"Pagka putol ng Pisi." Part 1 ( 1 )

4450 Words
Kabanata 14 Richard Lumapit sa akin ang isang alipores ni Timmy at hinila nito ang buhok ko papunta sa duguang si Timmy. "Putangina ka! Tatawanan mo pa ang leader namin, hayop ka!" Sabi nito habang nakahawak ako sa kamay nito na nasa ulo ko. Halos maalis ang hibla ng buhok ko sa pag kakasabunot nito. Nasasaktan ako pero tinatanggap ko na lang dahil ayokong mapag initan na naman. Kaya kong tiisin yan, basta wag lang nilang sirain ang buong semester ko. Hindi ako nag salita at tumahimik na lang ako pero nag mitsa pa ata iyon ng pagkainis at galit nilang lalo sa akin. Pumukit na lamang ako ng mapagtanto kong balak akong isusubsob nito sa sahig. Hinantay ko na lamang ang impact ng pagtama ng mukha ko roon. Ngunit hindi iyon nangyari. Mayamaya pa ay may narinig na lamang akong malakas na boses. "Anong karapatan mong saktan sya? Gago ka." Tinig ng lalaki na nag pasinghap sa lahat ng tao na naroon sa buong silid. Agad akong binitiwan ng lalaking sumasabunot sa akin at narinig ko pang humiyaw ito sa sakit. Napalingon tuloy ako rito. Hawak ng lalaki ang balikat nito. Base sa itsura nito ay nasasaktan ito at napapaaray na lang sa ginagawang pag diin ng lalaki sa balikat nito. Gwapo ito at wala sigurong tao sa university ang hindi nakakakilala dito. Isa ito sa kinagigiliwan at hinahangaan sa buong campus. Ang athlete student na champion sa larangan ng palakasan. Si Cloudious Stefan S. Tan o mas kilala sa tawag na Cloud. Tama kayo. Isa siyang TAN at isa rin siya sa mga pinsan ng mga Ayala. Taekwondo champion ito. Kaya hindi na katakataka na namimilipit na sa sakit ngayon ang lalaking sumabunot sa akin. Ginagamitan ito ng simpleng technique ni Cloud. "AAAAAAHHHHHHh.. A-Arraaayyy…! Ang sa-sakit po. Tang ina. AAAARRRRGGGGHHhh.. P-Please, tama na..! AAAHHHHhhh.. M-Master Timmy.. AAAAHHHhh.. Araaaay.. P-Please, tama na..!" Namimilipit sa sakit na sambit ng alipores ni Timmy. Saka lang tila nahanap ni Timmy ang boses nito at nagsalita na, ng makita pulang pula na ang mukha at tila matatae na ang isa sa mga alipores nito. "P-Pagpasensyahan mo na siya, Cloud. May nagawa kasi tong gagong to kaya nasaktan niya. Ako na ang ang humihingi ng paumanhin sa kanya." Biglang singit ni Timmy na akala mo santo sa bait. “Hindi pa rin dahilan iyon para manakit na siya. Ano na lang ang mangyayari kung hindi ko siya napigilan.” Wika pa ni Cloud kay Timmy. Saka lamang binitiwan ni Cloud ang lalaking mangiyak ngiyak na. Tumingin ito kay Timmy. Natahimik na lamang din ang lahat ng tao roon sa loob. Halatang nai intimidate sa laking tao ni Cloud. Sa laki ba naman ng katawan nito. Kakisigan at kalakasan ay sino ba naman ang hindi maiilang. Parang si Tristan Ayala ito pero suplado version nga lamang itong si Cloud. Yung mahirap ia-approach talaga. "Ayokong nakakakita ng taong binubully. Especially, kapag kamukha pa ng Tito ko ang taong sinasaktan niya. Makita ko pa ulit na manakit ka. Babaliin ko na yang kamay mo..! Saka wag kayo masyadong maingay. Nasa loob kayo ng clinic, wala sa palengke." Sabi nito at bigla na lamang lumabas ng clinic. Nasa katabing higaan pala sya ni Timmy kanina. Hindi ko