Nakatulog agad ako pagkahatid sa akin ni Major, Nag halfbath lamang ako sandali at nahiga na rin pagkatapos. Kinabukasan ay kailangan kong kumilos, nag text pala si Nanay Soling hindi raw sya makakapunta ngayong araw dahil may importanteng pinuntahan ang anak nya at walang maiiwan sa mga apo. Kaya ako na lamang ang kumilos.
Nagluto lamang ako ng Egg and bacon para sa almusal. Habang nag aalmusal ako ay tumunog ang aking Cellphine dinampot ko ito para malaman kung sinong tumatawav ngunit walang iba kundi si Daddy kaya sinagot ko ito agad.
"Hello Daddy..." Tanong ko rito.
"Hello Anak, kumusta ka dyan
"Ok lang naman po dad, kelan po kayo uuwi?
"Hindi ko pa alam anak, pero malapit na siguro, baka makauwi ako dyan surprise nalang.
"Sige po dad, Mis you ingat po
"Mis you anak, ingat din dyan, ingatan mo ang sarili mo.
Wika ni Dad sa kabilang linya, Compare kay mam medyo mas nalalapitan ko si Daddy, pero iba din ang ugali ni Dad, especially pag natatalo sa sa sugal, i remember when i was young natalo sya isa ako sa napagbuntunan nya ng galit, Tinadyakan nya ako ang sabi ni nanay soling nawalan daw ako ng malay,pero di ko matandaan basta huli kong naalala sinipa nya ako.
Hindi ko alam bakit ganyan sila minsan sa akin, kahit ngayong malaki na ako, lalo na si mama,palagi nya parin akong pinarurusahan kahit simpleng sablay ko.
Pagkatatapos kong kumain at maligo ay gumayak na akong muli, itinaas ko ang aking buhok, binuksan ko ang butones s unahan ng aking uniforme, nag lagay ako ng light make up, nang maayos ko na ang sarili ko ay kinuha ko na ang bag ko at saka lumabas ng bahay, paglabas ko ay naghihitay na si kuya gelo at inihatid na ako sa school.
Pagpasok ko pa lamang ay binatibna ako ng mga ka klase ko at sunod ay si Cat at Monika.
"Uyy mhie, kumusta kahapon? Sorry di kana namin naintindi ha, alam mo na kasama kasi ang pamilya nagkaayaan lumabas," Wika ni Cat.
"Ano kaba, ok lang yun, masaya nga ako para sa inyo dahil kasama nyo ang family nyo." Saad ko naman rito.
"Eh ikaw Reign San ka after? Pero grabe kinikilig ako sa inyo ni Major kahapon nung sinabitan ka nya, Hmm parang may spark kasi yung tinginan nya sayo. Wika ni Monika.
"Hmmm parang wala naman" saad ko rito.
Haha..Oy mhie alam mo ba ang latest chika yung ex mong si dwight ayon magiging tatay na buntis na yung girl na ipinalit sayo hehe" Siguro kung ikaw ay pumayag na mapunit ni Dwight baka ikaw yung nabuntis hahaha".
"Sira ulo, hindi nga ako pumayag kaya nga kami naghiwalay diba.
"Pero mabalik tayo san ka kahapon?muling tanong ni Cat.
"Wala sa Hug A Mug lang inaya ako ni Major, tapos kumain kami ng Streetfoods" wika ko sa kanila habang nakangiti..
"Oyyy,bat nakangiti ka dyan?
"Wala lang haha ayaw nya kasi ako payagan nong una pero huli pinagbigyan din naman ako.
"Ayiieee..Pero infairness ang Pogi at Hot ni Major Escobar, ang sarap tingnan ng bandang gitna nya, parang laging sasabak, hahaha," wika ni Cat
"Anong Sasabak?
"Sasabak sa Digmaan,haha Sulit siguro ang Punit kapag si Major Escobar" dagdag pa nito.
"Ang aga aga ang kalat ng Usapan natin saka tigilan nyo nga si Major mamaya masamid pa yon kakabanngit sa name nya.
Tara na nga baka ma late pa tayo, balita ko bago ang professor natin ngayon sa isang subject, Papalit kay Ms.Mella." saad ni Monika
"Balita ko rin FAFA yung papalit kay mam mella, Pogi raw sabi ng ibang course" sabi naman ni Cat, wala talagang makalusot dito basta gwapo ang usapan.
Pumunta na kami sa room namin at ang mga classmate namin ay mga nakaupo na, umupo na rin kami sa kanya kanya naming upuan.
Ilang minuto lamang ang nakakalipas pumasok ang isang lalaki na sa tingin namin ay matanda lamang sa amin ng ilang taon, Matangkad ito, Medyo maputi, At tama nga ang chismis Gwapo ito.
Nakangiti itong bumati sa amin ang Bago naming instructor at nagpakilala.
"Goodmorning Class, Ako ang reliever ni Ms.Mella. Im Hideto Alvez 25 years old you can call me Sir Hyde. Maaga lang ako nakatapos at nakapasa kaya heto ako sa harap nyo at nagtuturo. Don't worry Class, hindi naman ako stricto basta sumunod at makinig ka lang sa subject ko magkakasundo tayo, at Isa pa Teacher-Student tayo sa Klase, pero remember pwede nyo akong ituring na kaibigan sa labas, Hindi ako nangangagat, hehe Ok ba yun class? Tanong nito.
"Opo sir...Thank you po..and welcome..Ahm sir may lahi po ba kayong Hapon?" Tanong naman ng iba naming ka klase, Nakatingin lamang ako, Ok andon na tayo sa gwapo sya, pero parang Kuya material lang sya para sa akin.
"Ahm Yung mama ko is Japanese but my Dad is Filipino, but sad to say namatay si Mama when i was 2 years old because of car accident," wika naman nito na medyo lumungkot nag boses.
"But tuloy ang buhay, Now i have step mother pero tinuring nya akong Tunay na anak at meron din akong isang kapatid na lalaki na 8 yers old.
Dahil unang araw nya ay nakipag getting to know pa sya sa klase.
Pagkatapos noon ay nagpasa kami ng index card na may name at isa isang tinatawag at nagpapakilala.
"Evren Reign Solares?"
"Present Sir, You can call me evren or reign, 18yrs old.
Pagkasabi ko noon ay naupo na ako, Ngunit nananatili paring nakatitig sa akin si Sir Hideto.
"Ahmm Sir Hyde, baka matunaw si Frenny Sa mga titig nyo, hehe" wika ni Catriona kaya nagtawanan namn.
"Im sorry Ms.Evren,para kasing pamilyar ka, hindi ko ma recall o baka kahawig mo lang." Wika nito sa akin, tumango na lamang ako.
Sya rin ang instructor namin sa Physical Education.
Magaling mag turo ang bago namin professor mabilis nya makuha ng ugali ng mga estudyante, hindi din kasi sya boring, kaya halos lahat ay nag paparticipate sa kanya.
Kasalukuyang nasa Gym kami para sa activity ng bigla syang lumapit sa akin.
"Hi Reign, Bakit andito ka,Bakit hindi ka makisali sa kanila?" Nakangiting tanong nito sa akin.
"Mamaya na po sir, medyo napagod po ako sa activity natin"
"Ganon ba, mukha nga, hinihingil ka eh, Water oh"
"Salamat po sir Hyde" wika ko rito saka inabot ang tubig..
Ilang saglit pa syang nakipag usap maya maya ay tumunog ang CP nya.
At may kaausap ito,sa tingin ko ay yung step mom nya dahil tinawag nyang Mama,Hindi nman na ako nakinig sa usapan binalik ko na lamang ang tingin sa mga naglalaro kong mga ka klase.
Hyde POV
Tumatawag si Mama Kayat sinagot ko ito agad.
Kinukumusta nya ako, Ngayon lang kasi ako napahiwalay nang malayo sa Family ko, Andito ako sa manila nagtuturo samantalang sila naman ay nasa Cagayan. Mis ko na rin naman sila, Ang mga luto at bilin ni mama, Ang Pagbibigay ni Papa ng Tamang Diskarte, at ang Pangungulit at paglalambing ni Bunso.
Pero heto ako sa manila at kailangan lumayo sa kanila para sa propesyon ko, Bago ako umalis ay May ibinigay sa akin si Mama, Larawan daw ito ni Faith, ng kapatid namin.
Ingat na ingat dito si Mama kaya pinoto copy nya ito at pinaprint pa ang iba para daw in case na mawala.
Kinuha ko naman ang larawan ni Faith, Napaka puti at napaka cute nito, kaya lang pano ko naman makikilala ito eh baby pa sya sa picture na ito.
Kaka kwento ni mama about kay faith simula ng dumating sya sa buhay namin ni papa pakiramdam ko tuloy kasama na sa buhay ko ang kwento nya, kaya tumatak na rin sa isip ko na totoo ko syang kapatid
"Anak, alam ko na imposible, pero baka sakali lang na...Na makita mo ang kapatid mo anak, alam kong maliit ang porsyento pero ayoko mawalan ng pag asa.
"Mama, hahanapin ko po si faith susubukan ko, pero mama, ayoko pong masaktan kayo, kaya wag nyo rin po asahan na mauuwi natin sya agad dito."
"Alam ko naman anak, pero salamat at tutulungan mo ko hanapin ang kapatid mo, masaya ako anak.
"Wala pong ano man mama, pero mama ano po ang palatandaan ni faith? Tanong ko kay mama.
Ang palatandaan ko kay Faith ay ang Bithmark nya na Heart Shape sa tagiliran." Saad ni mama.
Tumango lamang ako.
"Ahm pano po mama mag iingat po kayo" mamimiss ko po kayo.
"Ikaw din anak, ingat ka. gabayan ka nawa ng panginoon" saad ni mama sa akin. At nang araw rin na yon ay nilisan ko ang Cagayan.
3rd person POV
Tinawagan ko Si Hyde ang Panganay naming anak ni Hector, Hindi ko sya Tunay na anak pero kahit kailan ay hindi ko sya tinuring na iba.
Pitong Taon lamang si Hyde nang makilala ko silang mag ama, Si Hector ang tumulong sa akin, Si hector ang sumagip at ang nagsabing patuloy akong lumaban, sya ang naging sandalan ko sa mga panahong lugmok na lugmok ako.
Ilang taon na ang lumipas ngunit tila kahapon lang ang lahat,
Isang Gabi ng Tambangan kami pauwi, Sinundo ako ni Fred sa bahay nang aking mga magulang kasama ang nag iisa naming anak Si Mary Faith, masayang masaya pa kami sakay ng second hand n tricycle na nabili namin galing sa aming naipon, ng harangan kami ng Isang Puting Van sa madilim na parte, Agad nilang Hinila si Fred at dinala sa damuhan, sumisigaw ako ng tulong ngunit tila walang makarinig sa amin, Binugbig nila si Fred, hindi ko sila kilala pero ang naririnig ko sa kanila ay "UTOS ng Boss" wala akong kilalang kagalit ni Fred dahil mahusay syang makisama sa mga tao.
Buhat buhat ko ang anak kong Si Mary Faith na wala pang isang taon nang panahon na iyon., Pati ito ay umiiyak na rin dahil sa ingay at takot.nakiusap ako na wag kaming saktan ngunit tila bingi ang mga ito.
Hangang sa 3 magkakasunod na putok ang aking narinig at nang lingunin ko ay nakita ko si Fred na wala ng Buhay,
Sumunod ay ako ang tinutukan nila pati Si Mary Faith.
Nakiusap ako na wag na idamay ang anak ko, Ako na lamang.
Ngunit dalawang putok ang aking narinig sabay bagsak ko sa lupa, Tila nawalan ako ng Malay, dko na magawang gumalaw. Iyak ng anak kong si Mary Faith ang naririnig ko,
"Tumahimik ka Bata" isusunod ka namin sa mga magulang mo!
Wika ng isa.
"Gago! Itanong mo muna kay boss kung anong gagawin sa bata , wag kang pala desisyon!
Saad naman ng isa.
"Oo na oo na..nakakainis kasi napakaingay!
Nang kausap na nila ang Tinutukoy na Boss ay tumigil sila.
"Anong Sabi?
"Iuwi daw ang bata at dalhin kay
boss"
Etong mga bangkay pano to?
"Gago ka Talaga, E di itapon sa bangin..Bobo di nag iisip!
"Wow..ha nahiya naman ako sayo"
Wika pa nila, namalayan ko na lamang na hinihila na nila ako nakita ko pa nang ihagis nila sa bangin ang bangkay ni Fred, maya maya ay Katawan ko naman ang hinagis nila.
Ang tanging pinagdarasal ko lamang ng oras na yon ay ang kaligtasan ni Faith, na sana wag syang mapahamak, kung mamamatay man ako sana Lumaking maayos ang anak ko, ngunit dahil malalim ang bangin paghagis nila sa akin ay sumabit ako sa may puno, hindi ako tuluyang nalaglag, hindi narin naman nila sinilip dahil gabi na.
Iyak ako ng iyak at dasal ng dasal, nang naramdaman kong tahimik na ay saka ako dahan dahang gumalaw at kumapit sa mga baging, salamat na lamang din dahil di malalim ang binagsakan ko, May tama ako sa Hita at sa may balikat, pero tiniis ko sinubukan kong gumapang hangang sa makalapit ako sa medyo tanaw ang kalsada,
Pakiramdam ko ay malapit na akong mamatay hinihintay ko na lamang na mawalan ako ng hininga hangang sa bulto ng isang lalaki ang lumapit sa akin, agad ako nitong pinasan at sinakay sa sasakyan, ang mga sumunod na pangyayari ay di ko na alam dahil nagising ako kinabukasan ay nasa kwarto na ako, maaliwalas at tahimik,
Bumungad sa akin ang Isang lalaki at ang Kasama nitong Batang Lalakinna nasa edad pitong taon.
Bigla kong naalala ang Anak ko..Si Faith...ang pinaka mamahal kong si Faith.
"Faith..Faith..Nakita nyo ba si Faith ang anak ko? Faith...Faith. Ko ...anak nasan ka...
Mis,..Kumalma ka please ....
"Kumalma? Wala ang anak ko kumalma? Faith anak....Faith..."
Nagwawala na ako non, kayat niyakap ako ng lalaki at inutusan nya ang bata na iabot ang syringe saka ito tinarak sa akin, Umepekto naman ito at tila nanlambot ako at kumalma.
"Sorry mis...pero kailangan mo yan, Kailangan mong magpalakas, Hindi ko alam kung nasan ang anak mo, pero dalangin ko rin na nasa mabuti sya.
Hwag kang matakot sa amin, di kami masama, Tutulungan ka namin.
Pero kailangan mo rin tulungan ang Sarili mo..
Ako nga Pala si Hector at ang anak ko si Hyde..
Yun ang araw na nakilala ko ang mag ama, Mabuting tao sila, Binihisan, pinakain at inalagaan nila ako,
Napalapit ang loob ko kay Hideto or Hyde ang anak ni Hector, Kung ako ay naghahanap ng anak, sya naman ay naghahanap ng kalinga ng ina, Kayat itinuring at pinaramdam ko sa kanya ang pagmamahal na Hinahanap nya.
Hindi naman mahirap mahalin si Hector kaya after 2 years ay nagpakasal kami at nagkaroon ng anak, ang bunso namin si Harry Freyr na ngayon ay 8 taon na.
Ilang taon na ang nakakalipas kumusta na kaya ang anak ko?
Asan na kaya si Mary Faith?
Dalaga na sya Panigurado 18 years old na sya ngayon, siguro napakaganda nya,
Sa ganong paraan ko sya inaalala habang hawak ko ang tanging gamit na naiwan nya sa akin nang araw na yon ang BABERO/BIB na gamit nya, Palagi ko itong dala dala at kasama kahit saan, may Burda pa ito ng pangalan nya.
"Kaya ipinadala ko kay Hyde ang
larawan nya at nakiusap ako na sanay magkita sila ng kanyang kapatid,imposible pero di ako nawawalan nang pag asa .
Mis na kita anak, Sana makita kitang muli....
MAHAL NA MAHAL KITA MARY FAITH Anak ko...