Lory's POV
Nasa living room ako ngayon at nagbabasa ng aklat na nakita ko lang sa room ni Kurt, nag paalam naman ako sa kanya kung pwede kong hiramin.
Wala si Kurt ngayon kasi may pupuntahan daw sya saglit. Hindi ko alam kung san pero sabi nya naman bibilisan nya lang kaya okay lang.
"Lory?"
Napahinto ako sa pagbabasa nang may tumawag sakin at nang tingnan ko ay yung fiancee pala ni Chairman Lee.
Agad akong tumayo at nag bow sa kanya.
"Hello po"
Bati ko sa kanya.
Hindi ko pa yata alam yung name nya, nakakahiya naman.
"No sweetie, you don't have to bow to me"
She said at nahihiyang tumango naman ako.
"Can I sit with you?"
Tanong nya tumango lang ulit ako.
Umupo na sya kaya umupo na din ako. Medyo hindi ako komportable kasi first time naming mag uusap nang kaming dalawa lang.
"What are you reading?"
Tanong nya sakin.
"Um book po na nakita ko lang sa room ni Kurt"
Sagot ko at tumango lang sya.
Nagkaron ng nakakabinging katahimikan nang hindi na ulit sya nagsalita. Ang awkward kaya medyo nag panic yung utak ko at nag isip ng pwedeng mapag usapan naming dalawa.
May napansin akong manipis na parang sketchbook na hawak nya kaya naisip kong itanong nalang sa kanya kung ano yun.
"Ano po pala yang dala nyo?"
Tanong ko sabay turo sa hawak nya.
"Oh this? It's my little sketchbook"
She answered.
Oh diba tama nga ako, sketchbook nga.
"Sketchbook po?"
Does she draw comics or something?
"Yes, do you want to see it?"
Tanong nya at nakangiting tumango naman ako.
Lumapit sya ng kaunti sakin pagkatapos ay binuksan nya yung sketchbook.
Pagkabukas nya ng sketchbook ay bumungad yung mga basic information na mukang about sa kanya.
"Carla Fernandez"
Pagbasa ko sa nakalagay sa name.
"That's my name and you can just call me Tita Carla"
Nakangiting sabi nya.
"Sige po"
Nakangiting sagot ko din sa kanya.
Nilipat nya na sa second page ng sketchbook at isang napaka gandang sketch ng isang yellow dress ang nakalagay dun.
"Wow! Kayo po yung gumawa nito?"
Ang ganda ng dress, kahit drawing lang ay napaka dami na agad na details.
"Yes, I'm a retired fashion designer sweetie"
Kaya naman pala.
"Ang gaganda po ng mga gawa nyo tita"
Pati sya mismo ang ganda din. Kahit may edad na sya ay mukang pwede pa din syang mag model. Halatang inaalagaan nya yung sarili nya.
"Maybe I should make a dress for you!"
Sabi ni tita sabay hawak pa sa kamay ko. She looks so happy and excited dahil sa idea na naisip nya.
"Thank you po tita"
Nakangiting sabi ko kay Tita Carla.
Muli sana akong magsasalita nang mag ring ang cellphone ko at nang tingnan ko kung sino yung tumatawag ay si Kurt pala.
"Um excuse me po tita, tumatawag po si Kurt"
Tumango lang sakin si tita kaya lumayo ako ng kaunti at sinagot yung tawag ni Kurt.
"Hello?"
Pag sagot ko sa tawag nya.
"Do you miss me?"
Ano nanaman kayang trip ng lalakeng to.
"Bye"
Sagot ko sa kanya at binaba na yung tawag pero tumawag nanaman sya.
"Ayusin mo yung sasabihin mo"
Agad kong sabi pagkasagot ko sa tawag nya.
"Okay. I just want to ask what pasalubong do you want?"
Tanong nya sakin.
"Bakit galing kang Japan?"
Pang aasar ko sa kanya at mukang naasar naman sya because I heard him sighed.
"Oh come on Lory, I'm at the mall right now"
Sagot nya kaya medyo napatawa naman ako.
"What do you want to eat liban sakin?"
Tanong nya pa. Hindi talaga magpapatalo sa asaran si Kurt.
"Hi-ho, barbeque flavor"
Sagot ko sa kanya.
"That's it?"
"Hmm"
Sagot ko naman.
"Okay honey bunch"
Sagot nya at ibinaba na yung tawag.
To be honest, he's sweet at medyo kinilig din ako dun sa tawag nya sakin. Sino ba namang hindi.
Bumalik na ako kay Tita Carla nang matapos ang usapan namin ni Kurt. She's still looking at her sketchbook.
"Tita Carla, bakit po pala kayo nag retire?"
Tanong ko sa kanya. Feeling ko kasi napaka talented nya para mag retire kaagad. Yes she's old but not that old.
"Kontento na ako sa taong nagamit ko sa pag dedesign ng mga magagandang damit sweetie. Now I just want to live my life. Relax and enjoy"
She answered.
Yun din yung gusto ko sa pag tanda ko. Kaya nga gusto kong makapag ipon at makapag invest for my future. Gusto ko stable na ako kapag matanda ko.
"Ang cool nyo po tita"
No wonder why Chairman Lee loves her. Ang ganda at ang sweet nya pa.
"You think so?"
She asked at nakangiting tumango naman ako.
"Tita gusto ko po pala sana kayong isama ni Chairman Lee sa picnic namin Kurt. Kelan po ba kayo available?"
Muntik ko nang makalimutang sabihin sa kanya yung about sa picnic.
"With Kurt? Do you think it's okay if we join you guys?"
Worried na tanong ni tita.
"Yes po tita, pumayag na din po si Kurt"
Sagot ko naman.
"That's very surprising but um, anytime sweetie, I'm sure Tristan will cancel his appointments just to make time for his son"
Great! Itatanong ko nalang kay Kurt kung kelan kami mag pipicnic.
"Thank you po tita"
"No, thank you Lory. Mauuna na muna ako at may pupuntahan pa ako"
Pagpapa alam ni tita sakin.
"Sige po, ingat po"
Sabay kaway ko po sa kanya at ngumiti naman sya sakin.
Grabe she's so kind and pretty. Kahit ata teen-ager maiinsecure kapag nakita sya.
Mika's POV
I'm at a restaurant right now, kasama ko si Lance dahil niyaya nya akong mag lunch today. Wala rin naman akong magawa kaya pumayag na din ako.
"Let's sit there"
Lance said sabay turo nya sa table na kadalasan din naming pinupwestuhan.
"You go first, I'll go to the comfort room muna"
I said to him and he just nod.
Kita kong umupo na sya sa spot namin kaya pumasok na ako sa loob ng cr. Mag reretouch lang ako.
Kinuha ko yung powder ko sa bag at dahan-dahang tinap tap sa muka ko.
"Gosh I'm so pretty"
I said to myself at kita ko namang napatingin yung isang babae sakin na nasa tabi ko na naghuhugas ng kamay nya.
"What? Aangal ka?"
Taas kilay na tanong ko sa kanya ta umiling iling naman sya.
"Good"
I said to her at pagkatapos ay lumabas na sya. Sino ba namang aangal na hindi ako maganda liban kila Kurt and Lance. They're annoying and they love pissing me off.
Nag hugas ako ng kamay ko at pinatuyo yun pagkatapos ay lumabas na ng cr.
Pagkalabas ko ay sandali akong huminto dahil hinahanap ko yung phone ko sa bag ko nang bigla namang may lumapit na lalake sakin.
"Hey miss, mag isa kalang?"
Tanong nung lalake sakin.
Isa palang yung sinasabe nya ay napa taas na kaagad ang kilay ko and I exactly know why. His voice and the way he speak is so ugly argh!
"No"
Mataray na sagot ko at maglalakad na sana papunta kay Lance nang harangin nya nanaman ako.
Lance noticed what's happening and he's about to stand up pero sinenyasan ko sya to just sit.
I can handle this p***y.
"Sandali lang naman miss, nakikipag usap pa ako sayo"
Sabi pa nung lalake.
"Muka bang gusto kitang kausap?"
Sagot ko sa kanya then he started to laugh. What the heck is wrong with this guy?
"Okay miss. Just talk to me for five minutes and I will pay whatever you want to eat"
He said at ako naman ang napatawa sa kanya. I laughed so loud kaya napatingin samin yung ibang mga tao. Sinadya ko talaga yun to make him feel uncomfortable.
"What the! Are you crazy?"
Mahinang boses na sabi nya sakin at nginitian yung mga taong nakatingin samin to assure them that everything is fine.
"Yes I am"
Sagot ko sa kanya at ngumisi naman sya.
"What do you want huh? I can give it to you, just go with me at the hotel"
Why do people like him even exist? They're literally useless in this world.
"Get lost"
I answered.
"What?"
"You said you can give me whatever I want. I want you to get lost and leave me alone"
Weird na nga bingi pa. Dapat bago sya maghanap ng babaeng mahohotel nya ay ayusin nya muna yung pagmumuka at ugali nya. Tanga lang ang babaeng gustong sumama sa isang katulad nya.
"Do you not like me?"
Tanong nya pa.
Anong klaseng tanong yun? Hindi ba halatang hindi ko sya type. Kung may magkakagusto man sa kanya it's either mukang pera o tanga lang talaga.
"Sorry but I don't like p***y"
Sagot ko sa kanya at biglang nag bago ang ekspresyon nya. He looks so mad but I'm not scared.
"Wha.. what did you just said?"
Oh my gosh napaka bingi talaga.
"I said..."
Unti-unti akong lumapit sa kanya hanggang sa makatapat ako sa tenga nya.
"You're a p***y"
I whispered then giggled.
Now he looks really really mad and I'm still not scared.
"You!"
He raised his right hand and I know that he's going to slap me.
I smirked and also raised my right hand at mabilis syang sinampal. It was obviously a strong slap dahil muntik pa syang matumba.
Hindi nya na din natuloy ang pag sampal sakin dahil naunahan ko na sya.
"Next time mas bilisan mo"
I said to him at aalis na ulit sana nang hilain nya ang kamay ko. Muli nya nanaman sana akong sasaktan sa pamamagitan nang isang suntok nang biglang may sumuntok sa kanya.
Napatakip ako sa bibig ko dahil sa gulat.
Lance just punched the guy so hard and he's about to punch him again pero agad ko syang hinila at hinawakan ng mahigpit.
Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa restaurant at yung iba ay lumalapit pa samin.
"LANCE STOP!"
Pag pigil ko sa kanya at buti naman ay tiningnan nya ako.
That's a good sign, If he's not looking at me in the eyes it means that he's not listening to whatever I am saying.
"Are you okay?"
Nag aalalang tanong nya sakin.
"Yes I'm okay, let's go"
Sagot ko at mabilis syang hinila palabas ng restaurant.
Hila-hila ko lang sya hanggang sa huminto sya sa paglalakad kaya nilingon ko naman sya.
"What?"
Kunot noong tanong ko sa kanya.
"Why do you always get in trouble?"
Seryosong tanong nya sakin.
"Because I'm pretty"
Sagoy ko sa kanya at napa buntong hininga nalang sya.
Totoo naman eh. Lagi akong nilalapitan ng mga weird na lalake tapos pag sinusungitan ko sila pa yung nagagalit.
"Let's just eat at my house. I'll cook for you"
He said at hinawakan ang kamay ko pagkatapos ay naglakad kami papunta sa kotse nya.
Pinag buksan nya ako ng pinto ng kotse at sya na din mismo ang umayos ng seatbelt ko pagkatapos ay pumasok na din sya sa loob at nag simulang mag drive.
"What will you cook for me?"
Tanong ko sa kanya.
Lance is actually a good cook pati na din si Kurt. Not all boys knows how to cook kaya ang swerte ko sa kanilang dalawa. Mga bata palang kami ay magkakaibigan na kaming tatlo at bata palang din ako ay may gusto na ako kay Kurt.
"Anything you want"
Lance answered.
"I really miss your fried rice"
Sagot ko sa kanya.
Sobrang sarap ng fried rice ni Lance, kaya kong kumain nun kahit dalawa o limang plato pa.
"Ako hindi mo na miss?"
Tanong ni Lance sabay tingin nya sakin kaya naman agad ko syang tinarayan.
"Joke lang"
Sabay peace sign nya pa.
Hindi ko nalang sya pinansin at kinalikot ko nalang yung cellphone ko.
Nang makarating kami sa condo nya ako na mismo ang nag enter ng pin nya at nauna na din sa loob. Minsan nga kahit wala sya dito ay pumupunta pa din ako. Ganun kami ka close.
"Just sit there, magluluto na ako"
He said at tumango lang ako.
Binuksan ko yung napakalaking tv nya at humiga sa malapad nyang sofa.
"Hey Lance!"
Pag tawag ko kay Lance na nasa kusina ata.
"What?"
"I think I should sleep here tonight"
Parang tinatamad akong umuwi sa bahay eh. Buti pa nga si Lance pinapayagan ng parents nyang tumira sa condo.
Ayaw kasi nila mom and dad pag sakin. They said I should learn how to clean my room first. May maid naman eh kaya bakit pa ako maglilinis.
"Ikaw bahala"
Sagot ni Lance.
"Thank youuu"
May mga gamit na din naman ako dito na nakatago lang. Natutulog na din kasi ako dito dati pa kaya wala nang bago.
Syempre hindi kami tabi ni Lance. We are just friends not lovers.
"Pag luto na dito mo nalang iserve sa living room"
Sabi ko pa ulit kay Lance.
"Sure, my lady"
He answered at napatawa naman ako sa tawag nya sakin.
I'm so lucky to have Lance and Kurt as my friends. They're both so caring, well si Kurt mas caring sya sakin dati pero nung nalaman nyang may gusto ako sa kanya ay para bang naging awkward na.
I hope we can go back from how we used to be before.