napansin dahil may kurtina na naghihiwalay sa bawat kama na nakalagay dito sa loob. Maaring narinig kami nito kaya ito biglang umeksena sa amin. Mainam na iyon at least hindi na ako nasaktan pa ng mga demonyong ito. Tinignan na lamang ako ng masama ng grupo nila Timmy at tumahimik na sila. Mukhang natakot nga talaga ng husto ang mga kupal. Mabuti nga sa kanila. “Mauna na po ako. May klase na kasi ako. Saka ibibigay ko pa kay Endrick itong bag niya. Sige.” Paalam ko kay Timmy. Hindi ako pinansin nito pero hindi rin naman na ako pinigilan pa nito. Mabilis na akong naglalakad patungo sa next subject ko. Lakad takbo muli ang ginawa ko dahil sa kabilang building pa ang susunod kong klase. Baka ma late na ako. Baka naunahan na rin ako dun ni Endrick. Naku, malilintikan na naman ako kapag nag kataon. Hanggang kailan ba ako mag papaapi sa mga demonyong yun. Napapagod na rin kasi ako. Nasasaktan sa mga ginagawa nila. Lalo na sa tuwing pinapahiya nila ako sa maraming tao. Ang sakit kaya. Ilang saglit lang ay nakita ko na si Hunky Prof. Luis. Nag lalakad ito ng bigla itong mapahinto ng kausapin ito ni Ulysses. Agad akong nag tago sa isang sulok at sumilip dito ng hindi ako nito nakikita. Nakita kong may inilabas si Ulysses na isang bilog na parang kwintas. Napatingin dito si Prof Luis. Para itong namamalikmata doon. Kinabahan ako. Dahil ilang beses ko ng nakita na ginamit yun ni Ulysses sa ibang estudyante dito sa unibersidad. Hindi ko lamang iyon maireport dahil malalaman talaga nila na ako ang nag sumbong nun. Sa dami ba naman ng mga mata nila Stephen dito sa school. Bukod pa sila ang kumokontrol na rito ng mga kautusan. Sinakop na rin kasi ni Stephen, kasama ang Rainbow Gang ang student council. Kaya talagang tikom talaga ang bibig ko at ng karamihan na estudyante rito sa campus. Madalas pa naman napapahamak ang taong natingin sa bagay na yun. Mukha naman kasing masamang elemento to si Ulysses eh. May sa demonyo talaga ito. Kaya nga walang kaibigan ang lalaking iyon. Kundi sila Stephen lang. Hindi ko nga rin alam bakit naging kaibigan ito nila Stephen. Sabagay, it takes one to know one. Kapwa demonyo, nagkakasundo. Mayamaya pa ay nakita kong inilapat ni Ulysses ang mga kamay nito sa malapad na dibdib ni Prof Luis. Hindi man lang ito gumalaw. Kailangan kong kumilos, hindi pwede eto. Ayoko na mabahiran ng karumihan nila ang taong ito. Mabait pa naman itong si Prof. Saka base sa pag kakangisi ni Ulysses ay mukhang hindi talaga maganda ang balak nito sa batang propesor. Dahan dahan akong lumapit sa kanila ng hindi ako napapansin ni Ulysses at bigla kong binangga ng pagka lakas lakas ang nakatulala na si Prof Luis. Parang Nawala ang pag kaestatwa nito ng mabangga ko. Mukhang natauhan na ito at mabilis na pinalis nito ang kamay ni Ulysses na nakahawak pa rin sa dibdib nito. "Anong ginagawa mo?" Rinig kong sabi ni Prof Luis habang hinahawakan nito ang sintido nito. Mukhang nahilo ito na di mawari. "Wala po. Sir. A-Akala ko po kasi ay matutumba kayo. Kaya doon ako napahawak para hindi kayo bumagsak. I'm Sorry." Pagsisinungaling nito kay Prof Luis. Mukha naman bumenta ang sinabi nito kay Prof kaya isinawalang bahala na lang nito iyon. Umiling iling pa si Sir Luis bago nito tuluyang iniwan kaming dalawa ni Ulysses. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil kahit paano ay nailigtas ko ito saglit sa kapahamakan. Hindi nagtagumpay si Ulysses sa anumang balak sana na kasamaan nito sa lalaki. Wel l done, Richard. Nang mag angat ako ng tingin ay isang sampal ang natamo ko mula kay Ulysses. "Putang Ina ka..! Epal ka talaga, kundi dahil sa katangahan mo hindi ako mapapahiya ng ganoon.. Nakakasira ka ng araw. Putang ina ka..! Umalis ka nga sa harapan ko." Galit na galit na turan nito sa akin. "Sorry, nagmamadali kasi ako kasi baka mahuli na ako sa klase ko." Sabi ko habang hawak ang kanang pisngi ko na sinampal nito. "Wala akong pakialam..! Putang ina ka, ako pa lolokohin mo. Nakita na kita at sinadya mo yung nangyari. Gago ka..! Yari ka sa akin mamaya sa bahay. Tingnan lang natin kung maka ulit ka pa ng pakikialam mo." Sigaw nito sa akin. Agad nito akong iniwan. Naikuyom ko na lang ang kamao ko sa galit. May araw din kayo mga demonyo kayo. Nag tuloy na ako sa paglalakad patungo sa klase ko. Nananalangin na sana matapos na itong pinag dadaanan ko. Pag karating ko ng classroom wala rin si Endrick roon. Mabuti naman at matatahimik ang mundo ko kahit pansamantala lang. Lumipas ang oras ng ganun kabilis na hindi ko namamalayan at uwian na. Nag madali na akong lumabas ng silid dahil may pasok pa ako sa Demigod’s Camp ni Boss Eros. Naglalakad na ako palabas ng school ng nakatanggap ako ng text mula kay Pietro. Binasa ko iyon. Pietro : Hey Richie boy, kamusta ang unang araw ng klase? Natuwa naman ako dahil consistent talaga ito na kamustahin ako lagi. Silang dalawa talaga ni Christof ang naging sandalan ko sa panahong malungkot ako. Agad ko itong nireplyan. Richard : Ayos lang. Same same pa rin naman. Boring. Hahaha. Ikaw, kumusta ang araw mo? Pietro : Uneventful din gaya mo. Papasok ka na ba sa work mo? Richard : Oo, on the way na nga ako. Ikaw ba, kumusta ang klase? Nasa labas na ako ng school ng makita ko si Christof na naghihintay sa daan. Nang makita ako nito ay agad itong ngumiti at lumapit sa akin. "Sabay na tayo." Sabi nito sa akin ng makalapit. Tumango ako rito at pareply na sana ako kay Pietro ng may bumisinang sasakyan sa amin ni Christof. Napalingon ako dito at kita kong naka baba na ang bintana ng sasakyan ni Pietro. "Tara na, Richie boy. Hatid na kita sa work place mo." Swabeng sabi nito na nakangisi. Napatingin ako kay Christof. Sumimangot ito ng masilayan ang pag mumukha ni Pietro. Magkakilala naman na ang dalawa, pero sa di ko malamang dahilan, ay hindi ito magkasundo. Parang aso’t puso kung mag away. "Eh, kasabay ko na kasi si Christof. Pwede ba kaming sumakay na dalawa?" Sagot ko dito. Sumimangot din ito pero tumango na lang. "Wag na, Richard. Mag ko commute na lang ako" Sabi nito at akmang aalis na ng mag salita si Pietro. "Sumabay ka na. Dami pang arte hindi ka naman chicks" Sagot ni Pietro dito. Napatigil tuloy si Christof sa pag alis at nakipag titigan kay Pietro. Walang nag patinag sa titigan ng dalawa. Animo'y nag papaligsahan ito na kung sino unang susuko. “Ulitin mo nga yung sinabi mo?” Tanong ni Christof kay Pietro. Mukhang mag kakainitan na naman ang dalawa. Kaya bago pa, mapunta kung saan ang nakamamatay na titigan ng dalawa at pag sagot ni Christof ay pumagitna na ako. "Tama na yan. Halika na kasi Christof. Tipid din ito. Wag ka na tumanggi."Sabi ko rito at agad na hinila na sya. Upang hindi na makapalag pa. Ako sana ang uupo at tatabi sa harap. Kasama ni Pietro pero inunahan ako ni Christof na magtungo roon. Kaya wala na akong nagawa at sa likod na lang pumuwesto. Asar na pagmumukha naman ni Pietro ang bumungad sa akin. "Wag na kayong mag talo pa dyan. Please naman mag kasundo na kayo. Alam nyo naman na kayo lang ang kaibigan ko, tapos palagi pa kayong nag aaway. Ano ba kasi ang pinag tatalunan niyo?" sabi ko sa dalawang pogi na nakaupo sa harapan. "Paano kasi tong kumag na to, Richard. Akala mo kung sinong gwapo kung umasta. Mukha namang dikya." Reklamo ni Christof. "Bakit gwapo naman talaga ako, ah. Saka ikaw ang pasaway dyan, palagi kang epal sa bonding namin ni Richie boy. Para ka naman bulate. Asar!" Hindi naman na papatalong sagot ni Pietro. "Ang manyak mo kasi tumingin sa kanya. Wala akong tiwala sayo. Saka, Anong konek ng bulate sa akin?" Prangkang sagot ni Christof. "Wow! At ikaw hindi ganoon tumingin? Wag ako boy, lalaki ako at kilala ko rin yang karakas mo. Gusto ko lang tawagin kang bulate. Angala ka..!" Sagot din nito. "Kapag di pa kayo tumigil, bababa ako at iiwan ko kayo ritong dalawa. Hindi ko na rin kayo kakausapin pa. Gusto niyo ba yun?" Pag babanta ko sa dalawa. Joke lang yun syempre. Hindi ko kaya na pati sila ay mawala sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung mangyari iyon. Tumahimik naman ang mga ito at pinatakbo na ni Pietro ang sasakyan. Nasa byahe na kami ng walang nagsasalita sa kanila. Ang awkward tuloy. Wala rin kasing tugtog. "Sana naman magkasundo na kayo, kasi sa inyo lang ako panatag na dalawa. Sa inyong dalawa lang ako may tiwala. Alam ko pareho lang naman kayo concern sa akin, kaya sana magkasundo na kayo para na lang sa akin. Nasasaktan kasi ako kapag nakikita ko kayong nag babangayan." Pinalungkot ko pa ang boses ko para dama nila. Sana effective. Gusto ko kasi silang mag kasundo talaga. Ang hirap kayang sumama sa isa at iwan ang isa. Kaya gusto ko mag kasundo sila para dalawa na silang sasamahan ko. Para patas. "Fine..! Susubukan ko. Wag lang talaga ako yabangan ng panget na to." Sagot ni Pietro na ikinangiti ko. Iniumang ko ang ulo sa pagitan nila. Tumingin ako kay Christof at nilingon naman ako nito. "Umayos ka ng upo mo at mag seatbelt ka". Sabi nito sa akin na sinunod ko naman. Tumahimik muna ito saglit bago muli itong nag salita. "Oo na. Susubukan ko rin. Kahit na nasusuka ako sa pagmumukha nitong panget na ito.". Sagot nito pag karaan. Pumalakpak pa ako ng marinig ko yun. Kita ko ang pag ngiti nilang parehas. Alam ko naman kasing magkakasundo itong dalawang ito eh. Medyo may pag kaka parehas kasi sila ng ugali at mga hilig. Kung hindi nga lang sila straight na dalawa. Isiship ko sila, eh. Ang cute kaya nila tignan kapag naging couple sila. Lakas maka BL series. Kaya tiyak akong magkakasundo talaga sila. Wag lang talaga silang mag bangayan sa tuwing mag kikita. Nang makarating kami sa bar ay agad ng bumaba si Christof, pero bago yun ay tinanguan muna nito si Pietro na labis kong ikinatuwa. "Ang saya mo, ah. Wag masyado at baka mahipan ka ng hangin dyan." Nakangiti nitong sabi sa akin. "Salamat, Pietro. Hindi mo lang alam kung gaano ako natutuwa sa ginawa nyo ni Christof. Kahit paano ay may goodnews din akong nakuha sa araw na ito. Salamat talaga." Taos puso kohg pasasalamat rito. Mamaya kay Christof naman ako mag te thank you. "Hahahaha. Okay naman si Christof, eh. Wag lang niya kasi ako simangutan at nababadtrip ako pag ganoon. Hindi bagay sa kanya ang nakasimangot. Parang natatae lagi." Sagot nito sa akin. Ngumiti ulit ako dito. "Baliw ka talaga. Sige na, ingat sa byahe pauwe. Sa ibang araw ka na lang mag tambay dito para maasikaso kita. Medyo marami tao ngayon. Kaya magiging busy ako at baka hindi kita maasikaso." Sagot ko rito. Sumang ayon naman ito at agad ng nag paalam. Pumasok ako sa bar ng may ngiti sa labi. Kahit paano kasi may magandang nangyari din sa araw na ito. Bukod sa nagulpi si Timmy. Nag simula ang gabi ko ng nakakapagod sa dami ng mga parokyano namin ngayon. Hindi na nga kami nakapag usap pa ni Christof, dahil doon. Maging si Boss Icarus ay busy din at tumulong na sa amin. Kaya nung umuwi ako sa apartment ng pasado alas dos ay pagod na pagod ako. Madadatnan ko pang ang gulo ng buong bahay at tambak ang hugasan. Hindi ko naman pwedeng tulugan na lang iyon. Dahil malilintikan naman ako sa mga demonyo bukas. Kaya bago makapag pahinga ay nag linis muna ako at hinugasan ang mga pinggan sa lababo. Natapos ang araw ko na pagod na pagod talaga ako. Araw araw ganito ang sitwasyon ko. Maaga pa akong gigising mamaya. Kaya ng matapos makaligo, ay nakatulog na agad ako. Di na alintana at di na pinansin pa ang kung anuman ang nagaganap sa dating kwarto namin ni Emmet. Kinabukasan Panay ang hikab ko. Antok na antok pa kasi talaga ako. Ikalawang araw na ng klase at ramdam ko talaga ang pagod at puyat hanggang ngayon. Mabuti na lang at hindi masyadong masusungit ang mga Prof ko at medyo hayahay ang buhay dahil ikalawang araw pa lang ng klase. Hindi pa ganoon ka seryoso ang mga Prof mag turo. Panay lang ang mga kwento ng mga bakasyon na ginawa nila. Mamaya ay pupunta pa ako sa auditorium para tulungan ang ibang mga estudyante na maglinis doon. Nagaganap kasi ngayon doon ang orientation ng mga First Year. Tiyak magiging makalat iyon pagkatapos. Kasama sa scholarship ko ang tumulong doon sa paglilinis, tulong ko na din sa school dahil sila ang nag papa aral sa akin. Hindi naman ito obligado sa mga eskolar gaya ko, pero sabi ko nga pasasalamat na rin sa kanila. Nagugutom pa naman na ako dahil wala pa akong almusal kanina, tapos mag tatanghalian na. Sasaglit na lang ako mamaya sa cafeteria at bibili ng pagkain bago mag tungo sa auditorium. Kanina narinig ko na pati rin pala si Endrick ay nasapak ng isang estudyante. Habang pinag hahanda ko sila ng almusal. Ang laki ng tuwa ko sa nalaman ko. Kaya maging ito at si Timmy ay wala ngayon sa klase. Kaya pala tahimik ang buhay ko ngayon at di nila ako ginugulo, pero nakakatakot din. Naaawa ako para sa taong kumalaban dito. Tiyak akong magiging mahirap ang school year nito dahil sa pag laban nito sa Rainbow Gang. Sa mga oras kasi na ito ay malamang ay nag paplano ng rumesbak ang mga demonyong yun. Hindi kasi papayag ang mga yun na ma agrabyado. Kailangan sila ang nang aagrabyado. Nasa buto na kasi nila ang kasamaang taglay nila. Nang matapos ang klase ay agad na akong nag punta sa cafeteria upang bumili sana ng makakain. Wala pa kasi akong kain dahil inubusan nga ako nila Stephen ng niluto kong agahan. Labasan na rin ng mga First year mula sa orientation ng mga ito sa auditorium. Kaya ang dami kong nakasalubong na mga freshmen. Naalala ko tuloy nung ganito ako noon, inosente at punong puno ng pangarap sa buhay. Masaya lang at hindi iniisip ang kakaharapin bukas. Kasama ko pa noon si Emmet. Ngayon ay iba na ang kasama nya. Malaki talaga ang nabago sa buhay ko simula nung pumasok sa eksena si Stephen. Minsan nag sisisi rin talaga ako kung bakit hinayaan ko na makapasok ang isang demonyo na iyon sa buhay namin. Pero nangyari na, eh. Kailangan ko na lang tanggapin talaga. Kahit mahirap at masakit. Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Samjo. Yung lalaking may ginawang milagro sa CR ng kababalaghan. "Uy, ikaw pala. Tamang tama at nandito ka. Alam mo ba kung saan ang cafeteria dito?" Tanong nito sa akin. Ang gwapo talaga nito lalo na kapag nakangiti. "Papunta ako ngayon doon. Tara sabay ka na lang sa akin." Sagot ko dito. Ngumiti naman ito at sinabayan na ang pag lalakad ko. Ilang minuto lang ay narating na namin ang Cafeteria. Ngunit mukhang may kaguluhang nangyayari sa loob. Bakas iyon sa ingay at kumpulan ng mga estudyante. Mukhang meron na naman pinag titripan ang grupo nila Stephen. Palagi naman ganun. Asahan mo kapag may kumpulan na ganito. Sangkot ang mga ito at sila rin talaga ang salarin. Pag pasok namin sa loob ay tama nga ako ng hinala. May binubully na naman sila sa loob. Napatigil din tuloy si Samjo at nakatingin sa aking tinitignan. Kasaluluyan ngayong nakatayo ang lahat ng estudyante sa cafeteria pero may isang grupo ngayon ang tila nakaupo pa rin. At parang walang pakialam sa nangyayari. Patuloy lang sila sa pagkain. Sila Stephen kasi ang nagpasimuno na kailangan kapag may isang lider ng Rainbow Gang ang nasa isang lugar. dapat nagbibigay galang. Kailangan i acknowledge ang kanilang presensya. Gaya na lang ng pag tayo sa upuan kahit kumakain o kung ano pa man ang ginagawa mo, dapat kang tumayo. Hindi ka pwedeng umupo o bumaik sa ginagawa mo kapag hindi pa nakakaupo ang mga demonyong iyon. Kabaliwan lang yun talaga para sa akin. Pero dahil nga makapangyarihan sila rito sa school, ay sinusunod na lang ng karamihan sa amin. Natatakot kasi ang iba na mapag initan. Kilala pa naman ang Rainbow Gang sa papamahiya at pang gugulpi sa buong campus. Hindi nga lang iyon. May isa pa. Ang pinaka matindi. Na tanging ang mga tao lang na napag titripan nila ang nakakaalam. Madalas pa naman na may mga itsura ang lalaking napag titripan nila Stephen. Kitang kita namin kung paano itaob ng isa sa alipores ni Ulysses ang tray ng lalaking tinulungan ko kahapon. Natapon tuloy ang buong lamang ng pagkain na nakalagay roon at nagkalat sa lamesa. Napangisi na lang si Ulysses sa nasaksihan nito. Halatang gustong gusto ang nangyari. "Napakasama talaga ng grupo nila. Wala silang pinipiling oras, kapag nantitrip. Kawawa naman ang mga first year na iyon." Hindi ko napigilang sambitin. Tahimik lang ang buong paligid at nakatuon lang ang atensyon sa kanila. Inaabangan kung ano ang gagawin ng mga binubully ng Rainbow Gang. Agad na tumayo ang lalaki at hinarap ang nag taob ng pagkain nito. "Alam mo bang masama ang magsayang ng pagkain, ha? Hindi ba iyon itunuro sayo? O sadyang bastos ka lang talaga." Sabi ng lalaki. Nakalimutan ko kasi ang pangalan nito. Ano na nga ba yun? "Tangina mo wala akong.... ek" Sagot naman ng alipores ni Ulysses pero hindi na natapos pa ang sasabihin sana nito. Matapos hawakan ng lalaking tinulungan lp ang ulo nito at ingudngod sa lamesa. Kung saan nandoon ang pagkain na natapon nito. Gulat na gulat ang lahat sa nasasaksihang ginagawa ng lalaki sa isa sa alipores ni Ulysses. Maging si Ulysses ay napatanga na lang sa nagaganap. Hindi nakakilos at nagulat din sa ginawa ng lalaki. "Pinaka ayoko sa lahat ay ang mga aksayado sa pag kain. Hindi mo ba alam ang hirap at pawis na ginawa ng mga tao sa likod ng mga pagkain na yan. Wala ka bang utak? Kaya lamunin mo lahat yan. Wag kang mag titira..!" Sabi pa ng lalaki habang ipinang punas nito ang mukha ng alipores ni Ulysses sa lamesa. Lumapit ang mga kasamahan nito para pigilan ang lalaki sa ginagawa, pero pinatigil lang nito ang mga yun. Gamit ang hintuturo sa kaliwang kamay nito. "Oopppps, isa isa lang. Mahina ang kalaban. Masyado naman kayong duwag kung umasta nyan, eh. Hindi pa sya tapos kumain oh. Darating din ang time nyo. So, pumila kayo ng maayos kung ayaw nyong manghiram ng mukha sa aso pag nangielam kayo." Sabi nito na bakas na bakas ang pagbabanta sa boses. Nakakatakot ang pag babanta nito sa boses nito. Ramdam mo na tototohanin talaga nito ang sinabi niya. Maging ako ay nakaramdam ng takot at pinanood na lamang ang ginagawang pag lampaso nito sa kawawang bading. "That's enough..! Bitiwan mo siya. Mga putang ina nyo..! Ang babastos nyo. Sa mismong harapan ko pa talaga. Wala kayong galang." Sigaw ni Ulysses at lumapit na sa grupo na nasa mesa/ Deadma lang ang lalaki at patuloy na nilampaso pa rin ang mukha ng bading. Kahit paano ay naawa ako dun dahil mukhang hirap na hirap na itong ubusin ang pagkain na nasa lamesa. Pero hindi pa rin ito tinantanan ng lalaking tinulungan ko. Ngudngod kung ngudngod talaga. Hindi man lang ito natinag sa lakas ng boses ni Ulysses. Kaya naman mas lalong nagalit si Ulysses at kumuha ito ng upuan. Lumapit ito sa lalaki at akmang ihahampas nito iyon dito. Sa pagkakataong iyon ay ipinikit ko na lamang ang aking mga mata. Kasabay ng mga pag singhap at sigawan sa paligid. Ayoko kasing masaksihan na masaktan ito ni Ulysses. Subalit pagkagulat na pag kasinghap ang naulinigan ko sa paligid. Kaya naman muli ko itong idinilat at nakita ko si Samjo, na pigil pigil nito si Ulysses. Napigilan nito ang pag hampas sana ni Ulysses sa lalaki. Parang wala nga lang dito ang lakas ng demonyong iyon. Kay Bilis naman nitong nakarating doon. Katabi ko lang ito, eh. Hindi ko man lang namalayan na nag lakad na pala ito patungo roon. "Oh oh! Not a chance." Sabi ni Samjo rito. Bumakas man ang gulat sa mukha ni Ulysses ay saglit lang din iyon. "Putang ina..! Sino ka naman? Kasama mo ba tong mga to? Hindi nyo ba ako nakikilala? Mga hayop kayooooooo..!!" Sigaw ni Ulysses na pag kalakas lakas na halos ikaputok na ng litid nito. Halatang napapahiya na ito sa nangyayari. Kaya ganun na lang ang ipinapakita nitong galit. "Wala kaming pakielam kung sino ka. At wala rin kaming balak alamin." Simpleng sagot ni Samjo rito. Tuwang tuwa ako sa nasasaksihan ko. At tahimik akong nag didiwang at chinicheer ito. Ngayon lang kasi ako nakasaksi ng mga tao na kumakalaban sa Rainbow Gang. Ang saya pala. Pilit inaagaw ni Ulysses ang upuan rito, pero wala itong laban sa lakas ni Samjo. Kaya binitawan na lang nito iyon at biglang sinapak na lamang si Samjo. "Yan ang nababagay sa pakialamerong tulad mo. Sayang ang gwapo mo pa naman. Hindi bale, maipapagahasa rin kita sa grupo namin. Hahahahahaha" Tawa nito matapos manapak. Pero hindi yun agad nag tagal dahil sinapak din ito ni Samjo ng pag kalakas lakas, dahilan para ikatalsik nito iyon palabas ng cafeteria. Bumulagta ito malapit mismo sa harapan ko. "Not the face baby. Not the face." Narinig ko pang sabi ni Samjo. Tahimik ang lahat ng tao sa nasaksihan gulo na nangyari. Grabe sobrang lakas ni Samjo. As in. Walang ka effort effort na napatulpit nito si Ulysses ng ganun kadali. s**t. Tinignan ko lang ang katawan ni Ulysses na hinimatay na ata sa lakas ng natamo nitong sapak. Duguan pa ang mukha nito. Pumutok na yata ang ilong nito. "Nararapat lang yan sayo. Kulang pa nga yan sa pag hihirap na ipinadama nyo sa akin sa araw araw." Bulong kong sabi. Wala akong naramdaman na awa sa kanya. Nawala ang gutom ko na naramdaman at agad na rin akong umalis ng cafeteria. Nang makita kong lalapit na sa pwesto ni Ulysses ang mga alipores nito. Baka kasi makita pa nila ako roon at sa akin maibaling ang inis nila. Nainggit ako kay Samjo. Kung sana ay naging ganoon lang ako katapang at kalakas. Malamang hindi ganito ang sitwasyon ko ngayon. Malamang ay hindi nila ako mabubully at malamang ay nasa akin pa rin si Emmet, hanggang ngayon. Mabilis na akong nag lakad patungo sa auditorium. Doon na lang ako kakain. May mga stall naman ng pagkain na nagtitinda naman doon sa baba. Tama lang naman ang dating ko dahil nagsisimula pa lang mag linis ang kapwa ko rin eskolar na mga estudyante. Agad na akong tumulong upang makatapos din ng maaga. May isa pa akong klase mamayang alas dos. Aabalahin ko muna ang sarili ko habang hindi pa ako ginugulo ng mga demonyo. Tiyak ko rin na makakarating ang gulong nangyari kay Stephen. Lalo pa at tatlo na sa mga kaibigan nitong demonyo ang nasasapak na. Sana hindi mapahamak si Samjo o ang lalaking nag ngudngod sa alipores ni Ulysses. Mukhang mababait pa naman sila. Mag kaibigan kaya ang mga iyon? Sana maging ligtas sila. Dahil tiyak akong reresbak ang grupo ng mga demonyo na yun. Gaganti sila. Yun pinaka sigurado.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD