Chapter 5" HAGUPIT" Warning

2289 Words
Akala ko ay Susuko na si Major pero hindi pala, nakasunod pa rin sya sa akin. "Kung ayaw mong ihatid kita ikukuha na lang kita ng Taxi." Saad pa nito sa akin. "Ayoko pa nga umuwi bakit ba pinipilit mo ako'. Wika ko na naasar na. "Gabi na, Dapat nasa bahay kana at nagpa pahinga, pero andito ka sa lansangan at naninigarilyo pa eh nahimatay ka na nga kanina. "Eh ano ba kasing pake mo Major, buhay ko naman to eh, wala kang pake. Magulang ko nga hindi ako pinakikialaman ikaw pa ba? "Yun na nga eh ikaw na pinagmamalasakitan ikaw pa ang galit, galing na mismo sayo Magulang mo di ka pinakikialaman pwes tama ka di mo ako magulang pero concern ako, "Kung wala mang maging concern sayo sana naman maging concern ka kahit para sa sarili mo. Anyway kung ayaw mo talaga, wala akong magagawa. Ingat na lang...." Wika ni major Saka sya umalis. ("Ayts...napikon ang major haha) Naiwan naman akong naglalakad ngunit napansin kong nakalayo na pala ako kakalakad ko, napadpad na ako malapit sa may sementeryo na napaka dilim na at walang ilaw, Bigla naman akong nakadama ng takot, kaya babalik na sana ako kung saan kami nanggaling ni Major. Ngunit pag angat ko galing sa ibaba ay may nakasalubong akong 2 lalaki, Tila lasing ang mg ito tumawid ako sa kabilang side para makaiwas sa kanila ngunit laking gulat ko nang tumawid din sila.nang malapit na sila sa akin ay todo ang dasal ko. Iiwasan ko sila ng biglang magsalita ang isa. "Hi Ms.Mag isa ka at gabi na ah, ano ginagawa mo rito." Tanong ng isa ngunit patuloy lang ako sa paglalakad habang nakasunod sila sa akin "Ahm..pauwi na rin po Sige po. Wika ko saka binilisan ng husto ang lakad,Ngunit habang binibilisan ko ang lakad nagulat ako ng bigla akong sunggaban ng isa. "Hahaha..Nagmamadali ka ata masyado Miss.,Mamaya kana umalis, samahan mo muna kami, Halika dali mag enjoy muna tayo. "Aray...Bitawan nyo ako, nasasaktan ako, Tulong Tulong po..." Sigaw ko habang kinakaladkad ako ng dalawang lalaki sa Madilim na talahiban. "Wag kana sumigaw walang makakarinig sayo rito Miss" wika pa nang isa. "Bitawan nyo ako sabi, Ano ba..Tulong." Sinabi ng tumigil ka kakasigaw eh, Wika ng isa kinagat ko sya sa braso kaya nabitawan nya ako dali dali akong tumakbo pabalik sa kalsada, naiwan ko na ang suot kong sinelas wala akong paki kung makaapak ako ng tinik sa talahib, Malapit na sana ako sa Kalsada ng Mahagip na naman ako ng isang lalaki. "Huli ka, Akala mo makakatakas ka Huh.." "Bitawan nyo ako please..Tinangka ko silang Gamitan ng self defense ngunit pareho silang nakakapit sa akin masyado silang malakas. "Hindi ka namin pakakawalan hanggat di tayo nag eenjoy. "Mga Baboy Kayo....Tulong.. Tulong MAJOR ESCOBAR... Hindi ko alam kung anong pumasok sa Isip ko, BiGla ko nalang nasambit ang pangalan nya dahil Siguro sa Takot, "Aba, may Major major kapang nalalaman, Hahaa walang tutulong sayo Dito." Sabay Sampal sa akin, nalasahan ko pa ang sarili kong dugo dahil sa lakas ng sampal ay tinamaan ang aking labi at dumugo ito. Di ko naman pinansin ang sinabi nang lalaki patuloy parin ako sa Pag sigaw..MAJOR ESCOBAR... Ang Sumunod na nangyari Ay Di ko na alam Dahil Isang Suntok sa sikmura ang pinakawalan sa akin ng Isang lalaki. Tila blurr ang paningin ko, Dama ko ang sakit ng aking sikmura, pati ng labi ko. Kita ko pa ang ngisi ng 2 lalaki sa harapan ko, Katapusan ko na ba ito,? Kita ko pa ang paghubad ng lalaki sa kanyang damit saka inihagis sa ibaba ganon din ang ngisi ng Malademonyong lalaki na kumuha sa aking kamay at inilagay sa itaas , ramdam ko rin ang pag punit ng lalaki sa suot kong pang itaas. Dito lang ba matatapos ang buhay ko? Sa pangbababoy ng mga ito? Ang ikli lang pala nang magiging buhay ko tapos dito pa mag wawakas. Tumulo ang aking luha at akma ng pipikit ang aking mata ngunit bago pa pumikit ang aking mata, Nakita ko ang isang mukha na tila nagbigay sa akin ng PAG ASA, Ang mukha ni Major Escobar. Nanlilisik ang mga mata nito habang galit na galit na Binabalda ang 2 lalaking mambababoy sana sa akin, Tanging mga daing na lamang ang naririnig ko,napapikit na ako ng tuluyan, hindi ko na alam ang sumunod na mga nangyari. Yohan's Pov Kahit kelan talaga napakatigas ng Ulo ni Evren, hindi tumatangap ng suhestyon, Pero sa isang banda naaawa ako sa kanya, may pinaghuhugutan pala yung attitude nya, sa sobrang inis ko kanina napagsabihan ko sya, pero di ako nagsisisi dahil hindi ko i totolerate ang ganon nyang ugali, pero may side na naaawa ako, gusto ko syang yakapin at iparamdam na isa ako sa concern sa kanya kaso ang pasaway na bata masyadong matigas, sa inis ko ay iniwan ko sya. Pero di ako totally na umalis, dahil alam kong wala namang ibang way dun sa daan na pinuntahan nya alam kong babalik rin sya. Pero nagtataka ako bakit di pa sya bumabalik, madilim sa parteng iyon at walang bahayan, Medyo kinabahan ako, kaya napag isipan kong maglakad para hanapin sya, tahimik ang paligid, Hindi ko sya makita sinubukan ko pang maglakad sa bandang dulo wala parin ngunit nakita ko ang isang pares ng Suot nyang Tsinelas. Doon ako kinabahan. Tumimbre rin ako kay Del rio kung nasaan ako para kung may mangyari kahit papano ay may back up ako. Tinalasan ko ang aking pandinig, Hanggang sa may narinig akong boses ng lalaki, na nagmumula sa Masukal na talahiban, Maya maya ay nakarinig ako ng isang sigaw ng Babae na Tila binigkas ang Pangalan ko, Natukoy ko na kung Saan At minsan pa ay sinigaw ulit nito ang MAJOR Escobar ngunit sa mg oras na iyon ay mahina na ito dahil tila Sinikmuraan ito ng kung sino man, mabilis ko na natunton ang lugar dahil narin sa boses ng mga lalaki, naririnig ko pa silang nag uusap. Kung Sino ang mauunang gagahasa. Biglang nagdilim ang paningin ko nang makita Si Evren na nakahiga at tila walang malay habang ang dalawang lalaki ay wala ng damit pang itaas. Nakahawak ang isa sa kamay ni Evren, habang ng isa naman ay pinunit ang damit ni Evren at saka ibinaba ang Suot na pantalon saka pumwesto sa pagitan ng mga hita nito, akma na sana nitong Huhubarin ang Short na suot ni Evren ngunit bago nya pa magawa ay Binigwasan ko na sya, Hindi ko alam pero Galit na galit ako bugbog sarado sila pareho Kinuha ko ang Baril ko at nakatutok na sa kanila ng Biglang dumating si Del rio, Sir...tama na ho..baka ho mapatay nyo." Wika nito. "Sir...parang awa nyo na wag nyo po kami patayin" wika naman ng dalawa. "Pasalamat kayo dumating si Del rio, Del rio, ikaw na bahala dyan dalhin sa presinto at siguraduhin nyong hindi na makakalabas yan dahil pag nakalabas nyan baka ako tumapos dyan marami pa mabiktima yan. Agad ko namang Pinuntahan si Evren, wala itong malay at punit ang suot nitong damit. Hinawakan ko sya sa pisngi at ginising ngunit di sya magising. "Evren...Evren...wake up' Nananatiling pikit ang kanyang mga mata na may Bakas pa ng luha, kita ko rin ang dugo sa kanyang labi na sa tantya ko ay sinampal. "Damn! Putang Ina! Mga hayop kayo! Sa sobrang Inis ko ay pinaputukan ko ang Dalawang manyakis na nagtangkang manghalay kay Evren habang naglalakad sa talahiban, maging si Del rio ay nagulat sa Ginawa ko di ko naman balak patayin ang mga ito gusto ko lang sindakin, Kaya ayun, para silang nagtitinikling na di malaman kung saan aapak dahil pinapuputukan ko ang pwestong kinatatayuan nila. "Sir..tama na sir, baka dahil dyan sumabit pa kayo." Saad sa akin ni Del rio. "Ako na ho ang bahala sir..mananagot ang mga iyan" saad ni del rio at tumanho lamang ako. Binuhat ko sya at dinala sa aking sasakyan. Wala parin syang malay, Dinala ko sya sa Condo ko dahil medyo malapit lang naman ang Condo ko sa lugar, Inilapag ko sya sa kama. Kumuha ako ng Isang XL tshirt at isinuot ito sa kanya, pinatungan ko na lamang ang napunit nyang damit. Kumuha ako ng Maligamgam na tubig at ng Alcohol, pati na rin ng betadine Dahil sa Maputing kutis nya ay kita ang mga galos nya na siguro ay nakuha nya sa talahiban. Dinampian ko rin ng bimpo na binasa sa maligamgam na tubig ang kanyang labi, medyo gumalaw naman sya at Tila naman nananginip na humihingi ng tulong kaya ginising ko sya. "Evre..evren...Shhhh....wake up" wika ko rito sa malumanay na tono. "Wag....Wag po...." Wika nya sabay ng pag mulat ng mata at tila takot na takot. "Shss....Evren calm down,nananaginip ka.. Wika ko, laking gulat ko ng Bigla syang Yumakap sa akin habang umiiyak. "Natatakot ko Major, Baka balikan nila ako" wika nito na tila nanginginig sa takot. "Shhh..No .Hindi kana nila magugulo pa, nakakulong na sila, Wika ko nakayakap din sa kanya at pinapakalma ito. Maya maya ay nagulat ako ng bigla syang lumayo, parang bigla natauhan sa pagkakayakap sa akin. "Sorry major,...Kailangan ko na po umuwi, at salamat po pala sa pagligtas, Wika nito sa akin. "Sige Ihahatid na kita, pero dadaan muna tayo saglit sa presinto para makapaghain ka ng formal na reklamo. "Si..sige po..wika nito sa malumanay na tono. Binigyan ko sya ng mas maliit na Tshirt para makapag bihis sya saka ko ulit sya binigyan ng Hoodie ibang jacket naman ito, Naka burda naman dito ang Pangalan ko na GRAE. Nang mapausot ko ito sa kanya ay inalalayan ko na sya pababa papunta sa sasakyan, Dumaan kami saglit sa presinto at nagsampa ng formal na reklamo, Halos manginig naman sa takot si Evren nang makita ang dalawang suspect, Pinakalma ko naman sya. Nang mapirmahan nya ang reklamo ay inaya ko na sya palabas at ihatid sa bahay nila. Tahimik lamang kami habang nasa sasakyan.. Pumasok kami sa isang subdivision ngunit sa isang street pa lamang au bumaba na sya. "Dito na lang po Major Ok na po rito. "Sigurado kaba? "Opo Major sa ikatlong bahay lang naman po yung sa amin. Saad nito sa akin. "Oh sya sige pumasok kana, hintayin kitang makapasok. "Sige po..Goodnight Major, Salamat ulit." Saad pa nito sa akin bago tuluyang lumakad at pumasok sa ikatlong gate. "Goodnight Evren" wika ko.. Saka naman ito lumingon at tumango, Ngayon ko lang nakitang Malumanay Si Bata. Nawala ang pagiging Dragon nito. Tila ang napapansin ko sa kanya ay Isang Kuting na nagpapanggap na maging isang Dragon, Hindi ko pa alam ang lahat sa buhay nya pero s palagay ko ay konektado ito sa pamilya nya, Para kasi syang nanglilimos ng pagmamahal ng isang magulang dahil nang makita ko sila kanina ng mama nya ay ganon ang kagustuhan nyang samahan sya ng ina dahil sa nakuhang award pero wala palang halaga sa mama nya iyon. Nang makapasok na sya ay umalis narin ako at bumalik sa condo. Di parin mawaglit sa isip ko ang itsura ni evren kanina, pano kung nahuli ako nga dating baka may nangyari ng masama sa kanya. Hayyy..Gantong ganto siguro yung pakiramdam ni Xavier dati, nung maabutan nya rin si Eris na muntik na ring mahalay nang 3 lalaki. Nakakagalit. Samantala... Dahan dahan akong pumasok ng bahay, Dali dali akong umakyat sa aking kwarto Hinubad ko ang jacket ni Major at itinabi muna sa may drawer. Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Mama. "Ano saan ka galing, Nauna pa akong umuwi sayo ah, Ano nag rerebelde ka dahil di kita sasamahan? Ano Evren sumagot ka! "Mama hindi po... "Sinungaling,! San ka galing ha, San ka galing pagkatapos natin sa resto. Wika ni mama habang hawak ang pisngi ko. "Pumunta lang po ako sa Mga bata sa may tulay at sa plaza. "Yun lang ba? Bakit iba ang suot mong damit , Nasaan yung suot mo kanina" "Na...Napunit po mama" wika ko habang nakayuko. Napunit? Talaga bakit "Kasi po....ma, muntik na po akong ma rape." Wika ko ngunit imbes na kumistahin ako ay Pagkutya ang narinig ko kay mama. "Hahaha..Talaga nagpapalusot kapa eh baka kung kanino ka lang nakipagtagpo, malandi ka rin eh no kaya siguro pang third ka lang pano naghaharot kana, kumekerengkeng kana.! Wika ni Mama sabay sampal sa akin. Hindi po ma, Bat pi ba ayaw nyo maniwala. "Di talaga ako maniniwala! Manang mana ka sa pinagmanahan mo ! Alam mo naman ang Rules ko diba! Hindi komo disi otso kana e ititigil ko na ito, Syempre hangat may Sablay ka kailangan mo parin itong pag daanan. "Ano ..hihintayin mo pa ba ako o magkukusa kana? Tanong ni Mama sa akin. Dahan dahan namang pumatak ang luha ko at dahan dahang tinangal ang suot kong damit maging ang aking mga panloob ay Tangal rin. Nakatalikod ako kay Mama.. Saka ako Dumapa sa Kama, Isinubsob ko ang mukha ko sa unan. Wala pa man ay umiiyak na ako, Rinig ko ang kalansing ng bagay na iyon. Ilang segundo lamang ay Isa isa nang pinakawalan ni Mama Ang mga hagupit nya sa akin. Sa aking pwetan at sa aking likuran. Bata pa lamang ako ay gantong parusa na ang nararanasan ko. Paluhurin sa asin, Ikulong sa kwarto,at ang hagupitin ng sinturon ni mama., Tila bumalik na naman tuloy ang nakaraan. Matapos ang ilang hagupit ay wala na akong maiiyak, Manhid na sa sakit ang aking pang upo at aking likuran. Matapos ang parusa ni mama ay umalis na ito at naiwan ako sa kwarto, pinulot ko ang aking mga damit tiningnan ko sa salamin ang aking katawan, Pula ang latay ng mga ito. Iniligtas nga ako ni Major kanina, Pero nanganib din naman ako sa Kamay ng sarili kong ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD