Matigas na semento ang inaasahan kong sasalo sa akin,Dahan dahan pa akong nagmulat ng mata, Ngunit di ko inaasahan ang aking nakita, Pag Mulat ko ay Nasa Ibabaw ako ni Major Yohan Hindi agad ako nakatayo tahimik lang ang paligid.
Napatingin lang ako sa kanya at medyo nagulat pa rin sa nangyari, Sya naman ay nakatingin lang din sa akin.
Hindi pa ako nakilos nang bigla lamang syang magsalita.
"Ano Bata, nawili ka ata, Gusto mo bang ganito tayo maghapon? Sabihin mo lang para makapag file ako ng leave ngayong araw." Wika nito na nagsisimula na namang asarin ako.
"Woi...Ang aircon mo rin pala Major no, Wika ko saka dahan dahang tumayo, Tinulungan naman ako ng 1 kabaro nya si sir Del rio yung naghatid sakin ng meryenda.
"Ok ka lang Mam Ganda, Ang galing nyo po pala sa Martial arts mam," wika nito.
"Naku Sir, hindi naman po, konti lang po yun,
Saka kita nyo naman po, wala akong Nagawa nung IBALIBAG ako ni Major Escobar!" Wika ko in a sarcastic tone at pinarinig ko talaga kay yohan, napansin kong napangiti naman ito sa turan ko.
"Hehe naku mam Ginawa nya lang yun alam nya kasi na kaya nyo, pero alam kong Di nya hahayaan na masaktan ka, Baka Ipakulong nya sarili nya pag nangyari yun hehe" wika ni Sir Del Rio.
Ngumiti na lamang ako, Sinalubong naman ako ni Cat at Monika.
"Woi mhie, ano ok ka lang ang galing mo naman mhie, Halos Nasukol mo lahat yung Atake ni Major Escobar, Ang cute nyo tingnan kanina, Para kayong Mag Lovers na Di magkasundo na ayaw ng emotional Damage kaya nag pisikalan nalang hahaha" wika pa ni Cat,
Ang lakas lakas ng boses mag kwento ng bruha na to, nakakahiya tuloy.
Nakatingin tuloy sila sa akin pati ang mga school mate namin.
After noon ay naupo muli kami.
Pinakita naman ang susunod na eksena, Hind ko alam biglang sumakit ang puson ko,
Binulungan ko si monika na samahan nya ako sa clinic nakahawak ako sa aking puson at akmang tatayo, Nasipat ko pa ang pagtingin sakin ni Major yohan, pero hindi ko alam ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako ay bigla akong nag black out, Di ko na alam ang mga sumunod na nangyari.
Yohan's Pov
Hindi ko alam na may tinatago palang talent tong Si BATA. Nagulat lang ako ng sinakyan nya yung dapat ay Re-enactment kaya imbes na step by step ay naging actual na laban, Magaling din sya dahil kapag nasusukol ko sya ay nakakawala sya.
Kaya huling atake ko ay hatakin ang paa nya, tantyado ko naman ang bagsak nya na kung sakaling di nya magagawa ay alam ko na ang gagawin ko, Paghatak ko sa kanyang paa ay kita ko na nagpanic sya.
Narinig ko pa ang sinabi nya na parang sinambit ang major. Nakita kong nakapikit sya at naghihintay na bumagsak sa semento kaya tinaymingan ko ang pagsalo sa katawan nya, Nakapikit pa sya at di nagmumulat nagulat pa sya ng pag mulat nya ay nasa ibabaw ko sya. Sinimulan ko syang asarin at asar na asar naman si bata.
Haha. Di ko alam basta trip ko syang inisin, di ko parin kasi makalimutan yung sa Bar at yung pagkagat nya sakin.
Ewan ko ba feeling ko kasi iba sya sa mga babaeng nakilala ko Evren is Innocent sa ibang bagay, Immature, at may pagka pasaway, pero hindi ko alam may portion sa akin na minsan natutuwa ako sa mga paandar nya pero may moment din na nakakaasar, dahil wala pang babae ang gumawa sa akin na tulad ng ginawa nya.
Napansin kong nakahawak sya sa kanyang puson, suot nya parin ang jacket na pinahiram ko infairness bagay sa kanya, Sya lang ang babae pinagamit ko ng sarili kong gamit.
Pansin ko ang pagbulong nya sa kaibigan nya tumayo ang kaibigan nya pati sya, Ngunit ilang hakbang pa lamang ang nagagawa nya ay bigla na syang natumba,
Nasalo naman sya ng mga kaklase nya, Agad akong nagtungo sa kanila at pinaurong ang iba.
"What happen? Tanong ko
"Officer, bigla nalang po natumba pero masakit daw po kasi puson ny kaya nagpapasama sa clinic, saad ni monika.
"Damn, nawala sa isip ko May monthly period ng pala tong batang to, bat hindi ko naalala kanina. Wika ko sa isip ko, para naman akong nakaramdam ng guilty dahil nag laban pa kami kanina.
Agad ko silang pinatabi at binuhat si Evren, Dinala ko naman ito s Clinic ng paaralan.
Pagdating doon ay inihiga ko ito sa Kama ng Klinika.
Inassist naman sya ng nurse na naka duty.
Hinawakan ko ang kamay nya at ang lamig nito.
"Kumusta po sya Nurse?
"Naku may monthly period pala sya kaya inatake ng Dysmenorrhea.
Need nya lang magpahinga, Saka hot compress para maibsan ang pananakit ng kanyang puson, pwede rin syang painumin nitong pain reliever.
Tumango lamang ako, Kinuha ko ang pang Hot compress na ibinigay saka nilagyan ito ng mainit na tubig.
Maya maya ay nakita akong gumalaw sya at unti unting nagkakamalay.
"Kumusta ang pakiramdam mo? tanong ko sa kanya
"Ma..major? Nasaan ako?
"Andito ka sa Clinic, Nag pass out ka kanina. Oh..Hot compress itapat mo dyan sa puson mo, para maibsan amg sakit. Wika ko na medyo strict ang tone.
"Sa..Salamat wika nya sa akin.
"Bakit ba kasi Sumali kapa, sana tumangi ka na kanina kung masama na ang pakiramdam mo.
"Eh okay pa naman ako kanina eh, Hindi naman masakit, eh bakit ikaw alam mo naman na may monthly period ako bakit binalibag mo parin ako."? tanong pa nito sa akin na prng kasalanan ko pa
"Aba..Sa Nawala sa Isip ko na May ...Na may Period ka Bat sakin kapa maiinis ako ba ang May period?
"Paano sinisisi mo ako, Wika nito na parang maaiiyak na,
"Saka Anong binalibag,? Di ka naman nasaktan ah Pasalamat ka nga sa Ibabaw ko ka bumagsak.
Parang naawa naman ako bigla sa itsura nya na parang iiyak na.
"Don't Cry...hindi kita sinisisi, sinasbihan lang kita. Wika ko na biglang naging soft.
"Ako? iiyak? no never wala sa Bokabolaryo ko ang umiyak Major escobar!
Wika nito sa Bigla na namang nag malditang tono.Napaka Bipolar talaga nitong batang to.
Ang bilis mag transform, nakakaawa na kanina eh kaso bigla na namang Naging Dragon.
"Ganon? Hmm..Magaling kana ba? Maldita ka na naman eh!
Ok na po ako diba, pwede mo na akong iwan Major baka mamaya Magkautang na loob pa ako sayo..Kaya You may now leave.
Dont worry ibabalik ko tong jacket mo kapag nalabhan ko na. " Wika na naman nito sa akin na parang boss pa.
"Okay...Salamat Ms.Solares ha,
Pang aasar ko rito.
"Your welcome Major Escobar," wika nito saka ngumiti ng nakakapang asar din.
Lumabas na ako ng Clinic at bumalik sa gym, Patapos narin halos kaya hinintay ko na lamang rin sila.
"Oh Sir Asan na po si Mam Ganda? Wika ni Del rio.
"Nasa clinic nagpapahinga, pero magaling na Naging dragon na ulit eh, hehe.
"Pero infairness sir marunong si Mam ganda sa martial arts, hehe mukang Pag nagkaasawa yon hindi basta basta hehe..
"Hahaha Oo nga eh Kawawa magiging asawa non nag asawa sya ng maldita na may pagka dragona na marunong pa ng self defense..haha"
"Hahaha ganon ba sir, pero alam nyo sir nung pinahatiran mo sya ng meryenda sa akin at sinabi kong nasa mission kayo, alam nyo bang nag alala sya sa inyo at sinabing mag ingat kayo at sana maging success ang operasyon. Kaya di ako makapaniwala na Dragona si mam ganda hehe naniniwala ako sir na may nakatagong Kabutihan yan.
"Talaga Del Rio? Nag alala sya sa akin?
"Opo sir, "
Nang confirmahin ni Del Rio ang sinabi na nag aalala sa akin sir Evren hindi ko alam bat parang nakaramdam ako ng saya.
Anong meron kay batang pasaway at nagkakaganito ako.
Matapos ang Event namin ay nagkaayaan ng bumalik sa Headquarters,
Hindi ko na tiningnan si Evren sa Clinic, baka mamaya magtalo na naman kami kaya di ko na lang muna sya pinuntahan.
Ginugol ko ang oras sa trabaho nang araw na iyon pag bandang pahapon ay Nag iikot ikot ako at nag roronda din.
Habang nag iikot Isang Pamilyar na pigura ang na spotan ko,
Nakasuot ito ng Short na itim at Naka Tshirt na puti, pero suot parin nito ang jacket ko.
Palihim ko itong Sinundan, Nakita ko itong pumunta sa isang barong barong malapit sa may Tulay.
May Tinawag syang tatlong pangalan maya maya ay lumabas ang 3 bata na sa tingin ko ay nasa Edad 4 ,7 at 10 taong gulang ang mga bata.
Nang makita sya ng mga ito ay sumalubong ito sa kanya at yumakap.
"Hi Ate Ganda, akala po namin hindi na po kayo babalik" wika ng batang 7 years old.
"Pwede ba naman yun, e diba nag promise si ate reign." Wika ni Evren saka lumapit pa lalo sa mga ito at may iniabot na supot mula sa Jacket ko na suot nya,
"Wow ate, talaga po para sa amin ito? Salamat ate Reign, May gagamitin na o kaming Krayola sa School, Mas lalo na pong Gaganda ang drawing namin.
"Wika naman ng batang mas matanda"
"Welcome, basta mag aaral kayong mabuti ,Neneng, Baldo pati na rin ikaw chikoy.
"Opo ate Reign mag aaral po kaming mabuti.
Paano, Aalis na muna ako, Magkikita pa kasi kami Ni Mama, Ibabalita ko sa kanya yung Ranking ko sa School baka mag celebrate kami kasi kahit papano nakapasok ako sa honor,
"May honor ka ate Reign,?
"Hmm..meron pero pang 3rd."
"Wow, ok po yun ate congrats po."
"Salamat, Sana matuwa si Mama."
"Im sure ate proud ang nanay mo sayo.
"Sana nga baldo. OH Pano,Mauna na muna ako, subukan kong makabalik mamaya, kung may oras pa.
"Sige po ate.thank you po ulit.
Matapos mag pa alam ay umalis na Si Evren, nagkubli ako sa puno at di nya ako napansin.
Akalain mong May mabuting puso nga si Bata.
Sumakay ito sa taxi at nagpahatid sa Isang restaurant.
Eksakto, Dito rin kasi nagpa reserve si Mijares ng dinner namin.Pag pasok ko ay nakita ko Si Evren sa harap nito ay may isang Di pa naman katandaang ginang.
Nakaupo lamang si Evren at nakayuko. Tila seryoso ang pinag uusapan nila, Hindi ako kita ni Evren dahil nakatalikod sya.
Ngunit rinig na rinig ko ang usapan nila dahil na rin sa boses ng ginang.
"Eto? Eto ba ang ipinagmamalaki mong Grade? Sa Tingin mo matutuwa ako Dyan."Tingnan mo nga Wika ng ginang saka Inihagis sa muka ni Evren ang dala nitong tila kopya ng Marka.
Malungkot naman na pinulot ni Evren ang mga nahulog na mga Papel.
"Ma, Pinaghirapan ko rin pong Makapasok sa 3rd. Hindi ko naman po makukuha yon kung di rin po ako nag aral"magalang na wika ni Evren.
"So ano? gusto mo matuwa ako dahil 3rd ka? Jusme Evren Ineexpect ko na Top1 ka, Baka sakaling matuwa ako, Pero 3rd tapos gusto mo na umatend ako para tangapin ang award? Helloas gugustuhin ko pang sumama sa mga amiga ko kesa mag aksaya ng panahob para dyan.
"Mama, kahit sandali lang po, kahit umalis na po kayo kapag kabigay po ng award" wika ni Evren na ramdam kong umiiyak na dahil sa boses nito.
"Naku Hindi,, Im sorry pero wala akong balak pag aksayahan ng oras yan!
Pagkatapos noon ay Tumayo ang Ginang at binuksan ang bag at may kinuha ito,
"Oh, Ibayad mo sa Na order, Kumain ka kung gusto mo kumain, Bahala kana umuwi mag isa , May pupuntahan pa ako! Adios!"
Pagkasabi nito ay Dali dali na itong umalis.
Naiwang nakayuko si Evren sa pakiramdam koy umiiyak ito dahil kita ko ang mahinang pag Yugyog nang balikat nito na tila nag Pipigil ng iyak,
Pinulot nya ang mga papel maging ang pera na iniwan ng ginang.
Maya maya ay tumayo at sinenyasan ang waiter,
Umorder ito ng Pansit at Ng Manok,
Nananatili itong nakaupo at panaka nakang pinupunasan ang mata.
Ilang minuto lamang ay lumapit ang taga serve at inabot ang order nya, Nagawa nya pang magpasalamat dito.
Muli akong kumubli pag daan nya kaya di na naman nya ako napansin.
Muli ko na naman syang sinundan, nagbilin ako kay Del rio na i take out nalang nya ang akin at iuwi sa pamilya nya.
Sinundan kong muli si Evren,
Malamig ang Gabi buti na lamang at naka Jacket sya.
Nakita ko syang naglakad sa Park.
Ginising nya ang ilang batang natutulog na tila kilala rin sya.
"Ate Reign,Sinong may birthday bat may pansit?
"Ahmm.Hehe Wala bebeng..dinaan ko lang yan dito, naalala ko kayo.
"Talaga po ate, Salamat po ate reign.
"Walang anuman bebeng.
Oh pano, maiwan ko na kayo, bigyan mo nalang yung iba.
"Sige po ate...
Nag mumuka na akong Stalker kakasunod sa kanya, muli syang bumalik sa Barong barong sa may Tulay at tinawag muli ang mga bata at lumabas muli ang mga ito.
"Neng, eto oh Kain na kayo.
"Salamat po ate, kumusta po ng celebrate po ba kayo ng mama mo?
Tanong nang bata.
"Hindi eh, wika ni Evren saka di napigilan ang luha.
"Hala ate, Umiiyak ka po? Bakit ate reign.
"Hindi kasi natuwa sa akin si Mama neneng, na disappoint sya sa akin.
Wika nito saka tuluyan ng umiyak.
"Shit....Bat gusto ko syang lapitan at yakapin, Bat gusto ko syang daluhan.
Nakita kong niyakap sya ng mga bata.
"Wag kana ma sad ate, para sa amin ikaw ang Pinaka maganda, Mabait, at matalinong ate reign.
Mahal ka namin ate Reign kahit di ka namin kaano ano. Wika ng bata.
Mamaya maya ay may lumabas sa barong barong tila nanay ng mga bata.
"Oh ineng reign andyan ka pala.
"Opo nay, dinala ko lang po ang pansit.
"Aba, congrats ineng may honor ka pala,
"Salamat po, "
Oh sya halika na saluhan mo na kami sa pansit na dala mo.
"Kumain si Evren kasalo ang pamilyang nakatira sa barong barong.
Nakikita ko syang ngumingiti mula sa malayo ngunit kita ko rin ang lungkot sa kanyang mga mata.
Ilang minuto lamang ay nagpaalam na rin sya sa pamilya.
Nakahalukipkip syang naglakad at tinahak ang Park kung saan ko sya Pinaglinis,
Naupo sya at pansin kong nagpupunas ng luha, at muli na namang nayugyog ang balikat nito,
Bigla itong tumayo at May kinuha sa Bulsa.
Nakita kong nag labas ito ng Isang Stick na black Cigarette at lighter maya maya ay Sinindihan ito at saka hinithit. Na shock ako sa nakita ko, nakasandal sya sa may puno at nakatingala.
Nakakailang hithit na sya nang mag desisyon akong lapitan sya dahil ayoko syang nakikitang nag YOyosi.
Evren Reign Pov.
Sinindihan ko ang Black Cig. Na dala ko saka ito hinithit, Apakasakit parin sa akin kapag ni rereject ako ni mama, akala ko proud sya yun pala kinakahiya nga ako dahil 3rd lang ako, nakakalungkot lang dahil pinaghirapan ko rin yon.
Akmang Hihithit na akong Muli nang Biglang may Umagaw ng Aking Hawak na Sigarilyo.
Napalingon ako at ang nakita ko ay walang iba kundi si Major Escobar, Ano ba problema nito at andito pa e gabi na.
"Masama yan Bata,masama na pakiramdam mo kanina pero Yosi ka pa rin.
"Teka, Bakit ba pinakikialaman mo ko Major.saka bat ba andito ka?
"Malamang nag Roronda ako, Ikaw bat Di kapa umuuwi gabi na ah.
Delikado ang
Panahon ngayon babae ka pa naman tsk..tsk..Umuwi kana, Ihahatid na kita
"Di mo ko kailangan ihatid, Di mo naman ako kaano ano, di mo ako responsibilidad." Saad ko rito.
"Pulis Ako, ke kaano ano kita o Hindi karapatan naming masigurado ang kaligtasan ng kung sino man.
"Talaga? E di Sana Ol...
Wika ko rito saka naglakad ng bahagya.
Nahalata nya kayang umiyak ako?
Sana hindi, Dahil ayoko maging Mukang kawawa sa Kanya, Ayokong Malaman nyang Weak Ako, na Ubos na Ubos na Ako pero kailangan kong maging Matapang at Matatag
Kailangan kong Magpanggap na Malakas.