"Ang Campus Hottie na si Christof." ( 1 )

4058 Words
Kabanata 6 Richard Shit! Ang campus heartthrob na si Christof. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag lumapit ito sa akin. Makikita nya ang ginagawa nila Emmet at Endrick. Kaya naman tumayo ako at agad ko syang nilapitan. Hinawakan ko ang kamay nito at hinila papalayo kung saan naroon sila Emmet at Endrick. Hindi ko na tuloy na saksihan ang iba pang nangyari sa kanila. Lakad lang ako ng lakad. Hindi ko na nga sana mapapansin na mag kasiklop ang aming kamay kung hindi pa ito nag salita. "Saan mo ba ako dadalhin ha?" Tanong ni Christof na ikinatigil ko. Napatingin ako rito at kitang kita ko ang pangungunot ng noo nito, pero kahit ganun ay talagang napaka gwapo nito. Isa ito sa mga lalaking pinagseselosan ni Emmet ng todo. Nabanggit ko kasi sa kanya noon na gwapo ito, syempre nagwapuhan lang ako. Hindi naman masama yun di ba? Napaka gwapo naman kasi talaga nito. Lalaking lalaki ang tindig. Napakaganda pa ng katawan. Kahit sinong taong maka kita dito ay yun ang unang mapapansin. Suplado nga lang to, straight kasi. Madami talagang nag kaka gusto rito, mapa babae man o lalaki. Halatang kayang kaya nitong painlove in ng napakabilis. Isa ito sa mga kinababaliwan sa buong campus. Tinitilian, sinusundan at hinahangaan talaga. Katulad ko ay sophomore na rin ito, engineering ang course na kinuha nito. Bukod kasi sa gwapo ito, mayaman ay napaka talino pa nito. Aktibo rin ito sa extra curriculum ng school at higit sa lahat miyembro ito ng basketball team ng university. Kaibigan ito ni Emmet. Sa pagkakaalam ko nga ay malayong kamag anak pa ito nito. Hindi ko lang matandaan kung ano yung exact words na sinabi ni Emmet sa akin. Nakasimangot itong tumingin sa mga kamay namin. Doon lang ako natauhan at binitiwan ito. Tumingin ito sa akin na parang nag tatanong. "Sorry" Yun na lang ang lumabas sa bibig ko. Tumalikod na ako sa kanya at kumaripas ng takbo. Wala kasi ako maapuhap na sasabihin lalo pa't narinig ko na ang mga tilian ng mga kababaihan. Senyales na nag sidatingan na ang mga fans nito. Ganoon ito ka popular sa school namin. Kakalakad ko hindi ko na namalayan na napunta na pala ako sa college of Engineer na building. Allowed naman kami pumasok dito lalo na't narito ang isa sa may pinaka magandang library sa buong unibersidad. Nasa building rin nito ang mga estudyante na halos artistahin ang mga itsura. Ewan ko ba. Noong mag sabog yata ng mga kagwapuhan ang diyos ay nasalo ng buong department nito lahat lahat ng yun. Pucha. Katulad na lang ng papalabas na tao ngayon sa building na ito. Ang kambal na si Gray at Black. Katulad ni Christof, ganoon din ka sikat ang dalawang to. Gwapo din at student athletes. Matatalino rin. Nasa kanila na talaga ang lahat. Buong angkan ata nito ay ganoon ang hulmahan ng mga mukha, grabeng mga genes yan. Dahil sa pagkakagulo ng mga fans nito. Tumulpit tuloy ako sa may gilid at natumba malapit sa tinatambayang puno ng grupo ng mga kalalakihan. "Ayos ka lang ba?" Pag angat ng mukha ko sa pag kaka tumba. Nakita ko ang isang gwapo ring lalaki na nasa harap ko. Ito ang nagtatanong sa akin kung ayos lang ba ako. Mukha ba akong ayos lang? Muntik na kaya akong masubsob dahil sa mga lintik na fans ng pamilya niyo. "Okay lang, hindi ko din naman napansin ang pag bulusok ng mga fans nyo." Sagot ko dito. Inilahad nito ang mga kamay nito para tulungan ako sa pagtayo. Sinama ko na siya sa mga taong may fans club, dahil isa rin naman talaga itong meron. Pinsan nito ang dalawang kambal na si Black at Gray. Gaya nga ng sabi ko kanina. Lahat ata ng pamilya nito gwapo at magaganda. Walang tapon. "Salamat." Sagot ko dito. Marunong naman akong mag pasalamat. "Alam mo, hawig mo ang Tito ko. Pareho kayong maganda na, pogi pa. Ang cool. Hahaha" Sabi nito sa akin na nakangiti. Titig na titig ito sa pagmumukha ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa pag sasabi nito na maganda. Pero hinayaan ko na lang. Compliment naman siguro iyon. Naku..! Kung hindi ka lang gwapo eh. Teka, parang pamilyar sa akin ang itsura nito. Nakikita ko ito kapag nag tutungo ako sa gymnasium. "Newt, Tara na. Ano pa ba ginagawa mo diyan.?" Sigaw ng isa sa kambal. Tinatawag nito ang kausap kong lalaki na NEWT pala ang pangalan. "Oo, andyan na. Atat ka talaga kahit kailan, Gray. So paano, mag ingat ka na lang sa susunod. Sayang naman ang ganda ng mukha mo kung lupa lang ang hahalik." kumindat pa ito bago ako iniwan at sumama sa pinsan nito. Kapag gwapo talaga ang nag pick up lines. Nakaka kilig. s**t. Dahil maaga pa naman, ay pumasok na lang ako sa loob ng building nila para tumambay sa library. Doon na lang muna ako mag papa lipas ng oras. Wala naman ng naging aberya ang pag tambay ko. Kumuha lang ako ng kahit anong madampot kong libro sa estante at umupo sa may pinaka tagong lugar. Kailangan ko ng peace of mind. Lalo pa’t panay ang pasok ng mga imahe ng pakikipagtalik ni Emmet kay Endrick. Binuksan ko ito at itinayo sa lamesa para kung sakaling may dumaan ay makita na nagbabasa ako. Subalit hindi naman iyon nakatulong. Talagang lumilipad pa rin ang isip ko papunta kila Emmet at Endrick. Ano na kayang ginagawa nila ngayon? Tuluyan na bang nilabasan si Emmet at nilunok lahat ng best friend ko? O di kaya umalis muna sila sa school at nag desisyon ituloy sa apartment namin ang ginagawa nila. s**t. Nalilibugan na naman ako sa pag iisip pa lang ng ganoon. Bakit ba kailangan kong maramdaman ang ganito. Nasisiraan na talaga ako ng bait. Hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Sinasaktan at trinatraydor na nga ako ng mga tao sa paligid ko, ay nakukuha ko pang malibugan. Ano na lang kaya ang iisipin ng mga tao kapag nalaman nila na ito ang nangyayari sa akin ngyona, na sa kabila ng pagtataksil ng jowa ko sa akin at best friend ko. Ay nagagawa ko pang malibugan. Tiyak akong sandamakmak na pang aalipusta ang aanihin ko. Hindi ko rin kasi alam kung bakit nararamdaman ko ito eh. Alam ko naman na mali eh, pero yung libog na hatid nito sa akin ay kakaiba talaga. Nakakagago na ewan talaga. Sa kakaisip ko hindi ko alam na may umupo na pala sa katapat ko. Bumalik na lang ako sa reyalidad ng bigla itong mag salita. "Hindi ko akalain na nagbabasa ka ng mga ganyan. Hindi halata sa iyo, ah. Pilyo ka rin pala." Baritonong tinig na nanggaling sa tapat ko. Napatingin tuloy ako sa cover ng librong nadampot ko. "How to seduce a guy in one week. A very helpful guide" Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko. Agad kong binaba ang libro na nasa harap ko. Nakakahiya shuta. Tahimik na lang akong yumuko. Ayokong salubungin ang mga mata niya na nanunuri ang tingin. Sa dami dami ba naman kasing bakanteng upuan. Bakit dito pa ito pumuwesto. Sa tabi ko. "Teka, sinusundan mo ba ako?" Salita nito na nag pataas ng kilay ko. Hindi ko tuloy napigilan na hindi sagutin ito ng pabalang. "At bakit naman kita susundan, aber? Ako ang unang umupo rito." Balik tanong ko sa kanya. Lakas naman ng loob nitong sabihin sa akin yun. Hindi porket crush ko siya ay ganoon ganoon na lang mag yayabang ito. Basta talaga gwapo. Masyadong mahahangin. "Eh, bakit nandito ka sa building namin? May sarili naman kayong library sa building nyo ah" Tanong pa rin nito sa akin. Maka namin ka ah, inyo inyo itong school?! "Wala ka ng pakialam doon. Eh, sa gusto ko dito mag basa." Sagot ko rito. Hindi ko alam bakit napaka sungit nito sa akin. Simula ng ipakilala ito sa akin ni Emmet ay ganun na ito. "Umamin ka na lang na sinusundan mo ako, nagbabasa ka pa ng ganyan. Alam ba yan ni Emmet?" Tanong ulit nito sa akin. Iniintriga pa ako ng tukmol. "Hoy, wag ka ngang feeling dyan. Hindi lahat ng tao eh nagkakandarapa sayo noh. Saka hindi lang ikaw ang gwapo rito sa buong campus. Wala rin akong aaminin sayo dahil hindi naman totoo ang sinasabi mo. Itsura mo..” Napasigaw kong sabi sa kanya. Dahilan para sitsitan kami konting tao sa loob. Nahiya naman ako kaya tumahimik na lang ako. Kakainit ng ulo "So, gwapo pala ako sa paningin mo? That’s new. " Maya maya ay tanong nito ulit. Sa gulat ko ay napatanga na lang ako rito. Ngumisi tuloy itong nakaka loko. Dahilan para kumabog ang dibdib ko bigla. Paksyet! Ano yun? Bakit kailangan may ganoon. "Crush mo ba ako, Chad?" Sunod na tanong nito sa akin. Mas lalo akong napipilan sa sinabi nito, medyo nag init pa nga ang mga pisngi ko ng bigla itong ngumiti ng pag katamis tamis. OMG! My heart. Kumalma ka, may boyfriend ka, Richard. Jusmiyo!. "Namumula ka. So totoo nga, kaya lang gusto ko lang sabihin sayo na kahit anong gawin mo o pag reresearch mo gaya ng binabasa mo ngayon ay hindi yan mag wowork sa akin. Kaya nag aaksaya ka lang ng oras at panahon mo diyan." Mahaba nitong lintanyasa akin. Sasagot na sana ako sa akusasyon nya ng unahan ako ulit nito. Kaya natahimik na lang ako. "Saka may boyfriend ka na. Kung ano anong kalandian pa ang iniisip mo. Hindi iyon tama. Saka hindi kita type." Sabi nito sa akin ng mariin. Hindi ko alam bakit ganun na lang ang sakit na naramdaman ko. Kaya naman tumayo na lang ako sa pag kakaupo at dali daling umalis ng library. Lingid sa aking kaalaman may isang tao palang nakarinig ng aming usapan at mukhang nairecord pa ito. Pulang pula ako sa galit at hiya. First time kong makaramdam ng ganito. Ang kapal ng mukha ng Christof na yun. Oo crush ko siya dahil nagagwapuhan lang ako sa kanya. Tangna nakakagigil sya. Kailangan ko na siyang i UNCRUSH. Masama pala talaga ang ugali niya. Puta siya. Busy ako sa paglalakad ng maramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko. Kinuha ko iyon at nakita ko ng Mama ko ang tumatawag. Isinantabi ko muna ang inis ko para mapakalma ko ang sarili. Bago ko sinagot ang tawag. "Hello, Ma. Napatawag po kayo?" Magalang na pag sagot ko rito. “Anak, ang Papa mo na aksidente!" Humahagulgol nitong sagot sa akin. Binundol ng matinding kaba ang dibdib ko sa narinig ko rito. "Teka. Ma, Anong nangyari? Paano siyang naaksidente? Nasaan na si Papa ngayon?" Taranta kong tanong rito. Nanlamig ang buo kong katawan sa tindi ng kaba ko. "Papunta na ako ngayon sa ospital. Hindi ko rin alam kung anong nangyari basta itinawag na lang din sa akin na naaksidente nga. Ang Papa mo, Richard..! Hindi ko kakayanin kung mawala siya sa atin, anak. Hindi ko kakayanin." Hagulgol nitong sambit sa akin. Nag aalala ako sa Mama ko dahil hindi nito kaya ang ganoon grabeng emosyon, may altapresyon pa naman na ito. Kaya kahit naiiyak din ako sa nangyayari ay pinilit kong kumalma para magpakatatag sa Mama ko. "Ma, calm down please. Everything will be okay. Malakas si Papa, I know kakayanin nya yun. Hindi pa nga natin alam ang nangyari kaya wag ka muna umiyak dyan. Makakasama sa iyo yan." Pag papakalma ko kay Mama. "Okay, Anak. Nandito na ako sa ospital. Tatawagan na lang ulit kita mamaya anak." Hikbi pa rin nitong sabi sa akin. Agad nitong pinutol ang tawag kahit hindi pa ako nakaka sagot rito, halata na ninenerbyos ito. Ganun na ganoon din ito ng malaman nitong naaksidente ako noon at mahulog sa puno ng niyog nun kabataan ko. Masyado itong nerbyosa. Hindi ko na namalayan na naluluha na pala ako sa sobrang kaba at pag aalala. Napadasal tuloy ako ng tahimik dahil sa nangyari. Lord, wag nyo pong pabayaan ang Papa ko. Kaming tatlo na lang ang makakasangga sa buhay. Protektahan nyo po sya. Kahit ako na lang Lord, wag ang mga magulang ko. Parang awa niyo na po. "Sorry. Hindi ko sinasadyang sabihin yun. Ayoko lang din kasi na lokohin mo ang boyfriend mo. Alam kong hindi ka naman masamang tao, pero hindi kasi tama ang iniisip mo. Sorry na wag ka na umiyak. Kalimutan mo na lang yung mga sinabi ko sayo kanina. Hindi na mauulit. "Narinig kong tinig na nagmula sa likod ko. Humarap ako rito at kita ko ang pag aalala nito sa luhaan kong itsura. Mukhang naipag kamali pa nito ang pag iyak ko sa nangyari sa amin kanina. Magsasalita pa sana ako upang itanggi rito ang akala nito, ng bigla na lang ako nitong yakapin ng mahigpit. Gusto ko mang bumitaw sa yakap nito, pero wala na akong lakas pa para makipag talo pa at itama ang mga maling paratang nito sa akin. Kaya naman hinayaan ko na lang damhin ang yakap nito. Mukhang kailangan ko rin naman kasi ng masasandalan sa mga oras na iyon. Si Emmet sana ang kasama ko ngayon at dumadamay sa akin pero hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon. Malamang nasa klase na nito iyon o di kaya kasama pa rin ni Endrick at nagpapakasasa sa kahalayan. Sa malapad at matigas na dibdib nito niya ako isinandal. Naririnig ko pa nga ang t***k ng puso nito. Kay Sarap lang nitong pakinggan at damhin. Hindi ko alam kung gaano na katagal kaming mag kayakap. Hinayaan lang ako nito umiyak sa dibdib nya. Nasa ganitong tagpo kami naabutan ni Emmet at Endrick. Napabitiw ako bigla sa yakap ni Christof. Kita ko ang pag ngisi ni Endrick at pag bakas ng galit sa mga mata ni Emmet. Mag papa liwanag sana ako ng bigla na lamang akong haltakin nito. Mabilis kaming nag lakad palayo kung saan naiwan nakatayo si Christof. Pakaladkad ako kung hilahin ni Emmet, dahilan para masaktan ako. "Emmet, ano ba nasasaktan ako. Wag mo naman ako kaladkarin." Sabi ko sa kanya. Pero parang bingi si Emmet at hindi narinig ang sinabi ko. Tumigil lang kami ng makarating na kami sa nakaparada nyang sasakyan. "Alam mo naman badtrip na badtrip ako dun kay Christof, sya pa talaga ang napili mong landiin?" Sigaw sa akin ni Emmet. Mukhang mali nga ito ng akala sa nakita nito sa amin ni Christof. Bakit ba ang dali sa mga tao ang manghusga agad. Hindi muna alamin ang katotohanan bago mag assume. "Mali ang iniisip mo, Babe. Ano ka ba. Hayaan mo muna akong mag paliwanag." Sagot ko sa kanya. Ang dami ko na ngang iniisip. Nakuha pa ako nitong awayin. "Hindi ako bulag, Rich. At kitang kita ng mga mata ko ang mahigpit na pag yayakapan nyo. Nasa hallway pa man din kayo ng school. Hindi ka na nahiya!" Naiinis na turan nito sa akin. "Wow! Eh, ang pag papachupa mo kay Endrick dito mismo sa parking lot, matino bang maituturing?" Hindi ko na napigilang bulalas pa iyon sa kanya. "Babe, kahilingan mo yun. Ikaw ang may gusto nun! Hindi ba nalilibugan ka pa nga. May consent mo yun! Sinabi sa akin ni Endrick na papayag ka. At Nakikita ko sa mga mata mo na gustong gusto mo yung ginagawa ko. Kaya wag mo sa aking isusumbat iyon." Balik sagot nito sa akin. Tigalgal ako sa narinig ko kay Emmet, hindi ko alam ang isasagot ko. Dahil half of me, ay nag aagree sa sinabi nya. Kagustuhan ko rin talaga na may mangyari sa kanila ni Endrick, pero hindi sa totoong buhay. Parte lang ng fantasy ko. Half of me gusto kong magalit at saktan siya sa panloloko nila sa akin. Pero hindi ko magawa. Bakit ganoon, gustong gusto ko talaga ang ginagawa nila. Ano bang problema mo Richard? Gumising ka na please. Masaktan ka na, mag wala ka. Hiwalayan mo na ang boyfriend mo. Kung ganun lang sana kadali ang lahat. Kaso hindi. Mahal ko yang gago na yan eh. At walang taong makakaintindi sa akin. Putangina naman. Napaiyak na lang ako sa nangyayari sa akin. Yun na lang kasi ang tangi kong magagawa sa nangyayaring gulo sa isipan at damdamin ko. Nakakapagod pala. Agad naman ako niyakap ni Emmet at hinaplos haplos ang buhok ko. Hinayaan niya lang akong umiyak ng umiyak. Ang ng mahimasmasan ako ay kinausap nya ako ng mahinahon. "Wag ka na umiyak, Babe. Hindi naman ako galit sayo. Basta wag ka na lang lumapit pa roon kay Christof. Naiintindihan mo ba?" Tanong nito sa akin matapos kong humiwalay ng yakap sa kanya. Tumango na lang ako para matapos na, may malaki pa akong problema na dapat unahin hindi yung emosyon kong wala sa tamang huwisyo. Dinala nya ako sa cafeteria at kumain na lang kami. Hindi na ako pumasok sa isa ko pang subject. Sinulit na lang namin ni Emmet ang oras namin. Mayamaya ay pinuntahan na ako ni Endrick at sinabing kailangan na namin pumasok sa next subject namin na humanities, dahil required daw yun. Kaya naman sumama na ako sa kanya. Parang wala lang ang nangyari sa amin. Well hindi naman nya alam na alam kong inaahas nya ang boyfriend ko. Ganun na ganun pa rin naman ang trato nito sa akin, pero alam ko sa sarili ko na may nag bago na. Hindi na sya yung best friend ko na dapat kong pagkatiwalaan. Na alam ko na ngayon na sa likod ng mga ngiti nito ay nakatago ang pagpapanggap nito sa akin. Ganun pa rin naman ang pakikitungo ko sa kanya. Pero mas maingat na ako ngayon. Nang matapos ang huling klase namin ay hinatid muli ako nito sa parking area. Kung saan naroon ang sasakyan ni Emmet. Naabutan namin si Emmet na naghihintay sa pagdating ko. Natuwa naman ako na malaman na finally ay makakasabay ko muli siya. Pasakay na sana ako sa harap sa tabi niya ng mag salita at pigilan ako ni Endrick sumakay sa unahan. "Bes, pwede bang dyan na lang ako umupo. Tutal mas una akong baba. Para hindi na rin mahirapan si Emmet, mamaya" Sabi nito sa akin. Tinignan ko si Emmet. At napakamot na lang ito ng ulo sa nangyayari. Ni hindi man lang nito magawang pigilan si Endrick. "Sasabay ka ba sa amin ngayon, Endrick?" Tanong ni Emmet dito. "Oo sana. Wala naman kasi akong gagawin na. Okay lang ba?" Tanong nito kay Emmet. Tumingin naman sa akin si Emmet. Hindi pa nga ako nakaka sagot ng bigla ng pumasok si Endrick sa harapan ng sasakyan. Kaya wala na akong nagawa kundi ang pumuwesto sa likuran. Hindi ko ma gets kung paanong mahihirapan si Emmet, eh parehas lang din naman kami maiistorbo kung baba rin sya, mamaya. Kailangan ko pa bang mag taka na gusto nitong sumabay for the first time. Hinayaan ko na lang para makauwi na rin kami. Kailangan ko pang tawagan si mama mamaya, hanggang ngayon kasi wala pa rin ang hinihintay kong tawag mula rito. Kaya kanina pa ako aligaga. Sa apartment ko na lang din siguro sasabihin kay Emmet, ang lahat. Mula sa inaakalang pag lalandi ko kay Christof at pati na rin ang nangyari kay Papa. Hindi ko na pinansin pa kung ano man ang balak nila sa buhay nila. Ayoko ng guluhin pa ang utak ko at dagdagan ng kalibugan kapag nakita at pinansin ko na naman sila. Natauhan na nga lang ako ng tumigil na ang sasakyan at bumaba na si Endrick. "Salamat Emmet, bukas ulit. Bes, ingat kayo." Sabi nitong di mawala ang mga ngiti sa labi. Tumango na lang ako. Hindi na ako lumipat pa sa harapan ni Emmet. Hinayaan ko na lang na mag mukha itong driver. Pagod na ako para kumilos pa. Mukhang napansin rin naman nito iyon. Hindi ko na din namalayan na nakarating na pala kami sa apartment. Kundi pa ako tinawag ni Emmet. “Okay ka lang ba, Babe? Iniisip mo pa rin ba ang nangyari kanina. Sorry. Sorry na.” Sambit nito sa akin. Umiling lang ako rito. Lumabas na ako ng sasakyan nito at nauna ng mag lakad papasok sa apartment. Nang nasa apartment na kami ay ikinuwento ko kay Emmet ang nangyari kay Papa. Masigasig naman itong nakinig. Ikwe Kwento ko na rin sana ang nangyari sa library at hallway ng biglang tumawag naman si Mama. Agad ko itong sinagot. "Hello, Ma. Ano ng sitwasyon dyan?" Kinakabahan kong tanong sa kanya. Umiiyak at halos paos ang boses nito na nag salita. Doon na ako lalong kinabahan. "Anak, wala na ang papa mo. Iniwan na nya tayo, anak. Tayong dalawa na lang, simula ngayon. " Sagot nito habang humahagulgol. Hindi ako nakapag salita sa sinabi ni Mama. Napahagulgol na lang ako ng iyak sa nalaman ko. Nakita ni Emmet ang pag iyak ko kaya naman niyakap na lang ako nito. "Uuwi muna ako Ma, bukas na bukas din ay uuwi ako riyan. Sasamahan kita." Sagot ko rito at hinayaan ko lang ito umiyak ng umiyak kasabay din ng pag iyak ko. Nang mahimasmasan na kami pareho. Ikinuwento nito sa akin ang nangyari. Nabangga daw ng truck ang sasakyan ni Papa, dahilan para mahulog ito sa bangin. Dead on arrival daw ito ng makarating sa ospital. Hindi na sya natawagan ng mama niya kanina, dahil inasikaso pa nito ang lahat sa ospital. May aasikasuhin pa nga raw ito kaya nag paalam din agad ito sa akin at tatawag na lang ulit. Pagkatapos naming mag usap ay agad na akong pumasok sa kwarto at inilabas ang maleta. Kailangan kong mag impake. Mabilis ang mga pagkilos na ginawa ko. Kailangan ako ni Mama. Sinundan naman ako ni Emmet sa silid at sinabing sasamahan ako nito umuwi sa probinsya. Sinabihan kong wag na pero gusto din daw nito na andun siya naka suporta sa akin. Umoo na lang ako para matapos na. Wala talaga akong gana makipag talo ngayon. Kaya dalawa kaming nag prepara ng mga damit na dadalhin namin. Buong gabi lang akong umiyak kaya naman ng paalis na kami ng umaga, ay magang maga ang mga mata ko. Nakasakay na kami ng sasakyan at paalis na kami ng may biglang tumawag kay Emmet. Kita ko sa mga mata nito ang biglaang galit, pero agad naman iyong nawala. Pag kababa niya ng tawag ay agad siyang tumingin sa akin. Hindi nag salita. Iang minuto rin yun matapos patakbuhin nito ang sasakyan nito. Mayamaya lang ay itinigil nito ang sasakyan. Nagtataka ako bakit sa terminal ng cubao nya itinigil ang sasakyan. "I'm sorry Babe, biglaang akong tinawagan ni Coach Jack, may importante raw itong sasabihin sa amin at hindi ako pwedeng wala. Gustuhin ko man na samahan ka, hindi talaga maaari. Sorry talaga, Babe. Promise susunod ako sa'yo agad." Salaysay nito sa akin. "It's okay, Babe. Naiintindihan ko. Saka baka mapano pa ang scholarship mo dyan. Sige na, kaya ko naman to. Hindi mo naman talaga ako kailangan samahan pa. Okay lang ako, wag kana maguilty diyan." Sagot ko kay Emmet. Niyakap naman ako nito at hinalikan bago ako hinatid nito sa bus na aking sasakyan. Nang matiyak nito na nakasakay na ako at masigurong okay na ako sa pwesto ko, ay nag paalam na ito. Itinulog ko na lang ang buong byahe dahil puyat rin naman ako kagabi kaka iyak. Hindi ko nga namalayan na nakarating na pala ako sa destinasyon ko. Bumaba na ako at nag abang ng tricycle na masasakyan papunta sa bahay namin. Nang makukuha ay sinabi ko agad ang lugar kung saan kami tutungo. Ilang saglit pa ay tanaw ko na ang bahay namin. Halos mag takipsilim na ng makarating ako sa bahay. Matapos makapag bayad sa driver ay agad akong sinalubong ng mama ko, nag yakapan kami at pareho kaming humagulgol ng iyak. Hindi na namin alintana ang mga tao sa paligid. Ibinuhos namin ang sakit at bigat ng puso namin sa mga oras na iyon. Kaming dalawa na lang ang mag kasangga simula ngayon. Inihatid ako nito kung saan nakahimlay ang aking ama. Halos wala na akong mailuha pa sa kakaiyak. Paano na kami ngayon? Paano na si Mama, nag aaral pa ako. Kakayanin pa ba namin ito?  Mga tanong na pumasok sa aking isipan. Habang nakatingin ako sa aking ama na parang natutulog lang. Kay payapa ng itsura nito. Talagang iniwan na kami ng Papa ko. Sana lang ay makayanan namin ito ni Mama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD