CHAPTER 2: My Sacrifice

2073 Words
-=Brielle's Point of View=-  Paakyat na sana ako sa bus na nasa likod lang ng sinakyan ko kanina, ng mapansin kong may pababa naman doon. Bigla akong natigilan ng sandaling magtama ang mga mata namin ng lalaki sa bus. Muli akong nakaramdamng pangliliit sa paraan ng pagtitignito saakin. Sobrang pagpipigil ang ginawa ko para lang hindi mapaiyak ng mga oras na iyon, ngayon ko lang kasi naramdaman na sobrang baba ko at dahil iyon sa paraan ng pagtingin ng naturang lalaki. Minabuti kong magpatuloy na sa pagsakay sa bagong bus, dahil hindi ko na talaga kaya pang matagalan ang pang-uuri sa mga mata nito. "Hindi ka puwedeng panghinaan ng loob Brielle, para ito kay Tatay!" pagpapalakas ko na lang sa loob ko, tama naman, hindi ko ginagawa ito para sa sarili ko, ginagawa ko ito para kay Tatay. Kaya naman kinapalan ko na naman ang mukha ko, nang tuluyan na akong makaakyat sa bus na iyon. "Magandang araw po sa lahat, ako po si Brielle..." sa totoo lang ay hindi ko naman talaga ginustong gawin ang bagay na ito, sino ba naman ang gugustuhin na mamalimos ng paulit ulit, pero kailangan ko kasing gawin ito ng dahil sa kalagayan ni Tatay. Kinailangan kong humingi ng tulong sa iba, naatim kong mamalimos. Hindi ko na halos mabilang ang bus na nasakyan ko ng araw na iyon, basta patuloy lang ako sa pamamalimos, buong akala ko nga ay mababawasan na ang hiyang nararamdaman ko habang tumatagal, ngunit mali pala ako.  May mga bus na hinahayan na lang ako,nasanay na din siguro sila sa mga namamalimos na katulad ko. Iba't ibang rason ang dahilan ng pamamalimos ng mga sumasakay sa mga bus, meron kesyo namatayan daw silang kaanak, meron naman nasa ospital ang kung sino man sa kapamilya ng mga ito, iba't ibang dahilan, pero iisa ang pakay at iyon ay ang makapagpalimos ng pera. Hindi lahat ng mga bus na nasakyan ko ay pinayagan akong mamalimos, meron din kasi pinababa ako ng malaman ang pakay ko, ayon kasi sa kanila ay bawal ang ginagawa ko at sila ang papagalitan kapag pinayagan nila ako  na naiintindihan ko naman. Wala akong tigil sa ginagawa ko, bandang alas kuwatro ng magdecidena akong umuwi ng bahay, nakaramdam na din kasi ako ng gutom, dahil tanging skyflakes at tubig lang ang tinanghalian ko. Pagod na pagod ako ng makarating ako sa sakayan ng jeep papuntang sangandaan, inabot din ng halos thirty minutes ng makarating ako sa lugar namin, imbes na magtricycle ay minabuti kong maglakad na lang pauwi ng bahay, kailangan ko kasing tipirin ang pera ko, at kung magagawa kong huwag gumastos ay mas maganda. "Nakauwi ka na pala Brielle." narinig kong salubong ng best friend ko na si Cassie, sa bahay na din kasi ito nakatira na sobrang kong pinagpapasalamat dito, lalo na ngayon at walang hindi ko mababantayan si Tatay ng dahil sa paghahanapbuhay ko. Writer si Cassie ng mga pinoy love stories, kaya naman hindi nito kailangan masyadong umalis ng bahay, maliban na lang kung kailangan nitong personal na magpasa ng manuscript nito sa publishing company na pinapasukan nito. "Oo, kakadating ko lang. Oo nga pala Cassie, magluluto ako ng sinigang para sa dinner natin." ang sinabi ko naman dito, bago umuwi ay dumaan na din muna ako sa malapit na palengke para bumili ng gagamitin ko sa pagluluto. Bago magsimulang magluto ay pinuntahan ko muna ang kuwarto ni Tatay para kamustahin ito at tignan kung nakainom na ba ito ng gamot. Limang taon na ang nakakalipas ng madiagnosed si Tatay na may cancern.ayon sa test meron itong cancerof the stomach. Naoperahan naman ito matapos ang dalawang taon mula ng madiagnosed ito at sabi naman ng doctor ay successful ang naging operasyon nito, ngunit matapos ang isang taon ay natuklasan naman na kumalat ang cancer nito at naapektuhan ang liver naman nito. Malaki laking halaga ang kinakailangan para sa susunod nitong operasyon, noong unang operasyon nga ay nakapangutang  pa kami, kaya naman said na said na talaga ang ipon namin, kaya din halos hindi na ako nagpapahinga para lang maipon ang kailangan na halaga. "Magandang hapon po Tatay." pinilit kong tatagan ang loob at huwag magpakita dito ng kahinaan, pinigilan ko ang luhang nagbabantang pumatak sa mga mata ko ng halikan ko ang hungkab nitong pisngi. Sobrang laki ng binaba ng timbang nito magmula ng madiagnosed ito, at kung hindi pa dahil sa patuloy na pag-inom ng mga gamot nito ay hindi ko na maisip kung ano pang nangyari dito, habang nag-iipon kasi ng pera para sa pagpapaopera dito ay tanging sa mga maintenance lang kami umaasa para kahit paano ay madugtungan ang buhay nito. "Magandang hapon din anak, kumain ka na ba?" nanghihina nitong tanong, hirap na hirap itong bumangon, kaya naman agad ko siyang tinulungan para makaupo at makasandal, sa konting galaw nito ay makikita na ang hingal ni Tatay. "Opo, kumain na po ako kanina ng tanghalian. Kayo po ba nakakain na din kayo?" tanong ko dito, hindi ko na ipinaalam dito na tangin skyflakes at tubig lang ang tanghalian ko. "Oo, pinakain na din ako kanina ni Cassie, pinainom na din niya ako ng gamot." sagot nito, sandali ko pa itong kinausap, ngunit nang mapansin kong inaantok ito ay agad na din akong nagpaalam. Matapos maihiga ito ng maayos ay agad na akong lumabas ng kuwarto at dumiretso sa kuwarto namin ni Cassie para makapagpalit ng pambahay, at matapos nga noon ay dumiretso na ako sa kusina. Abala ako sa paghihiwa ng mga rekado ng lulutuin kong sinigang na baboy, paborito kasi ni Tatay ang ulam na iyon nang mapansin ko ang pagpasok ni Cassie. "Sandali lang ito..." ngunit naputol naman ang sasabihin ko at bigla akong natigilan ng may nilagay itong kung ano sa bulsa ng suot kong shorts. Sandali akong tumigil para kuhanin ang bagay na iyon at awtomatiko akong napailing ng tuluyan kong makita ang pera na galing dito. Akma kong ibabalik dito ang pera nang pigilan ako nito. "Itabi mo na yan Brielle. Pandagdag din natin yan sa gastusin natin sa bahay, nakakahiya naman na wala akong maiaambag gayong nakikitira lang naman ako." nakangiti nitong sinabi. "Ano ba naman yangpinagsasabi mo Cassie, hindi ka na ibang tao at kung hindi din naman dahil sa iyo ay walang makakasamasi Tatay dito, kapag pumapasok ako sa trabaho. Ako nga ang dapat na magpasalamat sayo, at saka malaki laki naman ang napalimu..." bigla naman akong natigilan ng madulas ako sa bagay na iyon, muli ko tuloy naalala ang pangmamata na tingin sa akin ng kaninang lalaki. "Tinuloy mo pa din pala ang plano mo." nakakaunawang sinabi nito, naikuwento ko kasi dito ang balak kong gawin ngayong araw na ito, rest day ko kasi ngayon kaya naisipan kong maghanap ng pera, at nang malaman nga nito ang balak ko ay agad ako nitong pinigilan. "Alam mo naman na gagawin ko ang lahat para lang mapagaling si Tatay, hindi ba?" malungkot kong paliwanag dito. Mula pagkabata ay kaming dalawa na lang ni Tatay ang magkasama sa buhay, namatay kasi si Nanay noong ipinanganak ako nito, pero kahit ako ang naging dahilan ng pagkawala ni Nanay ay never kong naramdaman na sinisi ako ni Tatay sa nangyari, mas lalo pa nga niyang pinaramdaman sa akin ang labis na pagmamahal, kaya naman pinangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para mapaoperahan at gumaling si Tatay. Hindi na ito nagsalita pa at muli itong bumalik sa kuwarto namin, bandang alas seis naman ng matapos ako sa pagluluto. Agad kong inaya si Cassie para kumain, matapos kumain ay pinuntahan ko si Tatay para naman pakainin ito. "Tay kain na po kayo." tawag ko dito, sakto naman na mukhang kakagising lang din nito, sandali kong binaba ang tray na hawak ko para tulungan itong makaupong maayos. "Pasensya ka na talaga kay Tatay, Brielle, naging masyado na tuloy akong pabigat sayo." malungkot nitong sinabi. Pinilit ko naman huwag ipahalata ang epekto ng sinabi nito sa akin. "Naku naman Tay, never kayong naging pabigat sa akin. Mahal na mahal ko kayo, iyon ang tatandaan ninyo." pilit na ngiting sinabi ko dito. "Hindi mo kailangan magpanggap sa akin Brielle, alam ko naman na nahihirapan ka na ng dahil sa akin. Maliban pa doon ay nawala ang pangarap mo sanang makapag-aral sa Australia." napapailing nitong sinabi. Hindi naman ako nakaimik sa sinabi nito, nang madiagnosed kasi ito, ay iyon ang panahon kung saan ako nakahanap ng sponsor para sa scholarship ko sa Australia, malaki sanang tulong iyon para sa amin ni Tatay at matagal ko na ding pangarap ang makapag-aral sa ibang bansa, pero ng dahil sa nangyari ay binitawan ko ang pangarap kong iyon. Hindi naman kasi puwedeng iwanan ko si Tatay. Twenty two years old na ako, pero hindi ko man lang narasanan na makatungtong sa kolehiyo, seventeen kasi ako ng madiagnosed si Tatay, kaya naman naisipan kong huwag na munang magkolehiyo at magtrabaho na lang. Nang maoperahan si Tatay ay umasa akong makakabalik ako sa pag-aaral, ngunit hindi agad iyon natuloy dahil sa dami ng utang namin, at matapos nga isa pang taon ay nadiskubre ang sakit nito sa liver, kaya naman tuluyan na akong hindi nakabalik sa pag-aaral. "Naku Tay! Huwag ninyo po akong alalahanin, basta ang mahalaga ay magpalakas kayo para kapag puwede na kayong maoperahan ay magiging maayos na ang lahat, saka pinapangako ko sa inyo, babalik ako sa pag-aaral." pagpapalakas ng loob ko dito. Mabuti na lang at hindi na ito nagpumilit pa. Matapos itong pakainin ay agad ko nang inayos ang puwesto nito, sinugurado kong kumportable ito sa pagkakahiga at matapos magpaalam dito ay dumiretso na ako uli sa kuwarto namin ni Cassie. Naabutan ko naman ito na abala pa din sa pagtatype nito sa laptop. "Hindi ka pa ba matutulog?" tanong ko dito ng makita ko alas nueve na pala ng gabi. "Mamaya maya na ko matutulong, sinasamantala ko kasi habang may naiisip pa akong isusulat." sagot nito habang nanatili ang mga mga nito sa monitor ng computer. Sinubukan ko naman na matulog, ngunit hindi agad ako dinapuan ng antok. Twenty minutes ang lumipas na ang tanging naririnig ko ay ang pagtipa ni Cassie sa keyboard ng laptop nito. "May balita ka ba kay Jerome?" natigilan naman ako ng marinig ang tanong na iyon ni Cassie, hindi ko naman maiwasang hindi malungkot sa pangalan na binanggit nito. Si Jerome kasi ang dati kong kasintahan noong nasa high school pa lang ako. Nagsimula itong mangligaw sa akin noong naging kaklase ko ito noong third year high school pa lang kami. Wala sana akong balak na mayboyfriend pa noon dahil nga bata pa ako, pero naging pursigido ito at pinaramdam nito na seryoso ito kaya naman matapos ang isang oras na panliligaw ay sinagot ko na ito, fouth year na kami ng opisyal na maging kami. Kahit mga mata pa lang kami ay pinag-iisipan na namin ang future naming dalawa, kaya naman nagplano kaming mag-aral pareho sa Australia, may kakilala kasi itong tutulong sa amin. "Ang tagal nating hinintay ito, puwede na tayong mag-aral sa Australia." pagsusumamo sa akin ni Jerome. Malungkot naman akong napailing habang nakatingin sa guwapo nitong mukha. Masakit sa akin ang desisyon ko, pero kailangan kong gawin. "I'm sorry Jerome, pero alam mo naman ang nangyari kay Tatay, kaya hindi na ako makakasama sayo." malungkot ko naman na paliwanag dito. "Iyon na nga eh, kapag nasa Australia na tayo ay mas makakapagpadala ka ng pera sa Tatay mo, malaki naman ang allowanace na bibigay sa tin." pangungumbinsi pa din nito sa akin. "I'm sorry Jerome, pero hindi ko talaga puwedeng iwan si Tatay... at tinatapos ko na ang relasyon natin...gusto kong magpatuloy ka sa pangarap mo.... at kung may mahanap kang iba na mamahalin mo at mamahalin ka ay gugustuhin ko." masakit ang naging desisyon kong iyon, pero hindi ako magiging patas sa kanya kapag pinako ko pa siya sa relasyon namin. "Hindi mo na ba ako mahal?" halos mabasag ang puso ko habang nakikita ko ang paghihirap ng loob nito. "Mahal kita Jerome... pero mas kailangan ako ni Tatay." sagot ko naman dito. Wala pang isang taon ay nakaalis na nga ito. Hindi na ko sumama sa paghahatid dito sa airport, dahil pareho lang kaming mahihirapan. "I guess graduate na siya no?" naputol naman ang pagbabalik tanaw kong iyon nang muli itong magsalita. "Siguro." ang tanging nasabi ko, pinilit kong huwag magpaapekto, pero kahit paano ay nakakaramdaman ako nang panghihinayan at kurot sa puso sa nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD