Lumipas ang isang araw. Dalawang araw na wala akong natanggap na tawag o text man lang mula kay Emmet. Hindi ko na rin ito napansin paa dahil sa busy din ako sa kakaasikaso ng mga kamag anak namin at mga kaibigan, ka trabaho ni papa na dumadalaw.
Tatlong araw lang kasi namin ibuburol si Papa, base na din sa kahilingan nito noong nabubuhay pa ito. Ayaw kasi nito na malungkot pa kami kung sakali daw na mamaalam ito.
Sa huling gabi ng lamay ay doon ko lang napagtanto na tumatawag si Emmet. Sasagot sana ako ng hello ng bigla kong marinig ang mga ungol na nagmula sa phone na hawak ko.
"AhhhHHhHHHhhhhh... Yes… f**k me hard, E-Emmet... AHHHHHH f**k, that f*****g ass... AHHhHHHHHhhhhhhh.... Yes, like that!.. Uuuggghhh... Fuck..! Ang sarap.... AHHhhhh.. AAHhHHhh AhhHHHHHHhhh.. I-Isagad mo pa ang b***t mo, putang ina ka…! AhhhHhhhHHhh!. YEEEEEEES… AHhHHHHHhHHHh.."Halos manginig ang laman ko sa narinig ko.
Hindi ko akalain na sa gitna ng problemang kinakaharap ko ngayon at pagluluksa ko. Ay nakukuha pa nitong mag TAKSIL sa akin.
At sa kabila rin naman ng sitwasyon ko ay nakuha ko pang malibugan sa nangyayari. Hindi na ito healthy talaga sa akin. Ibababa ko na lang sana ang tawag ng mag salita ang boses na hinding hindi ko pwedeng makalimutan.
"Emmet, ako naman ang tirahin mo. Kanina pa ako natatakam sa b***t mo. Please." Boses ni Endrick
"Mag hintay kang bakla ka, hindi ka mauubusan ng t***d ko marami ako nito… Putang ina..! AHhhHHHhHHHHhhhhh.. Putang ina, ang sarap... Uuuggghhh!... S-Sige lang sipsipin mo lang ang u***g ko, ganyan nga.. f**k…! habang kinakantot ko tong puta na to.. Shit..! AHhhHHhHhhhhhHhh.. P-Putang ina nyo, ang hahayok nyo sa burat..! AhhhHhhhHHhhhhhhhh.. SHIT..! AHhHHHHHH" Boses ni Emmet na siyang siya sa ginagawa.
Agad ko ng pinutol ang tawag. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang tawagan ako nito. Ganoon na ba talaga ang tingin sa akin ni Emmet. Na masisiyahan ako sa ginagawa nitong pagtataksil.
Hindi ko na talaga alam pa ang mararamdaman ko. Kaya umiyak na lang ako ng umiyak. Naguilty pa nga ako ng akalain ni Mama na naiiyak ako dahil kay Papa, dahilan para umiyak din ito.
Isinantabi ko muna ang problema ko kay Emmet, mas kailangan ako dito ni mama, mas kailangan kong maging matatag para sa amin.
Kailangan ko itong unahin, kahit durog na durog at wasak na wasak na ako ng mga oras na iyon.
Ano ba ang kasalanan na nagawa ko at bakit kaailangan kong maranasan ang lahat ng ito. Pinaparusahan ba ako ng diyos?
Kinabukasan maaga pa lang ay nakagayak na kami. Ngayon na kasi ang araw na ililibing si Papa. Isang baldeng luha na naman ang aking iniyak matapos naming makapag paalam na rito.
Madali rin namang natapos ang seremonya at nailibing din si Papa ng matiwasay. Kaming dalawa na nga lang ng aking ina ang naiwan sa sementeryo. Nag iwan pa kasi ito ng huling mensahe bago kami umalis at bumalik sa aming tahanan.
Ayoko pa sana iwan ang aking ina pero ito na rin ang nagsabi na kailangan kong pumasok at tapusin ang pag aaral ko. May naiwan naman pera ang aking ama. Kaya kahit paano ay kakayanin yun ipantustos sa pag aaral ko. Hindi na nga lang sasapat pa ang makapag padala pa ng pera para sa aking baon sa araw araw.
Sinabi ko na lang sa mama ko na kakayanin ko at may naitabi naman akong pera nun huling padala nito. Titipirin ko na lamang iyon at agad na maghahanap ako ng trabaho. Upang matustusan ang baon ko sa araw araw.
Nag aalala man sa aking ina ay tumulak na ako paalis pabalik ng Maynila. Kasama nito ang pamangkin nito na si Kuya Bert na pinsan ko raw. Kaya wag na raw ako mag alala pa. First time ko lang ito nakita at nakilala. Kaya naman hindi ako masyadong palagay roon.
Gabi na halos ng makarating ako. Sa tindi ba naman ng trapik sa syudad, ay wala ka talagang mapapala kahit gaano ka pa kaaga umalis.
Nakarating ako ng apartment na parang wala lang nangyari. Wala sa apartment si Emmet. Kaya naman sinubukan ko itong tawagan kaya lamang ay hindi nito sinasagot ang tawag ko.
Tinext ko na lamang ito na nakauwi na ako at tinanong kung nasaan ito. Nag reply naman ito ng na nasa bahay ng kaklase nito. At wag na daw syang abalang hintayin pa.
Dala na rin siguro ng pagod ay hindi na ako naka reply pa at nakatulog na lang habang hawak ko ang phone ko. Nagising ako kinabukasan ng wala pa rin si Emmet sa tabi ko.
Tinawagan ko ito pero nakapatay na ang phone nito. Kaya naman agad na akong kumilos para mag prepara para pumasok. Mabuti na lang at nakapag email ako sa mga profs ko at naipaalam ang sitwasyon ko. Kaya hindi ako nag aalala pa.
Lumipas ang ilang oras ay nakarating naman ako ng di nalelate sa school. Nag lalakad na ako sa hallway at nagtataka bakit panay ang tingin sa akin ng mga estudyante.
Mayamaya lang ay may biglang humatak sa akin papunta sa bakanteng silid.
"Teka. Bakit ka ba bigla na lang nang hahatak at bakit ba dinala mo ako dito?" Sigaw ko sa taong humila sa akin.
"Nababaliw ka na ba? Bakit mo pinag kakalat na nilalandi kita?" Asik nito sa akin. Bakas ang inis sa mukha nito.
"Ano ba ang pinag sinasabi mo, Christof. Hindi kita naiintindihan?" Tanong ko d]rito. Kinuha nito ang cellphone nito at may hinanap ito doon.
Ilang sandali pa ay itinapat nito iyon sa mukha ko. Halos ma windang ako sa picture na naka post sa f*******: account ko.
Picture namin ni Christof iyon, habang nag uusap sa may library. Hindi lang iyon. May isa pang larawan na kuha namin na magkayakap at may caption pang nakalagay na nag pawindang sa akin.
Happy to be with you.
Tang ina. Saan nanggaling iyon. Wala naman akong natatandaan na may pinost akong ganun. Hala ano na lang ang iisipin ni Emmet. Kaya ba hindi ako nito kinontak ng ilang araw at hindi man lang ito sumunod sa akin sa probinsya. Ito ba ang dahilan?
Aalis na sana ako ng hawakan ako ni Christof. Nag pumiglas ako pero mas malakas ito kaya naman nag hilahan kami at parehas walang sumusuko, hanggang sa bumagsak kami pareho sa sahig.
Pabagsak akong nakapatong sa kanya dahil prinotektahan ako nito kaya ito ang napunta sa ilalim at ako sa ibabaw nya. Payakap pa itong nakahawak sa akin. Mukha tuloy kaming may ginagawa na hindi maganda sa posisyon namin ngayon.
Mayamaya ay biglang bumukas ang pintuan ng silid kung saan kami naroroon. Sa ganoong posisyon at tagpo kami naabutan at nakita ni Emmet.
Halos manlaki ang mga mata ko ng napalingon ako rito. Tinitigan ako nito ng mariin, tahimik lang ito at hindi ko mabasa ngayon ang natakbo isip nito. Hindi ko alam kung galit ba ito sa nasaksihan, as in blangko.
Matapos nito ay tinitigan din nito si Christof, tumayo ako ng mabilis at akmang lalapitan sana ito ng bigla na lang ito umalis sa harapan ko.
Tigalgal akong natulala sa ginawa nito. Napatingin ako kay Christof na nakatayo na. Paika ikang naglalakad at hirap na hirap pumaupo sa upuan. Hindi ko tuloy alam ang uunahin ko.
Nasa pagitan ako ng pag habol kay Emmet at pag tulong kay Christof. Sino ba sa dalawa ang dapat kong unahin?
Mas inuna ko na lang si Christof dahil mukhang napilayan ito. Saka ako rin naman ang may dahilan kung bakit nagkaganito ito.
"Bakit nandito ka pa. Sundan mo na ang boyfriend mo at baka kung ano pa isipin nito sa nadatnan nyang posisyon natin kanina.
Mukhang hindi pa naman maganda ang nakabusangot niyang itsura." Sagot nito sa akin habang tinitignan ko ang katawan nito.
Hindi ko iniintindi ang sinasabi nito. Abala ako sa pag check rito. Akmang tatanggalin ko ang butones ng suot nitong polo ng pigilan ako nito.
"Teka, anong ginagawa mo?" Tanong nito habang hawak ang kamay ko at pigil pigil nito.
"Gagahasain ka. Malamang titignan ko kung may pilay ka ba o pasa or kahit ano. Basta hayaan mo na lang ako." Sagot ko dito na sarkastiko.
Nakuha naman nito ang nais kung ipahiwatig. Tumahimik na lang ito at hinayaan ako sa ginagawa ko. Nang mahubad ko na ang polo nito ay tumambad sa akin ang puti nitong sando na kababakatan ng firm at malaman nitong masels sa dibdib. Subalit hindi iyon ang nakapag patulala sa akin.
Kundi ang mga balahibo nitong sumisilip sa dibdib nito. Balbon pala si Christof. Hindi halata sa kanya. Literal na natulala ako sa dibdib nya, hindi ko tuloy na iwasan na mapakagat sa aking labi. Bumalik lang ako sa katinuan ng muli itong mag salita.
"Bakit hindi mo hinabol si Emmet. Baka mag away pa kayo o talagang gusto mo na mag away kayong dalawa?" Tanong nito sa akin. Nang ingtriga pa ang siraulo.
Iniangat ko ang sando nito at bumungad sa akin ang mga balahibo pa nito sa buong katawan nito. Napalunok na naman tuloy ako ng di sadya. Sinagot ko na lang ang tanong nya, para mawala sa isip ko ang mga kalaswaan na iniisip ko sa mga oras na iyon.
"Kung kilala nya talaga ako, hihintayin nya ang paliwanag ko. Nakahubad ba tayo ng makita niya? Naglalaplapan ba? Hindi naman. Magkapatong lang.
At saka mas kailangan mo ako dito. Hindi naman bato ang puso ko para iwanan kita rito ng mag isa, na ganyan pa ang kalagayan mo." Sagot ko rito na ikinatahimik nito.
Kitang kita ko na ngayon ang namumula at mukhang pasa pa nga ang nasa tagiliran nito. Hinawakan ko ito at umaray ito ng konti.
"Mukhang mag papasa na ang tagiliran mo, halika kumapit ka sa akin at dalhin na kita sa clinic. Baka kung mapaano ka pa."Sambit ko rito.
"Wag na, galos lang ito. Mamaya lang magiging okay na ako. Iwan mo na ako at sundan mo na ang boyfriend mo." Pilit na pagtataboy nito sa akin.
"Daig mo pa ang bata sa tigas ng ulo mo. Kumapit ka na sa akin at wag ka ng kumontra pa. Kundi kakaladkarin kita" Sagot kong may pag babanta dito.
Nang makita nitong seryoso ako sa sinabi ko ay umakbay na ito sa akin, at dahan dahan kaming lumabas ng silid na nito.Hirap man at mabagal ay pinilit ko syang tulungan maidala ko lang sya sa clinic at mabigyan ito ng paunang lunas.
Nakarating naman kami kahit tagaktak na ang pawis ko sa noo. Sa bigat at laking mama ba naman nito. Hindi ko siya iniwan hanggat hindi ko sigurado na okay na ito.
Nang sinabi ng resident Doctor na okay na ito ay saka lamang ako nakahinga ng maluwag. Pinayuhan rin ito na wag muna mag practice o mag buhat ng mabibigat na bagay para mas mabilis ang pag galing nito. Sumang ayon naman si Christof rito.
“Paano, mauna na ako. Sigurado kang okay ka na, ah?” Tanong ko muli rito.
“Oo nga sabi. Narinig mo naman ang sinabi ni Doc. Kaya umalis ka na at puntahan mo na ang boyfriend mo. Papunta na rin naman na ang mga kaibigan ko rito. Sila na lang ang aalalay sa akin.
“Okay. Pasensya na ulit sa nangyari.” Sagot ko rito at agad ng nag paalam rito. Nakasalubong ko pa nga ang isa sa mga Tan.
Pumunta ako sa gym kung saan madalas tumambay si Emmet pag may practice or training ito. Pinag tanungan ko ang unang lalaki na nakita ko. Ang tangkad nito at ang gwapo rin. Grabe talaga ang lahi ng pamilya ng to.
"Hello, itatanong ko lang po sana kung nakita nyo po si Emmet" Tanong kong nahihiya dito.
"Si Emmet? Hmhmmm.. ilang araw na siyang hindi nag pupunta dito since na tinanggal sya sa line up ni Coach." Sagot nito sa akin.
Tinanggal? kailan pa? Bakit hindi sinabi sa akin ni Emmet. Hindi bat kaya nga hindi ito nakasama dahil may importante raw na sasabihin ang Coach nito. Yun na ba ang importanteng sasabihin dito.
"Kailan pa po siya tinanggal?" Tanong ko rito pagkaraan nagulat ako sa sinabi nito.
"Luh. Wag mo naman ako, pinopo. Bata pa ako. Mukhang mag kasing edad lang tayo. Saka hindi ko na maalala eh. Teka tanong natin. Hey Brandon, Halika nga rito" Tawag nito sa isa pang gwapo.
"Bakit na naman, Thomas. Pinagalitan ka na naman ba ni coach? Panay laro kasi ng ML, bobo naman." Nag asaran pa sila sa harap ko at nagtatawanan.
"Gago! May itatanong lang ako. Kailan nga ba natanggal sa line up si Emmet?" Tanong nito kay Brandon. Na kilalang pilyo sa buong university.
"Simula nung mahuli siya ni Tito Jack na nagpachupa sa locker room. Gago rin kasi yun. Ang dami daming lugar na pwedeng gamitin. Doon pa talaga. Akala naman nya pang hihinayangan sya ni Coach. Hahaha. Yan tuloy. Ano na ba kasing nangyayari roon sa lalaking iyon. Ang laki ng pinag bago." Sagot nito na mas ikinabigla ko pa.
Ano bang nangyayari kay Emmet. Bakit ba ganun ang ginagawa nito? Hindi naman ito dating ganoon ah.
"Oh, Christof. Anong nangyari sayo at ganyan ka mag lakad. Nag patuli ka ba?" Sabi nito ni Brandon sa taong nasa likod ko.
"Gago. Nahulog ako sa hagdan. Magsasabi sana ako kay Coach na hindi ako makakasama sa practice ng isang linggo. Nandyan ba siya?" Sagot ni Christof na naka lapit na sa pwesto ko. Kasama nito ang nakasalubong ko na lalaki kanina.
"Nakaalis na siya kanina pa. Kay Kuya Tristan mo na lang sabihin. Paano kaba nahulog sa hagdan? Kumusta naman ang hagdan?" Wika naman nun Thomas.
“Tarantado ka talaga.” Sikmat naman ni Christof rito. Papunta pala ito dito. Sana pala ay nag sabay na kami.
"Sige po, una na po ako." Sagot ko sa kanilang tatlo.
"Wag bata ka pa." Biro sa akin ni Brandon.
"Teka sabay na ako sa'yo, para naman maalalayan mo ako." Sabi ni Christof. Kita mo to.
“Akala ko ba kakausapin mo pa si Tristan?” Tanong ko rito. Nalilito kasi ako sa gulo nitong mag isip.
“Silang dalawa na ang nagsasabi sa kanya. Di ba?” Wika nito sa dalawang ungas na nag kibit balikat lang.
“So, hindi na ako kailangan rito?” Tanong naman g lalaking nakasalubong ko kanina.
Walang pumansin rito kaya napamura ito. Agad naman akong inakbayan ni Christof at nag simula na kaming mag lakad. Tahimik lang ako habang inaalalayan ito. Noong medyo malayo na kami sa gym ay nag salita ito.
"Alam mo na ba kung nasaan si Emmet?" Tanong nito sa akin.
Hinahanap ko nga di ba, pupunta ba ako sa gym kung alam ko. Nakakainis naman ito.
"Hindi ko alam na tinanggal pala sa line up si Emmet?" Tanong ko dito na hindi sinasagot ang tanong nito.
"May ginawa kasi sya na hindi nagustuhan ni Coach Jack. Mahigpit na ipinagbabawal yun ni Coach. Gawin na sa kahit saan wag lang sa loob ng locker room." Sagot nito na hindi pa sinasabi kung ano ginawa ni Emmet. Akala siguro nito ay hindi ko pa alam.
"Yung pagpapachupa nya. Yun ba yung ginawa nya na naging dahilan ng pagkakatanggal niya." Tanong ko drito. Nahihiya naman na napatango ito sa akin.
“Alam mo na pala. Hindi naman siya inalis totally ni Coach Jack. Sa starting lineup lang. Ka team pa rin naman namin siya. Siya lang talaga ang nag desisyon na umalis ng kusa. Hindi na siya umattend ng practice.” Sagot nito sa akin.
Wala naman akong masabi rito kung bakit nag kaganun si Emmet. Dahil maging ako ay walang alam sa nangyari. Ngayon ko nga lang din iyon nalaman.
"Hindi ko alam kung maniniwala ka sa akin, pero hindi ko alam kung sino ang nag post ng picture natin sa mismong sss account ko. Pero sigurado akong hindi ako yun." Madiin kong sabi rito.
"Naniniwala naman ako sayo. Kasi sa gulat mo pa lang kanina nun kinompronta kita, dun palang nalaman ko na. Kaya wag mo ng isipin pa iyon." Sagot nito sa akin.
Kung sana ganyan din ang nasa isip ni Emmet ngayon. Di sana wala kaming problema ngayon. Parang ang layo layo na ng agwat namin sa isat isa. Nag simula lang naman ang lahat ng ito simula ng makilala nito si Stephen.
Parang hindi na tuloy sya yung taong minahal ko. Emmet nasaan ka na ba? Ano na ba ang nangyayari sayo?.
Dahil late na din ako sa unang subject ko ay nag decide na lang ako na hindi na pumasok. Tiyak rin kasi na hindi ako makapag concentrate sa dami ng tumatakbo sa isip ko. Tatambay na lang muna ako sa cafeteria.
"Pupunta ako ng cafeteria. Saan ba punta mo?" Tanong ko rito pagkaraan.
"Ah, doon din. Wala yung prof namin ngayon eh. Kaya bakante ang oras ko ngayon. Tamang tama lang din sa sitwasyon ko." Sagot nito. Kaya naman sabay na rin kami pumunta ng cafeteria.
Nakaupo na kami at nakabile ng maiinom ng biglang pumasok si Emmet kasama nya si Endrick. Nang makita ako ng Bes kong ahas ay kinawayan ako nito. Umorder muna ito, bago tumabi sa amin kasama si Emmet. Kasama lang pala ito ng AHAS.
Nakatingin lang ako kay Emmet at ganun din naman ito sa akin pero hindi kami nag uusap. Panay si Endrick lang ang salita ng salita.
"Bes hindi ka din pala pumasok? Buti na lang nakita kita. Kamusta ka na? Condolence nga pala sa nangyari sa Papa mo. Kung hindi ko pa tinanong kay Emmet hindi ko pa malalaman ang nangyari sayo." Sabi nito sa akin sa malungkot na tinig. PLASTIK.
Napalingon sa akin si Christof. Hindi ko na lang siya pinansin. Ang awkward nga ng paligid namin eh. Pero parang mas masaya pa ang ahas kong kaibigan sa nangyayari.
"Hi, Christof. Hindi ko akalain na close pala kayo ni Bes.?" Tanong nito kay Christof. Nakikinig lang ako sa usapan nila. Wala akong ganang makipag usap sa plastik at ahas. Maya maya ay biglang nag salita si Emmet.
"Rich, baka mag punta si Stephen sa apartment mamaya. Doon daw muna siya makikitulog. Since pinaparenovate ang bahay nila." Sabi nito sa akin.
"Wala ba siyang ibang pwedeng tuluyan?" Tanong ko rito. Saka mukha namang mayaman ang taong iyon. Bakit kailangan na makipisan pa sa amin.
"Papayag ba ako kung meron." Sagot nito sa akin na pabalang. Halata ang inis sa boses nito. Hindi ko na lamang iyon pinatulan.
"Hanggang kailan naman siya mag stay sa apartment?" Tanong ko muli rito. May bakanteng kwarto naman doon.
"Hindi ko alam. Siguro, hanggang matapos ang pinapaayos nila. Wag kang mag alala makikishare daw sya ng gastusin. Saka babayaran nya ang pag tira nya dun." Sagot nito sa akin.
Apartment naman ng pamilya nila yun. Kaya wala naman akong karapatan tumanggi pa. Kahit ayaw ko. Saka mukhang nakapag desisyon ka naman na bago mo pa ipaalam sa akin. Kaya anong pang saysay nun.
Tumango na lang ako at di na nag salita pa. Panay ang usap ni Endrick kay Christof. Sinasagot naman ito ng patapos na mga sagot, pero masigasig si Bes at gusto kaibiganin si Christof kahit halata mo naman na ayaw ng tao na kausap ito.
Nang naubos ko ang iniinom ko ay tumayo na ako at nag paalam sa mga ito. Sinabing mag CCR pa ako bago pumunta sa next subject ko. Hindi ko na rin tinanong pa si Endrick kung papasok ba sya. Wala talaga ako sa mood makipag plastikan ngayon. Alam kong ramdam ni Emmet na naiinis ako pero kung noon ay sinusuyo ako nito, ngayon ay hinayaan na lang ako nito.
Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang sss account ko. Hindi ko malog in ang account ko, so may nag hack nun. Wala naman akong masyadong importante na nakalagay dun na mapapahamak sa akin doon.
Kaya nag desisyon na lang ako na gumawa na ng bago at iannounce na hinack ang sss account ko. Buong araw akong nag isip at inassess ang sarili ko. Iniisip ko, kung ano ba ang dapat kong gawin. Kung ano ba ang dapat kong maramdaman.?
At isa lang ang sagot na nakuha ko sa sarili ko. NASASAKTAN ako. Natatakpan lang ito ng libog pero nasasaktan ako. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magtitiis pero hanggat kailangan ko pa ang apartment at alam kong mahal ko pa si Emmet, alam kong magtitiis at magtitiis ako. Yun ang pinaka sigurado.
Sumapit ang uwian at hindi ko na inaasahan pang makakasabay ko si Emmet. Kaya umuwi na lang ako mag isa at nag commute.
Nang makapasok ang ng apartment ay agad na akong nag bihis at nilinis ang buong bahay. Nakakahiya naman kung makalat sa bahay pag naabutan ng bisita. Inalis ko na rin ang iba pang gamit namin na nakalagay sa kabilang silid.
Nag lalampaso na ako ng sahig ng biglang bumukas ang pintuan at bumungad si Emmet. Bakas ang pag kaasar sa mukha nito.
"Bakit hindi ka sumabay sa akin? Mukha akong tanga kakahintay sayo dun pero nakauwi ka na pala. Tang ina..!" Galit na turan nito sa akin.
"Akala ko may project ka na naman na gagawin, eh. Kaya dumiretso na ako ng uwi. Ganun naman palagi hindi ba. Kaya ako na lang ang nag adjust." Walang ka gana gana kong sagot sa kanya.
"Sumabay ka ba kay Christof? Siya ba ang kasabay mo kanina, kaya hindi mo na ako naalala..? Ha!" Sigaw nito sa akin. Wow. Ako pa talaga ang babaliktarin nito at gagawan ng isyu.
"Hindi ko sya kasabay. Bakit naman ako sasabay sa kanya eh hindi naman kami close nung tao na yun." Sagot ko rito. Pinipili ko pa rin na mag paka hinahon.
"Hindi yan ang nakikita ko sa tuwing makikita ko kayong mag kasama. Palagi ko ko pa ngang nakikita na nasa alanganin kayong posisyon..!" Asik pa rin nito sa akin.
"Alam mo, Emmet. Sana sumali ka na lang sa isang segment sa Eat Bulaga. Tutal napaka judgemental mo naman pala. Mananalo ka dun. Ang tindi kasi ng imahinasyon mo. Nakakabilib." Hindi ko na natiis na sagutin ito. Nakaka putang ina na kasi.
Hindi ko na siya pinansin pa pagkatapos nun. Narinig ko na lang na pumasok ito ng kwarto namin at pabalibag na isinara yun.
Mayamaya ay lumabas ito may dalang tuwalya. Mukhang maliligo. Ilang saglit lang ang lumipas ng marinig ko ang mga katok sa pintuan. Ako na lang ang bumukas since nasa banyo si Emmet at naliligo.
Bumungad sa akin ang isang lalaki na madalas ko lang makita sa mga videos na ipinadala noon ni Emmet. First time kaming mag kakitaan sa personal. Harap harapan.
"Oh, Hello dear. You must be, Richard. I'm Stephen, finally I'm meeting you at last." Sabi nito sabay beso sa akin.
Siguro ganitong ganito ang naramdaman ni Jesus nung hinalikan siya ni Hudas matapos siyang traydurin.
Saktong papasok ito ng bumukas ang pintuan ng banyo at iluwa nun si Emmet, na tanging tuwalya lang ang nakatapis sa katawan nito. Kitang kita ko ang pagnanasa na bumakas sa mukha ni Stephen.
"Wow. Hindi pa rin ako makapaniwala na ganyan kasarap ang natikman ko. Shit..! Ooooppppssss… I’m Sorry. Hindi ko mapigilan sabihin ang nasa isip ko. Aminin mo naman kasi. Sobrang sarap naman kasi ni Emmet." Hinging paumanhin nito sa akin subalit nakangisi naman at mukhang labas sa ilong ang paghingi ng paumanhin. Kibit balikat lang si Emmet. At proud pang ibinandera ang halos hubad na nitong katawan.
Hindi ko tuloy nakita ang pagsilay ng mga ngiti muli sa labi ni Stephen. Ang nakakalokong mga ngiti na halatang may balak na masama sa akin.
Lingid sa aking kaalaman, ito na pala ang magiging simula ng paghihirap ko sa bahay na ito.
Itutuloy....