-=Michael Ethan's Point of View=-
"Sir Ethan?" nagulat na lang ako nang tawagin ako ng driver ko, masyado kasing malalim ang iniisip ko nang mga oras na iyon.
Saka ko lang napagtanto na nakarating na pala kami sa Starbucks, medyo nakainom kasi ako kaya nagpasundo na lang ako sa driver ko at naisipan ko na din na dumaan sa Starbucks., para bumiling hot coffee.
Hindi ko naman naiwasang maalala ang nangyari kanina, hindi ko alam kung bakit patuloy pa din binabagabag ang dibdib ko.
"Please...... kailangan ko nang tulong ninyo. Kailangan naming....." ngunit bigla itong natigilan nang tuluyan na ako nitong makita. Base sa reaksyon nito ay mukhang nakilala agad ako nito, sandali itong natigilan, kaya nga akala ko aalis na din ito, ngunit laking gulat ko nang magpatuloy ito sa pagsasalita.
"Parang awa na ninyo, kailangan naming maihatid ang Tatay ko sa ospital." kitang kita ko ang pagsusumamo sa maamo nitong mga mata, sa totoo lang ay sobrang pagpipigil ang ginawa ko para huwag magpakita nang kahit na anong emosyon, dahil alam ko naman modus na naman niya ito.
Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang nakaparang puting taxi hindi kalayuan sa kotse ko, nakahazzard ang naturang taxi, at sa harap ng mood ay may isang taong para bang nag-aayos noon.
"No." walang emosyon kong sagot dito, kita naman ang labis na pagkagulat sa mukha nito, para ngang biglang nawalan ng pag-asa ang mukha nito, na para bang ng dahil sa sinabi ko ay naging dahilan iyon ng pagguho ng mundo nito.
"Sir Ethan?" saka lang ako natauhan sa malalim kong pag-iisip ng muli akong tawagin ng driver ko, mas malakas na kasi ang pagsasalita nito.
Alam ko naman na modus lang naman ng babaeng iyon ang lahat at gawa gawa lang nito ang paghingi ng tulong nito kanina, pero bakit ganoon hindi pa din maalis alis sa akin ang naging reaksyon nito sa naging sagot ko dito, hindi ko maiwasang maguilty sa nangyari.
"Let's go back." utos ko dito.
"Sir?" naguguluhang tanong naman nito.
"Balikan natin ang pumara sa atin kanina." walang buhay kong utos dito, agad naman nitong sinunod ang utos ko, hindi ko nga sigurado kung maabutan pa naman sila sa lugar kung saan namin sila nakita.
Habang naghihintay na makabalik ay muli kong naramdaman ang guilt sa dibdib ko, sinasabi ng isip ko na hindi totoo ang paghingi ng tulong ng babaeng iyon at staged lang lahat ng iyon, pero parang pilit naman tumatanggi ang puso ko na para bang sinasabi nitong bigyan ko siya ng benefit of the doubt.
Pinanga ko sa sarili ko na sisiguraduhin kong malaman ang totoo, at kung kailangan kong makita ang Tatay daw nito ay gagawin ko ang bagay na iyon.
Inabot lang siguro ng mga kinse minutos nang makabalik kami sa naturang lugar, ngunit katulad ng inaasahan ko ay wala na ang taxi doon, sandali akong nagpalinga linga, ngunit hindi ko na talaga nakita ang naturang sasakyan.
"Sir Ethan, hanapin po ba natin sila?" nag-aalanga nitong tanong matapos tawagin ang atensyon ko.
Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko at agad itong inutusan na umuwi na lang ng bahay, agad naman itong sumunod at nagdrive na pauwi sa bahay ko.
Habang nasa biyahe, ay hindi pa din maalis alis sa isip ko ang naturang babae, heck, noong unang beses pa lang na nakita ko ito ay ginulo na nito ang isip na ngayong lang nangyari sa akin.
Hindi ko na nga mabilang ang mga flings na dumaan sa buhay ko, merong mga models, atresses at ilang socialite ang nakafling ko, pero wala sa mga ito ang nanggulo sa isip ko katulad ng ginawa sa akin ng babaeng iyon.
Nagpatuloy ang pagsagi sa isip ko ng babaeng iyon, hanggang sa makarating na kami sa bahay ko sa Quezon City, hindi ko tuloy maiwasang hindi mafrustrate ng dahil sa naging epekto nito sa akin.
"That's enough Ethan!" kastigo ko sa sarili, minabuti kong mabilisan na maligo at matapos nga noon ay agad akong dumiretso sa kama at humiga doon, kahit nakahiga ay hindi pa din ako dinalaw ng antok, dahil parang nananadyang sumasagi sa isip ko ang maamong bukha ng babae, hanggang sa tuluyan na akong talunin ng antok ay ito pa din ang nasa isip ko.
Bandang alas seis ng magising ako kinabukasan, bahagyang masakit ang ulo ko ng dahil sa hangover sa ginawa kong pag-inom, kaya naman agad akong bumangon at dumiretso sa banyo kung nasaan ang medicine cabinet, agad akong kumuha ng gamot sa hangover at agad iyong ininom.
Banayad ko pang minamasahe ang ulo ko nang bumalik ako sa kama, isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko ng maalala ko ang napanaginipan ko kagabi, napanaginipan ko kasi si Nanay.
Muli naman nabuhay ang pait sa puso ko ng maalala ko si Nanay, hindi ko kasi matanggap ang naging paghihirap namin noon hanggang sa tuluyang namatay ito.
Habang naalala ko si Nanay ay naisipan ko naman na tawagan si Bernard. Ilang ring din ang nakalipas bago nito sinagot ang tawag ko.
"Magandang umaga Sir Ethan." agad nitong sagot, namamaos pa ang boses nito na mukhang nagising ng dahil sa pagtawag kong iyon, masyado pa talagang maaga kaya naman hindi kataka takang tulong pa ito bago ako tumawag.
Mahigit isang taon na kasi ang nakakalipas ng utusan ko ito para ipahanap ang isang tao, pero sa loob ng isang taon ay hindi pa din nito nagagawa ang pinapagawa ko dito.
"It's been more than a year since I asked you to do something for me, pero hanggang ngayon ay hindi mo pa din nahahanap ang taong pinapahanap ko sayo." malamig kong sinabi dito.
Matagal na din naman nagtrabaho sa akin ito, kaya nasubukan ko na din ang serbisyo nito, kaya nga ito ang inutusan kong hanapin ang taong iyon.
"Pasensya na Sir Ethan, labing pitong taon na kasi ang nakakalipas ng nagkaroon ng malaking sunog sa lugar na binanggit ninyo sa akin, madami pong narelocate sa lugar na iyon at halos bago na din ang mga nakatiradoon." paliwanag naman nito, actually ito din ang naging report nito sa akin ng simulan nitong gawin ang pinag-uutos ko dito noong nakaraang taon.
Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko sa paliwanag nito, pinilit ko kasing magpakahinahon at baka mabulyawan ko pa ito, marahil ay nahalata na nito na nauubusan na ako ng pasensya dito, kaya naman muli itong nagsalita.
"Huwag po kayong mag-alala sir, may nakausap na ako kahapon na makakatulong sa atin. Mukhang dating nakatira doon ang pamilya ng nakausap ko at base sa sinabi niya ay mukhang kakilala niya ang taong pinapahanap ninyo." pagpapatuloy nito.
"Ok fine, I'm giving you a week, pero kung wala pa din maging resulta sa paghahanap mo ay sisiguraduhin kong tatapusin ko ang lahat ng transaction sa agency ninyo, alam mo kung paano ako magalit Bernard." seryoso kong sinabi dito, hindi ako nagbabanta lang dahil siguradong gagawin ko ang bagay na iyon.
Hindi ko na hinintay na makasagot pa ito at basta ko na lang tinapos ang tawag ko dito.
Matapos ang naging pag-uusap namin ni Bernard ay minabuti ko nang mag-ayos na din para sa pagpasok ko sa opisina.
Nasa Pasay ang main office ng mga negosyo ko, pero meron din naman akong opisina sa bandang Quezon City, kung saan ako nakatira.
Around eigh am ng makarating ako sa Pasay, nasa mismong penthhouse ang opisina ko. Actually, office s***h bahay na din ang purpose noon, sa tuwing tinatamad kasi akong umuwi sa bahay ko sa Quezon City ay doon ako naglalagi lalo na at mas convenient ang mag stay ako sa bahay kong iyon.
"You have an appointment at one pm with Mr. Delgado." narinig kong sinabi ng secretary ko na si Juliet.
Si Mr. Delgago ang tumatayong company legal adviser, siya ang nagrereview sa mga kontranta na pumapasok sa kumpanya.
Hinayaan ko lang ang secretary ko sa pagsasalita, nagpatuloy ito sa pagsasabi sa akin ng mga appointment ko ng araw na iyon, nanatili naman akong nakatalikod diot at pinagmamasdan ang kabuuan ng Roxas Boulevard.
Makikita ang Manila Bay mula sa kinatatayuan ko, malayong malayo na ang makikita sa lugar na ito magmula ng magboom ang land development sa parteng ito sa Pasay, ngunit wala sa paligid sa harapan ko ang isip ko ng mga oras na iyon.
Mabuti na lang talaga at nakaabot ako sa meeting namin ni Henry Cervantes, at mukhang nagustuhan naman nito ang business proposal para sa venture na inaalok ko dito, kaya nga kailangan kong makausap si Mr. Delgado para ayusin ang kontrata na pipirmahan ng dalawang kumpanya.
Katulad ng lugar na ito ay sobrang layo na din nang narating ko mula nang mamatay si Nanay sa sakit nito.
Nang mawala si Nanay ay dinala ako ng DSWD sa isang bahay ampunan, buong akala ko ay magiging maayos na ang buhay ko, na magiging maayos na ang lahat, ngunit maling mali pala ako.
I experienced hell sa lugar na iyon, panlabas lang ang pinapakitang kabutihan ng bahay ampunan na iyon, dahil kapag wala na ang DSWD ay grabeng pasakit ang pinagdadaanan namin sa lugar na iyon.
"Actually, hindi naman big deal sa akin ang bagay na iyon, at least meron akong matutuluyan kumpara noon nang kasama ko si Nanay na kung saan saan kami nanatili mula ng mapalayas kami sa inuupahan naming bahay. Ilang buwan din kasi hindi nakapagbayad si Nanay ng renta magmula ng magkasakit ito.
Kaya kong tiisin ang lahat ng pagpapahirap sa bahay ampunan, pero ang hindi maatim ng dibdib ko ng subukan ako pagsamantalahan ng naghahandle sa amin sa ampunan, mabuti na lang talaga at nakatakas ako bago pa man magawan ako ng hindi maganda ng taong iyon, muli ay naranasan kong tumira sa lansangan, pero kumpara noon ay mas matigas na ang loob kong harapin ang hirap ng buhay sa kalsada.
Sa edad na sampu ay batak na batak na ang katawan ko ng dahil sa mga trabahong pinasukan ko. Naging taga bantay ako sa palengke, naranasan ko din na maging carwash boy at kung ano ano pang mabibigat na trabaho.
Tiniis ko ang hirap ng trabaho para makapag-ipon ng pera, binalak ko kasing mag=ipon para sa pagbabalik ko sa pag-aaral.
Sobrang hirap ng pinagdaanan ko, pero ginawa ko ang lahat para makapagtapos ako ng pag-aaral, iyon kasi ang naging pangako ko kay Nanay, at maliban pa doon ay alam kong iyon ang susi ko para magtagumpay sa buhay.
Eighteen years old ako nang malaman ko ang tungkol sa investment ni Nanay sa insurance, at nalaman ko din na ako ang nakapangalan na beneficiary sa investment na iyon.
Nalaman ko na lang iyon sa ahente na kapitbahay namin noon, noon pa lang pala ay pinaghahandaan na ni Nanay ang kinabukasan ko.
Inabot ng mahigit isang milyon ang nakuha ko mula sa insurance na iyon, malaking halaga para maiayos ko ang buhay ko.
Malaking bahagi ng perang nakuha ko ay ininvest ko sa stocks, pinilit kong pag-aralan kung paano laurin ang stock market at dahil sa pagsusumikap at pag-aaral kong iyon ay tuluyan kong napalago ang perang iniwan sa akin ni Nanay.
Nakapagtapos ako na financially stable na ako, noong nag-aaral pa lang ako ay naisipan ko ding bumili ng lupa gamit ang kinita ko sa pagbilig at pagbebenta ng stocks.
Hindi pa gaano kamahal ang mga lupang nabili ko sa bandang Pasay, pinalad naman ako na may developer na nagkainteres sa lupang pag-aari ko, ayon dito ay binabalak daw nilang patayuan ang lupa ko ng condo building, ngunit imbes na ibenta ay naisipan kong makipagsosyo sa mga ito.
Naging matagumpay ang pinasok kong iyon, kaya naman dalawang taon ang nakalipas ng magpasya akong magtayo ng sarili kong negosyon at ito nga ay ang real state business, isa sa mga bread and butter ko ang pagbebenta ng condo units.
Hindi naging madali sa simula, pero nagawa kong palaguin ang negosyon kong iyon, at ngayon nga ay nagdecide akong magventure sa iba pang businesses na puwede kong pasukin.
Isa na dito ang plano kong pagpapatayo ng hotel and resort sa Maldives, kaya nga ako nakipagmeeting kay Henry Cervantes ng dahil sa plano kong iyon.
Naniniwala kasi ako sa influence ni Henry, kaya nakakasigurado akong matutuloy ko ang plano ko sa lugar na iyon.
At the age of twenty seven ay narating ko na ang estadong ito, kung ang ilang kaedad ko ay patuloy pa din hinahabol ang kani kanilang mga pangarap, ako naman ay sigurado na ang estado sa buhay, kaya nga madaming humahanga sa akin dahil sa edad kong ito ay naging successful ako sa mga business na pinapasok ko, at lahat ng ito ay nagawa ko sa sarili kong kakayahan.
Hindi ako humingin ng awa sa ibang taon, dahil natutunan ko na wala kang dapat na asahan na tutulong sa iyo kung hindi ang sarili mo lamang.
Magpapakita lang ng mabuti sayo ang ibang tao, dahil meron silang kailangan sayo, hindi ako naniniwala na gagawin nila ang bagay na iyon dahil sa kabutohan ng loob nila.
Iyon ang paniniwala ko magmula ng mamatay si Nanay, kaya nga labis akong nagtatakakung bakit patuloy pa din akong nakakaramdam ng guilt sa hindi ko pagtulong sa babaeng iyon.
"Snap out of it!" galit kong sita sa sarili ko, hindi ako dapat nagpapaapekto ng ganito sa katulad nito.
Pinilit kong ituon ang buong atensyon ko sa mga kailangan kong gawin, ngunit paminsan minsan ay sumasagi sa isip ko ang maamong mukha ng naturang babae.