Chapter Four - Getting to know you

1213 Words
"Ralph, Dude? Anong tinatayo-tayo mo diyan at tulala ka pa. Para kang namaligno!", anang kadarating lang na si Brent. Pinsan at kababata. "I-i....nothing.", sagot ni Raphael kasabay ng pag-iling. "Let's go and make ourselves productive instead.", suhestiyon niya at nagpatiuna ng palabas. Kibit-balikat namang sumunod si Brent sa pinsan. "Sino yung chicks kanina 'couz?" "Nakasabay kong tumakbo sa treadmill.", simpleng sagot ni Raphael. "And who is that lucky woman anyway?", usisa ulit ni Brent. Nagkibit-balikat lang naman ang binata at hindi sumagot sa pinsan. Brent chuckle and punch Raphael jokingly. "Since when na natorpe ka sa babae?" He glared at him and counter-punch his cousin. They are now standing at the parking lot. Tuluyan ng natawa si Brent at lalong binuska ang kaharap. "The high and mighty Raphael Kavanogh. Hahahahah! This must be written in history. First time in your playboy persona career na hindi gumana ang the moves mo. Ni hindi ka man lang ata naka-first base.", at humalakhak pa siya na lalong ikinatalim naman ng paningin ni Raphael sa kanya. "Shut up fcuka*s!", Raphael hissed. "That's weird though dude!", turan pa rin ni Brent. "Taga-saan ba? Are you sure she's still available?" Napakamot sa sentido si Raphael at napatiim-bagang ng muling maalala ang eksena kanina sa pagitan nila ni Sharina na ikinahalakhak muli ni Brent. "Hey! Shut it!", asik ni Raphael sa kasama. "I just asked her name. No more no less. I only know her by name. Sharina...sharina....", paulit-ulit pa niyang saad. Napakunot-noo naman si Brent. "Sharina who?...never been heard.", iling pa niya. Natahimik naman doon si Raphael. ..... Nasa supermarket si Sharina ng araw na iyon at kasalukuyang namimili ng stock niya sa linggong iyon. Tulak-tulak niya ang kanyang cart ng sa pagliko niya sa isang aisle ay makabungguan niya rin ang papalabas doon. "Oppss.. sorry.", agad na sabi ni Sharina at tumingin sa nakabungguhan. "Aww. Sorry too.", anang lalaki at matamis na ngumiti sa dalaga. "Hi." Napatulala muli si Sharina sa lalaki. Just like the first time that they bumped into each other. "Do you still remember me?", malamyos ang tinig na tanong ng binata. "Mister...Ka..va...nogh...", mahina at mabagal na saad ni Sharina. How can she forget that man who took her breath away? Nagningning naman ang mga mata ni Raphael doon. "How are you? I've never seen you at the gym." "Uh...yeah.", ngiting tipid ni Sharina saka nag-umpisa ng maglakad muli. Nakasunod naman sa kanya si Raphael. "I am looking for a job, that's why." "Oh I see.", ani Raphael. Pumantay siya sa dalaga saka tumingin sa laman ng cart nito. "Are you done?" "Uhm..not yet.", Sharina answered and stop to pick a pack of sanitary napkin. "Girl thing.", nahihiyang ngiti niya ng malingunan ang binata na minamasdan siya. Muli namang ngumiti ng matamis ang lalaki lumabas pa ang biloy nito sa pisngi. "Would that be all?", muling tanong ng binata. Tumango naman si Sharina bilang sagot ng makitang kompleto na ang nasa listahan niya. "Let's go pay for our stuffs then.", aya naman ni Raphael. "You can go first.", nahihiya namang saad ng dalaga. "Come on. Sabay na tayo.", giit naman ng lalaki "You speak Tagalog?", manghang saad ng dalaga. "Of course. Hindi ba halata sa features ko na may dugong-Pilipino ako?", natatawa namang sagot ni Raphael. Umiling naman si Sharina bilang sagot at muling napatitig sa mukha ng binata. Guapong-guapo talaga ito sa paningin niya at hindi niya maiwasang titigan na lang ito. "My mom is a Filipina.", paliwanag naman ni Raphael. "So let's go?" "Ahm..sure.", sang-ayon na lang ni Sharina sa kabila ng pagsirko ng kanyang damdamin dahil sa kabog ng dibdib niya. Pinauna siya ni Raphaem sa counter. Nakasunod naman ang binata sa kanya at ng makalabas sila ay nagyaya ito na kumain muna sila sa labas. "Deja vu.", anang isip ng dalaga. "Uh-huh!", iling ni Raphael ng makita ang pagtutol sa mukha ng kaharap. "I won't take no for an answer this time." Napangiti naman doon si Sharina. "Uh-kay. Baka pag tinanggihan pa kita ngayon ay ipakidnap mo pa ako." Natawa naman doon si Raphael. "You bet!" Kinuha ang pinamili ni Sharina at siya na ang nagbuhat doon. "Ilagay na lang muna natin to sa kotse para wala tayong dala-dala." "T-thanks." ..... Napagkasunduan nilang sa isang fastfood chain na lang sila kumain tutal ay hindi pa naman sila pareho gutom. Pumasok sila at agad naghanap ng mauupuan. "Anong gusto mo Sharina? Ako na lang mag-oorder.", tanong ni Raphael. "Just a plain burger Mr. Kavanogh. And a diet cola." "Raphael, Sharina. That's too formal. And we are not in a business meeting here.", sansala ni Raphael sa dalaga. Sharina just shrugged and didn't comment. "Anyway, mayroon sila ritong salad.", alok ng binata. Umiling naman si Sharina. "French fries?" Umiling ulit ang dalaga. "How about their mango pie?" "Uhm...okay.", sagot naman ni Sharina. "Yown!", natutuwang sabi naman ni Raphael. Kumindat muna siya sa dalaga bago tumayo at nagtungo sa counter. Hindi naman nagtagal at bumalik na si Raphael bitbit ang isang tray na may lamang maraming pagkain. "Why? Ang dami naman nito?", bulalas ni Sharina ng mailapag ni Raphael ang dala. May giant burger, may dalawang plate ng spaghetti, may bucket ng chicken, may french fries at pie din, isama pa ang dalawang large diet cola. "We'll rummage all of these Sharina. The last time na niyaya kita, tinanggihan mo ako kaya dinoble ko na 'to. Pambawi man lang.", sagot naman ni Raphael. Nailing at tinaas lang naman ni Sharina ang balikat. "Kain na tayo.", aya ni Raphael. Habang kumakain sila ay nagbukas ng usapin si Sharina. "Bakit ikaw ang namimili? Wala ba kayong katulong ng asawa mo?" Nasamid naman si Raphael na kasalukuyang umiinom. Hinaplos-haplos pa ang dibdib habang umiiling. "Ayy. Sorry.", hinging-paumanhin ni Sharina sabay abot ng tissue. "Its okay.", ani Raphael at nagpunas ng nguso. "And to answer your question. No. I don't have a wife.", sabay angat ng kaliwang kamay. "See? No ring. And yeah, I have a maid but I do attend to my own stuffs. Nasanay lang since noong college ako, I lived on my own." "Wow. Amazing.", saad naman ni Sharina. "Where's your parents, Raphael?" "Nasa Pilipinas sila ngayon. For a vacation." "Siblings?", tuloy namang tanong ng dalaga. "Only son. I have my cousin whom I consider my sibling.", nangingiti sa loob-loob niya si Raphael dahil sa pag-uusisa ng dalaga. Imbes na maasar dahil ayaw niya sa matanong, parang mas gusto pa niya. Feeling kasi niya may interes sa kanya ang kaharap kaya ito nag-u-usisa. "How about you? Where's your parents?" "Hah?", nabigla si Sharina sa tanong. Napayuko siya at pinaikot-ikot ang tinidor sa spaghetti niya. "They're gone. A couple of months ago.", suminghap pa siya ng makaramdam ng paninikip sa dibdib ng maalala ang mga magulang. "C-car accident." "Oh! I'm sorry." "It's okay.", matipid na ngiti ni Sharina. "Kahit papaano, natatanggap ko ng wala na sila. Tulad mo, nag-iisang anak lang din ako. Mahirap pala yun noh?", titig ni Sharina kay Raphael. "Ang walang kapatid. But then, I'm still blessed because I have my best friends who never leave me." "Yeah. We are blessed. I am blessed that I met you.", ani Raphael at ipinatong pa ang kamay sa kamay ni Sharina na nasa lamesa at marahang pinisil iyon. Napatingin naman doon si Sharina. ............................................................................................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD