Veronica Richelle Saldovar
I grew up na sinasang-ayunan palagi ng mga magulang ko ang lahat ng gusto ko. Kaya nasanay na akong hindi nila ako pinapagalitan kahit anong gawin ko sa buhay ko. Little did I know pinupuno lang pala nila ang baso ng pasensya nila at ngayon, umapaw na ang basong matagal na nilang pinupuno.
“Mama, please ayaw kong tumira roon” pagmamakaawa ko kay mama. I need to convince her that what Sheila saw is not true . Ayaw kong tumira ng Pilipinas. Ang isipin pa lang na titira ako sa bahay ni Lola Esther ay gusto ko na lang mamatay. I can’t live there. Puro puno, palayan at mga baka ang makikita ko. There's no thrill.
“No, Nica kailangan mong magtanda, masyado ka nang napapariwa dito sa America. Sagad na ako sa mga pinaggagawa mo” galit nitong saad. Umupo siya mula sa pagkakatayo at hinipo hipo ang gilid ng kanyang ulo. I look at her, ganoon na ba talaga ako kasakit ng ulo sa kanila?
“Ma, please magbabago na po ako. I promise aayusin ko na ang buhay ko. Hindi na ako magpaparty” nakataas ang kanang kamay ko na parang sumusumpa, tuloy tuloy sa pag iyak. Kinakabahan sa magiging kahihinatnan ko sa Pilipinas. I don’t know anyone there. At isa pa, hindi porket pariwara ako dito ay kailangan ipatapon nila ako agad doon. That’s unfair! I look at my brother Hendrix to ask for his help.
“Hendrix, please believe me hinatid lang ako ni Carlo sa kwarto ko” pangungumbinsi ko sa kanya.
“I am too drunk to walk, hinatid niya lang ako” naghehisteryang turan ko. Halos mawalan narin ako ng hininga dahil sa kanina pang pag-iyak. Afraid of my parents decision. I look at my brother, he is my only resort now. He can convince them.
“Stop explaining Veronica”
“Sinisiraan lang ako ni Shiela kasi may gusto sa akin si Carlo.” pasigaw kung turan kay mama. I am trying my best to explain my side to them pero masyado na silang bingi para pakinggan ako.
"Veronica" malakas na sigaw ni papa sa akin nang narinig niyang sinigawan ko si mama.
"Yan ang natutunan mo sa pagsama sa pariwarang mga bata. Hindi mo na nirerespeto ang mama mo" galit na galit na sigaw ni papa. Para akong s**o na bumalik sa pagkakasiksik sa shell dahil sa takot sa kanya.
"But I'm just telling the truth papa" hikbi ko.
"mas pinaniniwalaan niyo pa siya kesa sa akin" I said helplessly. Pinagkakaisahan nila ako.
“No Veronica, pag hindi dumating si Sheila ay baka narape ka na!” my mom said. Masyado na silang bingi para pakinggan ako. Hindi ba nila alam na magka-away kami ni Sheila. Sabagay, paano nila malalaman, puro trabaho ang inaatupag nila.
“but Carlo is different” I shouted, out of frustration in them. Ako ang anak nila pero ang ingratang yun ang pinapakinggan nila.
“Masyado kang nagtitiwala sa mga lalaki, I told you to stop hanging with boys! Kaibigan mo man yan, lalaki pa rin yan. Hindi ka sigurado sa totoong intensyon sayo.” galit na saad ni papa. Mas lumakas ang hagulhol ko. Alam na sa pagkakataong ito ay wala na akong takas.
“Hendrix please convince them, ganito lang ako bat I know my limitation” tawag ko sa kambal ko.
“I already warned you Nica to stop seeing him” matamang niyang saad. I cried more, pati siya hindi na rin ako pinapaniwalaan.
“You know your limitations? Pero hindi ka tumitigil sa pagpaparty mo. Kung sino sino rin ang naguging boyfriend mo. Busy ako pero alam ko parin nangyayari sa buhay niyo! Kailan ka ba magtatanda. I’m done with all of your bullshit. Lagi mo na lang kaming binibigyan ng sakit ng ulo” galit na sigaw ni Mama. Alam ang lahat? Pero ang napapansin lang puro ang mga kamalian ko.
All my hopes are now gone. Even Hendrix didn’t sided with me. Siya lang ang laging nagtatanggol sa akin tuwing pinapagalitan ako ni mama kahit kasalanan ko pa. Pero pati siya, nasagad na rin.
Masyado akong lasing kagabi kaya hindi ko alam ang nangyari. Nagising lang akong galit na galit si mama. Nagsumbong ang pinsan kong nakita nya daw kami ni Carlo na naghahalikan at muntik nang mag s*x, kung hindi niya lang kami naabutan. I’m too stunned to speak because of what I’ve heard dahil hindi naman yun totoo. Masakit din ang ulo ko dahil sa hang over. Nahimasmasan lang ako ng narinig ko si mamang ako daw ang papauwiin niya sa Pilipinas.
“You will stay there hanggang magtanda ka, pag nalaman kong may kalokohan kang ginawa roon, hindi ka na talaga makakabalik dito” pagbabanta niya sa akin.
“Pack your clothes, aalis ka na bukas na bukas mismo!" my mom said before she left. Yun na yun. Agad agad? Hindi ko man masabihan ang mga kaibigan ko. I can’t believe her! Wala siyang awa sa akin.
Umiiyak akong tumakbo ng kwarto ko. Hindi makapaniwala sa parusa ko. I can’t believe na ipagkakatiwala niya ako kay Lola. Ang taong sobra niyang kinamumuhian niya. Kahit kailan, hindi ko naramdaman ang pagmamahal niya sa akin. I am the black sheep of the family, laging si Hendrix na lang ang pinagbibigyan nila. Anong magagawa ko, hindi ako kasing talino niya. I barely passed my major subjects.
I started to pack my things. Wala na rin akong magagawa sa desisyon nila. I heard knocks in my door at ang pagpasok ni Hendrix. Umupo ito sa tabi ko at sinamahan akong mag ayos ng damit. Tinignan ko siya. Guwapo sana siya kaso lalaki rin ang gusto niya. Umirap ako sa kanya.
Tumingin siya sa akin at inirapan rin ako.
Masungit ako pero mas masungit siya sa akin.
"You have to be good there kung ayaw mong doon na forever tumira" pang-ookray niya. Ang matalim niyang tingin sa akin ay lumambot nang muli akong humikbi.
"shhhhh" pagtatahan niya at mahigpit akong niyakap.
"how could you all not believe in me, I'm telling the truth" nagtatampo kung turan sa kanya.
"I believe in you" malumanay niyang bulong sa akin. Inangat niya ang ulo ko mula sa pagkakasandal sa dibdib niya.
"but I know na ang pagpunta roon ang mas makakabuti sayo, you are slowly losing yourself here Nica" malungkot niyang saad sa akin. Namumula na rin ang mata. Pilit akong ngumiti sa kanya.
He's true, hindi ko na kilala ang sarili ko. Hindi naman ako ganito dati ehh but I don't know when it started, but one thing is sure, mas nag-eenjoy ako ngayon kesa sa dating ako.
"If that is what you want, then I'll do it" i told him and hug him tightly.
I'm so lucky to have him. Our differences makes us closer together. Kahit na sobrang busy siya sa kanyang buhay, he always makes time for me kahit na madalas kaming pagkumparahin.
"I will miss you" he said and I hear his small sobs. Tinapik ko siya sa balikat at nangingiting pinunasan ang mga luha ko.
Iyakin talaga ang baklang ito.
Gaano man kasaariwa ang hangin na nalalanghap ko ay hindi ko magawang ngumiti, hindi noon kayang palitan ang bigat na nararamdaman ko. . My mind is clouded with so much hatred and anger.
Five hours drive is too long and boring. I hated my mother. Pinauwi niya ako agad dahil nahihiya siya sa sasabihin ng mga kamag anak namin sa Amerika sa akin. Mas iniisip niya pa ang sasabihin nila kesa sa nararamdaman kung anak niya.
“Ma’am kumusta po ang biyahe niyo?” tanong ni manong driver. I looked at the rearview mirror. Naka-focus ang tingin nito sa kalsada.
“Ayos lang naman po Kuya” I answer. Kanina pa tumutunog ang cellphone ko pero wala akong lakas na tignan iyon.
“Maganda po dito sa Tarlac ma’am. Marami po kayong mapapasyalang bundok at beach” nakangiti nitong turan.
“Ganoon po ba kuya, ahmm bakit kayo lang po pala ang sumundo sa akin. Where’s Lola?” I ask, though I didn’t want to see her, I’m just curious.
“Ahhh, ma’am mahina na po si ma’am Esther, hirap na siyang makalakad at may dementia na rin po” malungkot nitong sagot.
Kumunot ang noo ko. Then what am i gonna do here? Alagaan siya?
Papupuntahin niya kami dito kung kailan mahina na siya. Pinabayaan niya sila mama tapos ngayon gusto niyang makita?
“Kailan pa po?” mahinahon kung tanong.
“dalawang taon na ma’am, mahina na siya ma’am kaya po ginawa lahat ni Sir Kulas para mapauwi kayo dito” nakangiting saad ni manong.
“Kulas?” I said nonchalantly.
“Di niyo po ba siya kilala ma’am, siya po ang ampon ni Ma’am Esther”
I was about to speak when the car entered a wooden gate. Sa tanaw ko ay nakita ang lumang bahay. Old fashioned house with a mixed of modern style. You can see na inaayos at pinapalitan ang mga materyales pero hindi binabago ang disenyo nito, katulad pa rin kung paano ito pinatayo. Tumingin pako sa paligid at nakita ang napakalaking puno ng salamague at napakaraming tulips, iba't iba ang kulay na sumasayaw kasabay ng paghampas ng hangin.
Pinagbuksan ako ni manong ng pinto at paglabas ko ay natanaw ko ang isang matandang babaeng nakaupo at dumuduyan sa upuang rocking chair. Malalim ang iniisip at nakatingin sa malayo. Puti na ang buhok at kulubot na ang balat tanda ng katandaan. Mahigpit na yakap yakap ang isang kulay pulang notebook. Mula sa punong pintuan ay nakita ko rin ang paglabas ng mga kasambahay. Hindi ko sila pinansin pero isa isa silang ngumiti sa akin at pumuwesto sa harapan ko.
“Maligayang pagdating Ma'am Veronica" sabay sabay nilang bati.
"Matagal na po kayong hinihintay ni Ma'am Esther" nakangiting saad ng pinakamatanda sa kanila na nagpatigil sa akin.