MAOPB 11: Jealousy

2051 Words
Lory's POV "Honeeeeey!" Nakakabinging sigaw ni Kurt kasabay ng nakakagulat na pag bukas nya ng pinto. "ANO BA!" Sigaw ko sabay malakas na bato sa kanya ng isang unan. "Hon naman, lagi ka nalang nananakit" Wow parang kasalanan ko pa talaga. "Abnormal ka ba?" Tanong ko at para naman syang inosente na umiling-iling. Abnormal nga. "Binilhan na nga kita ng hi-ho tapos sasaktan mo pa ako" Sabi nya sabay lapag ng isang paper bag na malaki. Kinuha ko yung paper bag tapos tiningnan kung anong mga laman at nagulat ako nang makita kong puro hi-ho lang lahat. "Gusto mo ba akong mamatay?" Tanong ko sa kanya. Alam nyo yung papatayin kayo but in a nice way? Parang ganun ata yung plano ng lalakent to sakin. "Bakit nanaman?" Tanong nya at binuhos ko naman sa kama lahat ng hi-ho na nasa loob ng malaking paper bag para ipakita sa kanya. "UTI ang aabutin ko dito Kurt Lee" Ang hirap pa namang pigilan na hindi kainin lahat ng to. Ang sarap kaya ng hi-ho. "Sino ba kasi nag sabi na sayo lang yan?" Ah hindi ba? Ilan ba sakin dito? Kahit limang malalaki lang okay na ako hehe. "Share tayong dalawa, okay? Para pareho tayong magkaka UTI, oh diba? Meant to be" Dagdag nya pa. Kelan pa naging basehan ang UTI kung meant to be kayo o hindi? "Baliw kana" Sagot ko sa kanya at tumawa lang sya. "Nasabi ko na pala kay Tita Carla yung about sa picnic, kelan ba tayo mag pipicnic?" Tanong ko sa kanya dahil sya naman ang dedesisyon. "Bukas" Sagot nya at muli nanaman ako nakaramdam ng excitement. Hindi pa kasi ako nakakaranas ng picnic ever kaya nag lolook forward talaga ako sa picnic na to. "Excited na ako!" Pag tili ko sa sobrang saya. "Ay wag nalang pala" Pabirong sabi ni Kurt kaya agad naman nawala yung ngiti ko dahil sa pambubwiset nya. "Isa pa at tatamaan ka talaga ulit sakin" Sabi ko at tinawanan nya lang ulit ako. Unti nalang makikita nya na talaga si Papa God. Binalik ko na sa paper bag lahat ng hi-ho pagkatapos ay tinabi yun sa isa pang malaking table dito sa kwarto ni Kurt. "I'll just take a bath" Pag paaalam ni Kurt habang nag huhubad ng pang itaas nya kaya naman tumango lang ako. "Sama ka?" Nakaasar na tanong nya sabay kindat nya pa sakin. Gusto ko syang sugurin at sakalin pero mabilis syang naka takbo papasok sa loob ng cr kaya hindi ko na nagawa. Ayoko munang makita yung pagmumuka nya kaya lumabas muna ako ng kwarto at naglakad lakad sa mansion. Sobrang laki ng bahay nila at bawat mga maids na nadadaanan ko ay nag bobow sakin kaya naman nginingitian ko din sila. "Young miss" Sabay bow sakin ni Secretary Cruz na nakasalobungan ko. "Oh hi" Bati ko din sa kanya sabay ngiti. "Ano pong ginagawa nyo dito? Hindi pa po tapos linisin ang buong mansion" He said. "Naglalakad lakad lang ako, wala kasi akong magawa eh" Ang boring kasi tsaka ayaw na din ni Kurt na mag papart time job ako ulit. Nag resign na din pala ako sa convenience store kasi malaki na yung binabayad sakin ni Kurt para lang sa pag stay ko dito. "Gusto nyo po bang pumunta sa garden young miss?" Tanong ni Secretary Cruz. "Really? Tara!" "Dun po ang daan" Secretary Cruz said sabay turo nya sa isang direksyon. Excited akong pumunta sa garden dahil first time ko at dahil paniguradong maganda dun. Sa sobrang pagka excited ko ay ako pa mismo ang humila sa kanya at tumakbo papunta dun sa direksyong tinuro nya kanina. "Tapos? San na tayo?" Tanong ko nang huminto kami sa panibago nanamang daan. "Left, young miss" Sagot nya at muli ko nanaman syang hinila. Nang marating namin ang dulo ng kaliwang daan ay bumungad samin ang isang pinto na parang pintuan sa isang kastilyo. Bumitaw si Secretary Cruz sa pagkakahawak ko sa kamay nya pagkatapos ay binuksan nya yung pintong nasa harap namin. Nang buksan nya ang pinto ay isang napakaganda at napakalaking garden ang bumungad samin. Agad na namangha ang mga mata ko sa mga nakita ko. May mga makukulay na bulaklak, patag na d**o, mini fountains at mga paro-paro at ibon din. Parang literal na garden ng isang kastilyo. "Do you like the view young miss?" Secretary Cruz asked at todong ngiti naman akong tumango sa kanya. Nagsimula akong maglakad sa paligid ng garden habang sumusunod naman sakin si Secretary Cruz. "Oh it's cold" Komento ko nang ilagay ko ang hintuturo ko sa tubig na dumadaloy sa mini fountain. "Young miss" Pag tawag sakin ni Secretary Cruz kaya naman nilingon ko sya. Sa pag lingon kong yun ay kasabay naman ng pag sabit nya ng isang pulang bulaklak sa kaliwang tenga ko. Para akong nabato sa kinatatayuan ko habang nilalagay nya yung bulaklak sakin dahil sa sobrang lapit ng distansya namin. Pagkatapos nyang maisabit yung pulang bulaklak sa tenga ko ay isang matamis na ngiti naman ang ibinigay nya sakin kaya naman napangiti din ako sa kanya. Bihira lang syang ngumiti pero kung ngumiti sya ay napakaganda. Baka nga kapag ngumiti lang sya sa isang babae ay makuha nya na kaagad. "You look so beautiful young miss" He said kaya naman ay mas napangiti pa ako. "Thank you" Sagot ko sa kanya. "Do you want me to take a picture of you young miss?" Tanong nya sakin. Gusto ko sana kaso hindi ko dala yung cellphone ko. "Naiwan ko sa taas yung phone ko eh" Sagot ko sa kanya. "Do you mind if we use my phone, young miss?" He asked. "Oo nga yan nalang" Sagot ko sa kanya at nilabas nya naman kaagad yung cellphone nya na nasa loob ng coat na suot nya. "I'll take a picture of you now young miss" He said at sinimulan akong kunan ng picture. Nakakatawa nga eh kasi binebend nya pa yung paa nya para lang makunan ako ng magandang picture. "Tayo namang dalawa" Sabi ko sa kanya at napakunot naman ang noo nya. "Picture tayo ng tayong dalawa" Pagpapaliwanag ko sa kanya. "Pero sino po ang kukuha ng picture nating dalawa?" Tanong nya naman. Halata talagang hindi mahilig mag picture. Sayang naman ang maganda muka nya kung hindi nya ifeflex man lang. "Tayo din. Gamitan nalang natin ng timer tapos multiple shots" Sagot ko at parang bata nya namang iniabot sakin yung cellphone nya. Talagang dalawang kamay pa ang ginamit nya sa pag abot nun sakin kaya naman mahinang napatawa ako dahil sa cuteness nya. Sinet ko yung timer ng camera nya pagkatapos ay inilapag yun sa isang stable na lugar para safe. "10 seconds timer! Tara na" Sabi ko at agad syang hinila sa harap ng camera. "Dire-diretsong picture to ah, galingan mo" Sabi ko pa sa kanya. Pagkatapos na pagkatapos ng timer ay agad akong nag pose ng kung ano-ano. Kada tapos ng isang picture ay may timer pang 3 seconds kaya talagang ginagalingan ko. Samantalang si Secretary Cruz naman ay parang nakatayo lang sa gilid. "Mag pose ka naman" Sermon ko sa kanya at nakita ko naman syang nag peace sign. Nag peace sign nga sya pero nakatayo parin naman na parang poste. Hinawakan ko ang isa nyang kamay pagkatapos ay iniangat yun. Mukang medyo nagulat sya pero nakita kong napatawa din sya agad pagkatapos. "Abahin mo ako" Sabi ko sabay biglang talon sa likod nya at nasalo nya naman agad ako. Sunod-sunod at ibat-ibang pose ang ginagawa naming dalawa. Nang matapos ang pag picture naming dalawa ay hindi pa din ako bumaba mula sa likod nya. "Kunin natin cellphone mo" Sabi ko sa kanya sabay turo sa direksyon ng cellphone nya. Bago sya maglakad ay tumalon pa sya ng kaunti para maiayos ang pwesto ko sa likod nya. Nang makarating kami sa kinapapatungan ng cellphone nya ay dahan-dahan nya na akong ibinaba. Kinuha ko yung cellphone nya pagkatapos ay binuksan yung email nya. Hinanap ko yung email ko pagkatapos ay sinend lahat ng pictures naming dalawa. "Okay na" Sabi ko sabay balik ng cellphone nya sa kanya. "Thank you, young miss" He said sabay bow nya nanaman sakin. "Pahiram ako ng kamay mo" Sabi ko at inabot nya naman agad yung kamay nya sakin. Napaka masunurin talaga. Buo kong hinawakan ang mga kamay nya at pinakiramdaman iyon. "What are you doing, young miss?" Tanong nya pero sinenyasan ko lang sya na wag syang maingay. Nag bilang ako ng sampong segundo sa isip ko pagkatapos ay muli ko syang hinarap. "You will be lucky in life!" Nakangiti kong sabi sa kanya. Tinuro yun sakin ng kaklase ko nung highschool. Kung pano manghula sa kamay depende sa init ng mga ito. His hand is so warm kaya medyo masarap ding hawakan at hawak-hawak ko pa din iyon hanggang ngayon. "Pano nyo po nasabi young miss?" Tanong nya sakin. "Eh kasi yung kamay mo...." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang magulat ako sa biglang pag dating ni Kurt. Mabilis nyang nahila si Secretary Cruz mula sa harap ko pagkatapos ay agad nya itong kinwelyuhan. "What the f**k are you doing with my fiancee" Galit na tanong ni Kurt kay Secretary Cruz. "Nothing, young master" Walang emosyong sagot ni Secretary Cruz kay Kurt na para bang hindi man lang natatakot sa galit na itsura ni Kurt ngayon. "Eh tarantado ka pala eh!" Akmang susuntukin na ni Kurt si Secretary Cruz kaya agad akong tumakbo papalapit sa kanila at agad na hinila si Kurt. "KURT WAG!" Sigaw ko kay Kurt kasabay ng pareho naming pag bagsak sa malambot na d**o. Pagkabagsak na pagkabagsak namin ay muli nanaman sana syang tatayo para sugurin nanaman si Secretary Cruz nang agad ko syang yakapin para pigilan sya sa gagawin nya. "Secretary Cruz, umalis ka muna please" Sabi ko kay Secretary Cruz at umalis naman sya kaagad. Tumayo ako at pinagpagan ang pang ibaba kong damit habang si Kurt naman ay tuluyan nang humiga sa damohan. "Anong problema mo?" Galit na tanong ko sa kanya. "Do you like him?" Tanong nya din sakin. "Anong pinagsasabe mo? Hindi mo dapat sya sinugod ng ganun Kurt" Sagot ko sa kanya at ngumisi naman sya. Tumayo sya sa pagkakahiga nya at pinagpagan ang damit nya pagkatapos ay hinarap nya ako. "Talaga ba Lory? You're my fiancee tapos makikita kitang may ibang kahawak kamay na lalake?" Okay now I see his point pero hindi naman talaga kami naghahawakan ng kamay eh. Hinuhulaan ko lang naman si Secretary Cruz. "Hindi yun katulad ng iniisip mo" Sagot ko sa kanya. "Then what is it?" Masungit na tanong nya sakin. "Hinuhulaan ko lang sya kaya hawak ko yung palad nya" Sagot ko naman sa kanya. "Really huh?" Masungit pa din nyang tanong kaya naman tumango nalang ako. Totoo naman kasi talaga. Sandaling nabalot ang lugar ng katahimikan nang pareho kaming hindi nagsasalita. Ang awkward pa dahil diretso lang syang nakatingin sakin habang ako ay palingon-lingon na iniiwasan ang mga tingin nya. "Anong nanamang trip m..." Nagsasalita sana ako para pambasag sa nakakabinging katahimikan nang bigla akong hilain ni Kurt papalapit sa kanya. Sa paghila nyang iyon sakin ay sobrang napag lapit ang mga muka namin sa isat-isa. Bawat pag hingang ginagawa nya ay ramdam na ramdam ko. Pati na din pag t***k ng puso nya ay naririnig ko na. Hindi ako nakagawa ng kahit anong galaw dahil sa lapit naming dalawa. Baka kasi pag gumalaw ako ay bigla ko syang mahalikan. Halos sampong segundo ding nag tagal na ganun lang kaming dalawa hanggang sa hawakan nya ang mga balikat ko at dahan-dahan akong inilayo sa kanya. Walang kahit anong salita ay naglakad sya palayo at lumabas sa loob ng garden. Pagkalabas na pagkalabas ni Kurt ay agad akong natumba dahil hindi kinaya ng puso at paa ko ang pangyayareng yun kanina. Para bang biglang nanghina ang buong katawan ko dahil sa ginawang yun ni Kurt. Ang nakakainis pa ay hindi ko alam kung bakit nya yun ginawa. Naguguluhan ako sa kanya. Maybe he's just horny or something. He's a playboy kaya siguro namimiss nya nang makipag make out sa mga babae nya. Hindi nya na kasi nagagawa yun simula nang dumating ako dito sa mansion nila. Bahala na! Ayokong mag isip ng kung ano-ano at baka mag assume pa ako bigla at mapahiya lang sa dulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD