Dalawang linggo na ang lumipas n'ong nahuli ako ni Zid na tumatakas, akala ko nga ay paparusahan at papatawan ako ng kamatayan dahil sa pananakit ko sa "Mahal nilang prinsipe" pero nagulat na lang ako dahil nagising ako sa napakalambot na kama katabi ang isang greek God. At dahil seize the moment I take the opportunity hindi para tumakas kundi pag pantasyahan ang makinis niyang mukha habang iniisip kung bakit sa dami ng babae sa mundo at sa iba pang mundo ay ako pa napili niyang pagsasamantalahan.
I dramatically hug myself with the thought of being raped by this handsome prince. Napapapunas pako sa pisngi kunwari ay may luhang nalalag galing sa mata.
"Hindi ko talaga kasalanan na pinanganak akong maganda" Sabi ko sarili at napapailing-iling pa habang inaalala ang mga nangyare
Nakarating na rin sa casa ang pagkabigo ko sa pagkuha nang korona. Pero nagulat na lamang ako na tinanghal na reyna si Nao sa huling selection at ang ibang mga kalahok ay naging parausan ng Hari.
Sayang na eliminate ako, haystt.
"lady Euphie, nandito na po lahat ng pinapakuha niyo" Nabaling ang atensyon ko kay Jenna nang pumasok siya dala ang mga libro na pinakuha ko. Siya din ang nagdadala sakin ng pagkain simula nang kinandado ako dito ng magaling na lalaking 'yon ay hindi ko na nagawa pang tumakas ulit.
Kaya naman si Jenna ang naging mata at tenga ko sa labas ng kwartong 'to. Dalawang linggo na ring hindi nagagawi dito ang evil yet handsome prince ko--- siempre inangkin ko na, gwapo eh. Kaso inis pa rin ako dahil sa pagkukulong nito sakin!
"Salamat Jen." Nginitian ko pa siya 'saka siya nagpaalam na aalis na.
Madami-dami na rin akong nalalaman sa mundong 'to. Bukod sa mas dominated ang populasyon ng lalaki kesa babae ay mas nakakabigla pa akong natuklasan sa pamamagitan lamang ng pagbubuklat ng mga pahina. Natuklasan kong hindi lang mga tao ang mga nilalang na naninirahan dito.
Also Vampires, Werewolves, faeries, at iba pang mga mythical creatures sa mundong pinanggalingan ko. Mambabarang nga lang ang may magic keneme doon eh, sali na natin ang mga aswang at tikbalang, pati itim na pusa at malaking hayop napapagbintangan pa.
They co-exist in this world, at ang malala ay matira matibay. Katulad lang din kung saan ako galing where equality and fairness are just a word.
At dahil nadala nako, ayaw ko na makisawsaw sa problema nila. Nilagay ko lang ang sarili ko sa gant'ong sitwasyon.
Hindi basta-basta nangangagat at nambibiktima ang mga bampira dahil may sarili silang blood bank, oh diba sosyal. Ang mga werewolves naman ay nasa dark forest na sakop ng north kingdom at payapang namumuhay ang mga faeries at iba pang lamang lupa sa mga nagtataasang mga bundok.
Dahil sa sobrang bored sinara ko ang makakapal na libro at naisipan ko na lang tumambling, mag twerk at magpagulong-gulong sa kama.
Napatigil ako at biglang napaisip, mang hunting kaya ako ng mga gwapo today. Nilagay ko ang daliri sa may chin part at nag isip kung paano makakalabas. As if on que, Jenna entered the room.
"Lady Euphie, pinapatawag ka po ng Mahal na Hari." Magaling nitong usal. She's using a key para maglabas-masok sa kwarto ko. Pero hindi ko magawang dekwatin at baka siya ang sisihin sa pagtakas ko, kargo pa siya ng konsensya ko.
Nagtataka ako dahil sa biglaang pagtawag ng hari, baka naman tatanggapin niya na ako as one of his concubines. Pero nahh, mahawa pa'ko ng kung anong sakit dahil sa pagiging malantod na Hari.
Nakaupo sa kanyang trono ang Hari hindi tulad ng una kong kita sa kanya ay mas lalo pa yata siyang kumisig at gumwapo. Nasa kaliwa niya si Nao at seryosong nakatingin sa akin, animo'y handa na akong lapain ng buhay
Yumuko kami ni Jenna bilang pag galang. "I've heard that my son locked you up." Dumagundong ang boses nito sa apat na sulok ng silid.
'buti nalaman mo'.... Pero siempre charot lang, baka naman tutulungan ako ng haring makatakas.
"Yes, your majesty." Pinapakulot ko pa ang boses ko para mag mukhang nakaka-awa at napapasinghot pa.
"Speak up if you have done something wrong."
"I didn't, your majesty. Your son is insane! He almost raped me! He sexually assaulted me! Then locked me up...." He also ruined my plans... Dagdag ko pa sana pero narealize ko ang ginawa at wala sa sariling napatakip ng bibig.
Sinigawan ko lang naman ang hari, no biggie.
Sabay na malutong na napatampal sa noo sina Nao at Jenna. Gustuhin ko man na bawiin ang mga sinabi ko pero wala na akong magagawa, the damage has already been done.
"My king--" magsasalita pa sana si Nao pero agad na itinaas ng hari ang isang kamay para pahintuin ang babae sa kung ano man ang sasabihin. Pinagpapawisan na rin ako ng malaki, dinig din ang tambol sa dibdib ko.
Napahilot sa sintido ang hari bago nagsalita "Aren't that what lowly woman wants?" He looked at me blankly. " I thought he find something interesting about you because I found..... nothing. Guards take her away." Para akong nabingi sa narinig. Kung ano nga namang puno ay siya ring bunga.
Takot ang mga mata na tinignan ako ni Jenna. I smiled at her trying to imply that I'll be okay, kahit walang kasiguraduhan. Hinila na ako paalis ng mga gwardiya.
"Does the prince knows about this?" Mahinang tanong ko sa gwardiya na nakaalalay sa akin naghintay ako ng sagot pero mabilis lang ako nitong tinapunan ng tingin.
"Leave this woman to me. I'll take her to the dungeon." Taboy nito sa mga kasamahan, nagsisunuran naman ang nga ito 'saka lang ako binalingan ng gwardiya na nagsabing dadalhin ako sa dungeon.
"Follow me." Natatabunan ang mukha niya ng helmet at tanging mga mata niya lang na kulay asul pa sa karagatan ang nakikita ko.
Tahimik akong nakasunod sa kanya, nagtataka kung bakit wala ang maligno sa paligid. Hindi naman sa iniisip ko ang lalaking 'yon na naging dahilan ng mga kamalasan ko, nakakainis lang isipin na hindi niya ako hinayaan na makatakas noong may pagkakataon ako. Grrrr.
Huminto kami sa isang pinto, hindi ito kalakihan at mukhang luma na at hindi na masyadong nagagamit. May mga weird carvings din. Eto ba ang daan sa dungeon?
"We don't have much time, go in." Nagtatakang tinaasan ko siya ng kilay.
Ha? Ano daw?
"Ako ba kausap mo?" Tanong ko. Nagpapalinga-linga pa'ko sa paligid, baka'y may nakikita at nakakausap siya na hindi ko nakikita, uso pa naman dito ang mga mythical creatures.
"Yes" tipid na sagot nito. Tinitigan ko ng maigi ang asul niyang mga mata. Tinitignan ko kung nagbibiro ba siya, baka bigla na lang siyang sumigaw ng ''It's a prank'' tapos bigla akong pinababaril pagkatapos kong pumasok sa pinto. Surprise execution imbes na pagkakakulong lang.
"Talaga?" Kumunot ang makapal niyang kilay at napahilot pa sa sintido. Halatang mga walang pasensya mga tao dito, kaloka.
"Yes. Hurry up, and a friendly reminder. don't fall for the evil prince." He said coldly.
" Don't need to remind me, aside from the fact that we..." Tinuro ko pa siya tapos turo ko sa sarili ko".... are not friends. I don't have plan to fall for anyone as well. Sa ganda kong 'to. Sa maligno mahuhulog? No freakin' way!" Exaggerated kong pag tanggi. He just rolled his eyes 'saka binuksan ang pinto.
"And also make sure that you won't get caught this time." Paalala niya at walang pasabi niya akong tinulak palabas.
Napapikit ako ng mata at hinintay na may humiwa sa aking laman pero magtatatlong minuto na ang lumipas pero wala akong sakit na nararamdaman.
Manhid na siguro. Kinapa-kapa ko muna ang katawan at baka may natamo akong sugat o butas galing sa bala, malay ko ba kung nauso na ang baril sa mundong 'to.
Pagbukas ko sa mga mata ay nasilaw ako sa liwanag at napalingon sa pinaglabasan, wala na ang pinto. Namamangha akong napatingin sa paligid, may nakikita akong maliit na bayan mula sa kinatatayuan ko. Simpleng pink sleeveless floral dress at wala man lang akong sapin sa paa na binabaybay ang daan sa bayan, ramdam ko ang maliliit na bato na tumutusok sa paa ko. Buti na lang at makapal ang kalyo ko sa talampakan kaya hindi ako masyadong nasusugatan.
"Get out of the way!" Nagkanda ilag ako sa rumaragasang karwahe. Muntik na akong mahagip nito. Kinakabahan na napahawak ako sa bandang dibdib ko. I am an half assed coward b♪tch. Pinabayaan ko ang responsibilidad ko kay Nao, hindi ko nagampanan ang misyon ko ng mabuti.
Magtatakip silim na at mukhang wala pa akong matutuluyan ngayong gabi mabuti na lamang at natanaw ko ang isang hindi kalakihan na bahay at lumapit sa ginang na nagdidilig ng kanyang mga halaman. Ako din minsan nang muntik madiligan.
"Anong lugar po ito? Isa po akong dayo mula sa kalapit bayan." Tanong ko sa ginang na may pilit na ngiti sa labi. Tinignan pa ako nito mula ulo hanggang paa naalala ko tuloy sa kanya yung kapitbahay namin na laging nakamasid sa akin mula ulo hanggang paa tuwing ginagabi ako ng uwi sa amin lalo pa't hinahatid ako ni Dash, makikita mo na lang siya kinabukasan na nagkikipag-chismisan sa harap nina aling bebang.
"Ay nako, malapit ang bayan na'to sa border ng north kingdom, kung doon ka pupunta ay kailangan mo ng masasakyan. Nagahasa ka ba sa daan?" Usisa nito. Umiling ako at 'saka ngumiti sa kanya.
"Ninakawan lang 'ho, buti na nga lang po at mabilis akong nakatakas." Sabi ko at pilit iniiwasan ang tingin ng ginang. Pasensya na diyosa ng kagandahan, alam kong Ang magaganda ay hindi nagsisinungaling pero sa oras ng kagipitan kailangan natin maging beauty with brain.
"Aba'y pumarito ka muna. At nang ikaw ay makakain." Napangiti naman ako ng malaki saka nagpasalamat sa kanya, dahil sa gutom na kanina ko pa tinitiis sa daan. Masakit na rin ang mga binti ko at parang gusto nang bumigay.
" Pagpasensyahan mo na ang maliit naming bahay, isang sundalo ng north kingdom ang anak kong lalaki, naku napabait ng anak ko na 'yon." Proud nitong pagchika sa akin.
"Gwapo din po ba?" Tanong ko habang nilalantakan ang tinapay na sa tingin ko ay kakabake niya pa lang dahil mainit-init pa.
"Aba naku! Napaka gwapo! Manang-mana sa tatay niya." Ramdam ko ang lungkot sa boses niya at mukhang may masalimuot na naalala.
"Asan po pala ang asawa niyo?" Tanong ko pa, na pinagsisihan ko rin kalaunan.
" Wala na."
"P-pasensya na po..." Kahit punong-puno nang pagkain ang bibig ko ay pilit kong humagilap ng salita na pwedeng makapag pagaan sa kalooban niya, pero wala akong maisip. Sa katunayan sa south ang kaharian ng mag-amang aphelion, at hindi ko kayang sabihin na galing ako sa lugar kung saan nawala ang kanyang minamahal.
Nagkanda ubo ako sa mabilisang paglunok buti na lamang at inabutan ako nang tubig ng ginang.
"Dahan-dahan lang ineng, hindi ka mauubusan." Napahagikik pa siya nang biglang may naramdaman akong umaamoy sa may paa ko. Pagtingin ko ay isang maliit na kulay itim at mabalahibong aso, sinubukan ko siyang hawakan pero umungol lang ito at muntik pa akong makagat sa daliri.
"Sindy." Banta ng ginang sa tuta. "Pasensya ka na sa anak ko, magdadalawang taon pa lang kasi siya sa susunod na buwan." Dagdag niya pa na halos maibuga ko ang nilalantakan ko.
Werewolf? Or baka fur baby niya lang?
Hindi ko pinahalata na mas nagulat ako nang biglang magbago ang anyo ng tuta at naging isang bata. Kinuha naman agad ng ginang ang bata at kinarga.
"Half breed sila ng kuya niya. Leader ng isang pact ang ama nila. At ngayon ay sumusunod ang anak kong panganay sa yapak ng ama niya." She said giving me a assuring smile na nagpakalma naman sa akin. Buti na lang at ordinaryong tao pala ang ginang. Iniisip ko pa lang na gagawin nila akong hapunan, haysst. Ang sarap naman ng hapunan nila kung gano'n.
"Ang swerte naman 'ho ninyo." Usal ko na ikinangiti niya lalo, nasa mids 40's na ito pero halata ang pagiging maganda niya noong kabataan pa nito.
Pagkatapos kong kumain ay tumulong ako sa pagliligpit ng mesa at naglinis ng konti sa may sala kahit malinis naman na ito. Nagpapakitang gilas pa rin ako kay aling Martha pangalan na pinakilala sa akin ng ginang. Hinandaan niya rin ako ng matutulugan ko na laking pinagpasalamat ko sa kanya na patuluyin ako pansamantala.
Baka magbabagong buhay na lang ako sa lugar na'to.
(~ ̄³ ̄)~