"Joy may naghahanap sa iyo sa baba" saad ng ina ng pababa na siya ng hagdan. Sino naman ang nag hahanap sa kaniya?
Baka ang kaibigan niya. Ngunit wala naman itong nasabi na pupunta ito.
Tatanongin niya pa sana ang ina kung sino ito ngunit naka alis na ang ina sa harap niya. Nag lakad nalang siya papunta sa pinto para tignan kung sino ang nag hahanap sa kaniya.
Binuksan niya ang pinto at bumungad sa kaniya ang isang lalaki.
"Warren?" tawag niya sa lalaki habang nakatayo sa labas ng bahay nila. Lumingon naman ang lalaki sa kaniya.
Ngumiti ito bago sumagot"Good morning Joy" magiliw na saad nito.
"Bakit ka napa rito?"tanong niya.
"Ah, kasi balak sana kitang yayaing gumala ngayon" nahihiyang tugon ng lalaki. "Kung okay lang sayo, pero kung busy ka okay lang next time nalang"
"Sige sasama ako wala naman din akong ibang gagawin pa" pag sang ayon niya sa lalaki. Wala naman talagang siyang gagawin.
Ang ate niya at ang asawa nito lumabas para mag date. Aminin niya man nagseselos siya sa mga ito kahit na kabit lang siya ng lalaki at ang kapatid niya ang tunay.
"Talaga?" Hindi makapaniwalang saad nito.
Tumango sita" what time ba?"
"Kung pede ngayon sana" ani nang lalaki saka siya tiningnan.
"Sige mag bibihis lang ako. Pasok ka muna sa loob doon kamag intay." paanyaya niya sa lalaki.
Binuksan niya ng malaki ang pinto para papasukin ang lalaki. Isinara niya ang pinto ng makapasok ang lalaki.
Pinaupo niya naman ito sa sofa saka siya umakyat sa kwarto niya.
"Sino yung lalaki sa baba?" tanong ng ina pag labas niya sa kwarto matapos niyang mag ayos.
"Kaibigan ko po ma"sagot niya sa ina habang isinasara ang pinto ng kwarto niya.
"Kaibigan lang ba talaga" panunukso ng ina.
"Kaibigan ko lang po talaga yun ma"
"sabi mo yan. Saan ba kayo pupunta?"
"Niyaya niya po ako gumala eh"
"In fairness ang gwapo at ang tangkad huh, pwede na" nakangiting saad ng ina."Saan ba nakatira yan?"
"Jaan lang po sa kabilang bahay" sagot niya sa ina. Nagulat naman ang ina.
"Warren ba ang pangalan ng lalaking iyan?"
"opo"
"Bunsong anak pala iyan nina Wilo at Grela. Hindi ko nakilala kanina"
"Opo. Sige na ma baka mainip na si warren sa baba" saad niya sa ina.
"Oh sige wag papagabi ha umuwi kaagad" tumango naman siya sa ina.
Bumaba siya ng makapag paalam sa ina. Nakita naman niya ang lalaking nakaupo lang sa sofa habang iniintay siya.
"Tara na" wika niya ng makababa ng hagdan.
Tumango naman ang lalaki saka hinawakan ang kamay niya at hinila palabas ng bahay.
"Sakay na" Saad ng lalaki saka binuksan ang pinto ng sasakyan nito. Maganda ang sasakyan nito halatang mamahalin.
Tumango siya saka pumasok sa loob ng sasakyan ganon din ang ginawa ng lalaki. Saka nito pinaandar ang sasakyaan.
"Saan ba tayo ngayon?" tanong niya sa lalaki habang nag mamaneho.
"Yello Sm maganda dung saka kakabukas lang nung nakaraang araw. Marami pang pasyalan sa loob" Paliwanag nito sa pupuntahan nila.
"Okay" sagot niya saka tumahimik. Buong biyahe walang nag imikan.
Wala naman kasi silang pag uusapan. Sumama lang naman siya sa lalaki para makalimot.
Nang makarating sa Yellow Sm. Kaagad na bumaba siya sa sasakyan. Hindi na niya inintay na pag buksan siya ng lalaki.
Bumaba narin ang lalaki. Hinawakan naman nito ulit Ang kaniyang kamay. Hindi na siya pumiglas saka nag pahila sa lalaki.
Hinila siya nito sa loob ng Yellow Sm. Dinala siya nito sa isang sinehan. Sinehan? Dito ba nito balak siyang dalhin.
Nang makarating sila sa sinehan. Pumila na ang lalaki saka bumili ng dalawang tikit. May dala narin itong pop corn at soft drinks.
"Tara nood tayo!" masayang wika ng lalaki. Tumayo siya saka sumunod sa lalaki papasok sa loob.
Wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa gusto nito. Ito namanang nag yaya na lumabas sila.
"Favorite ko tong movie na to" saad ng lalaki. Habang umuupo sila.
"Ano bang movie ang papanoorin natin?" tanong niya.
"Action. Panoorin mo nalang mamaya. Maganda yan promise"
Itinutuk niya ang atensyon sa screen. Kinuha niya ang soft drinks saka pop corn nang mag simula na ang palabas.
Seryosong nanonood lang siya ng palabas. Ang ibang nanonood ay nag titiliin na sa tensyon dahil sa pinapanood.
Mayamaya may naramdaman siyang kamay na humahawak sa kamay niya. Tiningnan niya kung kanina ito.
Nakita niya ang lalaki na nakatuun ang pansin sa screen ang kamay naman nito ay naka hawak na sa kamay niya.
Tapos na ang palabas ngunit ang kamay nito hindi parin bumibitaw sa kamay niya. Tinatanggal niya ang pag kakahawak sa kamay nito ngunit hindi nito pinapakawalan.
"Tara kain muna tayo nagutom ako eh" wika ng lalaki habang hawak hawak parin ang kamay niya parin.
"Okay" sagot niya. Kahit na nababagot na siya na kasama ito.
Hinila siya nito sa isang kainan. Para itong kaibigan niya mahilig mang hila kung saan saan. Na mimiss niya na ang kaibigan. Kailan niya kaya ulit ito makikita.
Pumasok na sila sa loob ng isang resto. Saka na upo sa bakanteng upuan. Ang lalaki naman ay pumila na para bumili.
"Joy?" biglang may tumawag sa kaniya sa kaniyang likuran. Lumingon siya sa pinanggalingan noon. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita.
"Ate Grace" gulat niyang saad. Kasama nito ang asawa nito. Bumilis naman ang t***k ng puso niya.
Coincidence nga naman. Dito rin pala sila nag date ng asawa nito.
"Anong ginagawa mo dito mag isa?" tanong ng kapatid.
"ahh w-wala"
"eh anong ginagawa mo dito?" tanong ulit ng kapatid. Tiningnan niya ang lalaki. Seryosong naka tingin ito sa kaniya.
Mag sasalita pa sana siya ng may mag salita sa kaniyang likuran. "Joy tara kain na tayo" saad ni Warren sa likuran niya. Nanlaki naman ang mga mata niya.
"May kasama ka pala, akala ko wala" saad ng kapatid. "Pakilala mo naman kami sa kasama mo" dagdag pa ng kapatid.
"Ahh si warren po ate k-kaibigan ko" binalingan niya ng tingin ang asawa nito. Matiim itong nakatitig sa lalaking kasama niya.
"Manliligaw mo?" tanong ulit ng kapatid.
"hello po"singit ng lalaki. Nginitian naman ito ng kapatid.
"Ah hindi po ate, kaibigan ko lang po talaga si warren" depensa niya.
"Kumain nalang tayo sa iisang table, para sama sama tayo" suhestiyon ng kapatid. Tumango naman siya saka naupo silang lahat.
Nakabili narin ang mga ito ng pag kain kaya kakain nalang sila.
"Anon nga palang ginagawa niyong dalawa dito sa Yellow Sm?"
"Niyaya ko po si joy dito, kasi bagong bukas lang nitong Sm." Si warren na ang sumagot sa tanong ng kapatid niya.
"Ahh" tanging saad ng kapatid saka nag patuloy sa pag kain. Lumingon siya sa gawi ng lalaki. Nakatitig ito sa kaniya. Parang galit. Ano naman kaya ang problema nito?
Huminga siya ng malalim saka nag patuloy sa pag kain.
"Saan kayo pupunta pag katapos niyong kumain?" tanong ng kapatid.
"Depende" sagot ni warren.
"Mas maigi pa kong sama sama nalang tayong mag libot dito sa loob ng Yellow Sm" opinyon ng kapatid.
Tumango naman silang dalawa. Sabay sabay silang nag gala sa loob ng Yellow Sm. Matapos silang kumain.