"Pagka putol ng Pisi." Part 1 ( 2 )

4375 Words
Mabilis din naman kaming natapos dahil sa tulong tulong din kami sa paglilinis. May mga kasama pa kaming mga taga linis din ng school. Kaya agad kaming natapos. Nakabili na rin ako ng pagkain sa baba. Kaya kumain muna ako saglit bago nag tungo sa huli kong klase. Excited akong pumasok sa klase ko dahil si Sir Luis muli ang mag tuturo sa amin. Samahan mo pang wala sila Endrick at Timmy para guluhin ako. Kaya naman masaya talaga itong araw na ito para sa akin. Hindi ko man masabi ng malakas, pero crush ko rin kasi si Sir Luis. Bukod sa gwapo ito at matalino, sobrang bait pa nito. Lahat nga ng magagandang katangian ay meron ito. Kahit naman sinong tao siguro ay hindi maiiwasan na hangaan ito. Sakto lang ang dating ko dahil wala pa si Sir Luis. Gaya ko napakarami ding estudyante ang narito. Talagang inaabangan ang pagpasok ni Sir Luis sa silid na ito. Lumipas pa ang ilang sandali at pumasok na ito sa silid. Agad na nag hiyawan ang mga estudyante ng makapasok na ito sa silid. "Bakit ba kailangan nyong tumili at mag hiyawan tuwing papasok ako. Hindi naman ako artista. At lalong hindi yan makakatulong sa pag angat ng mga grado nyo sa akin. Papasaway niyo." Nakangiti nitong sabi sa amin. Nakakahawa talaga ang mga ngiti nito. Tipong nararamdaman mo na lang na nakangiti ka, kahit tignan mo lang ito buong maghapon. Lakas niya makahawa ng good vibes. Sana lahat ng tao ay may ganun na kakayahan. Yung mamamahagi ka lang ng good vibes. Sobrang hot at yummy nito sa suot nitong plain polo na naka tuck in sa loob ng pantalon nito. Halos maging fit na ito dito sa lalaki ng mga muscles nito sa braso. s**t. At hindi mo rin talaga maiiwasan mapatingin sa nakabakat nitong kargada sa pantalon nito. Grabe lang talaga. Mapapanganga ka na lang sa laki ng bakat nun. Lahat ng estudyante napapanganga na lang talaga sa angking kagwapuhan at kasarapan nitong si Sir Luis, eh. Kabilang na ako roon. Inaamin ko naman. Nagsimula na itong mag turo matapos nitong kunin ang class card namin at ipakilala ang sarili nito na obviously ay kilala na naming lahat. Taimtim kaming nakinig dito at feeling ko sya na ata ang pinaka hot na professor na nakita ko sa buong university. Ang galing pa nito mag lecture. Hindi nito hinahayaan ang mga estudyante nito na hindi magkaroon ng partisipasyon sa lesson nito. Hindi rin ito nag kwento ng kung ano ano hindi gaya ng ibang mga prof. Sa sobrang enjoy nga namin sa lesson nito ay hindi na namin namalayan na nag bell na pala. Sobrang bilis lang talaga ng oras kapag nag eenjoy ka. Di bale, tatlong beses ko naman siya makikita sa isang linggo. Palabas na ako ng silid ng tumunog ang cellphone ko. Nakita kong nag text si Peter at pinapa punta ako sa parking area. Ano na naman kaya ang kasalanan na nagawa ko rito? Ano na naman kaya ang kailangan rin nito sa akin?. Lahat sila ay boss ko. Dali dali na akong nag punta doon, para kitain ito. Ayoko ng mag sumbong pa ito kay Stephen at baka mapahirapan pa akong lalo dahil doon. Habang naglalakad, panay ang bulungan ng mga estudyante na nadadaanan ko. Hindi ko tuloy na iwasan makiusyoso at makinig sa usapan nito. "Si Endrick at si Timmy kahapon. Ngayon naman si Ulysses ang nasapak ng isang First year student. Hahaha. Grabeng tatapang ng mga lalaking iyon. Bukod pa sa gwapo sila, ah." Sagot ng isang babae sa kausap nitong kapwa estudyante. Kahit din naman ako ay hindi makapaniwala na First year lang ang nanapak sa mga yun. Nakakatuwa na may isang taong kumalaban na naman sa grupo nila Stephen. Anong nangyayari at bakit parang ang tatapang ng mga freshmen ngayon.? May sikretong sangkap ba ang mga kinakain nila kaya ganun na lang sila katapang. Panigurado. Kaya siguro ako pinatawag nitong si Peter. Ako na naman ang pag bubuntunan ng mga galit nun. Una si Timmy, tapos si Endrick. Ngayon naman si Ulysses. Kailan ko kaya mababalitaan si Stephen. Yung ito naman ang masasapak. Mukhang malabo, masyadong tuso at walang kasing sama ang taong yun. Sana lang makahanap talaga yun ng makakatapat nya. Siguro ang laking tuwa ko na nun, ang makita syang nagdurusa. Sa gitna ng pag aalala at pag iisip ko, dahil baka sa akin na naman nila ibunton ang galit nila ay may kasamang tuwa akong nadarama. Tuwa dahil kahit paano ay may mga taong malalakas ang loob na kalabanin ang mga ito. Sana lang, kung sino man ang mga taong yun ay hindi sana sila mapahamak. Hingal na hingal akong nakarating sa parking lot. Naabutan kong nandoon si Peter at galit na galit ang mukha nito. Nakita ako nitong padating at agad itong napangisi. Umusal na lang ako ng maiksing dalangin. Wag sana akong mapahamak. "Sa wakas nandito ka na rin. utpang ina ka. Halika nga dito, madali. Bilisan mong kumilos. Gago ka..!" Sambit nito sa akin. Kinakabahan man, ay naglakad ako papunta sa harap nito. Kasama nito ang mga alipores nito. Bawat lider kasi ng rainbow gang ay may mga miyembro na hindi lalagpas sa sampu. Hindi ko nga alam kung saan pinag kukuha nila ang mga ito. Basta nagulat na lang ako at may mga nakabuntot na sa kanilang mga tauhan. Dinaig pa ang mga goons sa pelikula. "Alam mo ba kung ano ang kasalanan na nagawa mong putang ina ka?" Sabi nito sa akin. Umiling ako. Nag tawanan ang mga kasama nito. Hindi ko naman kasi alam. Saka kahit wala naman ako kasalanan basta maisipan lang na pag tripan ng mga ito ay ginagawa na lang nila. Ginawa na nila akong libangan o punching bag. "Hayaan mong ipaalala ko sayo. Inistorbo mo lang ang plano namin ni Ulysses kahapon. Tapos ngayon, hinayaan mo pa siyang nakabulagta sa cafeteria. Putang ina ka..!" Sigaw nito at bigla akong sinampal ng malakas. Hindi na ako nakareak sa sinabi nito sa akin. Nahilo ako sa ginawa nito. Tawang tawa pa ito sa ginawa nito sa akin. Lumapit pa ito sa akin at sinabunutan ako. Patapat dito. "Kaya putang ina ka, humanda ka sa apartment niyo mamaya. Tignan ko lang kung makialam ka pang hayop ka. Gigil mo akong tarantado ka..! Akala mo siguro hindi namin malalaman noh. Wala kang magagawa, Richard. Hawak ka namin sa leeg. Nagkalat rin ang mga mata namin dito sa buong campus." Sabi pa nito at itinulak ako, dahilan para mapasubsob ako sa lupa. Tawanan ang narinig ko sa grupo nila Peter. Nag kagalos tuloy ako ng di oras sa ginawa nito. "Tapos binasa mo pa ang LV ko na bag na pinahawak ko sayo noong nag punta tayo sa mall. Hayop ka….! Ang tanga tanga mo talaga!" Sigaw pa nito sa akin. Yun yung nakaraang linggo. Nang alilain ako ng mga ito. Nag shopping sila nila Endrick, Timmy at Stephen at ako ang ginawa nilang taga buhat ng mga pinamili ng mga ito. Noong mag CR ako ay pinag tripan ako nila Endrick na ikulong sa CR ng mall at binuhusan ako ng tubig na galing pa ata sa tubig na pinang lalampaso ng taga linis ng mall. Nabasa tuloy ang pinahawak sa akin nitong LV na bag, dahil yun ang ipinantakip ko sa ulo ko. "Kaya gagawin ko sayo ang ginawa mo sa bag kong hayop ka. Girls basain ang Putang Ina na yan..!" Utos ni Peter sa mga kasama nito. Nakita ko na nag labas ng mga timba ang mga alipores nito at walang sabi sabi ni ibinuhos sa akin ang lahat ng iyon. Madumi yun, dahil na rin sa mabaho na naamoy ko rito. Niyakap ko na lang ang bag ko dahil baka mabasa ang gamit ko. Wala akong magawa sa sitwasyon na kinasasadlakan ko. Kapag lumaban naman kasi ako ay maraming madadamay pa. Kaya tinitiis ko na lang talaga. Nakakaagaw na kami ng atensyon sa iilang mga estudyanteng napapatingin sa pwesto namin ngayon. Halakhakan ang maririnig mo sa grupo nila Peter, at para naman akong basang sisiw sa itsura ko ngayon. Kinuha pa nito ang cellphone nito at vinideohan ako. Tiyak na ipopost na naman ng mga ito iyon sa bulletin board ng school. "Ang cute cute mo naman Richard. Mukha kang pulubi sa itsura mo. Mas maganda yata kung luluhod ka sa harapan namin. Baka sakaling mapatawad pa kita sa katangahan mo. Wag niyong titigilan na buhusan iyan. Tiyakin niyo na mag mumukhang taong grasa yan. Marami naman tayong tubig kanal na nakuha kanina, diba?" Paalala pa nito sa mga tauhan nito. Halos manliit ako sa ginagawa nito sa akin. Hindi naman ito dating ganito. Mabait ito sa amin ni Emmet. Nag simula lang yun ng isama na ito ni Stephen sa apartment at nasaksihan nito ang pang aalipusta na ginagawa sa akin ng demonyo. "Ano, hindi ka ba talaga luluhod sa harapan namin? Hindi ka ba mag sosorry tang ina ka..! Hindi ka talaga marunong tumanggap ng mga mali mo. Napaka tigas mong hayop ka.. Sige buhusan pa yan. Wag niyong tantanan." Sigaw muli sa akin ni Peter. "Pero hindi ko naman kasalanan yun. Binuhusan ako nila Endrick ng tubig. Noong nasa loob ako ng cubicle. Sila ang sisihin mo. Hindi ako." Nanginginig na boses na sabi ko dito. Nilalamig na ako sa kalagayan ko, dahil na rin siguro sa hindi pa ako nakaka bawi ng tulog at pagod kahapon. Nanlalagkit na rin talaga ako. At amoy na amoy ko na ang baho sa tubig kanal na binubuhos nila sa akin. "Wala akong pakialam, dahil sa katangahan mo yun. Hindi sila ang may kasalanan nun. Di sana nag payong ka sa loob ng CR. Tonta ka! Kaya lumuhod ka na at halikan mo ang paa ko. Ganyan naman ang ginagawa mo madalas di ba. Kapag nag kaka sala ka?! O bakit ang iinarte ka ngayon?" Sigaw nito sa akin. Oo, tama ito. Pero tuwing nasa apartment lang. Hindi sa ganitong open sa publiko. Mukhang sagad sagadan ang gusto nitong pang aalipusta sa akin. "Pero hindi sa ganito kadaming tao. Please, Peter. Wag naman dito" Pakiusap ko pa rito. Kahit hindi ko naman kasalanan talaga ang lahat. "Bibilang ako ng tatlo, Richard. Kapag hindi ka pa lumuhod at hinalikan ang mga paa ko. Tatawagan ko si Stephen at alam mo na ang mangyayari sayo. Ayaw mo naman sigurong magalit pa si Stephen sayo?" Nakangisi nitong sabi sa akin. Nagsi halakhakan pa ang mga alipores nito. Alam nitong si Stephen ang kahinaan ko. Napaiyak na lang ako at walang magawa kundi ang lumapit na dito para sundin ang ipinag uutos nito sa akin. Mas okay na ito. Baka mas grabe pa ang matanggap kong pang aalipusta at parusa kung si Stephen pa ay makikialam. Sa nanginginig na pakiramdam ay lumapit ako sa pwesto nito. Nang mapatapat ako dito, natitigan ko ang mukha nito at kita ko ang tuwa na nakabalatay dito. Luluhod na sana ako ng may mga kamay na pumigil sa akin. Napaharap ako dito at nakita ko si Christof. Niyakap ako nito ng mahigpit palayo kay Peter. Hindi nito alintana na basa, marumi, amoy kanal at mabaho ako. Yakap yakap ako nito para protektahan kay Peter. "Tangina naman, Peter. Ano na naman ba to? Anong ginagawa mo kay Richard!?" Sigaw nito kay Peter. "Wag kang makialam dito, Christof. Umalis ka dyan..! Girls paghiwalayin nyo sila puta..! Nanggigigil ako." Sigaw nito. Inutusan nito ang apat na kasama nito na paghiwalayin kaming dalawa ni Christof pero mas lalo lang humigpit ang akap nito sa akin. Halatang ayaw ako nitong ibigay sa lalaki. Kitang kita ko pa nga na may isang lalaking humarang sa amin. Hindi tuloy naka galaw bigla ang alipores ni Peter, dahil humarang ito. Bumitaw ako sa akap ni Christof at nakita ko ang lalaking nakabungguan ko kahapon. Ito yung grabe makatingin sa akin at tumulong na damputin ang mga bag na nahulog ko. "Tumabi ka dyan. Kung ayaw mong sayo ko ibunton ang galit ko sa hayop na panget na yan...!!!!" Sigaw ni Peter sa lalaki. Tinignan lang sya nito ng masama. Nakita ko kung paanong unti unting umatras si Peter. Ramdam ko ang biglaang pag katakot nito sa mga tingin na pinupukol dito. “S-Sino ka ba?! B-Bakit nakikialam ka? Kamag anak ka ba ni Richard?” Tanong nito na nabulol pa. Patuloy ang pag atras nito sa lalaking nasa harapan namin. Hindi sumagot ang lalaki sa mga tanong ni Peter. At ilang saglit pa ay sinugod na ng mga alipores ni Peter ang lalaki. Halos mapigilan ko ang paghinga ko sa nangyayaring sapakan. Magaling ang lalaki sa pakikipag buno. Tinadyakan nito sa bayag ang isang alipores ni Peter, dahilan para matumba at mangisay ito. Sumugod pa ang isa na wala namang nagawa at pinag susuntok lang nito iyon ng malakas, dahilan para matumba iyon at di na makabangon pa. Sobrang dali lang din napatumba nito ang iba pang alipores ni Peter. Inapakan pa nga nito ang mga katawan ng mga iyon na nasa lupa na lahat ng lumapit ito unti unti kay Peter. Kita ko ang pag kataranta sa mukha ni Peter sa nangyayari. Maging ito ay nagulat sa mga napatumba nito. "Tanginaaa si-sino ka-ka ba ha!!! H-hindi mo o ba ako nakikilala -laa ahhhh..!" Sigaw nito sa lalaki pero halata na ang pag kabulol at takot nito. "Alam mo bang ilang beses ko na yan naririnig sa mga taong ginulpi ko. At para sabihin ko sayo. Wala akong pakialam kung sino ka mang poncio pilato ka. Putang ina ka..! Ngayon kung ayaw mong masaktan, gaya ng mga walang kwenta mong alagada. Ay susundin mo ang iuutos ko at.." Sabi ng lalaki pero Naputol ito ng sumabat agad si Peter. "Tangina ka bakit naman kita susundin sino ?... aaaakk arrrghhh..!" Sinampal ito ng lalaki ng pag kalakas lakas dahilan para pumutok ang labi ni Peter. Halos manginig ang mundo nito sa ginawa ng lalaki. "Kapag nagsasalita ako, ayokong pinuputol ang sinasabi ko. Naiintindihan mo ba?" Sigaw ng lalaki kay Peter habang sinasakal nito iyon. "Akk akk.. " Nahihirapang boses ni Peter pero hindi ito tinantanan ng lalaki hanggat hindi ito nakukuntento. Ramdam ko ang inis nito kay Peter. Nang makuntento ay bitawan na nito si Peter. Na nooy umubo ubo na, nag suka pa nga ito. Tumahimik ang buong paligid. Niyakap ako muli ni Christof at pilit inilalayo pero nag pakatatag ako. Gusto kong masaksihan ang takot na nakabakas sa mukha ni Peter. Gusto kong makita ang reaksyon nito, na ito naman ang inaapi. Gusto kong masaksihan iyon, lahat lahat. "Ngayon, susundin mo na ba ang iuutos ko o sasaktan muna kita bago mo ako sundin?" Tanong ng muli lalaki dito. Takot na takot si Peter na tumango. Sinabunutan nito si Peter at hinila ito palapit sa pwesto namin ni Christof. Kinaladkad ito na parang wala ng bukas sabay itinulak pasubsob sa amin. "Christof, bitiwan mo muna siya. Umalis ka dyan." Sabi nito. Agad naman iyon ginawa ni Christof at bumitaw ng yakap sa akin. So, kilala nya si Christof. Sino kaya itong napaka tapang na lalaking ito? "Halikan mo ang mga paa ng lalaking iyan. " Utos nito kay Peter na labis kong ikinagulat. "Nababaliw ka na ba?! Bakit ko naman yun.... aaack!" Sinampal muli nito si Peter sa pisngi ng malakas dahilan para ikalugmok nito sa lupa. Tumalsik na ang dugo nito sa lupa. "Bibilang ako ng tatlo, kapag hindi mo hinalikan ang mga paa nyan. Sisiguraduhin kong lahat ng estudyante sa unibersidad na ito ay hahalikan mo ang paa. Isaaaaa...!" Sigaw muli ng lalaki. Pag karinig palang ni Peter ng bilang na isa, ay agad na itong lumapit sa akin at mabilisang pinag hahalikan ang sapatos ko. "Teka lang. Calvin ilabas mo ang phone mo at kunan mo to." Narinig ko pang sabi ng lalaki sa lalaking kasama nito. "Wala sa usapan yan, saka hinalikan ko na ang paa ng hampas lupa na ito. Sapat na iyon." Sagot ni Peter. Diring diri ito sa ginawa nitong pag halik sa paa ko. Kahit paano ay nakaramdam ako ng awa rito. Sa Kabila ng mga kasalanan nito sa akin ay naaawa pa rin ako. Halatang hindi ito sanay sa sitwasyon nito. Isama mo pa na duguan ito dahil sa natamong sapak at sampal sa lalaki. "Sa tingin mo may pakialam ako dun. Calvin." Sagot muli ng lalaki dito. Ang lakas ng dating nito. Alam na alam nito ang sasabihin at ikikilos. Sinunod naman ng tinawag na Calvin ang sinabi ng lalaki. Inilabas nito ang cellphone nito at inumpisahan ng kunan si Peter. "Hubarin mo ang sapatos nya at halikan mo ang mga paa nya. Bawat daliri sa paa, ay hahalikan mo..! Yun ang gusto kong gawin mo. Bilisan mo at ayokong nag hihintay." sigaw muli nito kay Peter. "No way..! Bugbugin mo na lang ako. Mas maaatim ko pa iyon. Kaysa ang halikan ang pa ang putang ina hampas lupa na iyan. My gosh..!" Pag angal at diring diri na sabi ni Peter. “Okay, mabilis akong kausap.” Sagot ng lalaking matapang. Inambaan na nito ng sapak sana sa mukha si Peter pero mukhang sinubukan lang ng baklang iyon kung aatras ang lalaki. Kaya naman ng matiyak nito na seryoso nga ang lalaki na gugulpihin siya ay lumapit na ito sa akin at mabilis na ni Peter, hinubad ang medyas at sapatos ko. Kahit nahihirapan ay nagawa nito iyon sa tulong ko na rin. Pinag hahalikan nito ang paa ko. Ang bawat daliri ko. Bakas na bakas sa mukha nito ang pandidiri pero wala naman itong magawa. "How does it feel? Masarap ba. Masarap ba ang ipinagagawa nyo sa kanya kanina?" Tanong ng lalaki kay Peter. Hindi na nito napigilan pa ang umiyak at humagulgol. Siguro dahil sa pag kapahiyang natamo nito. Nakuhaan pa ng larawan o video ang ginagawa nitong pag halik sa paa ko. Marami pa ang nakasaksi sa ginawa nito. Kaya ganun na lang ang pag atungal nito ngayon. "Isang beses ko pang makita na nang gaganyan ka ng tao. Hindi lang yan ang mararanasan mo. Dobleng sakit ang ipaparanas ko sayo. Tandaan mo yan." Sabi pa ng lalaki bago ito tumalikod at naglalakad papunta sa mga kasama nito. "Tang ina mo..! Gaganti ako! Pagsisisihan mo tong ginawa mo sa akin..! Puking ina kaaaaa! Pagsisisihan mo. Aalamin ko kung sino ka bang hayop ka?!" Sigaw ni Peter habang umiiyak. Humarap muli ang lalaki. At ngumisi ito kay Peter. Hindi mo kakabaskasn man lang ito ng takot sa pag babanyang iyon sa kanya. "It's Andrei, b***h!" Sabi nito at iniwan kaming nakatigalgal sa lugar na iyon. Gusto kong palakpakan ito pero nag pigil ako. "Masaya ka na ha, Richard..! Tang ina mo. Humanda ka pag uwi mo mamaya..! Hindi pa ako tapos sayo. Tang ina ka..!" Sigaw nito sa akin. Galit na galit ang mukha nitong duguan. Pagkatapos ay dahan dahan na itong tumayo na at iniwan kami ni Christof. Kasama ang mga alipores rin nitong nakabulagta pa sa lupa. Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa nangyari. Matutuwa ba ako? O magagalit dahil ibang tao pa ang gumanti para sa akin. Kinailangan ko pa ang tulong ng iba para maipagtanggol ako. "Ayos ka lang ba, Richard. Binuhusan ka lang ba ng tubig nila Peter? Hindi ka ba nila sinaktan?" Tanong sa akin ni Christof. Hindi talaga nito alintana ang mabahong amoy ko. Ngumiti ako rito ng mapait. Sanay naman na ako sa ganito. Malayo sa bituka. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kung bakit gustong gusto ko na nakitang nahihirapan si Peter. Deserved na deserved nito ang nangyari. At masayang masaya ako dahil doon. Kahit nakaramdam pa ako ng pag kaawa sa kanya kani kanina lang. "Halika na muna sa CR ng makapag palit ka ng damit. May mga t shirt akong malinis sa locker. Gamitin mo muna iyon. Kasya naman siguro iyon sayo." Yaya ni Christof sa akin. Wala na akong lakas pa para tumanggi. Nag patianod na lang ako dito. Ubos na ang sakit na nadarama ko, ubos na ubos na. Inihatid ako nito sa gymnasium. Kung saan naroon ang extrang damit sa may locker nito. Naabutan pa nga namin ang mga ka teammates nito roon. Na napahinto sa pag aasaran ng makita ang sitwasyon ko. Wala naman nag salita sa kanila. Tahimik lang silang nakatingin sa akin. Nang maihatid ako ni Christof sa may CR roon ay saglit itong nag paalam sa akin. “Kukunin ko lang ang damit ko at mga kakailanganin mo. Sandali lang ito.” Wika nito sa akin na ikinatango ko na lamang. Hindi rin naman nag tagal ang paghihintay ko. Mabilis rin itong nakabalik daladala ang mga kailangan ko. Ibinigay nito sa akin ang malinis na damit at mga toiletries na kakailanganin ko. Inabot din nito sa akin ang tuwalya nito. “Maligo ka na. Kung may kailangan ka pa, ay sumigaw ka lang at hihintayin lang kita rito sa labas. Nandito lang ako, Richard.” Sambit pa nito sa akin bago na ako nito iniwan doon. Matapos kong ilagay sa lagayan ang lahat ng gamit na hawak ko ay tumapat na ako sa shower at hinayaan kong maalis ang lahat ng dumi at ang lahat ng mga bumabagabag sa akin. Sagad na sagad na ako. Hindi na pwedeng mag tiis na lang ako. Kung patuloy lang akong mag titiis, lalo lang nila ako aapihin. Lalo lang nila ako pag titripan. Lalo lang nila akong sasaktan. Oras na ba para labanan ko sila? Kung kaya nilang labanan ang grupo nila Stephen. Kakayanin ko rin kaya? Matapos ang matagal na pag ligo ay lumabas din ako. Presko na ang pakiramdam ko at kahit paano ay nawala na ang ibang agam agam sa isip ko. Nakabihis na ako ng nakita ko si Christof na matyaga akong hinihintay. "Pinag paalam na kita kay Boss Eros. Sinabi kong hindi ka muna papasok dahil may emergency na nangyari. Pumayag naman na sya. Wag ka ng mag alala pa, hindi ko sinabi kung ano ang nangyari talaga sayo." Sabi nito sa akin. Nais ko rin naman talagang hindi muna pumasok. Gusto ko lang muna magpahinga. Mag isip isip. "Kung gusto mo, sa apartment ko na lang muna ikaw tumuloy. Halika na. Hindi kita iiwan kahit ipagpilitan mo na lubayan kita. Kailangan mo munang mag pahinga." Pamimilit nito sa akin. Muli akong tumango rito at nag patianod na lang sa kung saan man balak ako nito dalhin. Wala na rin kasi talaga akong lakas para tumanggi pa. Dinala ako nito sa parking lot muli at kinuha nito ang sasakyan nito. Gusto ko sana itanong dito na meron pala itong sasakyan, pero bakit lagi itong nag ko commute kasama ako papasok sa work. Tumahimik na lang muna ako at wala ako sa mood makipag usap. Hinayaan lang din naman ako ni Christof. Ilang minuto lang din ay nakarating na kami sa apartment nito. Kung wala lang akong pinag dadaanan ngayon, malamang napuri ko ang apartment nito. Sobrang ganda at elegante ng apartment ni Christof. Nakakalula sa laki at ganda. Karaniwan na sa magazine ko lang nakikita ang mga ganito kaganda na lugar. Nakalimutan kong mayaman nga pala itong si Christof. Masyado kasi itong simple at walang kaarte arte sa buhay. "Nagugutom ka ba, Richard? Gusto mo bang kumain?" Tanong nito sa akin. Matapos makaupo sa sofa sa napakalaking sala nito. Naka harap ito sa akin at napag masdan ko tuloy ang mukha nito ng malapitan. Noon pa man ay crush ko na itong si Christof. Gwapo naman kasi ito. Madalas itong pag selosan ni Emmet noon sa tuwing mapag usapan namin ito. Nakakahanga kasi talaga ito dahil sa angking talino nito at sobrang gwapo talaga. Mabait pa ito. Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin at napatingin ako sa manipis at mapula nitong hugis puso na labi. Nagtataka naman ang reaksyon nito kung bakit ako natulala sa kanya. Naririnig ko pa nga na tinatawag ako nito pero naka tuon talaga ang atensyon ko sa mga labi nito. Parang inaakit ako nun. Inaakit na halikan iyon at lasapin. Kusa na lamang kumilos ang mga kamay ko para hatakin ang ulo nito palapit sa akin. At sa sandaling pagkagulat nito ay siyang mabilis ko naman pag lusob sa labi nito. Siniil ko ng halik ang mga labi ni Christof. Bugso ng damdamin ko na ang pinairal ko sa mga oras na iyon. Sa una ay nagulat pa ito pero ng di mag laon ay tumugon na rin ito sa mga halik ko. Hanggang sa ang simpleng halik ay lumalim ng lumalim. Sobrang sarap ng labi nito. Nalalasing ako sa paraan ng pag halik ni Christof. Masasabi ko na mahusay ito humalik, dahil ito ang nag dadala ng halikan namin. Sinisipsip nito ang dila ko na ginagaya ko rin naman pagkatapos nitong gawin iyon sa kin. Napahawak na nga ako sa buhok nito para mas maging madiin pa sa akin at upang lalo ko pang palalimin ang halik na pinag sasaluhan namin ngayon. Di na nga namin namalayan na napahiga na ako sa sofa at naka patong na ito sa akin. Sa sobrang intense at hot ng pag hahalikan na pinag sasaluhan namin ay parang nakagawa kami ng mundo na para lang sa amin dalawa. Natigil lang ang pag hahalikan namin ng maubusan na kami ng hininga. Saka lang unti unting bumalik ang tamang pag iisip naming dalawa. At napansin naming parehas ang posisyon namin. Nanlalaki ang mga mata namin ng mapagtanto ang ginawa naming halikan. Agad itong umalis sa ibabaw ko at napaupo naman ako bigla. Fuck. anong nangyari? Paano kami napunta sa posisyon na iyon. Shitl. Bumuka ang bibig nito pero walang tinig ang lumabas roon. Nag titigan lang kami at kita ko ang pamumula ng mukha nito. Pakiramdam ko nga ay pareho lang namumula ang mga pisngi namin. Sobrang nakakahiya ang nangyari. s**t. Dali dali itong tumayo at iniwan na lang akong bigla sa sala. Teka anong nangyari? Bakit ko sya hinalikan potek! At bakit nag enjoy ako at masarapan? Richard Ano na naman ang ginawa mo? Baka kung ano na lang ang isipin sayo ni Christof s**t ka! Nasa ganoon akong pag iisip ng marinig kong tumunog ang cellphone ko. Nang makita ko ito ay agad akong kinabahan sa nakita kong tumatawag. Ang pinaka DEMONYO sa lahat ng demonyo. Si Stephen. Itututloy....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD