"Simula ng Katapusan." Part 1 ( 1 )

3760 Words
Kabanata 11 Richard "Are you lost, Richie Boy?" Tinig ng boses na nagmula sa likuran ko. Kinilabutan ako sa pag kahusky ng boses nito. Parang sa tenga ko pa nga mismo ito bumulong. Kahit di na ako humarap pa, alam ko naman kung sino yun, eh. Ang lalaking naghahanap sa akin kanina. Nakita ko ang pag simangot ni Endrick. Maging si Peter ay hindi natuwa sa nakita nito sa taong nasa likuran ko. Ilang sandali pa ay nagulat na lamang ako na may dalawang kamay ang yumakap sa akin patalikod. "I miss you, Richie boy. Sorry nga pala kanina sa inasal ko. Alam kong lumagpas na ako sa panghihimasok sa buhay mo. hindi ko lang kasi maiwasan ang hindi mag alala sayo. Ano ba kasing meron ka, Richie Boy at ganito na lang ang epekto mo sa akin" Sabi pa ni Emmet sa akin. Kaysarap lang sa pakiramdam ang yakap nito. "Mag kakilala pala kayo nitong si Pietro. Wow naman..! Hindi na nakakagulat." Sabi nito na alam kung may ibig ipag kahulugan. "Umalis ka nga dyan, Pietro. Mukha kang unggoy na nakayakap diyan kay Bes. Hindi ka ba naiilang at nahihiya sa ginagawa mo." Saway ni Endrick. Nangangamoy plastik talaga kapag nasa harap ko ito. Halatang ayaw lang nito ako mapadikit kay Pietro. "Why, Are you jealous?" Pang aasar dito ni Pietro. Ako na din ang nag alis ng yakap nito sa katawan ko. Mamaya mamatay pa sa inggit itong dalawang ito. Halata naman na may lihim na pagtingin ang mga ito kay Pietro. Very Obvious. "Okay lang, Pietro. Sige mauna na ako, marami pa akong gagawin sa bahay, eh. Maiwan ko na kayo." Paalam ko sa kanila. "Saglit lang, hindi ka ba pwede mag stay dito kahit saglit lang? Sige na, Richie boy. O di kaya sama na lang ako sa apartment mo, tulungan kita na mag ayos, para naman makapag unwind ka. Sige na, Richie boy. Please." Pag mamakakaawa pa nito sa akin. Nakita ko ang pag kalukot ng mukha ni Endrick. Halatang asar na asar ito. Kaya nakaisip akong gumanti. Kahit man lang dito ay makabawi bawi ako sa kanya. "Okay. Pero saglit lang, ah. May gagawin pa talaga ako." Sagot ko rito at napayakap na naman ito sa akin ng mahigpit dahil sa tuwa. "Bakit ka ba yakap ng yakap sa kanya, Pietro. Hindi mo nakikita na nahihirapan si Bes sayo." Puna ni Endrick dito. Tumawa pa ito na akala mo hindi nag seselos. "Nahihirapan ka ba, Richie boy?"Tanong tuloy sa akin ni Pietro na hindi pa rin bumibitiw ng yakap sa akin. "Hindi. Okay lang, sanay na ako. Kilala naman kitang ganyan." Sagot ko rito. Mas lalo lang tuloy sumama ang mga pag mumukha ng dalawang plastikada sa harapan ko. "Tara na nga dun. Naiirita ako sa inyong dalawa. Halika na, Peter." Hindi na naitago ang inis ni Endrick habang nauna ng nag lakad papunta sa loob ng bar. Tinignan pa ako ni Peter ng mariin bago ito sumunod kay Endrick. Saka pa lang bumitaw si Pietro ng kapit sa akin. "Sorry, Richie boy. Medyo naasar lang ako kay Peter, eh. Hindi kasi ako tinatantanan ng gago na yun. Kahit sinabi ko ng hindi niya ako makukuha, kahit ano pang gawin niya. Ayaw pa rin tumigil. Napaka masigasig. Hindi ba niya naiintindihan ang sinabi kong hindi ko siya TYPE. Kahit nga malibugan ay hindi ko magawa, eh. Nakakaasar din si Bestot. Ilang beses ko na siyang sinabihan na naiilang ako sa Peter na yun, pero palagi pa rin niya sinasama sa lakad namin. Sayang at wala lang si Erwin ngayon, eh. Siya sana kasama ko, eh." Mahabang kwento nito sa akin. Masarap pala marinig na pasalamatan ka. Lately, kasi puro na lang pang aalispusta, masasakit na salita at pang aabuso sa akin ang naririnig ko. Napatulala tuloy ako kay Pietro ng hindi ko na namamalayan. Hindi tuloy nito naiwasan na mapangiti sa akin. "Ayiieeeee.., Naiinlove ka na ba sa akin, Richie boy?" Tanong nito sa akin na nakangisi. How I wish na ganun na lang sana Pietro. Sana nga sayo na lang. Para naman hindi na ako nasasaktan ng ganito. Ngumiti na lang ako ng peke sa kanya, dahilan para yakapin niya ako ulit ng mahigpit. "Nandito lang ako, Richie boy. Pwede mo sa akin sabihin lahat. Lahat lahat. Tutulungan pa kita sa lahat ng paraan na makakaya ko." Sinsiredad na pahayag nito sa akin. Naantig ang puso ko sa sinabi nito. Akala ko talaga ay mag isa na lang ako sa buhay ko dito sa Maynila. Walang kakampi. Mag isa at kawawa. Meron din pala akong masasandalan kahit paano. Bumitaw na ako ng yakap dito at sumunod na kami kung saan nakaupo si Endrick at Peter. Baka pa ako maiyak. Busy na itong dalawa sa pag kausap ng waiter nila Icarus. Pansin ko pa ngang nilalandi ni Peter ang lalaki. Umupo na kami ni Pietro sa katapat nilang pwesto. Nagulat na lamang ako na biglang hinipuan ni Peter ang dibdib ng lalaking waiter. Hinawakan naman ng waiter ang kamay nito at binaluktot iyon, dahilan para mapa aray si Peter. Hindi kami nakaagaw masyado ng atensyon dahil busy din naman ang mga customer at hindi pa ganoon karami. "Tangina mo..! Subukan mong ulitin pang hipuan ako ng walang pahintulot ko, sasabog talaga yang mukha mo pag labas mo ng bar na ito." Sagot ng lalaki sa mababa ngunit mapanganib na boses. "Aray..! Opo hindi na po mauulit. Sorry. Ang gwapo mo lang kasi. Kaya hindi ko napigilan. Sorry talaga." Mangiyak ngiyak na pag hingi ng paumanhin ni Peter dito. Binitiwan naman ito ng lalaki at inilabas ang maliit na papel na hawak nito. "Good. Mabuti ng nag kakaintindihan tayo. Now, can I have your order, Please?" Sagot nito sa amin. "Yes, dalawang set A, then crispy pata dalawa din. Yun lang muna. Salamat." Mabilis na sagot ni Endrick at pagkatapos ay ibinalik na sa lalaki ang menu. "Is that all?" Muling tanong ng lalaki na tumingin naman sa amin ni Pietro. Nag punta ito sa likod namin at hinintay naman ang sasabihin namin ni Pietro. "Pineapple juice nalang sa akin. Hindi naman ako iinom." Sabi ko kay Pietro. Tumango lang ito at tiningnan ang inorder ni Endrick. Dinagdagan na lang nito ng sisig pa. Inulit lang sandali ng waiter ang mga inorder namin at agad na itong umalis. Ganun rin ang gagawin ko sa susunod. Ayos rin pala na napatambay ako saglit dito. "Grabe. Ang sungit naman nun, pero gusto ko yung ganun ka brutal, parang sobrang wild sa kama. s**t. Pero masakit ha. Masakit ang pamimilipit niya sa kamay ko. Puta." Malanding komento pa nito na hindi naman pinansin ni Pietro at nag usap na lang kami. Ilang saglit lang naman ang hinintay namin at dumating na ang mga order namin. Bago ito umalis ay lumapit pa ito sa akin at tinanong pa ako nito. "You know what, hawig mo yung paborito kong Tito. Ang gaan tuloy ng pakiramdam ko sayo. Anong pangalan mo?" Sabi ng lalaking waiter sa akin. Kawawa rin ba yung Tito mo. Gaya ng kinakaharap ko ngayon? Wala naman espesyal sa mukha ko. Bakit ilang beses ko ng narinig iyon. Napaka malas naman ng Tito nito at naging kamukha ko pa. "Uy, Blue. Andyan na yung mga fans mo sa table 8. Puntahan mo na. Ikaw ang hinahanap, eh. Ayaw sa akin." Tawag pansin ng kapwa waiter dito. "Oo, papunta na kamo. Sandali lang." Sagot nito sa lalaki. Hinihintay nito ang pag sagot ko ng pangalan. “Richard. Richard ang pangalan ko.” Sagot ko rito at pagkatapos ay nginitian ito. Sinuklian naman din nito ako ng ngiti. Bago ito umalis. Nakita ko tuloy ang pag simangot ni Peter at Endrick. Nag bulungan pa ang dalawa pag katapos. Na halatang ako ang pinag uusapan. "Haaay, ang Diamante talaga kahit sa madilim nakinang." Sambit sa hangin ni Pietro. Napatingin tuloy ang dalawang plastikada kay Pietro. "Diamante talaga kami, hindi ba, Endrick" Nakangiting sagot dito ni Peter. Tumango lang din si Endrick. "Hindi kayo yung Diamante na sinasabi ko. Mga bato lang kayo na nagpapanggap na diamante. Hahaha." Natatawang sabi ni Pietro dito. Binato lang ito ni Endrick ng tisyu. Nagsimula na sila uminom. Pilit inaagaw nila Endrick, ang atensyon ni Pietro. Lalo na si Peter, pero bumabalik pa rin ang atensyon nito sa akin. Hindi talaga ako pinabayaan ni Pietro na ma left out sa usapan. Isang oras pa ang lumipas ng sinabi ko na uuwi na ako. Gusto pa nga sana akong ihatid ni Pietro pero tumanggi na ako. Sa may sakayan na lang ng bus ako nag pahatid. Medyo nawala sa isip ko kahit sandali ang mga problema na kinakaharap ko. At ngayon nga ay pabalik na naman ako sa apartment kung saan nag hihintay sa akin ang mga demonyo. Tumawag ako kay Mama at kinamusta ang lagay niya ngayon sa probinsya. Agad naman itong sumagot. "Hello, Ma. Kumusta ka na dyan. Ayos ka lang ba?" Tanong ko kaagad dito ng sagutin ang tawag ko. "A-Ayos lang na..naman ako dito aaa-anak.." Sagot ng aking Mama na tila kinakapos ng hininga. Anong nangyayari rito? "Sigurado ka ba, Ma. Bakit parang hinihingal nga?. Masama ba ang pakiramdam mo?" Tanong ko pa rito. Nag aalala ako dito baka masyadong nag papa kapagod ito sa trabaho niya. "Medyoo.. N-Napagod… UuuHhHh.. Lang ako, A-Anaaak. ooooohhhhhhhh... pero ayos lang akooooo... W-Wag mo akong alalahanin di ne. S-Sige na anak, tawag na lang ako kapag hindi na ako busy at may ginagawa lang akooooo, bye Anak..!..." Sagot nito sa akin ng mabilis at agad pinatay ang tawag ko. Hindi man lang ako nakapag paalam rito ng maayos. Nagtataka man, ay hinayaan ko na lang muna ito. Tinext ko na lang ito na ibigay sa akin ang numero ni Kuya Bert para maitext ko ito, at mas mabuting ito na lang ang tanungin ko sa lagay ni Mama. Nakarating na pala ako sa babaan ng hindi ko namamalayan. Agad na akong bumaba at naglalakad na papuntang apartment. Naabutan ko pang nagyoyosi si Timmy sa labas ng gate namin. Mukhang hinihintay talaga ako nito. "Ang tagal mo naman dumating. Kanina pa kita hinihintay. Hindi mo tuloy nakuha ang mga gamit ko sa condo. Wala ka talagang silbi. Putang ina ka." Sigaw nito sa akin na galit na galit. Hindi na nito naisip na hindi lang naman kami ang nakatira sa compound na yun. May ibang mga tao ang nangungupahan dun. "Sorry, may pinuntahan lang ako saglit. Saan ba kasi yung condo mo?" Tanong ko na lamang dito. "Wala akong pakialam kung saan ka pa nag punta. Yung inutos ko sana ang inuna mo. Putang ina ka..! Ang bobo mo talaga. Kakairita ka." Sigaw pa rin nito sa akin. Akmang sasabunutan pa nga ako nito ng biglang dumaan yung kapit bahay namin na babae, at tinignan ng masama si Timmy. Tinarayan lang yun ni Timmy at agad akong kinaladkad papasok sa loob ng apartment. Itinulak ako nito papasok sa pinto dahilan para bumalya ako sa sahig. "So, nandito na pala ang malanding pokpok na ito. Saan ka galing?" Tanong ni Stephen pag angat ko ng mukha ko sa pag kaka lugmok ko sa sahig. Hinid pa nga ako nakakasagot ay hinila na nito ang buhok ko. Napasunod na lamang ako dito dahil sa sobrang sakit. Baka maubos pa ang hibla ng buhok ko pag lumaban pa ako. Wala si Emmet ng mga oras na yun. Hindi ko ramdam ang presensya nito. At hindi ko alam kung saan siya nag punta pero hindi ko kasi nakita nun pumasok ako. Sa sobrang sama na ng nararamdaman ko at nag halo halo na ang pang aalipusta at pang aapi nila sa akin. Kaya naman hindi ko na napigilan pa ang lumaban. Natumba kami pareho ni Stephen, ng pwersahan kong ibangga ang katawan ko sa katawan niya. Malakas ang pag kaka tumba nito sa sahig, nadaganan ko pa nga ito. Kaya napa hiyaw na lang ito sa sakit. Nabitiwan tuloy nito ang buhok ko. Tatayo na sana ako ng bigla akong sapakin ng malakas ni Timmy sa tiyan. Kaya napaupo na naman akong muli habang hawak ang tiyan ko. Sobrang sakit nun. "Tang ina mo, lalaban ka na ah. Akala mo naman kaya mo kami, ulol ka. Gusto yata nito makita ang hinahanap nito eh, Stephen. Ipakita mo nga dito ang pinapanood natin kanina. Hahahahaha" Halakhak ni Timmy na hindi ko maintindihan. Tinulungan nito si Stephen at ng makatayo na ito ay pinuntahan ako nito at sinampal sampal ng malalakas ang mukha ko ng paulit ulit. Dumugo na ang labi ko sa pagsampal nito sa akin. "Subukan mo pang lumaban at hindi lang yan ang aabutin mo, putang ina ka..! Bakatuluyan ko ng buhusan ng asido yang mukha mong puta ka.. Gago ka.." Sigaw nito na may kasamang tadyak pa. Nang makuntento ay hinila na naman ako nito paupo sa may sofa. Hindi na ako lumaban pa dahil dalawa sila at nanghihina pa ako sa mga tinamo kong sapak at sampal sa kanila. Nahihilo pa ako ng konti dahil doon. "Kumusta na kaya ang Mama mo, Richard? Gusto mo bang makita kung ano ang ginagawa nga niya ngayon, ha?" Tanong ni Stephen sa akin bigla. Ngumisi ito ng pagkalakilaki. Hindi ko malaman kung bakit ako biglang kinabahan sa ngisi nyang iyon. May something sa ngisi nito na parang may binabalak o ginawa itong masama. "Hayop ka...! Anong ginawa mo sa Mama ko? Wala ka talagang kasing sama.. Putang ina mo.. Ano pa bang gusto mo, ha? Nakuha mo naman na lahat sa akin. Bakit hindi mo pa ako tantanan? Aalis ako kung gusto mo akong palayasin, sige na sayong sayo na si Emmet..! Isaksak mo sa tumbong mo..! Sigaw ko rito. "Bakit naman kita papaalisin? Eh di nawalan kami ng utusan dito. Tanga ka ba. Saka hindi papayag si Emmet, gustuhin ko man palayasin ka...! Tangina mo! Saka ang sarap sarap mo kaya apihin. Hahaha. Kaya hinding hindi ka na makkaalis dito." Sagot nito sa akin sabay tawa. "Oo nga, saka may house party pa tayong gaganapin dito. At kailangan namin ng taga silbi. Hahaha" Saad naman ni Timmy. "At kung hindi ko kayo sundin. May magagawa ba kayo? Aalis na lang ako sa bahay na ito, kesa makasama ko pa ang mga demonyong tulad nyo..!" Sagot ko naman sa kanila. "Wow! Impressive. May pa ganyan ganyan ka na ah, tignan natin kung saan yang tapang mo kapag napanood mo ito." Pumalakpak pang sabi ni Stephen at pagkatapos ay may pinindot ito sa remote at lumitaw sa screen ng tv ang bahay namin sa probinsya. Kwarto ng mga magulang ko ang makikita doon, naalala ko pa sa tuwing tatabi ako sa kanila matulog dati kapag natatakot ako sa gabi. Ganun na ganun pa rin ang ayos ng kwarto ng mga magulang ko. Walang pinagbago. Namiss ko tuloy ang bahay namin. Paano nilang nailagay ang mga camera doon sa kwarto ng parents ko. Tang ina ano na naman ang kasamaang binabalak nito ni Stephen sa akin, lalo na sa Mama ko. Mayamaya ay lumitaw sa screen si Mama. Mukhang kakagaling lang nito maligo sa banyo at nakatapis pa nga ito ng tuwalya. Mukhang masaya ito at wala na sa itsura nito ang lungkot. Mabuti naman at kahit paano ay naka move on na ito sa pagkamatay ng aking ama. Yun naman ang gusto kong mangyari. Ang hindi ito malugmok sa kalungkutan. Ilang saglit lang ay may lumabas din na matipunong katawan na lalaki sa banyo na nilabasan ni Mama. Basa pa rin ang buhok at ang katawan nito. Gaya ni Mama ay nakatapis lang din ito ng twalya. Si Kuya Bert. Teka,Anong ginagawa nito doon? Bakit doon ito naliligo sa banyo na nasa loob ng silid ng mga magulang ko. Halos magulantang ako ng makita kong pumunta ito sa likod ng mama ko na nag hahanap ng damit sa aparador, at halikan ang batok nito tapos sabay niyapos sa katawan. Anong nangyayari? Pamangkin siya ng Mama ko, diba. Pinsan ko siya kung tutuusin. Bakit ganun na lang ang ginagawa nilang dalawa. "Oh, Bakit gulat na gulat ka, Richard? Hindi ka na dapat pang mag taka. Lahi talaga kayo ng malalandi. Hahaha. Grabe ang tanda tanda na ng Nanay mo, kumekerngkeng pa. Ang gross. Eiw..!" Wika sa akin ni Stephen. Natutulala na lamang ako at nagigimbal sa screen ng TV. Lalo na sa mga sumunod na eksena na lumitaw roon. Totoo bang nangyayari talaga ito. Ngunit paano? Kailan pa nagsimula. f**k. "Tignan ko lang ngayon kung makapalag ka pa? Ano kayang mararamdaman ng Mama mong napaka landi. Kapag ikinalat ko itong malaswa niyang video sa internet, Richard. At hindi na talaga nahiya ang Mama mo. Kakamatay lang ng ama mo, nag papa kantot na sa iba. Hahahaha. Grabe. Ang laswa." Mga pang iinsulto pa sa akin ni Stephen. "May pinagmanahan din talaga sa kalandian tong Richard na ito, eh. Hahaha, Tignan mo oh. Kung maka ungol ang nanay nya wagas na wagas. Putang ina.. Hahahaha. Nakaka diri. Mag kano kaya ang binabayad niya sa lalaking macho na iyan?." Pang bubuyo pa ni Timmy. Ano na bang nangyayari sa buhay ko? Ma, Bakit? Ano pa bang dagok ang mararanasan ko pa. Sobra sobra naman na yata ito. Hindi ko na kiankaya pa. Sunod sunod na ito. "Tatanungin kita, loser. Susundin mo na ba ang utos ko? O lalaban ka pa din? Mamili ka. Nakataya ang kahihiyan ng Nanay mo rito. Hahahaha." Natatawang tanong nito sa akin. Napaiyak na lang ako sa sitwasyon ko. Lubog na lubog na talaga ako sa nangyayari sa akin. Kaya ko pa ba? Kakayanin ko pa ba ito? Napatingin ako kay Stephen. Gusto kong tandaan ang mukha . Gusto kong makabisa ang mukha ng taong nanakit sa akin ng sobra. Ang nang wasak ng pagkatao ko at ng puso ko. "Sumagot ka raw. Putang inang to. Nabingi na yata." Sigaw sa akin ni Timmy na may kasamang batok. "Oo, ikaw na ang panalo. Panalo ka na, Stephen." Sumusukong sagot ko rito na ikinahalkhak nito. Tahimik na lang akong tumangis. Kaya pala parang wala na lang sa Mama ko ang lahat. Yung narinig ko pa lang boses nito kanina ay iba na. Mag isa na lang talaga ako sa buhay. Ang inaasahan kong magiging kakampi ko ay iniwan pa ako. Putang ina naman. Pero hindi ko din naman sya masisi kung nagawa niya yun. Mag isa na lang din kasi ang Mama ko sa bahay. At matagal silang nag sama ni Papa. Kaya naman nauunawaan ko kung hanapin niya yung pangangailangan niya sa iba. Ano na bang gagawin ko?. Pagod na pagod na rin naman na ako, kapag ba tinapos ko na ang buhay ko matatapos na din ba ang lahat? Mawawala na ba ng tuluyan ang problema ko. Yan ang iniisip ko habang patuloy pa rin nag pe play ang malaswang bagay na ginagawa ng aking ina at ng aking pinsan sa TV. Bumalik lang ang ulirat ko ng pumasok na si Emmet sa bahay. Nakita nito akong tulala. Agad ako nitong nilapitan. "Anong nangyari, Babe?" Sagot nito sa akin na ikinagulat nila Stephen at Timmy. Maging ako ay nagulat din sa inaakto nito. "Sweety..! Really?" Tanong ni Stephen dito. Mukhang hindi ito natuwa sa sinabi ni Emmet. Maging ako nagulat din, at bakit bigla bigla na lang ito naging concern sa akin. Bakit ngayon lang. "What?" Tanong nito kay Stephen na parang gulat na gulat din sa inaasta nito. "In our room, now..! Timmy tawagan mo si Ulysses, ngayon din. Bilisan mo. Putang ina.." Sabi nito na parang uusok na ang ilong anumang sandali. Kababakasan rin ng pagkatakot ang mukha nito. Tinignan lang ito ni Emmet at pagkatapos ay ibinalik muli sa pwesto ko ang tingin nito. Ngayon ko na lang muli napagmasdan si Emmet ng ganoon kalapit. Napaiyak na lang ako ng sobra sobra ng hindi ko sinasadya. Yun ang itsura ng taong minahal ko. Nababasa ko pa rin sa mga mata nito ang pag aalala na palagi nitong ipinapakita sa akin. Pero bakit? Emmet ano bang nangyayari at nililito mo ako ng ganito. Ibinuka nito ang bibig nito, akma itong may sasabihin pero pinigilan nito ang sarili nito, bagkus ay tumayo ito at sumunod na lang sa pinag uutos ni Stephen. Ilang saglit lang ay narinig ko na ang ungol ng pagtatalik nila. Tinignan lang ako ni Timmy ng nakakaloko. Nanliliit lang ako sa sarili ko sa nangyayari sa akin. Emmet, ano bang nangyayari? Ano ang di ko alam? Gulong gulo na ang isip ko. Sa kalituhan ko ng mga oras na iyon ay bigla na lang akong tumayo at lumabas ng apartment. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa kinailangan ko na ng hangin dahilan para tumigil ako. Nasa bus station na pala ako ng di ko napapansin. Hingal na hingal ako pero hindi pa rin mawala wala ang pag patak ng luha ko. Ako na yata ang pinaka kawawa at pinaka tangang tao sa buong mundo. Nakatayo lang ako sa waiting shed sa kalagitnaan ng gabi. Halos hindi ko na din alintana pa ang itsura ko, wala na akong pakialam sa nangyayari sa paligid. Gusto ko na lang mawala ang sakit at pait na nararamdaman ko sa puso ko ngayon. Nakita ko na may papa daan na truck. Gusto ko na lang matapos ang lahat. Wala sa isip kong humakbang ako paunti unti. Papasalubong sa sasakyang maaaring tumapos ng buhay ko. Bumubusina na ito hudyat na papalapit na ito, ipinikit ko ang aking mga mata at hinintay ang pag bangga nito sa aking katawan. Subalit hindi iyon nangyari. Ang nangyari ay nahatak ako pabalik sa gilid ng kalsada at pahiga akong napayakap sa matipunong dibdib na aking nadama at matitigas na bisig ang yumakap sa aking katawan. Sigaw at mura ng isang lalaki ang aking narinig bago ko naidilat ang aking mga mata. "Putangina mo, kung gusto mo mag pakamatay tumalon ka sa ilog hayop ka. Hindi yung mandadamay ka pa ng ibang tao. Mga putang ina nyoooo..!!" Galit na galit na wika ng driver ng truck sa aking kinalalagyan. Saka paharurot itong umalis. Saka ko lamang napagtanto na nasa ibabaw ako ng isang lalaki. Agad akong umalis sa pag kakadagan dito. "Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba? Gusto mo ba ng makakausap?" Sabi nito ng makatayo ito ng maayos. Napahagulgol na lamang ako ng marinig ko ang baritonong tinig nito. Hindi ako nito sinigawan, pinagalitan at hinusgahan. Bagkus tinanong pa nito kung ayos lang ba ako. Ramdam na ramdam ko ang pag aalala nito sa akin, na bibihira ko na lang maramdaman sa ngayon. Manggagaling pa ito sa isang estranghero na hindi ko man lang kilala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD