"Pagka putol ng Pisi." Part 2 ( 1 )

3668 Words
Kabanata 15 Richard Hindi ko sinagot ang tawag ni Stephen, pinatay ko na lang ito. Wala na akong pakialam pa sa sasabihin niya, o binabalak niyang gagawin sa akin. Mamatay na silang lahat. Wala na akong pakialam pang talaga. Gusto ko lang muna mag isip isip at mag pahinga. Nakaupo lang ako at iniisip pa rin ang halikan na naganap sa amin dalawa ni Christof. Ramdam ko ang pag iinit pa rin ng pisngi ko ng maisip ko muli ang mainit at masarap na halik na pinag saluhan naming dalawa. Tigang lang siguro talaga ako. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ako tumayo at sundan si Christof. Nasa kusina ito at nag luluto. Inabala nito ang sarili sa pagluluto para hindi maisip ang nangyari sa amin. Ramdam na ramdam ko ang pag kailang nito sa akin. Tumayo ako sa gilid malapit rito. Napansin naman ako nito at tinignan saglit saka muling bumalik sa pagluluto. Ang awkward tuloy. "Hindi ko alam na marunong ka pa lang mag luto" Basag ko pagkaraan sa katahimikan. Kailangan kong mag salita kung hindi baka tuluyan na akong mailang dito. Ayoko pa naman na mangyari iyon. "Hindi naman. Siguro may alam lang ng konti. Gisa gisa lang." sabi nito na hindi man lang sumusulyap sa akin. Natahimik muli ako. At pinag masdan ko ang likod ni Christof. Kahit saang anggulo talaga, ay lumilitaw ang kagwapuhan nitong lalaki na ito. Ang ganda pa ng katawan nito. Halatang alaga sa gym iyon. Napaka swerte talaga ng taong mamahalin nito kung sakali. Total package na kasi ang lalaking ito. Maipag mamayabang mo talaga. Magsasalita na muli sana ako ng mag salita ito. "Wag mo ng isipin ang naganap sa atin kanina, Richard. Kalimutan mo na lang iyon. Isipin na hindi iyon nangyari. Nadala lang ako. Namiss ko na rin kasi may kahalikan. Sorry, hindi ko sinasadya." Hinging paumanhin nito sa akin bigla. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang sakit na bigla ko na lamang naramdaman, pero hinayaan ko na lang. Tutal sanay naman na akong masaktan. Balewala na lang ito sa akin. Saka sa kanya na rin naman na nanggaling na kalimutan na lamang iyon. "Sorry din. Hindi ko rin sinasadya, akala ko kasi si Emmet ka." Sagot ko rin sa kanya. Natahimik ito at hindi na ako sinagot pa. Subalit napaka imposible na ipag kamali ko siya kay Emmet. Dahil mag kaibang magkaiba sila. Masyadong malinis si Christof. Kumpara sa napaka duming si Emmet. Matapos nitong makapag luto ay inihain na nito ang mga pag kain sa lamesa at dinaluhan ko na ito para samahan kumain. Adobong manok lang naman ang niluto nito pero ito na yata ang pinaka masarap na adobo na natikman ko. Nagpapasalamat ako dito habang kumakain. Tahimik lang kaming kumain at ng matapos ay sinabi kong ako na lang ang mag hugas upang makabawi man lang kahit paano. Tumanggi ito at sinabing hayaan ko na lang sa lababo dahil may naghuhugas naman nito mamaya. Wala akong nakitang kasama nito sa bahay. Siguro may nag pupunta lang na taga linis nito araw araw. Sinamahan ako nito sa magiging silid ko at binigyan din ako ng bagong maisusuot. Oversized na T-shirt ang ibinigay nito sa akin at boxer short nito, may kasama din bagong brief na mukhang hindi pa nito nagagamit. "Matapos mong mag bihis ay mag pahinga ka na. Wag mo muna isipin ang nangyayari sayo ngayon, Richard. Hayaan mong mag pahinga ang utak at katawan mo. Sige na, Good night, Richard." Sabi pa nito bago isarado ang pinto. Nag bihis na muna ako sa banyo bago nahiga sa kama. Ipinikit ko ang mata ko at hinayaan kolektahin ang sarili kong basag na basag na sa sitwasyon. Ilang minuto lang ang lumipas ay nakatulog na rin ako. Dala na rin marahil ng pag kapagod. Umaasa na sa pag gising ko ay mawawala na ang mga problema na kinakaharap ko. Nagising akong umiiyak kinabukasan. Isang napaka gandang panaginip na sana ay nangyayari sa akin sa totoong buhay. Subalit kabaliktaran ito ng reyalidad na kinakaharap ko. Nang mag mulat ako ng mata ay nabungaran ko si Christof na pinupunasan ang mga luha kong nag landas sa aking mga mata. Bumangon ako at umupo sa kama. Tahimik lang itong nakatingin sa akin. Hinayaan akong mag kawisyo. "Hindi mo kailangan magpaliwanag. Hayaan mo lang na alagaan kita at paalalahanan na nandito lang ako sa tabi mo. Hindi ka nag iisa, Richard." Sagot nito sa akin. Hindi ko namalayan na napaiyak na lang akong muli. Hinayaan lang ako nitong tumangis. Walang pagtatanong, walang pang huhusga. Ilang sandali lang ay iniwan muna ako nito sa silid at hinayaan muling mapag isa. -------------------------------------- "Sigurado ka na ba na kaya mo na?" tanong ni Christof. Ilang beses na nitong tinanong yun. Natatawa tuloy ako na ewan, eh. Pakiramdam ko tuloy boyfriend ko ito na nag aalala sa akin. Nakakamiss rin pala ang may nag aalala sayo. Ngumiti na lang ako ng pilit dito. Sapat na ang tatlong araw na pagliban ko. Ilang araw pa lang simula ng mag umpisa ang klase ay tatlong araw na akong absent. Ako lang ata ang nakagawa nun. Puta. "Salamat, Christof." Sabi ko dito. Ang laki ng tulong na ibinigay nito sa akin. Hindi ako nito kinuwestyon, ni mag tanong ng kahit ano. Basta na lang akong nitong hinayaan sa pag luluksa ko. Sinamahan at dinamayan. Hindi nga rin ito pumasok, tulad ko. Kahit ilang beses ko ng sinabi na hindi naman kailangan na pati yun ay gayahin ako. Kaya naman ang laki ng pasasalamat ko dito. Dalawang araw akong walang balita sa kanila. Tatlong araw din akong di umuwi sa apartment. Kaya wala na akong alam sa nangyayari roon. Hindi ko din binuksan ang cellphone ko ng tatlong araw. Kaya alam kong galit na galit na itong si Stephen sa akin. Nag desisyon akong pumasok sa eskwelahan na kahit anong pilit ni Christof na wag muna. Hindi matatapos ang problema ko kung parati ko lang itong tatakbuhan at iiwasan. Kahit ano pang mangyari sa akin, ay dapat ko na itong harapin. Para matapos na ang lahat. Papasok pa lang ako sa silid aralan ko ng makita ko si Timmy na nakaabang doon. Tinitigan ko ito. Baon ang panibagong tapang na kinuha ko ng ilang araw. "Buhay ka pa pala. Akala ko patay ka na, eh. Saan ka pumunta at hindi ka umuwi ng dalawang araw. Putang ina ka..!" Bungad na tanong nito sa akin ng makalapit ako rito. Hindi pa rin magaling ang mga tinamo nitong sugat at galos sa mukha. Hindi ko ito sinagot kaya naman naasar ito sa akin. Akmang sasampalin ako nito sa mukha ng hawakan ko ang kamay nito upang mapigilan ang pag dapo nun sa mukha ko. Gulat na gulat ito sa ginawa ko. Lalo na ng makita nito ang poker face kong mukha na ipinagkaloob sa kanya. Pilit nitong inaagaw ang kamay nito sa akin pero mahigpit ko itong hinahawakan. Natahimik ito at bigla ko itong binitawan dahilan para maout balance ito at mapaupo sa sahig. Tinignan ko muna ito ng matalim, ginagaya ko ang lalaking sumagip sa akin dun sa parking area. Mukhang naging epektibo naman dahil hindi na nakapag salita si Timmy. Kaya tuluyan na akong pumasok sa silid. Hindi pa rin ito tumatayo at bakas sa mukha nito ang pag kagulat na ginawa ko. Maging ang mga kaklase ko na nakasaksi sa ginawa ko ay natahimik din. Gulat na gulat sa ikinilos ko. Ilang minuto lang ay dumating na ang Prof namin at nagsimula na ang klase. Tahimik lang akong nakinig kahit ramdam ko na ang lahat ng mga mata ay nakatingin sa akin. Matapos ang klase ay agad na akong lumabas. Wala akong pinansin ni isa sa mga kaklase ko. Wala ako sa mood makipag chismisan at makipag plastikan sa kanila. Hindi ko na nakita pa si Timmy. Hindi rin ito pumasok gaya ni Endrick. Kung nasaan ang mga ito ay wala akong pakialam. Habang naglalakad ako patungo sa next subject ko ay nakita ko na nagkakagulo sa may hallway at nakadungaw ang lahat sa may bintana. Panay ang sigawan at pag uusap ng malakas. Kanya kanyang labasan ng cellphone upang kumuha ng larawan at video ang mga estudyante na nagkakagulo. May mga nag palakpakan pa ngang mga estudyante. Nakiusyoso na rin ako upang makita ko ang pinagkakaguluhan nila. Pag dungaw ko sa bintana, ay kitang kita ko si Ulysses na nakasabit sa katapat namin building. Bugbog sarado ang mukha nito at nakahubad pa. May nakapasok pa na maruming basahan sa bunganga nito at may nakasabit pang karatula sa leeg nito. Na may nakalagay pang mensahe. Binasa ko iyon. "Wag tularan, masamang bakla ito. Salot at sinisira ang magandang imahe ng l***q+ Community.” Hindi ko man sinasadya pero ibayong saya at tuwa ang aking nararamdaman. Kulang pa nga ang sinapit nito sa mga kasamaang pinag gagawa, kasama ang grupong kinabibilangan nito. Hindi lamang sa akin kundi sa mga naging biktima pa nito. Tuwang tuwa lang akong pinag masdan ito. Mas masaya sana kung ako ang gumawa nito dito, pero ipinag papasalamat ko na din ang sinapit nito. Matapos makuntento ay nag punta na ako sa silid aralan kung saan naabutan ko ang Prof namin na nagsisimula ng mag attendance. Mabilis lang din natapos ang leksyon at hindi naman ako ganoon nahuli sa mga itinuro nito. Madali ko din itong nahabol at naiintindihan. Palabas na ako ng silid ng makita ko si Christof na nakangiti at naghihintay sa akin sa labas. Nilapitan ko ito. "Anong ginagawa mo rito? Di ba sabi sayo okay lang ako. Kaya ko na to. Wag mo na akong alalahanin. Ang laking perwisyo ko na sayo, Christof." sabi ko dito ng pilit na nakangiti. "Maaring maloko mo ang iba sa pag ngiti mong yan, pero ako hinding hindi, Richard." Seryosong sabi nito. Bakit ba ganyan na lang ang epekto mo sa akin Christof. Pilit kitang iniiwasan pero pilit ka rin lapit ng lapit. Ano bang gusto mong gawin ko sayo? "Tara na, mag lunch na tayo. Gutom lang yan." Sabi ko na lamang dito at nauna na akong nag lakad patungo sa cafeteria. Nang makarating kami sa cafeteria ay ito na ang nag order ng pagkain namin at ako naman ang nag hanap ng bangkateng upuan. Nang maka hanap ay hinintay ko na lang sya roon. Medyo maraming pagkain ang binili si Christof. Balak yata ako nitong patabain. Nahihiya na rin ako dito dahil panay ang libre nito sa akin. Pina patuloy na nga lang din ako nito ng libre sa apartment nito. Pati mga damit nito ay pinapahiraman sa akin. Yung iba pa ay mga bago at mukhang hindi pa nagagamit. Sobra sobrang pasasalamat ko talaga dito sa taong ito. Maya Maya ay dumating ang Captain nito na si Tristan. Kasama ang lalaking nag paluhod kay Ulysses. Nagulat pa nga ako ng makita ko ito roon. Nagkatinginan muna kami. Bago ito umupo sa tapat ko. Habang kumuha naman ng pag kain si Tristan. Gaya ni Christof marami ding pagkain ang nakalagay sa tray nito ng mag balik. Ano ba naman ang mga lalaki to. Ang lalakas kumain. Pero ang gaganda naman ng mga katawan. Saan naman nila nilalagay ang mga kinakain nila. Ako konting kain lang nataba na. Unfair. "Nasaan sila Brandon at Thomas? Himala, Christof at hindi mo ata kasama yung dalawang kumag na yun." Tanong ni Tristan kay Christof ng makaupo na ito. Asikasong asikaso nito ang lalaking kasama nito. Sino ba ito? "Mag kasama yung dalawa sa tambayan. May aasikasuhin lang daw sila kaya di na ako sumama. Saka nakaka stress kayang kasama ang dalawang iyon, Captain." Sagot ni Christof dito na ikinatawa lang ni Tristan. "Galing kaya ako roon at wala naman sila doon. Nandoon ba sila, Tito?" Tanong ni Tristan sa lalaking katapat ko na nasamid pa. Tito? Tito nya yung lalaking to? Eh, mukhang mas matanda pa kami dito eh. Teka lang, don't tell me ito yung madalas marinig ko sa mga magpipinsan na sinasabi nilang Tito? Ito rin ba yung sinasabi ni Prof Luis na Bunso noon? Hala. Napatitig tuloy ako dito ng di oras. Hindi naman kami magkamukha. Masyado itong pogi, kumpara sa akin. Saka matapang ito. Samantalang ako ay duwag. Mukhang lovable pa ito kaya marami ang nagbibigay halaga sa kanya. Nakakainggit naman. Inabutan ito ng tubig ni Tristan, na agad naman tinanggap ng huli. Grabe. Hindi ako makapaniwala na ito yung Tito nila. "Dahan dahan lang kasi Tito kumain. Ayan nabubulunan ka tuloy. Akala ko sa ano ka lang nabubulunan, eh. Hahahaha" Rinig kong sabi ni Tristan sa katabi nito. Natawa pa nga ito sa sinabi nito na mukhang silang dalawa lang na mag Tito ang nakakaalam. Nakakainggit naman ang pagka malambing nito sa Tito nito. Talaga bang mag Tito sila? Ngunit paano? Masyadong bata ang tinatawag nitong Tito. "Hindi ko naman sila nakita roon." Sagot nito matapos makainom ng tubig. Nag patuloy lang itong kumain at patuloy ko pa rin itong tinignan. Hinahayaan lang naman ako nito at hindi pinapansin. Ang lakas talaga ng dating ng lalaking ito. Ramdam na ramdam mo yun sa buong pagkatao nito. "Hmhmmmmm. Ngayon ko lang napansin. May pag kaka hawig pala kayong dalawa." Basag ni Christof sa katahimikan. Hindi ko napansin na maging ito ay tinitignan ang lalaking nasa harap ko. Nag papalit palit pa nga ito ng tingin sa akin at sa lalaki. Maging si Tristan ay ganoon din ang ginawa. Nagpalipat lipat din ang tingin sa amin. Mayamaya ay nag salita ito. "Oo nga noh. Pareho kayong maganda. Ang astig." Komento nito na ikinapula ng mukha ko. Maging ang lalaki ay namula din. "Ang galing, pati pag blush ang cute nyo parehas. Hahaha. Mag kapatid ba kayo?" Natatawa namang sabi ni Christof. Sobrang pag kapula at hiya na ang nadarama ko. Baka isipin pa ng lalaking ito na assuming ako. Na ikinatutuwa ko ang makumpara rito. "Hindi yan totoo. Maaring siya, oo pero ako hindi. Ang simple lang ng istura ko kumpara sa kanya." Sagot ko bigla. Natigil tuloy sa pagkain ito at pinagmasdan ako ng mabuti. Medyo nailang ako sa paraan ng pagtitig nito sa akin. Hindi ito nagsasalita at parang may hinahanap lang itong kung ano sa mga mata ko. "Richard, right? Kumusta na pala si Emmet. Di ba madalas kayong mag kasama noon. Hindi na yun napunta sa gym simula ng naalis siya sa line up. Hindi naman sya tinanggal ni Coach Jack sa team pero hindi na nagpakita ang lalaking iyon sa amin. Ano na bang nangyari sa kanya?" Tanong bigla ni Tristan sa akin. Medyo hindi ko nagustuhan ang tanong nito. Hindi ko alam pero nag init ang ulo ko ng marinig ko ang pangalan ng boyfriend ko. Ang TAKSIL kong boyfriend. "Medyo naging busy lang sya, pero okay naman sya." Sagot ko na lamang dito. Nakita ko pa ang pag busangot ng mukha ni Christof. Halatang hindi nito nagustuhan ang sagot ko sa tanong ni Tristan. Hindi naman ako naiinis kay Tristan. Sa tanong lang nito dahil may naalala lang akong di maganda. "Bakit hindi mo sabihin na inahas ang boyfriend mo." Biglang sabat ng lalaking nasa harapan ko. Halos manlaki ang mata ko sa sinabi nito. Paano nitong nalaman yun? Masyado na ba akong obvious? O pinag kalat na nila Stephen ang nangyari sa amin? Imposible. Hindi nito iyon gagawin. "Walang alam si Tristan sa sitwasyon mo, okay. Inosente ang tanong niya, dahil ang kupal mong boyfriend ay miyembro ng basketball team nila. Captain siya at natural lang na hahanapin niya si Emmet. Concern pa nga sya kung tutuusin. So, wag kang mainis dyan. Maling tao ang kinaiinisan mo." Mahabang saad nito sa akin. Nag kamali ito ng tingin sa pag simangot ko. Akala nito ay nainis ako kay Tristan. Nagulat lang din kasi ako sa tanong nito. Gulat na gulat tuloy si Christof at Tristan sa biglaang pag sabat nito sa akin. Kaya naman parang may nakabara sa lalamunan ko ng maalala ko na naman ang sitwasyon ko. Nakaramdam tuloy ako ng pagka asar sa sinabi nito sa akin. Kung husgahan pa ako nito ay ganoon, ganoon na lang. "Hindi mo alam ang kalagayan ko, kaya wag kang mag salita na parang alam na alam mo ang buong pagkatao ko." Garalgal na boses na naisatinig ko. Hindi ko alam bakit ako nasaktan sa sinabi nito. Samantalang totoo naman lahat iyon. Masyado lang akong sensitive ngayon. "Hindi ko nga alam ang buong pagkatao mo, pero base sa reaksyon mo parang alam ko na kung bakit ka nabubully. Saka nag kaka mali ka, dahil alam na alam ko ang sitwasyon mo. Alam na alam." Sagot nito sa akin. Natahimik ako sa sinabi nito. Pinamukha lang sa akin nito kung gaano ako kahina. Hindi nito alam ang sitwasyon ko, kaya wala tong karapatan bigyan ako ng opinyon na hindi naman makakatulong sa akin. "Teka, nag aaway ba kayo?" Natataranta na tanong ni Tristan habang palipat lipat ang tingin nito sa aming dalawa. "Hindi porket niligtas mo ako nung nakaraan, ay may karapatan ka ng sabihin ang mga opinyon mo sa akin." Nasabi ko tuloy bigla dito ang nasa isip ko. Hinawakan ni Christof ang mga kamay ko sa ilalim ng mesa. Ramdam ko na nag aalala ito sa akin. Hindi man ito nagsasalita ay alam kong pinapatigil na ako nito. "Hindi kita iniligtas. Nagkataon lang na ikaw ang binubully. Ayoko lang sa mga taong nambubully, at ang pinaka ayaw ko ay yung mga taong pumapayag na bullyhin sila. Kung iniisip mo na may utang na loob ka sa akin. Wag mong isipin iyon dahil wala naman." Sagot pa nito sa akin. Nasaktan ako sa sinabi nito, pero tama ulit ito. Pinapayagan ko kasing ibully ako ng grupo nila Stephen. Pero gaya nga ng sabi ko, hindi nito alam ang sitwasyon ko. Kaya madali lang para dito ang husgahan ako. May kinuha itong bagay sa bag nito, naglabas ito ng papel at may isinulat ito doon. Pagkatapos ay inilapit nito iyon sa tapat ko. "Try mong tingnan ang sarili mo sa salamin, Richard. Baka sakaling magising ka sa katotohanan na kailangan mo ng tulungan ang sarili mo. Kung wala ng natitira pang katapangan dyan sa sarili mo, kahit respeto na lang ang hanapin mo. At kapag hindi ka na tanga at handa ka na lumaban, eto ang number ko. Kontakin mo ako. Tuturuan kitang ibalik ang sarili mong winasak nila." Mahabang lintanya nito sa akin. Tumayo na ito at hinila ang napatangang si Tristan sa sinabi nito. Agad naman din itong tumayo at sumama sa Tito nito. Grabe ang mga sinabi nito sa akin. Sapol na sapol ako. Natahimik ako sa sinabi nito at napatingin sa papel na inilapit nito sa akin at may numero nitong nakasulat. Your friendly neighborhood 09050725194 "Pagpasensyahan mo na si Andrei, Richard. Prangka lang talaga yung tao na yun. Mabait yun, promise. Sigurado akong makakasundo mo yun. Hindi lang siguro maganda ang mga impormasyon na nakarating sa kanya. Kaya siguro nasabi niya ang mga bagay na yun sayo kanina. " Sabi ni Christof sa akin. "Tama naman sya, Christof. Hinahayaan ko lang kasi na ibully ako. Hindi ako lumalaban. Mahina kasi ako. Mahina. Hindi ako kasing tapang niya. Wala akong lakas na lumaban sa kanila." Tugon ko rito matapos kong kunin ang papel na binigay sa akin ng lalaking iyon. Andrei pala ang pangalan niya. Hindi nag komento si Christof sa sinabi ko. Kahit ito ay sumasang ayon na mahina ako. Ibinulsa ko na lamang ang papel na binigay ni Andrei sa akin. Ewan ko ba bakit hindi ko tinapon iyon. "Totoo ba yung sinabi ni Andrei, Richard. Totoo ba na niloko ka ni Emmet?" Tanong ni Christof sa akin pagkaraan. Hindi ako naka sagot agad sa tanong nito. Paano ko ba ikwe kwento dito ang lahat. Paano ko sisimulan na ako rin naman ang may kasalanan kung bakit nangyayari sa akin ngayon ito. Huhusgahan din kaya nya ako tulad ng iba? Kapag nalaman niya ang buong katotothanan. Malamang ganoon nga ang mangyari. Sino ba naman kasing tao ang matutuwa at malilibugan pa na makita ang partner mo na makipagtalik sa iba. Baliw lang ang makaka isip nun. Baliw na tulad ko. Kaya gustuhin ko mang ikwento kay Christof o kay Pietro ang lahat lahat, ay hindi ko magawa. Sigurado akong mag iiba ang tingin nila sa akin. Baka nga layuan pa nila ako. Maging dahilan pang lalo na panghihina ng loob ko at panliliit sa pagkatao ko. "Saka ko na lang sasagutin ang tanong mo na yan, Christof. Kapag handa na akong ikwento sayo ang lahat. Sa ngayon ay hayaan mo muna ako." Wika ko na lamang rito pagkaraan. Ramdam ko ang pag kainip nito pero hinayaan na lang ako nito sa pasya ko. Tinapos na rin namin ang pag kain at dumiretso na sa huling klase ko para sa araw na ito. Hinatid pa nga ako nito sa classroom ko. Buong araw akong hindi ginambala ng mga alipores at grupo ni Stephen. Maging ito ay hindi ko nakita sa buong campus. Tahimik ang buong university, at ramdam kong may mangyayari na hindi maganda. Kinakabahan ako pero kahit paano ay may ideya na ako na mapapahamak ako ngayong araw. Nang mag uuwian na ay nakasalubong ko pa si Peter. Nakangisi ito sa akin. Halatang may masama silang binabalak o hinanda sa akin. Tinignan ko lamang ito at nilagpasan. Hindi ako nagpapakita ng pagka bahala o takot man lang. Nag taka pa nga ito sa inasal ko. Hindi ako nito tinawag o binully man lang. Hinayaan lang ako. Wala talaga ako sa panahon pansinin sila ngayon. Hindi na ako nag paalam pa kay Christof. Agad na lang akong umalis mag isa sa eskwelahan at dumiretso na sa apartment namin nila Emmet. Aalis na ako roon. Desidido na akong umalis. Wala na akong pakialam pa sa kanilang lahat. Gusto ko ng maging masaya. Gusto ng maging malaya. Tama si Andrei. Kailangan ko ng tulungan ang sarili ko. At itong pag alis ko roon sa apartment ang unang hakbang para maibalik ang respeto ko sa sarili ko, na walang awa nilang niyurakan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD