk." Daldal ko na ikinakunot lang nila ng noo. Haysst. "I mean, at your age dapat nasa paaralan ka ngayon at hindi nagtatrabaho." Dagdag ko. "Malaking propesyon na po namin ang maging isang tagapagsilbi lalo na't ang hari pa po ang aming pinagsisilbihan." Nakangiti sabi ni Jenna. Gusto ko mang maawa para sa kanila at magalit para sa mga nang aapi at nang aabuso sa kakayahan ng iba pero walang magagawa 'yon kung hindi ako kikilos. " I have to go na po. Baka mahuli pa ako sa kompetisyon." Yumukod ako at aalis na sana pero pinigilan ako ng ginang at inabutan niya ako ng bagong lutong brownies. "Baonin mo ija. 'Wag kang papagutom, ipagdadasal ko na ikaw ang manalo. Maganda ka para sa posisyon na 'yon at handa akong pagsilbihan ka ng buong puso." Dadagdagan ko pa nga sana ng 'maganda po talaga ako,' kaso baka bawiin ang brownies, sayang naman. "Maraming salamat po. " Yumukod ako ulit sa kanila na mukhang ikinailang pa ng dalawa saka ako kumaway papaalis ng kitchen area. Nagmamadali akong tumakbo papuntang main Hall kung saan gaganapin ang kompetisyon. Abot talampakan pa naman ang suot ko buti na lang at hindi ako nagdalawang isip na mag doll shoes. Hindi yata uso dito ang jeans. Sinalpak ko ng buo ang brownies sa bibig ko dahil may pakiramdam ako na baka may manghingi sayang. Madamot ako sa pagkain! Pagkaliko na'ko sa pasilyo papuntang main Hall nang biglang sumalampak ang pwet ko sa marmol na sahig ng palasyo. Dep♪tha masakit. "Away.. " daing ko habang tuloy parin sa pagnguya ng brownies sana naman hindi ito dumikit sa mga sulok ng ngipin ko. Titingnan ko sana ng masama ang taong bumungga sa akin nang hindi inaasahang anghel pala ang makikita ko. Parang ayaw ko awayin, baka i-ekis ang pangalan ko sa langit. 'Grabe, pag gwapo anghel. Tapos pag pangit demonyo?' Hindi ko pinansin ang mabantot kong utak dahil busy ako kakaexamine sa lalaking nasa harap ko. He has this dark like a storm clouds-eyes na nakatingin sa akin na parang kakainin ako ng buhay. Pero bet, hindi na siya luge kasi maganda nako tapos masarap pa. Oh diba buy one take one. ⊙﹏⊙ Yung buhok niya is parang naka dye na color gray, buti hindi siya nagmukhang matanda sa katunayan nga mas nagpagwapo pa ito sa kanya lalo. Adonis pre! Kung nandito lang si Dash na bakla kong frieny ay baka kanina pa kami nagsasabunutan dito at nagtitilian. Yung kilig ko sana ay napalitan ng inis nang bigla siyang naglakad paalis ng hindi man lang nagsosorry o kahit hindi na sorry kahit man lang sana tinulungan niya akong tumayo! Ang antipatiko! (ノ`Д´)ノ*┻━┻ "Assh♪ole," grrr. "What did you say?" Nagulantang ako, Hindi dahil sa narinig niya ang sinabi ko kundi ang boses na 'yon. Ganoon ang boses ng malignong muntik ng gumahasa sa akin, pero pang husky nga lang yung tipong bedroom voice ang gamit while now, he's voice is serious and he seems gloomy. Nakakatakot. "Pag talaga nakilala ko ang malignong gumawa nito, makakatikim talaga siya saakin!" Naalala ko ang sabi ko kanina pero parang... Parang nagkaroon ako ng change of mind. Napalunok na lang ako dahil sa kaba at walang lingon-likod na kumaripas ng takbo. Parang takbo na lang talaga important scenes ko sa storyang 'to. (;ŏ﹏ŏ) Next time ko na lang siya paghihigantihan. Hehe. "Good to know that you'll show up." Nao said coldly. "Not now, please." Habol ko sa aking hininga. Hiyawan ang maririnig sa paligid daig pa yung malalanding teenagers sa gym tuwing may school programs. "Care to explain what stupidity you have done this time?" Napabuntong hininga na lang ako at pinilit na pahabain ang pasensya ko. "Let's should focus on our goal, shall we? " Pambabara ko at iniwan siya dahil tinawag na ang pangalan ko. Sasabak sa gera ng walang bala, yeah that's me. Pero buti na lang hindi ako na late. " Let's give around of applause for, Lady Euphie from Casa de Alisha. " Pagpapakilala ng duke. Pero ni isa walang pumalakpak. (─.─||)Grabe nakakaboost ng confidence (note the sarcasm) Ayun tuloy, nakayuko akong umakyat sa stage dahil sa hiya. "And her opponent for this round is Lady Daniela of the North kingdom." Napaangat ang tingin ko dahil sa pangalan na narinig. Remember the mean girl na naunang nakidnapped bago ako? She's walking towards my direction now, with all dressed up looking beautiful with her blue cocktail dress na may pearl beads sa waistline parang tila sirena na nagkapaa ang datingan. I took a glance of myself, and I felt insecure. Ang kaninang maayos na buhok ko, ngayon medyo nagulo na. Tapos may tirang brownies pa na naiwan sa may kuko ko. Huhu grabe umandar naman ang pagiging malas ko sa buhay. "Woah, the stupid sl♪t is here. Nagsawa ka na ba kay Dash at mas pinili mo na dito na lang maghahanap ng makakalantari?" Sabi niya na may halong panunuya. Natawag pa akong sl♪t. "Dami mong drama," kahit dito ba naman mean girl parin siya. "Hey, feeling guilty ey? Na bored ka ba at naniwala sa sinabi ni Alisha? That you can change this world. Well, nasabi niya din sa akin 'yon." She mock at me. Nagkakaroon na rin ng bulungan at gusto nilang marinig kung anong pinaguusapan namin ng bruhildang 'to. "Or maybe, gusto mo lang maging Reyna. But sorry not sorry, Euphie Caballero. I'll make sure the victory is mine. " Nye Nye Nye. "Dami mong sabe, hambalusin kita jan eh." Inirapan ko siya bago tiningnan ang task na gagawin. Napanganga ako sa nakita, nagset up sila ng mini lababo, na may isang katerbang mga maduduming plato. Teka nga muna, katulong yata hanap ng hari ah! hindi reyna. Palihim kong sinamaan ng tingin ang hari pero nagulat ako nang makita ang lalaking maligno sa tabi niya- at nakakagulat pa is nakatingin siya sa akin tipong hinahalukay buong pagkatao ko or baka naman nag-aassume na naman ako. Pinagsalikop ko ang nanlalamig kong mga kamay. Pabilis ng pabilis na rin ang aking paghinga, may kabayo yata sa puso ko na nagkakarera. 'focus, Euphie. Focus.' I repeated like a mantra. Para akong hihimatayin. (;;;・_・) Nagbigay na ang duke sa pagbibigay ng instructions pero ang utok ko ay parang nagmamalfunction. Nag umpisa na si Daniela sa paghuhugas pero ako, heto hindi man lang kayang igalaw ang mga paa upang humakbang. May nagsisulputang mga images ng batang babae at lalaki sa utak ko, blurry faces. Pero yung background place ay vivid. Unang lugar ay nasa talon, yung isa naman ay parang barn dahil may mga kabayo sa paligid at yung isa ay parang nagkakaroon ng gulo sa paligid habang ang dalawang bata ay magkahawak kamay pa. "Lady Euphie!!! Kaya mo yan!" Napabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang boses ni Jenna sa alon ng mga tao. "Hey, feeling guilty ey? Na bored ka ba at naniwala sa sinabi ni Alisha? That you can change this world. Well, nasabi niya din sa akin 'yon." I remembered. Hindi para kay Alisha ang ginagawa ko ngayon, I'm doing this for those people like Jenna, for those marginalize and those women that been oppressed. With full courage and strength, natapos ko ang paghuhugas ng plato sa loob ng higit 15 minutes. Dagdag pa na may na well trained ako ni nanay, ako ba naman ginawang kasambahay sa sarili naming bahay, kulang na nga lang ako pa paghuhugasin doon sa chismosa naming kapit-bahay. Buti na lang din hindi naging sagabal ang simpleng sleeveless dress ko sa paghuhugas. While my opponent, nagkanda 'ouch-ouch'pa dahil sa kaartehan. Maghuhugas na nga lang ng mga plato, dadramahan pa. Ugh. Naghiyawan ang lahat nang ipaalam ng duke na ako ang nanalo sa round na'to, napapakaway-kaway pa ako ng kamay pero agad ding natahimik nang tumayo ang hari. Tsk, pati ba naman sa kasikatan ko sumasapaw pa si your majesty! Ugh. "My son Zid Aphelion, told me that one of the participants have found him during the first day of Queen's Selection." Napanganga ako dahil sa nabalitaan. Sino ba naman kasing anak niya na yan! Ugh. Wala na olats na, uuwing luhaan Lola niyo. Nageffort pa naman ako sa paghuhugas ng isang katerbang mga plato. Dapat may fee yon! Mamaya sisingilin ko ang hari. "All participants, lined up!" Napatuwid ako ng tayo at agad na tinago ang nanginginig na kamay sa likod ko, bago sumiksik sa linya ng mga kasamahan ko. Hindi pa naman ako sigurado na ang lalaking katabi ng hari ang maligno, spekulasyon ko lang naman yon at sana hanggang doon nga lang at wag na magkatotoo. "Your highness, I'm the first one who found your son." Lakas loob ng isang noble lady. Nagulat kaming lahat, at agad naman nagbulong-bulungan ang paligid kasali na dito ang Iba't ibang duke and duchess na galing sa malalayong kaharian. Hinawi ng lalaking maligno ang buhok ng babaeng nag claim na unang nakakita sa anak ng hari, pero agad niya itong pinadampot sa mga gwardia at pinatawan ng execution. "An evil maligno!" Nanggigigil kong bulong. Inisa-isa niyang pinaghahawi ang nga buhok ng mga noble ladies at tila may hinahanap siya sa mga leeg nito, agad akong napahawak sa leeg ko at tila binagsakan ako ng malalaking bloke ng yelo. Impossible.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD