Chapter Three - New Life

1030 Words
AUSTRALIA Present Time: Masayang tinatanguan ni Sharina ang mga nakahilerang flight stewardess habang palabas na siya ng sinasakyang eroplano. Hindi niya alam kung bakit dito sa bansang hindi pamilyar sa kanya napiling manirahan at maghanap maghanap ng trabaho. Basta napagdesisyunan na lang niyang umalis ng Pilipinas. Masakit man sa kanya na iwan ang mga kaibigan na siyang itinuturing niyang pamilya ay kailangang niyang magpakatatag. Paglabas niya ng airport ay may naghihintay na sa kanyang sasakyan na maghahatid sa nahanap niyang bahay na pwede niyang tirhan thru online. Nang makarating sa lugar ay tumayo muna siya sa harap ng bahay at iginala ang paningin. "Hmmmn...not bad for a fresh start.", nangingiting bulong ni Sharina sa sarili. Binalingan niya ang driver na katatapos lang ibaba ang bagahe niya. Binigyan niya ito ng tip at nagpasalamat saka pumasok na sa kanyang magiging bagong tirahan. Two-storey ang bahay, two bedroom-two bathrooms, at may maid's quarter pa na nasa unang palapag. Ang common bathroom ay nasa isang palapag din at ang isa ay nasa loob ng master's bedroom. Natutuwang inikot ni Sharina ang bahay, at pahapong ibinagsak ang katawan sa sofa. Sa kanyang pagpikit ay muling nanariwa sa kanya ang nakaraan. Napatunayan sa korte na legal ang last will and testament ng daddy niya kaya wala siyang nagawa kundi ipaubaya na lang ang kumpanya at kinalakhang mansyon sa tiyuhin niya. Ang perang nasa trust fund niya ang ginamit niyang panimula dito sa Australia. Ang trabaho niya sa Pinas ay pinakawalan niya kahit labag sa loob niya. Ang apartment na kasama sa nakuha niya sa kanyang mana ay ipinaubaya sa mga kaibigang naiwan sa Pinas. At siya? Ay magsisimulang muli. "Mom...Dad...", pahikbi niyang anas na tila nagising sa panaginip. Mabilis na pinahiran ni Sharina ang mga luha. Inilabas niya mula sa kanyang hand carry luggage ang laptop niya at sinubukang komonekta sa internet para makavideo call ang mga kaibigan upang mangamusta. Pagkatapos ay naligo at nag-ayos siya. Nagpapasalamat na lang siya at mahusay ang naging kausap niya dito sa bahay at may mga gamit na siyang nadatnan kaya naman agad siyang nakatulog sa pagod sa biyahe. ..... Lumipas ang mga araw at unti-unti ng nakapag-adjust si Sharina sa paligid niya. Nag-enroll siya sa isang fitness center para mapanatili ang pagiging fit ng kanyang katawan at para may mapaglibangan siya. Hindi pa siya nakakahanap ng trabaho ngunit hindi naman siya nagmamadali. Mabubuhay naman siya sa loob ng maraming taon kahit hindi agad siya makahanap ng tutustos ng sa mga kailangan niya sa pang-araw-araw. ..... Nasa gym siya ng araw na iyon at kasalukuyang tumatakbo sa treadmill nang may isang lalaking umokupa sa bakanteng treadmill sa tabi niya. Nang sulyapan niya ito ay muntik na siyang madapa dahil sa mala-adonis na mukha nito. Nakatingin din ito sa kanya at sa panggilalas niya ay kumindat pa ang binata sa kanya. Mabilis siyang nagbawi ng tingin at itinuon ang kanyang pansin sa pagtakbo. Kahit na hindi niya alam kung paano umakto ng normal dahil sa biglang naging conscious siya sa bawat galaw niya. Idagdag pa ang pagbilis ng t***k ng kanyang puso. Makalipas ang ilang minuto ay ipinasya niyang tapusin na ang kanyang pagdyi-gym. Tumuloy siya sa locker room at nag-ayos. May hinahagilap siya sa kanyang bag habang naglalakad sa hallway, hindi siya nakatingin sa dinadaanan kaya naman hindi niya nakitang may makakasalubong siya. "Hi.", rinig ni Sharinang bati ng isang baritonong boses. Marahas siyang nag-angat ng mukha. "Oh! Mr. Hottie.", alarma na utak niya. The hunk is smiling at her. Biting his lips seductively. "I'm Raphael.", the man introduced his self as he extend his right hand for a handshake. Sharina on the other hand felt a little nervous as she glanced his hand down. Tila siya na-hipnotismo at ng mag-angat siya muli ng paningin sa mukha nito ay napatulala na lang siya na nung tumikhim ng malakas ang binata ay napapitlag pa siya ng bahagya. Sharina awkwardly accepting it and almost gasped in awe when he grip it firmly. "S-sharina.", she softly answered. "Sharina.", ngiti naman ni Raphael. "Nice name. And nice meeting you too.", muli nitong saad na hindi pa rin binibitawan ang kamay ng dalaga. "Nice meeting you too. But, uhm...I guess, it would be more nicer if you will let go of my hand now?", malumanay na sabi ni Sharina kasabay ng may alinlangang ngiti. Natawa naman ng bahagya si Raphael at hinalikan pa muna ang likod ng palad ni Sharina bago binitawan. Nahihiya at namumula ang mga pisngi na nagyuko ng ulo ang dalaga dahil sa inakto ng kaharap. "Can I invite you for a snack?", tanong muli ng binata. Iniangat naman ni Sharina ang kaliwang bisig kung nasaan ang kanyang sports watch upang tignan ang oras. "Well, it's almost lunch time." "Oh...", saad ni Raphael at napatingin din sa sariling wristwatch. "Lunch date then.", nakangiti muli nitong saad. "Date??", ulit ni Sharina. "Yes? A date. Let's call it an acquintance date whatever you call it.", nakangiti pa ring sagot ng binata. "For a beginning of a possible great friendship.", patuloy pa ng binata. Tipid na ngumiti ang dalaga bilang sagot. "That's too fast, mister?" "Kavanogh. Raphael Kavanogh." Sharina nodded and sighed. "Maybe some other time Mr. Kavanogh. See you around. Have a g'day!", she blurted out with an Australian accent. Dagling napalis ang matamis na ngiti ni Raphael. "Did she just turned me down?", aniya sa isip. "Sorry Mr. Kavanogh but I have to go.", ani Sharina ng makitang laglag ang panga ng binata saka tinalikuran ito at tuloy-tuloy ng lumabas ng gym. Napamaang na lang si Raphael sa papalayong bulto ng dalaga. Hindi makapaniwalang bumuga ng hangin. First time niyang matanggihan ng babae at harap-harapan pa. Matagal ng wala sa paningin ni Raphael si Sharina ngunit wala pa rin siyang kakilos-kilos sa kinatatayuan. Naiwan sa isip niya ang magandang hubog ng katawan ng dalaga. Napailing siyang muli at pinagtawanan ang sarili ng maalalang tinanggihan talaga nito ang alok niyang lunch date. Unfortunately, even if she turned him down, the amusement that he felt towards her didn't toned down. A little bit disappointed but his fascination just bloomed wider. "You need to get laid, man.", aniya sa sarili. ........................................................................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD