Nakatulog na ako sa pag iyak.
Kinabukasan ay awarding na namin buti na lamang at tanghali pa ito kahit papaano ay makapag papahinga pa ako, Masakit man ang katawan ay kailangan kong kumilos,
At mag panggap na walang nangyari,Uminom na lamang ako ng Pain reliever ng sa ganon ay maibsan kahit papano ang sakit.
Pag gising ko ay wala na si mama, umalis daw ito kaninang madaling araw patungong Paris, Si Daddy naman ay nasa Cebu at Focus sa pinapalakad nyang pasugalan.
No choice wala talagang mag sasabit ng award ko, makikiusap na lamang ako kay Teacher Marjie na sya na lang ang magsabit sa akin.
Naka uniform lang naman kami ngayong awarding.
Sinuot ko ang aking uniform, nilugay ko ang aking buhok saka kinulot ang dulo nito.
Pagsuot ko ng Skirt ay nakita ko pa ang pasa sa aking mga hita dahil tinamaan ng Buckle ng panghagupit ni Mama.
Nang matiyak kong maayos na ang aking sarili ay nagpaalam ako kay manang soling.
"Hija, Bakit ganyan ka maglakad, Sinaktan kana naman ba ni Matilda kagabe?
Tanong sakin ni Manang soling.
"Opo nay soling, Nalate po kasi ako ng uwi ayaw pong maniwala ni mama na muntik na akong ma pahamak kaya na late ako ng uwi.wika ko kay manang.
"Hayyy...Kelan kaya magbabago yan si matilda,
Oh sya lumakad kana hija at baka ma late kapa.
"Sige po nay soling una na po ako," saad ko saka ako inihatid ni Kuya Gelo ang on call driver namin.
Pagdating sa eskwelahan ay nakita ko ang mga ka klase ko, lahat sila ay masaya kasama ang kanilang mga magulang.
Nakita ko naman si Catriona kasama si Tita Agness ang Mama nya at Si Monika kasama si Tita Mona.
Kinongrats nila ako.
"Oh Evren asan ang mama mo? Wika ni tita mona.
"Wala po si Mama Tita, umalis po kanina papuntang paris.
"Ganon ba, sinong mag sasabit sayo?
"Wala po eh, makikiusap nalang po ako kay teacher Marjie mamaya.
"Ah ganon ba,kung magkasunod sana kayo pwede kitang samahan kaso Sasabitan ko rin si bunso sa kabila.
"Its ok po tita Mona, kay mam nalang po.
"Oh sya tara na sa loob at mag sisimula na,"
Pumila na kami,patungo sa kanya kanya naming upuan, Hindi ko makita si Ms.Marjie pero nag message ako sa kanya kanina.
Ako lang ang walang kasamang magulang sa Pila, kahit papano nakaramdam ako ng inggit sa mga kaibigan at ka klase ko,
Nakita ko si Mam Marjie, nasa unahan ito at may inaasikaso baka mamaya nya nalang ako samahan sa pag Akyat.
Maya maya ay Nakita ko na may mga Pumasok na mga Pulis sa loob ng auditorium may mga Hawak na K9 ang iba, siguro ay mga magbabantay.
Nagsisimula ng Maglakad.
Pinipilit kong ngumiti kahit ako lamang ang walang kasamang parents sa pag mamarcha, nakatingin sa akin ang mga Schoolmate ko pati ang ibang parents binabati nila ako tumatango lamang ako, ,napayuko na lamang ako dahil tila gustong bumagsak ng luha ko, simple lang ang pakiusap ko kay mama kahit umalis na sya agad kapag naka pag award pero ayaw nya di nya ako pinagbigyan, mas pinili nya ang travel. patuloy lamang ako sa paglalakad ,ngunit sa gitna ng paglalakad ko nagulat ako ng isang Pigura ang tumapat sa Aking gilid at sumabay sa akin sa paglalakad sa hanay ng mga Magulang medyo nagulat pa ako ng mapagtanto kung sino ito walang iba kundi si Major Yohan Grae.
"Major?"
"Yes?"
"A...Anong ginagawa nyo rito?"
"Hehee Ay naku bata ano ba sa palagay mo ang ginagawa natin? Nag mamarcha diba?"
Wika nito
"I know, pero bakit?"
"Para samahan ka, Kinausap ako ni Ms.Marjie na samahan ka, may inaassist din daw kasi sya thats why im here" saad pa nito.
"Nakakahiya naman sayo major"
"Its okay Bata, " Dito rin naman kami naka assign para magbantay eh, kaya no Worries"saad pa nito.
"THANK YOU" tanging salita na nasabi ko hangang sa sumapit kami sa upuan, sa kaliwa kasi ang student at sa kanan ang parents kaya pagdating sa dulo ay naghiwalay kami.
After mag salita ng Panauhing pandangal ay nagsimula na magbigay ng award. Section na namin ang sunod kaya naghanda na ako.
"Third Honorable- Ms.SOLARES EVREN REIGN ALANO.
Pagkatawag sa aking pangalan ay Tumayo ako, Tumayo rin naman sa kabilang side si Major Yohan saka kami nagsalubong maglakad at nagsabay naman padating sa dulo.
Pag dating ko sa Stage ay kinamayan ko ang mga professor tulad ng ginawa ng iba at nang iabot kay Major ang Medal ay Saka nya isinuot sa akin, nagkatitigan kami habang sinasabit nya sa akin ang Medalya.
Congrats, ! Wika nya sakin,Tumango naman ako sa kanya.
Pagkatapos isabit ay sabay rin kaming bumaba..
"Thank you Ulit Major" saad ko ulit dito.
"Okay na nga diba nakakarami ka na Sisingilin na kita kakaulit mo."
Wika naman nito.
Ang sungit talaga..
"Tumingin na lamang ako sa kanya at ngumiti ng bahagya at napansin ko namang nakatingin rin sya,
Bumalik na ako sa upuan, ilang minuto pa ay natapos na rin awarding.
Lalabas na sana ako ng batiin nya ako ulit .
"Congrats ulit! Bata! Saan ka na nyan?
"Hmmm..Hindi ko din alam baka sa Hug A mug nalang ako Major,Kasama kasi nila Monica at Catri yung mga Family Nila." Wika ko kay Major.
"Ahmm.Ganon ba, Sige Pumunta ka sa Hug a Mug, Umorder ka ng gusto mo susunod ako, don't worry Libre ko." Saad nito.
"No Major, Ako na, Sinamahan mo na nga ako eh, Ako naman ang manglilibre" wika ko naman sa kanya.
"Sige ikaw bahala basta susunod ako okay?"
"Copy Major!"wika ko pa at umaktong nakasaludo
Naglakad na ako palayo, pero bago ako lumabas ng Auditorium ay lumingon ako at tinawag ko syang muli.
THANK YOU MAJOR" wika ko saka Kumaway sa kanya at bahagyang patalon talon habang nglalakad palabas.
Agad akong naglakad patungo sa hug a mug, binati naman ako ni Ate danna, kilala nya na kasi ako sa halos araw araw ba naman na pagpunta ko rito.
Binati din ako Ni Andrei at Troy ang mga crew na kasama niya rito. Si Troy naman ay hindi makatingin dahil niloloko nila sa akin Crush daw kasi ako nito kaya pulang pula ito kapag niloloko ni Andrei.
"Ahm ate Danna 1 Cara macchi, Sans rival and cheese cake, saka ate anong coffee ba yung madalas orderin ni Major? Tanong ko rito.
"Ah..Cafe Americano lang si Major yohan, " sagot naman ni ate danna.
"Okay ate,Saka Cafe americano. Thank you.
"Okay Beh, pa Serve ko nalang ha"
"Okay po, Dun nalang ulit sa pwesto ko, Salamat, Wika ko kay ate danna at saka ito nginitian ngumiti naman din sya sa akin pabalik.
Ilang minuto lamang ay sinerve na sa akin n Troy ang order ko, medyo nakayuko pa ito at tila nahihiya.
"Ahm..Ms.Evren here's your order po." Wika nito saka nilapag ang tray.
"Salamat Troy" wika ko naman na nakangiti, Tila nahiya at napangiti naman ito saka tumango, Gwapo rin si Troy at may dimple. Pero sya yung tipong kakaibiganin mo, yun lang.
Ilang minuto pa akong naghintay pero wala parin si Major.
Tinitingnan na ako ni Ate danna at sinesenyasan kung wala pa rin.
Bigla naman akong nalungkot, Sabi niya Susunod sya pero halos 45 mins na akong nahintay pero di pa rin sya dumarating. Parang nakaramdam na naman ako ng lungkot, Sino nga ba ako para bigyan ng Oras, parents ko nga di ako napaglaanan yung bang tao pa ba.
Kasalukuyan ko nang nililinis ang mesa balak ko na sanang ipa takeout nalang ang coffee at cheesecake ni Major at iwan ko nalang kina ate danah at ipabigay nalang kay major, npero nagulat ako ng may umawat sa kamay ko,
Si MAJOR..
"Im sorry, Im late ..." Wika ni Major na
na hinihingal pa.
Yohan's Pov
Pinakiusapan ako ni Ms.Marjie na kung pwede samahan ang isang student nya dahil wala daw itong guardian,Naalala ko naman bigla si Evren dahil wala ring a attend para sa kanya kung ako na lang din kaya ang sumama? kaso wala na nauna na magsabi si ms.marjie nakakahiya nang tumanggi kaya Umoo na ako, Nang itanong ko kung anong name ng sasamahan ko ay medyo nagulat ako dahil walang iba kundi si Evren., si Evren pala ang estudyante na tinutukoy nya, wala na akong sinayang na sandali kayat pumila agad ako sa tapat nito nagulat pa sya ng makita ako. Nang tinawag ang pangalan nya ay tumayo rin ako at Sumama sa stage, Ako ang nagsabit ng kanyang medalya, habang pababa ay binati ko sya, thank you naman sya ng thank you sa akin, sinabihan ko pa sya na isang thank you nya pa sisingilin ko na sya.
Nakangiti lamang sya sa akin at saka tahimik na umalis. Nang matapos na ang event , ay Muli ko itong binati at tinanong kung ano ba ang balak nya, gusto nya lamang daw magkape, sinabihan ko syang umorder na at susunod ako,
Bago pa sya lumabas ay Tinawag nya akong Muli saka kumaway at nagsabi ng thank you saka tumalikod at tila batang masaya na nabigyan ng kendi,
tumatalon pa ito ng bahagya tulad ng isang bata.
Napailing na lamang ako at napangiti,
Parang Bata ka pa nga talagang Kumilos BATA!
5 mins dapat ay Susunod na ako kay Evren ngunit may hindi inaasahang pangyayari May kahina hinala kasing box na namataan sa isang establishment at balot na balot, rumesponde pa kami rito, kaya lahat ay naalarma, dumating naman ang iba at sila ang naatasang mag check, kami naman ay naka back up at sina sinasaway ang mga tao na nakikimarites lang naman.
Halos mag fo 45 mins na pero kakatapos lamang namin, agad kong pinaharurot ang dala kong sasakyan dahil 45 mins nang naghihintay si BATA hindi ko alam kung nagawa nya ba akong hintayin o baka isipin nyang di na ako darating.
Narating ko ang Shop nila Eris, Nakahinga ako ng Maluwag ng Makita kong hinintay parin ako ni BATA.
Mula sa labas ay natatanaw ko sya, Muli syang tumingin sa oras, Kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata, maya maya ay akma syang tumayo at dahan dahang lilinisin ang pinagkainan, kaya agad na akong pumasok sa shop at hinihingal na dumiretso sa kanyang pwestong inuukupa.
Nagulat pa sya ng pigilan ko ang kanyang kamay na nagsisimula nang mag imis ng kinainan.
"MAJOR?
Wika nya sa akin.
"Im sorry, im late, May Emergency kasi rumesponde pa kami,Sorry kung naghintay ka ng matagal." Wika ko sa kanya.
Ngumiti naman sya ng bahagya bilang sagot.
"It's Okay Major, walang problema,
Akala ko kasi di kana darating, Balak ko sana ipa takeout nalang sayo yung inorder ko.
"Okay na, andito na naman ako eh,
Ikaw? Baka may gusto kapang kainin.
tanong ko sa kanya
"Hmm...meron pero wala rito eh,"
"Ahm.Ano ang gusto mo kung ganon."
"Hmm..Street foods, parang natatakam ako sa Tokneneng at Fishballs" wika ni Bata na sumilay nag ngiti.
"Allow ka ba kumain non? tanong ko rito.
"Kumakain naman ako non Major"
"My question is Allow ka ba?
"Hmm..Syempre ayaw ni Mama na kumakain ako ng ganyon, pero Wala naman sya, Di nya naman malalaman eh"
"No, hindi ka kakain ng Streetfoods"
"Luhh, Bakit hindi pwede, kumakain naman ako non eh"
"Basta, Matuto kang makinig kapag sinasabihan ka para di ka palaging napapahamak!" Ma otoridad kong saad dito,"
"Okay, " wika ni BATA ngunit ramdam kong nalungkot sya.
Naubos ko ang cake at Coffee na inorder nya para sa akin at maya maya ay tumayo na rin kami at nag paalam kina Danna.
Paglabas namin ng shop ay naglakad lakad kami. Inaya ko syang sumakay sa Sasakyan ko para sana ihatid, Akala ko ay tatangihan nya akong muli ngunit Sumakay sya.
Minaniobra ko ang sasakyan at pagliko namin sa malapit sa Plaza ay nadaanan namin ang Mga nagtitinda ng streetfoods habol tingin sya Dito saka biglang tumingin sa akin at biglang yumuko base sa aking peripheral vision .
Ewan ko ba, bakit parang bigla akong nakaramdam ng Awa,
Inihinto ko ang aking Sasakyan at bahagya pa syang nagulat, tinangal ko ang Seatbelt ko at inutusan ko rin syang tangalin ang sa kanya.
Agad akong bumaba at pinagbuksan ko sya ng pinto pag bukas ko ng pinto aksidente akong napatingin sa Hita nya na medyo nakalilis ang skirt, dahil sa maputi at makinis nyang kutis napansin ko na medyo nag ube ito na tila parang pasa, sinubukan kong mag iwas ng tingin pero napatingin ulit ako.nawaglit lamang ng pababa na sya.
Hindi narin naman ako nag usisa pa,
"San tayo pupunta Major? Tanong nya sa akin hanggang sa sumapit kami sa tapat ng mga streetfoods.
"Hmm.Papayagan kitang Kumain pero ngayon lang." Wika ko sa kanya sa seryosong tono.
Bigla namang sumilay ang ngiti sa kanyang labi.
"Talaga Major? Yeyy...Salamat" wika nya saka ako biglang niyakap
Nagulat naman ako, pero tila wala lang sa kanya iyon at mabilis lang din dahil mas excited sya sa pag tusok ng Tokneneng at mga Fishball.
"Major? What do you want?
Magsabi ka na agad, Libre ko ito. Sige ka ngayon lamang ito kaya wag kang mahiyang magsabi" Wika ni Bata na nakangiti. Hindi ko alam bakit ang gaan sa pakiramdam kapag nakikita ko syang nakangiti, Ibang iba sa nakita ko syang umiiyak.
Mataman ko lamang syang pinagmasdan, mula sya sa mayamang pamilya pero kita ko na nakikipamuhay sya sa mas mababa sa kanya, napaka babaw lang din ng kaligayahan nya, nasa ganong pag iisip ako ng magsalita syang muli.
"Hoyyy..Major ano na? Ayaw mo ba talaga? mukang napilitan ka lang talagang samahan ako kumain...pewo...pewo awam kong labarg sha loob mo.."wika nito na medyo bulol na dahil nagsasalita habang kumakain ng Tokneneng.
"Dont Talk when your mouth is full BATA!" saad ko naman rito.
Tila nahirinan naman ito kaya inabutan ko sya ng Bottled water buti na lamang at nabitbit ko ito pagbaba sa sasakyan.
"Oh water, Salita ka kasi ng Salita habang kumakain! Wika ko naman sa seryosong tono.
Ininom nya naman ang tubig, saka muling nagsalita.
"Eh kasi naman major kanina pa ako tanong ng tanong ayaw mo namang magsalita, Pakiramdam ko tuloy ay napipilitan ka lamang na samahan ako" wika naman nito na tila batang inagawan ng Kendi.
"Wag ka nang Magdrama Bata, Kumain kana alam kong Paborito mo yan kaya sulitin mo na dahil rember ngayon lang to" wika ko. Bumalik naman sya sa kanyang pagkain.
"Major"
"Hmmmm?
Pwede bang gayahin mo yung sasabihin ko?
"Ano naman yun,? tanong ko rito.
"Basta mag promise kang gagayahin mo lang."
"Sige sige, Di ka naman titigil diba hangat di ko gagawin?
"Hmmm Alam mo rin pala major eh..Hehe...
"Okay...Major SAY AHHHHH....
wika ni BATA na with feelings pa ewan ko ba bat napasunod ako ng batang to...
"AHHHH" wika ko
Nagulat ako ng dahan dahan nya akong SUBUAN ng Fishball.
Medyo natawa naman ako sa PAKULO ni BATA, mautak rin talaga ang isang to...
"Okay MAJOR one more SAY AHHHH...
"AHHHH..
saka nya ulit ako sinubuan ng Maliit na kwek kwek naman.
"Okay...Another One MAJOR... SAY AHHHH...
"AHHHH" wika ko na namang muli.
Very Good Major...You Made it.
Tuwang tuwa si BATA sa ginawa nya sakin, may parte naman sa puso ko na masaya rin dahil nakita ko syang masaya.
Inabutan nya ako ng tubig Na pinunas nya pa sa kanyang damit.
"Water Major, Walang laway ko yan ah.." wika ni BATA, jusmio matatawa ka nalang talaga sa kanya,
Kung sa itsura mo sya pagbabasehan Tagilid yan sa personality nya Hahaha,
Maganda- Check
Sexy- Check
pero pag kumilos para kang may kasamang Elementary. May pagka Comboy na Isip bata.
Matapos naming kumain ay nag aya pa syang mag stay saglit sa Park.
"Anong balak mo BATA.. Mag Alas otso pasado na.
Wait lang major mamaya ng konti, Wala rin namang tao pa sa bahay, Saka kahit medyo ma late ako ngayon, Wala si Mama, Walang Mananakit sa akin" wika nya na tila nadulas sa sinabi.
"Anong sabi mo?
"Ah..ahm..wala major sabi ko wala naman si Mama,
Biglang iwas nya sa usapan.
Hindi nalang muna ulit ako nagtanong, pansin nya ang pannahimik ko kaya nag aya na syang umuwi.
"Tara na po Major, Uwi na tayo" wika nyang nakangiti ngunit akoy seryoso parin, alam kong meron syang tinatago.
Nasa sasakyan na kami, medyo hirap syang abutin ang seatbelt kaya ako na nag nagkabit.
"Let me do" wika ko
Napalapit naman ako sa kanya, Amoy ko ang gamit nyang pabango na tila natural lang na amoy nito,iniwas kong mapadikit ang braso ko s kanyang Dibdib, medyo nabiyayaan rin kasi ito ng hinaharap hindi sobra pero medyo may laman kumpara sa iba.
Nang makabit ko na ay sinimulan ko nang paandarin ang sasakyan.
Tahimik lamang kami Pauwi at sya ang unang nagsalita.
"MAJOR"
"Hmmmm?
"Thank you ulit ah, Masaya ako Kasi sinamahan mo ko sa Awarding kanina, tapos pinayagan mo pa ko kumain ng streetfood, nabusog ako ng sobra" wika nito at hinimas pa ang tyan na tila wala man lang bakas ng busog dahil impis pa rin ito.
Aksidente na naman akong napatingin sa kabilang hita nya at doon napansin ko rin ang Pasa rito.
"BATA? Ako naman ang Magtatanong pwede ba?
"Ano yun major?
"Mag promise ka muna na magiging Honest ka?
"Hmm.Aba..Bumabawi ka ah" wika nito.
"Pero sige Promise" saad nito
Hininto ko bahagya ang sasakyan.
"BATA, SINASAKTAN KABA NG MAMA MO?
tanong ko rito ngunit tila nag iba ito ng expression.
"Ha? Ah eh? Bat ganyan naman ang tanong mo Major..Hehe..San mo naman nakuha yan?" Wika nya na tila umiiwas.
"BATA, NAG PROMISE KA DIBA, SINASAKTAN KA BA?
muli kong tanong.
"Hmm..MAJOR kasi ano eh..Ahm..
"ANG TANONG KO KUNG SINASKATAN KA BA?!" di na ako nakapag pigil kaya napasigaw na ako sabay Hampas sa Dashboard ng sasakyan.
Pansin kong nagulat sya At tila maiiyak pero imbis na sagutin ako ay hindi sya nagsalita,
Bagkus nagulat ako sa Kanyang sumunod na ginawa.
Tumalikod sya Sa akin saka Dahan dahang Itinaas ang Damit,
Bumulaga sa akin ang Mga sariwang latay, Napansin ko rin ang mga Peklat na tila bakas na sugat ng Nakaraan.
Bumalik sya sa pwesto saka naman nililis ng bahagya ang skirt at nakita ko ang nag UUBE na pasa sa kanyang mga Hita.
Halos mapamura ako sa nakita ko, Alam kong wala pa ito kagabe ng ihatid ko sya dahil ako pa ang naglinis ng gasgas na natamo nya sa talahiban, pero the f**k ibig sabihin after ng Trauma nya sa mga hayop na lalaki is SINAKTAN pa sya ng Ina nya na dapat ay mag cocomfort sa kanya?
Nakaka putang Ina naman! wika ko sa isip.
Pansin ko ang Pag hikbi nya.
"After mo akong ihatid major, nalaman ni Mama na kararating ko lang, sinabi ko sa kanya ang totoo pero hindi nya ako pinaniwalaan, Inisip nya na kung kanino lang ako naglandi at nakipagtagpo, sarado ang isip nya kaya ayon,
Nasaktan nya ako ulit.
Wika ni Evren na tila batang nagsusumbong.
Hindi ko alam ang nararamdaman ko pero Galit ako,Galit ako sa magulang nya, na dapat sila ang pro protekta pero sinaktan pa,
Bigla ko na lamang syang kinabig at Niyakap, Doon naman ay napahagulhol sya lalo. niyakap ko lang sya ng ilang minuto, at nang tumahan na sya ay umayos na rin sya ng upo.
"Salamat Major..Pero wag kana magalit kay Mama, siguro sobra lang syang nag alala dahil wala pa ako, kaya siguro nasaktan nya ako.
"STUPID THINKING" wika ko na naiinis pa rin..
tumahimik lamang sya.Napaka pure and innocent talaga nito, sinaktan na sya pero iniisip nya pa rin ang mama nya.
Ibinaba ko sya sa Mismong tapat ng bahay nila.
"Ikaw lang mag Isa ?
"Yes Major, Madalas naman akong mag isa...Sanay na rin ako" wika nito.
"Take a rest! Check all the locks pagpasok mo at Bago ka pumunta sa room mo!"
"Noted Major, Salamat,..Ahmm..Ingat ka pauwi.
"Wag ako ang intindihin mo kundi ang sarili mo" here's my Busniness Card, Tawagan mo ako kapag kailangan mo ng Tulong, naiintindihan mo BATA?
"YES major..Sige po pasok na po ako.
Pumasok na sya sa loob, hindi kaagad ako umalis, ilang minuto pa ay nagbukas na ang ilaw sa kanyang kwarto, At ilang minuto rin ay pinatay na ito at naging dim na ang ilaw, saka nya hinila ang kurtina ng bintana, Siguroy magpapahinga na sya.
Isang araw lang, pero tila ang dami ko nang nalaman sa Buhay ni BATA,di parin ako maka move on sa Nanay nya, may magulang ba na kaya gawin yon sa anak? kung meron man baka Hindi tunay kadugo.