CHAPTER 3: No

2114 Words
-=Brielle's Point of View=- "Good morning." narinig kong bati sa akin ni Cassie nang magising ako nang umagang iyon, naabutan ko kasi itong gising pa. "Good morning, ba't gising ka pa?" humihikab kong tanong dito, sa totoo lang antok na antok pa talaga ako lalo na't nakakapagod din ang ginawa ko kahapon, nakakapagod kaya ang magpalipat lipat ng mga bus, pero dahil nakasanayan ko na din naman kaya naman maaga pa din akong nagising. "Kailangan eh, sinasamantala ko na meron pa akong naiisip na isusulat, alam mo na hindi ako sigurado kung kailan ako aatakihin ng writer's block." sagot nito, sandali itong humigop ng tinimpla nitong kape, halata naman na antok na antok na ito, pero naiintindihan ko naman ito, nakita ko na kasi ito kung paano itong nafrustrate dahil wala itong maisulat dahil sa pag-atake ng writer's block nito. Agad naman akong bumango sa pagkakahiga at matapos nga noon ay dumiretso na ako sa kusina. Agad kong hinanda ang mga lulutuin ko para sa almusal namin, gayon din ang mga pagkain na ibebenta ko sa pinapasukan kong department store. Isa akong cashier sa department store sa mall na malapit lang din sa amin, nakagawian ko na ding magsideline sa pagtitinda ng almusal at meryenda sa trabaho. Sa totoo lang ay bawal talaga ang ginagawa ko, mabuti na lang at mabait ang naging manager namin na hinayaan na lang ako, alam din kasi nito ang pinagdadaanan ko sa buhay. Una kong hinanda ang palaman sa sandwich na ititinda ko kasunod naman ang pansit. Abala ako sa ginagawa ko nang maisipan kong dalhan ng kape at ayain nang mag-almusal na muna si Cassie. "Alam mo Brielle sobrang hangang hanga ako sa kasipagan mo. Hindi pa sapat ang twelve hours na pagpasok mo bilang cashier, at nagagawa mo pang magtinda sa trabaho, at alam naman natin na may mga sideline kang pinagkakaabalahan." sinabi ni Cassie, kahit sinabi nitong humahanga ito ay nararamdaman ko din ang awa sa boses nito. "Kailangan eh." sagot ko naman dito. Sinabay ko na ang pagkain ng almusal habang hinahanda ko ang mga ititinda ko ng araw na iyon, at nang matapos nga ay agad na akong naligo at nag-ayos sa pagpasok ko. Isang simpleng blue blazer at pencil cut skirt ang suot ko, iyon kasi ang uniform namin sa pinapasukan ko, bandang alas sais nang puntahan ko si Tatay sa kuwarto nito at sakto naman na gising na din ito. "Magandang umaga Tay." nakangiti kong bati dito. "Magandang umaga din naman sa pinakamagandang anak sa balat ng lupa." biro nito, mas kinalapad ng ngiti ko. "Sus napakabolero talaga ni Tatay, kain na po kayo." natatawa ko naman na tugon, matapos pakainin ito ay nagpaalam na din ako dito. Palabas na sana ako ng kuwarto nito nang bigla akong tawagin nito pabalik. "Mahal na mahal kita anak, at maraming salamat sa lahat." puno nang pagmamahal na sinabi sa akin. Sa hindi ko mawari ay may naramdaman akong kung ano sa puso ko na agad ko ding inignora. "I love you din Tay, you're the best Tatay in the world." nakangiti ko namang sagot dito, hindi na din ako nagtagal at matapos ibilin kay Cassie si Tatay ay umalis na din ako. Gaya kahapon ay naglakad na lang ako papuntang sakayan ng jeep. Sa paglalakad kong iyon ay napansin ko ang isang mag Nanay na naghahalungkat ng basura sa katapat na convenience store. Dali dali akong lumapit sa mga ito, at inabot ang dalawang pansit at dalawang sandwich na ginawa ko. "Para sa inyo po." abot ko sa kanila nang pagkain, hindi ko na hinintay ang sagot nila at dali dali akong nagpatuloy sa paglalakad. Isa sa mga magandang tinuro sa akin ni Tatay na maging mapagbigay sa nangangailangan. Oo nahihirapan ako sa pinagdadaanan namin ni Tatay, pero may ibang tao ang mas nahihirapan kumpara sa akin, ayon nga sa nabasa ko, you can be a miracle to others. Sakto naman na twenty minutes before eight ay nakarating na ako sa mall na pinagtatrabahuan ko. Cashier ako sa department store nang mall. "Good morning Brielle." ang nakangiting bati sa akin ni Jacqueline. Siya ang pinakaclose ko sa mga katrabaho ko, nakapila na ito para ipacheck ang bag nito. "Good morning din Jack." balik bati ko naman dito. Ilang sandali nga lang ay sabay na kaming dumiretso sa locker room. "Ano ba yang tinda mo ngayon?" tanong nito sa akin, hinayaan ko lang itong pakialaman ang dala ko, para makapili na din ito. Bandang seven fifty nang kausapin kami ng manager namin, the simple reminders bago magbukas ang mall, nine kasi nagbubukas ang mall, pero bago iyon ay sinisigurado muna namin na nasa maayos na ang lahat. "Ok guys, that's all, bumalik na kayo sa mga posisyon ninyo." pagtatapos nito, pabalik na sana kami ni Jacqueline sa puwesto namin nang matigilan ako sa narinig ko. "Kamusta naman ang pamamalimos natin kahapon?" natigilan ako nang marinig ko iyon kay Mary. "Ano na naman bang paandar mo ha Mary? Naturingan kapangalan mo si Mama Mary, pero napakademonyita mo naman." naasar naman na turan ni Jacqueline dito. Matagal nang mainit ang dugo sa akin ni Mary simula nang magtrabaho ako dito, mahilig itong magparinig, pero hindi ko na lang pinapansin, kaya naman nagulat ako na diretso ako nitong kinompronta at maliban pa doon ay kung paano nito nalaman ang ginawa ko kahapon. "Oh well sabi lang naman sa akin ni boyfie na nakita niya ang kaibigan mo na sumakay ng bus, at sabi pa niya ay namalimos siya sa bus, hindi ba totoo Brielle?." paismid nitong sinabi, mas nilakasan pa nito nga nito ang boses para mas marinig ng mga kasamahan namin, at sinundan iyon nang nakakalokong tawa. Pinigilan kong manginig sa mga sinabi nito, naisip ko naman na baka nga may makakita sa akin kahapon, kaya kahit paano ay hinanda ko na ang sarili ko sa panghahamak ng iba, pero iba din pala kapag nangyari na. "Oo... totoo ang sinabi mo Mary." sobrang pagpipigil ang ginawa ko para hindi manginig ang boses ko. "See I told you so. How low can you get?" patuloy nitong pang-iinsulto sa akin. "Well at least ginawa niya iyon, para matulungan ang Tatay niya, eh ikaw Mary? Nagtatrabaho ka para may pang allowanace ang boyfriend mo!" inis naman na sagot ni Jack dito, kitang kita ang pamumula ng mukha ni Mary sa sinabing iyon ni Jacqueline, kaya naman minabuti kong hatakin na itong palayo. "Sana hindi mo na pinatulan." paninita ko naman kay Jacqueline nang makalayo na kami. "Sus dapat lang sa babaeng iyon, simula kasi nang magtrabaho ka dito ay insecure na insecure na talaga sayo ang babaeng hipon na iyon. Mas lalo pang nagalit sayo yan, dahil nagkagusto sayo si Ricky." sagot naman nito sa akin, as if right on cue, biglang dumating naman si Ricky. Si Ricky ang anak nang may-ari ng mall. Guwapo ito, matangkad at mayaman, lahat nga ng mga katrabaho kong babae at babae at heart ay may gusto dito. "Hi girls! Good morning Brielle." ang nakangiti nitong bati sa amin, pero ang mga mata naman nito ay nakatutok sa akin. "Good morning din sir." balik bati ko naman dito. "Aww, sabi ko naman Ricky na lang itawag mo sa akin." sagot nito, tuluyan na nga nitong inignore si Jacqueline na pinagkibit balikat naman nito. Simpleng ngiti lang ang sinagot ko dito, matagal na itong nagpaparamdam sa akin, pero una pa lang ay nilinaw ko na dito na wala itong pag-asa sa akin, guwapo nga ito, pero wala talagang dating ito sa akin, maliban pa doon ay masyado akong abala sa pag-iipon nang pampaopera kay Tatay. "Kelan mo ba ako sasagutin Brielle?" pangungulit pa din nito sa akin. "Sir Ricky, pasensya na po, pero wala talaga akong balak makipagrelasyon." magalang ko pa din na sagot dito, kahit sobra na nitong kulit. "Alam ko naman kung bakit, but still I can help." pagpupumilit pa din nito, ngunit buo na talaga ang loob ko, ayoko naman na parang gagamitin ko lang ito kung sakaling sagutin ko ito, mukhang kahit paano ay nakaramdaman din ito base sa sinabi nito. "Basta if you need any help, anything at all, lapitan mo lang ako." ang huling sinabi nito, bago tuluyang umalis. "Sobrang patay na patay sayo ang anak ng boss natin, bakit hindi mo na lang sagutin iyon?" tudyo naman sa akin ni Jacqueline. "Gaya nga ng sinabi ko ay wala akong balak manggamit ng ibang tao, at maliban pa doon ay wala talagang dating sa akin si Sir Ricky." paliwanag ko naman dito. "Sus sobrang guwapo kaya ni Sir Ricky, kaya nga imbyernang imbyerna sayo si Mary, pero meron ka bang nagugustuhan o nagustuhan man lang?" tanong nito. For some reason ay bigla kong naisip ang lalaking nakita ko sa bus, muli ay nakaramdam ako nang pangliliit sa sarili nang maalala ko ang paraan nito ng pagtingin sa akin kahapon, pero may isang damdamin naman na hindi ko maipaliwanag, may iba din naman na nangmata sa akin kahapon, pero for some reason ay masyado akong naapektuhan ng lalaking iyon. Naging abala kami ng araw na iyon, madami dami din kasi ang namimili, kaya hindi na din naming nagawa na magkuwentuhan pa.  "Tara na lunch na tayo." aya sa akin ni Jacqueline, sabay na kaming dumiretso sa canteen namin, mabuti na lang at naubos na ang mga paninda ko, usually kasi sa locker ako tumatambay. "Anong balak mo pagnapaopera mo na ang Tatay mo?" tanong nito sa akin habang kumakain kami. "Well after maging maayos na ang kalagayan ni Tatay, gusto kong bumalik sa school, gusto kong mag-aral sa college." noon gusto kong mag business ad, pero sa nangyari kay Tatay ay mas ginusto kong mag-aral ng nursing. "I know matutupad mo iyan, ako balak kong mag abroad. Alam mo iyon, pakiramdam ko kasi ay sa ibang bansa ang suwerte ko." tumatango pa nitong sinabi, alam ko naman kahit saan ito mapunta ay magtatagumpay ito. Muling nagpatuloy ang araw na iyon para sa amin. Mag aalas onse na nang gabi nang makauwi ako sa bahay. Muli ay naabutan ko si Cassie na nakatutok sa computer nito. "Kumain ka na ba?" tanong nito sa akin pagkapasok na pagkapasok ko. "Hindi ako gutom, si Tatay kamusta?" tanong ko dito. "Ayun ok naman, napakain ko na siya kanina nang hapunan." sagot naman nito. "Ahhh ganoon ba, salamat talaga. Puntahan ko muna si Tatay." agad na nga akong dumiretso sa kuwarto nito, ngunit bigla ang pagsalakay ng takot sa dibdib ko nang makita kong nahihirapan itong huminga. "Cassie tulong si Tatay!" sigaw ko, ilang sandali nga lang ay pumasok ito sa kuwarto, magkatulong namin binuhat ito palabas ng bahay, mabuti na lang talaga at mukhang kakaparada lang ng taxi ng kapitbahay namin. "Tay please lakasan ninyo ang loob ninyo." hindi ko na napigilan ang mga luhang nag-uunahan sa pagdaloy sa mga mata ko. Ayokong isipin na baka mawala ito sa akin. Nagulat na lang ako nang biglang huminto ang sinasakyan namin. "Ano pong nangyari Kuya Roman?" nag-aalala kong tanong dito. "Hindi ko din alam Brielle." napapakamot batok nitong tugon, agad naman itong bumaba para tignan ang problema.  "Brielle anong gagawin natin?" natatakot na ding tanong sa akin ni Cassie, naiiyak na din ito. Imbes na sagutin ito ay agad akong bumaba, at hinarang ang unang kotse na nakita ko, mabuti na lang at agad itong huminto. "Please...... kailangan ko nang tulong ninyo. Kailangan naming....." ngunit natigil ang sasabihin ko nang tuluyan kong makita ang nakasakay sa bandang likuran. Of all people, bakit ang lalaking nakita ko pa kahapon ang sakay nang kotseng ito, pero agad ko iyong isinantabi. "Parang awa na ninyo, kailangan naming maihatid ang Tatay ko sa ospital." pagsusumamo ko dito, kahit na nga ba pinanghihinaan ako ng loob sa walang emosyon nitong reaksyon. Bigla naman nanlamig ang buong katawan ko sa nagin sagot nito. "No." ang tanging sinabi nito. Namanhid ang buong katawan ko habang nakatingin sa papalayong sasakyan, kung hindi pa sumigaw si Cassie ay hindi ako magigising. Nagpatuloy ako sa pagpara nga mga sasakyan na dumadaan sa lugar na iyon, kaso wala ni isa man ang huminto, wala din akong makitang taxi nang mga oras na iyon. After fifteen minutes nang sa wakas ay naayos na ni Kuya Roman ang taxi nito, kaya naman nakarating na kami sa pinakamalapit na ospital. Agad namang dinaluhan ng doctor ang Tatay ko. "Doc, iligtas po ninyo si Tatay." pakiusap ko dito. Sandali nitong chineck si Tatay, ngunit tila tumigil ang mundo ko sa naging pag-iling nito. "I'm sorry miss, pero patay na ang father ninyo." hindi ko naintindihan ang iba pang sinabi nito. Ang tanging nanatili sa isip ko ay ang katotohanang patay na si Tatay, hindi na kami umabot sa oras.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD