It's been a week past na ng maging kami ni Jhezter. Lagi kaming dalawa ang naiiwan sa bahay. Kaya naman na sosolo namin ang isat isa ng walang nakakakita.
But there's a part on me that i feel guilt because me and her husband is cheating on her.
I love her husband.
Tatawagan niya ngayon ang kaibigan para ikwento dito ang mga nangyari sa kanila ng lalaki.
Noong nakaraang linggo pa ang kanilang huling pag uusap. Kaya wala itong alam sa mga nangyayari sa kaniya.
Sunday ngayon kaya andito ang mga magulang niya. Hindi tuloy sila makapag lambingan ng lalaki.
Nasa loob siya ng kwarto niya habang ang mga magulang niya ay nasa baba nag uusap kasama ang kapatid niya.
"Besh, oh anong chika natin ngayon?" bungad ng kaibigan pagkatapos sagutin ang tawag.
"Kami na ni Kuya jhezter"
"What the hell besh ang bilis ah. Wait what about Marc? Tanong ng kaibigan.
"I broke up with him, last week he came here" Sagot naman niya.
"Oww okay, paano naging kayo ng asawa ng kapatid mo? Chika mo naman" intriga ng kaibigan.
"Kaya nga tinawagan kita para sa isang tea. Ganto kasi yun he like me too"
"Owmygod besh, di ikaw na. Pano yan ngayon kayo na ng kuya jhezter mo so ibig sabihin kabit ka na niya?"
"Yeah, but i don't care basta mahal namin ang isat isa" Saad niya saka naupo sa kaniyang higaan.
"Pano pag nalaman ng kapatid mo yung tungkol sa inyo ng asawa niya?" concern na tanong ng kaibigan.
"I don't know, at saka nag iingat naman kami ni Jhezter. Kami lang naman ang naiiwan dito sa bahay kaya na eenjoy namin ang isat isa"
"May nangyari na sa inyo?" nakakalokang tanong ng nasa kabilang linya.
"Wala" pag tatanggi niya.
"Wews, kayong dalawa lang ang naiiwan sa bahay kaya paanong walang magaganap sa inyo"
"Bahala ka nga jan"
"Guilty siya oh, confirm may nangyari na nga" pangungutya ng kaibigan.
Hindi na siya sumagot sa kaibigan kaya kaagad niyang pinatay ang tawag. Tumayo siya saka ipinatong niya ang cellphone sa may table malapit sa higaan niya.
Lumabas na siya ng kwarto para mag tungo sa baba. Malapit na siya sa sala ng marinig ang kwentuhan ng mga magulang saka ng ate niya.
Wala doon ang asawa ng kapatid niya dahil hindi niya naririnig ang boses nito.
Nang tuluyang makababa dumeritsyo siya sa mga magulang na busy sa pag uusap.
"May napapansin ako sa asawa ko" paninimula ng kapatid. Siya naman naupo na sa harapan nito.
"Ano naman iyon?" tanong ng ina.
"Parang may babae ang asawa ko" bigla namang bumilis ang t***k ng puso niya sa sinabi ng kapatid. Napayulo siya sa di malamang dahilan. "Kase nag bago ang asawa ko this past few days"
"Alamin mo muna ang totoo" payo ng ina sa kapatid.
"Malakas talaga ang kutob ko ma eh, pag talagang may babae siya baka mapatay ko yang kabit niya" napalunok siya sa sinabi ng kapatid.
"Sino naman kaya ang magiging babae ng asawa mo?" tanong ng ina.
"Ewan ko. Ikaw joy wala kabang napapansin sa kuya jhezter mo pag kayong dalawa lang ang naiiwan dito?" bumilis ang t***k ng puso niya dahil sa biglaang tanong ng kapatid.
"ah eh, w-wala naman ate" pinigilan niyang mautal sa pagsasalita.
"Hindi ba siya umaalis ng bahay oh lumalabas man lang?"
"Hindi naman ate" nanginginig ang kaniyang mga kamay.
Paano kung malaman ng kapatid niya na siya ang kabit ng asawa nito?
"Baka na papraning ka lang Grace" Singit ng ina.
"Ewan ko ma, malakas kasi ang kutob ko na may babae ang asawa ko eh" wika ng kapatid habang sumisipsip ng kape.
"Then patunayan mo ang kutob mo" Saad ng ina. "Asan ba ngayon ang asawa mo?" dagdag pa ng ina.
"Andon pa sa kwarto, sarap ng tulog" sagot naman ng kapatid niya. Tumayo naman siya saka bumalik ng kwarto niya.
Kakapasok palang niya sa loob ng biglang may kumatok sa pinto. Lumapit naman siya sa pinto saka binuksan ito. Bumungad naman sa kaniya ang bulto ng lalaki.
Luminga linga pa ito bago Pumasok ang lalaki sa loob saka isinara ang pinto. Niyakap naman siya nito.
"Good morning" Bati nito sa kaniya habang yakap yakap siya.
Niyakap naman niya ito pabalik. "Good morning too"
Gusto niyang sabihin dito na nakakaramdam na ang kapatid niya na may kabit ito ngunit nag dadalawang isip pa siya. Napag desisiyonan niyang wag nang sabihin.
Kumalas naman ang lalaki at hinarap siya nito saka siya hinalikan. She kiss him back.
"Baka hanapin ka ni ate" saad niya ng mag hiwalay ang kanilang mga labi.
"Hindi yan, nasa baba panaman ang kapatid mo busy sa pakikipag usap sa magulang niyo"
"Malay mo biglang tumaas yun sa kwarto niyo tas hanapin ka kasi wala ka don"
"Ayaw mo na ata akong makasama ah" bumusangot ang muka ng lalaki. Ipinapakita sa kaniya na nag tatampo ito.
"Hindi naman sa ganon natatakot lang ako baka mahuli tayo ni ate dito"dahilan niya.
"Akong bahala" saad ng lalaki saka hinaplos ang buhok niya. "I love you" bulong nito sa kaniya.
May paru paru namang kumawala sa kaniyang tiyan dahil sa lalaki. Kakaiba talaga ang tama sa kaniya ng lalaki.
"I love you too" wika niya rin. "Sige na lumabas kana at baka may makahuli pa sa atin dito"
"Ayoko pa" malambing na ani nito.
"Lumabas kana baka hinahanap ka na rin ni ate" utos niya rito.
Ngumuso naman ang lalaki. Saka pilit na lumabas ng kwarto niya. Sinundan niya naman ito.
"Anong ginawa mo sa loob ng kwarto ni Joy?" kunot nuong tanong ng kapatid niya.
Parehas silang nagulat ng lalaki dahil sa biglaang pag litaw ng kapatid. Bumilis naman ang t***k ng puso niya sa kaba.
"Ahh, m-may p-pinasuyo lang ako kay kuya jhezter sa l-loob hindi ko kasi abot" Pag sisinungaling niya. Tumango naman ang lalaki sa kaniya.
"Okay, nakita ko kasing lumabas ng kwarto mo ang asawa ko" ngumiti naman ang kapatid sa kaniya.
Mabilis namang niyakap at hinalik halikan ng lalaki ang asawa nito sa harapan niya. Na nag pa kirot sa puso niya.
Pumasok na siya kaagad sa loob dahil ayaw na niyang panoorin ang dalawa sa pag lalambingan.
Napahawak siya sa kaniyang dibdib naninikip iyon. Ang sakit. Marahan niyang ipinikit ang mga mata.
Bumuntong hininga siya bago muling iminulat iyon.
Tinungo niya ang cr para maligo. Balak niyang gumala ngayon wala naman siyang ibang gagawin dito sa loob ng bahay.
Mabilis siyang natapos sa paliligo. Kaagad naman siyang nag bihis nag palda at crop top nalang ang kaniyang sinuot. Humarap siya sa salamin para mag ayus ng muka.
Nang matapos sa ginagawa. Kinuha na niya ang cellphone at maliit na bag. Saka lumabas na ng kwarto.
"San ang punta mo joy?" tanong ng ina ng makababa siya ng hagda.
"Mag gagala lang po ma, nakakainip po kasi dito sa bahay walang magawa" natawa naman ang ina.
"Osya sya umuwi kaagad wag kang papagabi" bilin ng ina.
"Opo" sagot niya saka lumabas ng bahay. Sakto namang pag labas niya ng bahay may jeep nang dumaan kaya naka sakay na siya.
"Bayad po, isang Serto Park nga po" bayad niya sa driver. Tumingin siya sa labas ng bintana. Ang ganda talaga dito sa cavite.
Makalipas ang ilang minutong biyahe naka rating na rin siya sa Serto Park. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa. Kukuha siya ng mga litrato.
Pumasok na siya sa loob ng serto park saka kumuha ng mga litrato. Pang post niya lang sa Ig niya. Nasa kalagitnaan siya ng pag kuha ng litrato ng may bumunggo sa kaniyang isang lalaki.
"Sorry miss" hingi ng paumanhin ng lalaking bumunggo sa kaniya.
"It's okay" saad niya saka nginitian ito. Ipinag patuloy niya naman ang pag kuha ng litrato.
Nakaramdam naman siya ng gutom makalipas ang ilang oras na pag lilibot sa Serto park.
May nakita siyang hilerang tindahan ngunit ang daming tao siksikan. Nagugutom na siya kaya nakipag siksikan narin siya sa mga ito.
Nakikipag siksikan siya ng may biglang tumulak sa kaniya sa likod. Na bunggo naman niya ang isang lalaki.
"I'm sorry" hingi niya kaagad ng tawad.
"It's okay" saad ng lalaki." wait diba ikaw yung nabunggo ko kanina?" tanong ng lalaki. Tiningnan naman niya ito sa muka.
"I'm Warren Klay Byllon" pag papakilala ng lalaki sa kaniya saka nag lahad ng kamay.
"Victoria Joy Frellion" pag papakilala niya rin saka inaabot ang kamay nitong naka lahad.
"Anong bang ginagawa mo dito at nakikipag siksikan karin sa mga taong to"
"Nagugutom na kasi ako sakto namang nakita ko tong mga hilerang tindahan kaya no choice ako kundi ang maki siksik din" paliwanag niya.
Hinawakan ng lalaki ang kamay niya saka hinila siya nito palabas sa mga taong nag sisiksikan.
"San moko dadalhin?" tanong niya.
"Di ba nagugutom kana, may alam akong malapit na restaurant dito, doon nalang tayo kumain para di na tayo makipag siksikan doon" sagot nito.
Tumango naman siya saka hinayaang hilain siya ng lalaki.
"Were here" anunsyo ng lalaki. Tiningnan naman niya kung nasaan sila.
Nasa harap sila ng isang maliit na restaurant. Gomi resto basa niya sa naka sulat doon.
Hinila naman siya ng lalaki sa loob saka pinaupo sa bakanteng upuan. Umorder naman ang lalaki.
"Saan ka nga pala nakatira?" tanong ng lalaki.
"Sa 101 Road, Purok 63 ikaw?" sagot niya.
"101 Road, Purok 64"
"Wow mag kapit bahay lang tayo?" mangha niyang tanong.
"Yep" sagot ng lalaki kasabay nang pag dating ng pag kain nila. Bigla namang kumalam ang sikmura niya sa gutom.
"Kain na" paanyaya ng lalaki. Tumango naman siya saka nag simulang kumain.
"Dahan dahan sa pagkain wala kang kaagaw"
"Nagugutom nako eh, wala pakong almusal kanina bago ako umalis" saad niya habang kumakain. Marahan namang tumawa ang lalaki.
"Bakit kasi hindi kumain muna bago umalis"
"Wala lang tinatamad ako eh" Warren chuckle and continue eating.
"Ako na mag babayad" presinta ng lalaki na mag bayad.
"Ako na may pera naman akong dala dito" tangi niya.
"Di na ako na nga libre ko narin sayo"
"Okay" saad niya. Ang lalaki nga ang nag bayad ng pinagkainan nila.
"Saan ang next na pupuntahan mo?" tanong ng lalaki. Matapos mag bayad ng bill.
"Di ko alam, baka mag lakad lakad nalang ako jan sa tabi tabi" sagot niya rito. Nag lakad sila palabas ng restaurant.
"Pwede maki sabay wala rin kasi akong iba nang pupuntahan eh"
"okay" pag payag niya sa lalaki. "Dito kaba nakatira?" tanong niya rito.
"Yeah, ikaw?"
"Hindi,nag babakasyon lang ako sa bahay ng mga magulang ko for 2 month"
"Ahh, eh san ka ba nag aaral?"
"Sa maynila ako nag aaral" tumango naman ang lalaki.
"Mag lalakad kaba pauwi?" Tanong ng lalaki.
"Oo para exercise narin" sagot niya.
"Sabay ako ha, hehe" she nodded. Nag lakad silang dalawa ng mag kasabay. Nag kwentuhan naman sila ng lalaki habang nag lalakad.
Dahil sa pag kwekwentuhan hindi nila namalayan na nakarating na sila sa harap ng bahay niya.
Mahigit isang oras na pala silang naglakad. Kaya pala medyo nananakit na ang paa niya.
"Sige na pasok nako, thanks " kumaway siya sa lalaki bago pumasok sa loob.
"Sighe see you again" kumaway din ang lalaki pabalik.
Pagpasok niya sa loob tahimik. Siguro'y nasa kanya kanyang kwarto ang mga ito.
Nag lakad narin siya papasok sa kwarto niya. Ngayon niya naramdaman ang pagod kanina sa pag lalakad.
Hinubad niya ang suot na sapatos saka nahiga sa kama. Mabilis namang bumagsak ang talukap ng kaniyang mga mata sa pagod.