"Pasakit ni Richard." Part 3 ( 2 )

3344 Words
Magang maga ang mata ko sa salamin ng masilayan ko ito. Kaya naman agad akong nag tungo sa banyo para mag hilamos, upang makapag ayos na rin agad. Hindi muna ako papasok ngayon. Ayokong magtanong ang mga kaklase ko o pag tsismisan pa ako. Naabutan ko pa nga si Timmy na nakahubad at nag aalmusal sa lamesa. "Oh, Hello there Loser. How's your sleep? I hope hindi ka namin napuyat sa ingay ng mga ungol namin. Medyo bitin pa kasi kami sa kantutan, eh. Kita mo naman, kinakatasan pa rin hanggang ngayon ni Master si Emmet. Hindi nga kami papasok ngayon, ikaw din ba? Hahahahahaha." Bungad nito sa akin. "Nga pala, ito yung pamalengke mo. Mag ayos ka na. Mukhang hindi ka din naman papasok at baka makita ka pa ni Emmet na maga ang mata mo. Sabihin pa inaapi ka namin. Saka paki kuha na lang din ang gamit ko sa condo unit ko. Simula kasi ngayon araw na ito ay dito na rin ako matutulog. Sa kwarto rin ni Emmet. Ang saya, hindi ba." Sagot nito sa akin na nang uuyam. Hindi na ako nag komento sa sinabi nito at kinuha ko na lamang ang pera at susi na inaabot nito at agad na nag ayos ng sarili. Mabilis din akong nakapag prepara at tumungo na sa supermarket. Mag hahanap rin ako ng trabaho para makaalis na ako sa poder ni Emmet. Kailangan kong umalis doon sa lalong madaling panahon. Nag lalakad na ako sa daan ng makita ko si Pietro na naghihintay sa sakayan ng bus. Iiwas sana ako ng makita ako nito agad at mabilis na nilapitan. Nakangiti itong yumakap sa akin ng mahigpit. "Gosh, Baby. I miss you. Hindi mo kasi sinasagot ang mga tawag ko. Nakakaasar ka." Sabi nito sa akin habang mahigpit ang pag kaka yakap nito sa akin. Nang humiwalay ito at tignan ako. Agad na nawala ang saya na nakabalandra sa mukha nito. "Anong nangyari sayo? Bakit magang maga ang mata mo? Putang ina. Sino ang nagpaiyak sayo? Sino..?! Saka hindi ka ba papasok ngayon. Bakit hindi ka naka uniporme?" Bumakas agad ang galit sa mukha ni Pietro. "Wala ito. Masakit lang ang ngipin ko at ulo kagabi kaya iyak ako ng iyak, wala ito. Wag mo akong alalahanin. Hindi rin ako papasok dahil nga tinatamad ako." sagot ko rito at ngumiti ng peke para hindi na ito mag usisa pa. "Hindi ako tanga, Richie boy. Sino ang may kagagawan ng pag iyak mong yan? Sabihin mo sa akin." Napa tiim bagang ito sa galit. "Wala nga ito. Ang kulit mo talaga. Bahala ka na nga dyan." Sabi ko dito at iniwan ko na ito sa daan. Hinabol ako nito at hinila ako paharap muli rito. Tinitigan ako nito sa mata. Mariin at galit ang nakikita ko sa mga mata nito. Na unti unting nawala at napalitan ng pag kaawa. "Pietro, please don't..! Hayaan mo na lang muna ako. At kung pwede lang ay wag na wag mo akong titignan muli ng ganyan..!" Galit na wika ko rito na ikinagulat nito. Mabilis na akong sumakay ng bus at iniwan itong nakatulala. Sorry, Pietro. Ayoko lang na madamay ka pa sa kamalasan at problema ko. Baka pati kasi ikaw ay mapag laruan ng demonyong si Stephen at ng mga kampon nya. Masyado kang mataas para sa mga mababang uri na tulad nila. Hayaan mo na lang ako. Iwasan mo na lang ako. Akala ko ay wala na akong iluluha ngayon, pero meron pa pala. Mukhang ang mga mata ko ay may naka reserba pang mga luha. Habang naiiyak ako na nakatayo ay nagulat na lamang ako ng may isang lalaki ang nag abot ng panyo sa akin. Nasa tapat ko pala ito at mukhang kanina pa ako nakikita na umiiyak. "Magiging maayos din ang lahat. Kung ano man ang mga pinag daraanan mo. Basta manalangin ka lang. Lilipas din yan." Sabi nito sa akin. Kinuha ko ang panyong inaabot nito. Kahit paano ay gumaan ang loob ko sa sinabi nito. Mag papasalamat na sana ako ng bigla itong umalis. Pababa na pala ito sa hinintuan namin. Hindi man lang ako nakapag pasalamat at hindi ko rin naibalik man lang ang panyo nito. Tinignan ko ang panyo nito. At may nakaburda dito na pangalan EROS. Ito ba ang pangalan ng poging lalaki na yun. Maganda ang pangalan nya. Bagay na bagay sa kagwapuhan niya. Matapos maipunas sa mukha iyon ay ibinulsa ko na ang panyo nito. Baka sakaling makita ko pa muli ito at maibalik ko ito kung sakali. Mukha pa naman mahalaga ito sa kanya. Kahit paano gumaan ang loob ko, nakalimutan ko na may diyos nga pala ako. Sigurado hindi niya ako pababayaan, iisipin ko na lang na pagsubok ito at tinitest lang nito ang katatagan ko. Pag baba ko sa bus ay nag tingin tingin ako saglit kung may nangangailangan ng part time rito. Baka sakaling swertehin at makakita pa ako ng trabaho. Sabi nila kapag malas sa lovelife, ay swerte naman sa career. Kaya umaasa ako na swertehin dito. Kahit sa aspeto na lang na ito. Kailangan ko din kasing kumita ng pera. Naka ilang establisyemento na ako pero wala akong nakitang bakante puro full time ang kailangan nila. Huling try ko na to sa isang resto bar na ito na malapit lang sa supermarket. Kapag wala pa akong napala rito ay baka mag laan na lang ako ng oras para dito sa paghahanap. Pag kapasok ko palang ay namangha na ako sa ganda. Simple lang ang lugar, para itong tides resto bar, doon malapit sa may abs cbn. Na napuntahan ko na noon kasama si Emmet. "Ahmmm, excuse me. Sarado pa kami. Mamaya pang 7pm ang bukas namin." Tawag pansin sa akin ng isang lalaki. Napaharap tuloy ako dito. Isang matipuno at nakangiting lalaki ang aking nasilayan. Kitang kita ko kung gaano ito ka gwapo. Mukhang kaedaran ko nga lang din ito. Nautal pa ako sa pag sagot ko rito. "Ah, hindi po. Itatanong ko lang po sana kung may bakante po kayong trabaho na pwede sa akin. Kahit ano po, basta trabaho." Sagot ko rito. Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa. Tila sinusuri ako nito. "Hmhmhmhm.. Meron bakante pero feeling ko hindi ka naman bagay doon. Saka part time lang yun. Estudyante ang hanap namin para makatulong kami kahit paano sa pag aaral nila." Mahaba nitong salaysay. "Naku, tamang tama po. Part time po talaga ang hanap ko. At estudyante palang din ako, 2nd year po sa kursong education." Nakangiti kong sabi dito. "Bakit di mo sinabi agad, hahaha. Sige bumalik ka dito mamaya. Wala pa kasi si kuya eh. Nasa probinsya pa. Mamaya pa ang dating nun. Okay lang ba sayo na bumalik mamaya, para makita ka ni Kuya? " Tanong nito sa akin. "Okay lang po, Wala pong problema." Mabilis na sagot ko dito. Tiyak naman kasi na may bibilhin na naman ako mamaya sa mga utos ng mga demonyo sa apartment kaya makapupunta ako dito. "Ano ba yan. Wag mo naman ako pinopo. Bata pa ako, eh. Mukha ngang mag kasing edad lang tayo. Icarus nga pala, ikaw anong pangalan mo ?" Pakilala nito sa akin. Sabay lahad ng kamay nito. "Sorry. Richard naman ang pangalan ko. Iwan ko na lang din ang numero ko, sakali na tawagan nyo ako.” Sagot ko dito at inabot nito ang iPhone nito sa akin. Agad ko naman tinype ang numero ko roon. “Okay. Itetext na lang kita, Richard.” Sagot nito sa akin matapos kong maibalik ang phone nito. “Salamat, Icarus. Sana magustuhan ako ng Kuya mo para makapag simula na ako ng trabaho. Kailangan ko rin kasi talaga ng pera.” Sambit ko rito. “Naku. hindi ka magugustuhan nun. May ibang gusto yun. Hahaha. Biro lang. Wag kang mag alala, akong bahala sayo. Mukha naman mabait ka, eh.” Wika nito sa akin na ikinangiti ko. “Salamat muli. Sige una na ako at may bibilhin pa ako sa supermarket. Hintayin ko na lang ang text mo.” Sagot ko rito. Mamalengke pa ako ng pagkain ng mga hayop. Nag madali na din akong mag punta sa supermarket para bilhin ang mga kakailanganin ko, mabilis din lang ako natapos. At dumiretso na ng apartment. Naabutan ko silang nanonood ng netflix sala. Disente naman ang suot ng mga ito. Pina pagitnaan nila si Emmet. Feel at home ang mga hayop. Akala mo sila ang may ari ng bahay na iyon. Ni hindi man lang nila ako pinansin. Okay na din yun para naman tahimik lang ang buhay ko. Nag luto na lang ako. Lagyan ko kaya ng lason to ng mamatay na ang mga ito. Nakaganti na ako, natapos pa ang problema ko. Pero kailanman ay hindi ko gagawin yun. Para na rin akong isang demonyo katulad nila kapag ginawa ko yun. Ilang oras din ako nag paka busy sa kusina, bago pumasok sa dating kwarto namin ni Emmet at kunin ang mga gamit ko. Prenteng nakaupo lang ang mga kupal habang ako nag lilipat ako ng mga gamit. Ni ang tapunan nga ng tingin ay di na nito ginawa sa akin. Kaya inabala ko na lang ang sarili ko sa ginagawa ko. Kulang kulang dalawang oras din bago ko nailipat at maisaayos ang mga gamit ko sa kabilang kwarto. Nakaramdam na ako ng gutom kaya pumunta muna ako sa kusina para kumain. Naabutan ko silang masayang kumakain sa lamesa. Sasandok na sana ako ng pagkain ng tawagin ako ni Stephen. "Loser! Mamaya ka na kumain, ayusin mo muna ang kwarto namin ni Sweety. Palitan mo ang bedsheets dahil puno na yun ng mga t***d namin.” Utos nito sa akin. Nagugutom pa naman na ako. Nang hindi ako kumilos agad ay binato pa ako nito ng kutsara sa mukha. “Putang ina ka. Ano pa ang tinatanga tanga mo. bilisan mo kumilos..!" Sigaw nito sa akin. Sinunod ko na lamang ito. Nakamasid lang sa akin si Emmet habang sinusubuan ito ni Timmy. Haring hari ang dating ng walanghiya. Bakit ko ba pinag aaksayahan pa ito ng atensyon. Eh, ako nga ay kinalimutan na nito. Hinahayaan nga lang ako nitong saktan ako at pagsalitaan ng masasakit ni Stephen. Balewala na talaga ako rito. Pumunta na ako sa kwarto namin dati ni Emmet at mabilis na inayos ang dapat ayusin doon. Tatlongpung minuto din ang tinagal bago ako natapos. Paglabas ko hindi pa rin ako nakakain agad, dahil inutusan pa akong mag ligpit ng pinag kainan nila. Saka lamang ako nakakain ng matapos ako roon. Nalipasan na ako ng gutom at ang niluto ko rin na ulam na adobong baboy at manok ay puro buto na lang halos ang natira. Sabaw na lang ang naiulam ko. Habang bumalik ang mga demonyo sa panonood sa Netflix. Saka lang din ako bumalik sa pagsasaayos ng damit ko sa bago kong kwarto. Konti lang din naman ang gamit ko. Kaya mabilis din akong natapos. Mag hahapon na ng matapos ko lahat ng dapat ayusin, naihanda ko na rin ang biodata ko. Picture na lang ang kulang. Kinuha ko ang phone ko ng marinig ko na may tumatawag dito, numero lang ito. Sinagot ko ito baka kasi importante. "Hello, si Richard ba to?" Tanong ng nasa kabilang linya. "Yes, po. Sino po sila?" Balik tanong ko rito. "Si Icarus to, yung gwapo na nakausap mo kanina. Nga pala, mga 6 pm ka na daw pumunta dito. Andito na kasi si Kuya kaya mas mapapaaga ang punta mo, ayos lang ba yun?" Sabi nito sa akin. "Oo naman. Ayos na ayos lang. Sige pupunta ako dyan before 6" Masayang sagot ko rito. Alas kwatro na pala kaya naman hinanda ko na ang isusuot ko at naligo na sa banyo. Mabilis akong natapos baka kasi matrapik ako. Rush hour pa naman ngayon. Thursday pa lang kasi ngayon malamang may makasabay pa akong mga estudyante. Pag labas ko ay naabutan kong nakaluhod si Timmy sa lapag habang naka baba ang suot na short ni Emmet. Mukhang chinuchupa na naman nito si Emmet. Si Stephen naman ay nakatulog na sa sofa at katabi ng mga ito. Sige lang, laspagin nyo si Emmet. Pagsawaan nyo yung taong natikman ko na. Magsama sama kayong mga demonyo kayo. Mga putang ina niyo. Pipilitin kong kalimutan ka na Emmet. Sisimulan ko ngayon. Alam kong mahirap. Pero kung hindi ko gagawin ito ay patuloy lamang akong masasaktan at malulugmok. Kahit masakit pa rin, ay pinilit kong maging masigla para hindi makaapekto ito sa magiging interview ko mamaya. Nag madali na rin ako mag asikaso dahil ayoko na rin marinig pa ang mga kahalayan na ginagawa ng mga demonyo na yun. Lumabas na lang ako agad at mabilis na lumakad papunta sa sakayan ng bus. Hindi rin naman nila ako tinanong kung saan ako mag pupunta. Bakit ganoon ang puso ko. Patuloy pa rin akong nasasaktan. Wala bang gamot para sa mga pusong sugatan? Sana naman may gamot na maimbentong ganon, para isang inuman na lang ang lahat. Punuan na nga ang bus ngayon, kaya naman pilit na akong sumiksik sa dumating na bus. Mahirap din kasi baka ma late pa ako. Almost 5 na din kasi. At gaya nga ng inaasahan ko ay medyo traffic pa nga. Kya naman nag desisyon na lang ako na mag lakad na. Konti lakad na lang naman na at makakarating na rin ako sa bar na yon. Pawis na pawis tuloy ako sa lakad takbo na ginawa ko. Mabuti na lang at sakto lang ang dating ko. Nag punas muna ako ng pawis ko at inayos ang nagulo kong buhok bago ako nag lakad papunta roon. Kung kanina ay maganda na ang lugar sa bar na ito, ngayon ay mas lalo pa itong naging maganda dahil sa mga ilaw na pinatikad pa ang lugar. Ang saya din ng mga beat at tugtog na nanggaling sa dj’s booth. Mukhang masaya ang ambiance sa lugar na ito. Sana talaga ay matanggap ako. Sinalubong ako ng nakangiting si Icarus. "Welcome to Demigod's Camp. This way please."Masayang pagsalubong nito sa akin. Napangiti tuloy ako ng wala sa oras. Inabot ko rito ang resume ko. Wala pang customer sa loob, pero may mga tauhan na na nag aayos ng lugar. Mukhang handang handa na sila para sa pagbubukas ng bar. Inihatid ako ni Icarus sa isang maliit na opisina sa loob. Nakita ko ang isang lalaki na nakatalikod sa akin at may kung anong binabasa sa cellphone nito. "Kuya, nandito na yung nag aapply kanina na sinasabi ko sayo." Tawag pansin nito sa lalaking nakaupo patalikod sa akin. Humarap ito ng dahan dahan at napangiti na lang ako sa angking kagwapuhan nitong taglay ng masilayan ko na ang buong mukha nito. Hawig ito ni Icarus, pero mas malakas nga lang ang dating nito. Kumpara sa kapatid nito. “Iwan na kita sa kanya, Richard.” Sagot nito sa akin at ibinigay nito ang resume sa Kuya Eros nito na inabot ko rito kanina. Pagkatapos ay umalis na ito. Binasa naman iyon ni Sir Eros. Ilang minuto rin itong natahimik at binabasa lang ang mga sinulat ko sa papel na iyon. Mayamaya pa ay tinignan na rin ako nito. "Hello, Richard. Ako nga pala si Eros ang may ari ng bar na ito. Actually, tatlo kami. Yung kolokoy na nag hatid sayo dito, isa siya roon. So, kailangan mo daw ng trabaho. Okay tanggap ka na. Pwede ka ng mag simula bukas." Sagot nito sa akin ng nakangiti. Yun na yun. Tanggap na ako? Akala ko naman may interview pang malala. Pero ayos na yun sa akin. Mas pabor nga iyon. Yes! Sa wakas may trabaho na ako. "Salamat po. Pangako po hindi po kayo magsisisi na tinanggap niyo ako." Tuwang tuwa na sabi ko rito. Kung pwede ko nga lang ito yakapin ay ginawa ko na eh. Kaya lang baka mailang ito. Saka ang awkward nun pag nagkataon. Ngumiti lang ito at pinahanap nito sa akin si Icarus. Dito ko na lang daw itanong ang mga bagay bagay na pwede kong gawin at mga kakailanganin ko. Agad ko rin naman itong nakita. Nilapitan ko ito at sinabihan akong mag hintay na lamang sa upuan malapit sa dj’s booth. Habang hinihintay ko si Icarus, ay siya namang pag dating ng lalaking di ko inaasahan na makikita ko rito. Naka uniporme pa ito na pamasok. "Oh, Richard. Anong ginagawa mo rito?" Tanong nito sa akin. "Ah, eh.." Hindi ko na nasagot pa ang tanong nito ng lapitan na kami ni Icarus. "Yow, my man. Mabuti naman at nakabalik ka rin. Akala ko nagsasawa ka na sa bar namin, eh. Na meet mo na pala ang bago naming waiter. Richard, si Christof nga pala. Ang pinakamahusay naming dj." Sabi nito sa akin. Nag kangitian na lang kami ni Christof. Saglit lang kami nito na nag kausap dahil aayusin pa raw nito ang booth at mga cds na dala nito. Kinausap at nilibot din ako sa lugar ni Icarus. Manghang mangha talaga ako sa lugar. Maganda talaga at ang cozy ng dating nito. Perfect tambayan para sa mga katulad kong nais lang mag chill. Hindi ko na namalayan ang oras at napatagal na pala ang pag uusap namin. Masyado kasing makwento itong si Icarus. Kung ano ano ang mga pinag kwekwento sa akin. Nalilibang ako sa masasaya nitong kwento. Kaya naman naabutan na ako ng pagbubukas ng bar. Paalis na sana ako at mag papaalam kay Icarus ng makita kong papasok naman sa bar si Endrick. Kasama nito si Pietro at Peter. Dali dali tuloy akong pumabalik sa pinanggalingan ko. At pinuntahan sa booth si Christof. Gulat na gulat ito ng makita akong pumasok sa booth nito at mag tago sa ilalim doon. Nakakunot noo itong nakatingin sa akin. Hindi ko na lamang siya pinansin at patay malisyang tahimik na nagtago. "Hey, Pare. May nakita ka bang lalaki na maganda tapos maputi na dumaan dito?" Boses yun ni Pietro na tinatanong si Christof. Hala! Sabi na nga ba nakita ako nito, eh. Ano ba naman yan. Kailangan hindi malaman nito na dito ako mag wowork, baka malaman pa ito ni Endrick at baka maging dito guluhin ako ng mga yun. Tumingin muna sa akin si Christof bago nito sinagot si Pietro. "Wala, Pare. Sorry, Hindi ko napansin eh. Busy kasi ako sa pag aayos nito." Sabi pa ni Christof at itinaas ang hawak nitong Laptop. "Ah, ganoon ba. Sige, salamat. Hindi naman ako namamalikmata. Si Richie boy talaga iyon." Sabi ni Pietro. Doon lamang ako nakahinga ng umalis na ito. Saka lang muling nag salita si Christof. "Bakit mo pinagtataguan ang lalaki na yun. May atraso ba yun sayo? Ginago ka ba nun, Richard?" Nasa himig nito ang pag kaasar. Kilala ba nito si Pietro.? "Wala, makulit lang yun. Sige na salamat sa pag tago sa akin. Alis na ako. Maaga pa ako bukas. Ikaw, mag ingat ka rito. Wag kang iinom ng alak. May pasok pa bukas." Sabi ko rito. Ikinangiti naman nito ang bilin ko. Saka ako nagpaalam na. Hindi ko alam kung bakit nasabi iyon. Siguro dahil inisip ko na baka mapahamak ito kapag nag lasing. May ahas kasi sa paligid, na nagngangalang ENDRICK. Palabas na sana ako sa Demigod’s Camp ng makabungguan ko pa ang taong iniiwasan ko. Ang BES kong ahas. Sa laki ng lugar na iyon, nakabanggaan ko pa talaga ang tarantado. "Well, well, well. Look who’s here. Anong ginagawa mo rito. Bes, The Loser?" Nakangising tanong nito sa akin. Sasagot na sana ako ng makita ko na papalapit sa amin si Peter. "OMG..! Ang Loser na boyfriend ni Papa Emmet. Hoy, How are you? Balita ko pwede raw tikman ang boyfriend mo. Patikim rin ako. Hahaha. Kaya mo pa ba.?" Pang aasar nito na ikinatawa nilang parehas ni Endrick. Hindi pa nga ako nag sisimula rito, mukhang gulo na ang mangyayari. Talaga bang sinusundan ako ng kamalasan. Saka bakit pati si Peter ay tila nakikisama na sa mga ito. Sinabi na ba ng mga ito ang sitwasyon ko sa lalaking iyon. Mas lalo lamang nilang pinapaliit ang mundo ko. Hindi ba ako lulubayan ng problema? Itututloy....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD